Thursday, June 2, 2011

Chapter 21

Tumatakbo ang araw ng 70 days OPLAN kaso bigla akong nawalan ng ideas. Ang hirap kasing mag-isip e. Feeling 'ko kapag tinuloy 'ko 'to, lalo akong mahuhulog sa kanya. Nakakainis kasi siya e. Hobby niya talagang magbigay ng mga motibo sakin?

"Ano ng plano mo sis? Halos one week na, wala pa bang progress?"


Napasigh naman ako nun. Sasagot na sana ako kaso biglang pumasok yung adviser namin. Parang automatic nga na naging tahimik yung klase namin e.

"Class, gusto 'ko lang ipaalam sa inyo na next week na ang Interschool Event natin with St.Claire International School"

Sumimangot naman nun yung adviser namin. Matalik na karibal nga kasi ng school namin yung school na yun diba? Palagi daw kasing napapahiya yung mga faculty namin e. Yung iba 'ko namang classmates ay wapakels lang. Dahil halos boys nga sila, puro DOTA at Grand Chase lang ang nasa isip nila.

"Syempre, yung mga Quiz Bees ay sasalihan ng Top 5 ng klase ng mga section plus all of the students of the Star Section"

As usual, magiging loner na naman ako niyan. Hindi ako makasali ng top 10 ng section namin, top 5 pa kaya! Magaling kasi talaga 'tong si Fuchsia at Rose e. Kasali palagi sa Top 5.

"May mga booths din na itatayo tayo. Ok? Every section dapat meron nun. Sino bang may naisip na magandang booth dyan?"

Lahat naman ay nag-tinginan sa isa't-isa then inulan naman yung adviser namin ng mga kung anu-anong suggestions. Kesyo Haunted House daw, Marriage Booth daw, Jail Booth, at kung anu-ano pa.

"Miss, kung mag-dating booth na lang kaya tayo?"

Hindi naman na ako nakikisali dun kasi alam 'ko namang hindi masusunod yung suggestion 'ko. And in the first place, wala naman akong isa-suggest.

"Pwede rin! Lagyan lang natin ng twist. Blind Dating Booth ang itawag natin?! Kumbaga, nakapiring yung gustong maka-date nung customer. Example may crush siya dun tapos ayaw niyang ipaalam. Pwede diba?"

Nagpalakpakan lahat. Maganda daw kasi ang suggestion na yun. If I know, gusto lang nila maka-date yung mga babae na taga-St.Claire na hindi nalalaman ng mga babae na 'yun kung gaano kapangit itsura nila! WAHAHAHA.

"Kayong bahala. Basta sure kayo na kaya niyong gawin yan"

Then, iniwan kami nung adviser namin gawa ng may Emergency Meeting. Syempre, kailangang maging ready ang mga teachers sa isang gera na naman.

Nag-start nun na magplano yung mga classmates 'ko.

"Hey, may mga cashiers dapat tayo. Ok? Pwedeng maging cashier si Shaira, Jean at si..."

Inaantok naman na ako nun. Ang boring lang e.

"Si Ingird. Linista na kita dito. Cashier ka ha?"

"Ok. Fine"

So ayun, plano lang sila ng plano. Napatingin naman ako nun kay Levi. Nakikisali rin siya sa pagplaplano ng mga gimiks na gagawin dun sa Blind Dating Booth.

***

Dismissal na nun. Napasigh lang ako kasi ewan 'ko ba. Ang bigat ng pakiramdam 'ko. I felt good talaga nung araw na sinabihan niya ako na mas gusto niya ako kung simple lang ako pero kasi naman e. Naiinis ako kasi lalo akong naasa. Pero bakla siya diba?

Pumunta naman ako locker room ng nakayuko pa. Waaaa. Parang nababaliw na ako, puro na lang Levi yung iniisip 'ko e.

"Ingrid, Ok ka lang?"

Napatingin naman ako ng diretso nun. Tsk. I was expecting someone else.

"Mukhang hindi ka ok ha"

Tumango lang naman ako nun tapos ngumiti ako sa kanya. Sabay kaming pumunta sa locker room nun. Ang bait nga niya e, tinulungan niya pa talaga ako sa mga gamit 'ko. Tapos kwento pa siya ng kwento tungkol sa kung anu-anong bagay. Ako naman etong puro ngiti at `Talaga?` ang reply sa kanya. Hay nako, wala ako sa mood ngayon e.

"Gusto mo hatid kita?"

"Sure ka?"

"Kung pwede sayo e"

So yun, sabay nga kaming lumabas nung School building namin. Nagtitinginan nga samin yung mga tao e.

"Alam mo ba kung bakit ganyan sila makatingin satin?"

"E kasi masyado akong mababa para sayo?"

Napangiti naman siya nun tapos tumingin siya sakin ng diretso.

"Naiinggit kasi sila sakin. Ang ganda kasi ng kasama 'ko"

At last, I smiled na ng totoo. Parang nagjo-joke lang siya nun pero ok na din. Na-refreshed din ako kahit papaano.

"Sa wakas, ngumiti ka din"

Tumawa lang naman ako nun pero napatigil ako sa paglalakad nang makita 'ko si Cyrus na naghihintay dun sa may school gate namin tapos kausap pa niya si Levi. Tsk, wrong timing naman oh.

"Yohan? May alam ka pa bang ibang daan dito?"

"Oo, bakit?"

"Baka kasi ihatid ako nung taga-St.Claire na yun e. Ayoko sa kanya"

Nakita 'ko namang tumango siya nun tapos naglakad siya nun and sinundan 'ko lang naman siya. Liliko na sana kami sa isang side nung building kaso mukhang nakita kami ni Cyrus.

"Ingrid!"

Napatigil naman kaming dalawa ng wala sa oras nun. Napatingin ako kay Cyrus, mukhang galit nga si Levi e. Hindi 'ko lang alam kung bakit.

"Wow, kasama mo pala si Yohan"

Ang sarcastic pa nung pagka`Wow` niya ha. And medyo nagulat din ako kasi magkakilala pala sila. I never thought na magkaka-konekta mga tao dito.

"Oo, uuwi na kami. Sige."

Napatingin naman ako nun kay Yohan then bigla niyang hinawakan yung kamay 'ko at hinila niya ako papalabas nun sa school gate. Parang bumagal pa nga yung mundo 'ko nung lumagpas kami kay Levi e.

Hindi naman na kami hinabol ni Cyrus or ano pero feeling 'ko may tension sa pagitan nun. Bakit ba parang kakaiba na 'tong Cyrus na 'to?! Kailangan 'kong malaman ang background niya.

"Liniligawan ka ni Cyrus no?"

Tumango naman ako nun. Medyo nahihiya nga ako. Kasi naman e. Sana si Ate Ivette na lang para wala na akong problema!

"Hay nako. Basta sabihin mo lang sakin kung sasaktan ka niya ha."

Nagulat naman ako dun. Minsan ding sinabi sakin ni Levi yun. Ano ba talagang meron sa Cyrus na yun?

***

So yun, dumating din ang araw ng Interschool Event namin with St.Claire International School. As usual, sa kanila yung venue kasi nga sila ang nanalo last year.

Sabay-sabay ang students ng St.John na pumasok dun sa St.Claire. Isang malaking banner agad ang nakita namin.













"Welcome to St.Claire!"

No comments:

Post a Comment