Monday, August 29, 2011

Chapter 55

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko galing sa mismong bibig ng Prom King slash Bryan Levi Rextor. Ano ba? Naguguluhan na talaga ako sa takbo ng utak niya. Noong una, gusto niya na akong layuan tapos ngayon naman ay nagpaparamdaman na naman siya. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa akin? O sa amin?

Magsasalita pa sana ako at tatanungin ko pa sana siya kung bakit niya ginagawa ang mga ito kaso nakita ko ang isang kamay na mukhang nagyayaya sa aking sumayaw. Napatingin ako sa mukha ng taong ito at hindi na rin ako nagulat. Classmate ko lang naman yung nagyaya sakin. Binitiwan naman ako ni Levi nun at umalis na rin siya. Siguro by this time ay nakahanap na rin siya ng masasayaw niya.

Marami pa akong naisayaw. Kabilang dito yung mga classmates ko, ibang batchmates, mga juniors na hindi ko naman kilala or ka-close, si Yohan at si Fuchsia. Unti-unti nang dumidilim. Hudyat lang na malapit nang matapos ang Prom. Sobrang bilis talaga ng panahon. Feeling ko hindi ako makakahabol.

"Okay. So congratulations for the winners. The JS Prom is about to end so this is your last chance to save the last dance for the one you care the most." nagpalakpakan ang mga tao at kanya-kanyang tayuan ng ang mga kalalakihan.

Malamang ay puro couples lang ang pumunta doon sa gitna. Sobrang sweet nga eh. Yung iba halos nagyayakapan na dun. Sa school hindi pwede yan. Pero dahil JS Prom naman, magiging legal muna ang PDA slash Public Display of Affection. Buti pa sila in love.

"ehem"


Napatingin naman ako sa likod 'ko. At laking gulat ko nang makita ko si Levi. Ano bang balak niya ngayon?!

"Gusto sana kitang isayaw. Pwede ba?" ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Lalo akong kinabahan sa kanya. Kasi naman eh. Sobrang gulo niya talaga. Tumango lang naman ako. Gusto ko rin naman siyang kasayaw eh.

Hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan kaming nagtungo sa gitna ng dance floor. Napapalibutan kami ng ibang couples na sobrang sweet kung magsayaw samantalang kami ay may awkwardness pang nababalot. Pagkatapos ba naman kasi ng paglayo niya sakin, bigla-bigla siyang lalapit. Kamusta naman yun?!

Hinawakan niya yung waist ko at ako naman ay pinatong ko yung kamay ko sa shoulders niya. Sabay kaming gumalaw sa tugtog ng malumanay na musika. Parang akong nakaramdam ng fireworks sa loob ng sarili ko. Kakaiba yung nararamdaman ko. Everything was so romantic and.... so true.... at sobrang sincere.

"Pag sinabi ko bang mahal kita, maniniwala ka pa rin?" wala akong masabi. Ngayon pa lang kasi, ramdam ko na rin mahal niya pa rin ako.

"Kahit na sinaktan kita? Maniniwala ka pa rin?" parang gusto kong umiyak nun. Ewan ko rin kung bakit eh.

"Sa totoo lang, sobrang mahal kita. Ayaw 'ko na masaktan ka sa huli. Ayaw ko na mas lalo kang mapalapit sakin dahil alam kong iiwan rin kita. Handa ka bang magmahal ng taong iiwan ka rin sa huli?" nangamba ako. Ito na ba yung dati 'kong iniisip? Kung ganoon, totoo pala. May sakit nga pala siya at iiwan niya din ako. Ayaw kong isipin ang mangyayari. Dahil feeling ko hindi ko talaga kakayanin.

"Levi, please stop" bulong ko pero mukhang hindi naman niya narinig.

"Sana maintindihan mo ako. Mahal na mahal kita pero dapat na kitang iwanan ngayon. Kung magkita man tayo ulit, handa akong sabihin sayo na ikaw pa rin ang mahal ko" ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Kaya pala ayaw niya ng commitment dahil iiwan niya din ako.

"Hindi 'ko kaya, Levi" sabi ko sa kanya.

"Kakayanin mo yan. Alam ko. At pipilitin ko na kayanin rin 'to. Pero tandaan mo na ikaw lang talaga ang mahal ko. Sana maintindihan mo ang lahat ng sinasabi ko sayo. Alam kong hindi gaano malinaw ang lahat." tumango ako sa kanya. Mas gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makasama ng sobrang tagal

"May favor ako, Levi" nakitang kong tumaas ang isa niyang kilay. "Gusto 'kong maging tayo na. Yung may commitment. Kahit 5 seconds lang" feeling ko babaha na ng luha dun sa hotel. Nakita kong pumikit si Levi at bigla niya akong niyakap.

"5 seconds lang" bulong niya sa tenga ko.

"5...4...3..." lalo 'kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya.... "5...4...3" habang nagwi-wish na sana merong 5 seconds na hindi matatapos.

***

Normal na ulit ang takbo ng panahon. Sobrang lapit na talaga ng graduation. wala na kasi kaming ginawa kundi mag-practice sa papalapit na graduation. Sinabi na rin kung sino yung mga magkakaroon ng awards. Congratulations kay Yohan dahil siya ang valedictorian ng batch namin. Halata naman na eh! Sobrang talino kaya ng taong 'yan.

Okay na rin kami ni Levi. Nagtaka pa nga ang lahat ng barkada eh. Parang kasing on and off yung relasyon namin. Everyday ay nagdadasal ako na sana lumakas na si Levi at gumaling na siya sa sakit niya para hindi niya na ako iwanan. Every night para bang gusto kong umiyak. Iniisip ko kasi na pagkatapos ng graduation ay wala nang kami. Wala na ang `Ingrid and Levi`.

"congrats Yohan! Galing mo talaga!" sabi naman ni Rose kay Yohan. Inulanan si Yohan ng kung anu-anong papuri kahit na obvious naman na siya na talaga ang 1st honor.

"Thanks guys" humble talaga 'tong lalaking 'to eh.

Nagkaroon pa kami ng maraming preparations. Bumili na ako ng bago kong sunday dress dahil kailangan namin sa opening mass. Hindi pa naman ako excited mag-college eh. Feeling ko nga ay hindi pa ako ready mag-college.

Kaso hindi mapipigilan ang oras. Feeling ko hinhila na ako ng college life. Mabilis ang panahon. Akalain mong March na ngayon at araw na ng graduation namin. Kinakabahan ako sa mga sunod na mangyayari. Baka mamaya madapa ako or something. o baka ako lang yung mawalan ng diploma sa batch namin. naku po, wag naman sana.

Buti na lang at hindi sabay ang graduation ni Ate Ivette. Bukas pa kasi ang graduation ng St.Claire kaya naman nakanuod pa sila mama, papa at si Ate Ivette.

Nagsimula naman na ang mass. nagdasal ako na sana pagkatapos ng graduation ay okay na ang lahat. Sana po okay na si Levi at hindi niya na ako iwanan. Gusto ko ngang umiyak nun pero alanganin sa mahal na make-up, pinigilan ko ang mga luha ko. Hindi ko kaya na mawala si Levi pero kakayanin ko na lang basta alam ko na mahal niya ako.... kahit na mawawala siya.... na siya sa mundo....

Pagkatapos ng mass ay nagsimula na ang ceremony. Waaaaa, feeling ko isang minuto lang yung mass eh!! ayaw ko pang magpaalam sa mga batchmates ko. Nagpadala ng isang inspirational message yung principal namin at yung ibang teachers. Then, nag-awarding na rin.

"For the batch valedictorian, Congratulations Yohan Neil Lazaro!" nagpalakpakan ang lahat habang naglalakad si Yohan sa stage kasama ang parents niya na sobrang proud naman.

Then, tinawag na ang salutatorian para magbigay ng speech niya and of course, para sa valedictorian na si Yohan! Mas malakas ang palakpakan sa kanya kesa dun sa 2nd honor.

"Uhm, good morning batchmates, teachers and guests." panimula niya. "I'm Yohan Neil Lazaro. Yes, katulad niyo rin ako na minsang nangarap, minsang nagmahal at minsang nag-cram sa mga projects at exams" nagtawanan ang lahat sa sinabi niya. Nakaka-relate talaga eh, ano? "Sa totoo lang, nung una seryoso talaga ako sa pag-pursue ng pagiging 1st honor. Wala akong ginawa kundi mag-aral. Pakiramdam ko kasi dito ko lang mapapatunayan ang sarili ko. Pakiramdam ko ito lang ang pwede 'kong ibahagi sa iba. Pero there's more to that pala. Hindi lang pala puro knowledge, katalinuhan, at grades ang sukatan sa kung ano ka ngayon. Hindi puro numero at scores ang huhubog sa Yohan Neil Lazaro na nasa harapan niyo ngayon" nag-pause muna siya. "Hindi sa dami ng medals, awards at quiz bees na nasalihan mo ang magdidikta sa personality mo. Hindi lang grades ang dapat umikot sa buong high school life natin. Natutunan ko lang yan ngayong fourth year. Hindi ko 'yan natutunan galing sa science, math, at kung anu-ano pang subjects. Natutunan ko yan based on experience at galing ito sa mga kaibigan-- totoong kaibigan-- ko na naging mga guro ko sa halos lahat ng bagay" 


"Ngayon ko natutong lumaban at hindi magpakatorpe sa mga nararamdaman ko. Ngayon lang ako natutong maglakas ng loob. Siguro kung hindi ko nakilala ang mga totoong kaibigan 'ko, wala ako sa harapan niyo ngayon. malamang ay umabsent ako dahil hindi ko kakayanin na magsalita sa harapan ninyo. Ganoon ako kahina dati pero ngayon, alam ko sa sarili ko na malakas na ako. Thank you sa mga taong naging malaki ang parte sa buhay ko." tumingin siya sa direksyon kung saan nakaupo ang buong barkada. "Thank you Levi. Ang haba na ng pinagsamahan natin pero ngayon lang kita nakilala. Salamat 'tol at tinuruan mo akong manligaw" nakita kong ngumiti si Levi. Wow, natuto na rin siyang ngumiti! WAHAHAH. "Thank you rin kay Rose. Maraming mga nangyari. Pero salamat dahil naging loyal ka pa rin sa mga kaibigan mo kahit na anong mangyari. Hindi rin kita makakalimutan" sunod naman ay tumingin siya kay Fuchsia. "At Fuchsia..."


"Oh my gosh!! Sabi ko sa inyo close kami eh!!" tawa naman kami ng tawa kay Fuchsia. Mukhang kinikilig kasi kay Yohan. Nakatikim pa tuloy siya ng hampas mula kay Vyra.

"... salamat kasi nakakatawa ka talaga. You never fail to make me laugh hanggang mawalan na ako ng hininga. Salamat bro" anak ng bro yun oh! WAHAHAHA. Then, tumingin na siya sakin. "And para sayo Ingrid. Hindi kita ka-close noong una pero naging sobrang saya ko nang naging close kita ngayon. Sa totoo lang, ikaw ang first year crush ko" lahat ay nag-ayieeeee. Grabe ha. Crush ko rin kasi siya noon, diba?!! "Dahil torpe ako, hindi ko magawang lumapit sayo. Natatawa na nga lang ako habang iniisip ko ang lahat. Hindi talaga kita makakalimutan." then tumingin naman na siya kay Vyra. naku po! "And to Vyra... to think na alam mo naman na ang lahat ng gusto kong iparating sayo... gusto ko pa rin na sabihin sa lahat iyon... na salamat dahil pinayagan mo ako na mahalin ka... I love you very much" namula naman nun si Vyra pero hindi niya pinahalata na kinikilig talaga siya.

"sila po pala ang mga magigiting kong guro. sila ang nagturo sakin ng kung anu-anong values at kalokohan. Sila ang mga totoo kong kaibigan. Alam ko na kayo rin po ay mayroong ganyan. At alam ko rin na malaki ang importansya nila sa inyo. Kahit na maghiwa-hiwalay man kayo ngayon, sana walang kalimutan. Remember na sa college ay marami pa tayong makikilalang iba. But wag natin kalimutan na we should make new friends but still learn to cherish old ones. Thank you. Yun lang po and good day to all" siya ay muling pinalakpakan.

Nagtapos ang graduation namin sa isang mabagal na kanta. Ginamit namin ang oras na yun para makipagyakapan sa mga sa mga classmates at batchmates namin na iiwan rin namin. Yinakap ko si Fuchsia at Rose kahit na pwede pa rin naman kaming magkita kahit papaano. Yinakap ko si Vyra at Yohan na kahit sa sandaling oras lang ay naging totoo sila sakin. Yinakap ko rin si Levi... dahil hindi ko alam kung mayayakap ko pa siya ng ganito...

"Naisip mo na ba kung saan ka magco-college?" tanong ko kay Levi.

"Yep. Gusto kong mag-aral ng architecture. Sigurado na ako" sabi niya sakin. Tumango na lang ako then I reached out my hand to him.

"So, is this goodbye?" pinilit kong ngumiti kahit na mahirap.

"Yes, this is goodbye" at alam ko na pinilit niya ring ngumiti kahit na mahirap.

"I love you" ayaw kong sabihin nun pero bigla na lang lumabas sa bibig ko.













"I love you, too"

No comments:

Post a Comment