Friday, June 3, 2011

Chapter 23

Ang hirap maging babae
Kung torpe you lalaki
Kahit may gusto ka... di mo masabi
Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari
At kahit mahal kita... Wala ako magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita

Nagpatuloy pa rin naman yung kanta nun. Grabe nga e. Sobrang kinikilig yung mga tao. Sino ba kasi talaga yun diba? TSK. Nagulat naman ako kasi biglang lumapit sakin si Yohan. TEKA LANG, Wag mong sabihing siya yun ha.

"Sa tingin mo sino yun?"

Nakangiti siya sakin nun.

"Alam mo ba dapat ikaw talaga yung dadalhin 'ko sa Blind Date kaso mukhang may nakauna sakin kanina. Siguro siya rin yun"

Biglang bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Teka, kung hindi siya yun. Eh di sino?

"Akala 'ko ikaw yung ka-date 'ko kanina?"

Umiling naman siya nun na parang may alam siya. HAY NAKO! Siguro pinagtritripan na din ako ng Yohan na 'to. Babatukan 'ko sana 'tong si Yohan kaso napatigil ako kasi biglang naghiyawan yung mga tao.

"Grabe Ingrid. Look at that!"

Tumabi nun yung mga tao then napatayo ako sa sobrang gulat.

At kahit mahal kita, 
Wala ako magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita

Nagpatuloy pa din naman yung kanta. There was this guy. Iba yung suot niya. Hindi yun suot ng kung sino mang taga-St.John or St.Claire. Pero mas nagulat ako kasi naka-maskara siya nun tapos papalapit siya sakin nun. Napatingin ako nun sa paligid 'ko. Katabi 'ko si Yohan. So hindi talaga siya yun. Tumingin ako sa paligid 'ko. Nage-expect ako na andun si Cyrus or si Levi. Pero wala sila pareho. Sino ka ba?

Rineach out niya yung hand niya sakin na parang yinaya niya ako na magsayaw. Parang nasobrahan yung hair 'ko sa paghaba, grabe lang e. Inasar naman ako ng mga students na tanggapin 'ko na daw so wala din naman ako magagawa kaya hinawakan 'ko yung kamay niya.

When I held his hands, nakaramdam ako ng something. Sino ba talaga 'to?

Suiran wo hen ai ni
Wo mei fenfa gaosu ni
Wo xin zhong yi you oh ~ qinai
Danshi shi wo de ai

"Sino ka ba?"

Bumulong talaga ako nun. Pero hindi na rin naman siya nagsalita. Halos lahat nai-intriga nun. Pati nga ako ay nai-intriga na din e. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko.

"Sino ka ba talaga?"

Umiling lang siya sakin nun. So ganon? Walang pansinan. Nakakainis lang e.

At kahit mahal kita (da ai ni)
Wala akong magagawa (wo zhen de mei fanfa)
Tanggap ko 'to aking sinta
Pangrap lang kita

Pagkatapos na pagkatapos nung kanta ay humiwalay siya sakin kaagad tapos mabilis siyang tumalikod sakin. Nagpalakpakan nun yung mga tao, yung tipong may natapos na isang show. Feeling 'ko nun ako si Cinderella na iniwanan ni Prince Charming. Mabilis na lumapit sakin nun si Fuchsia at si Rose.

"Shocks. Sino yun?"

"I have no idea"

"Maybe he's your prince charming"

Sabay-sabay kaming napatingin nun kay Yohan na umiiling-iling pa habang nakangiti. Alam mo yung tipong may alam siya sa nangyayare, ayaw niya lang na magsalita.

***

"For the 57th time, Ingrid, isang first year high school na babae ang nag-issue ng date mo with the unknown man kaya hindi rin namin alam kung sino yun?"

Kinabukasan, wala akong ginawa kundi kumbinsihin yung classmate 'ko na sabihin sakin kung sino yung lalaki. Gusto 'ko na kasi siyang makilala e.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

Tumango naman siya and lumayo na rin naman ako sa kanya. Lunch break namin nun kaya bumalik na ako sa table namin nina Fuchsia at Rose.

"So sino daw yun?"

"Isang first year high school daw e. Hayaan na nga natin yun. Kung ayaw niyang magpakilala, eh di wag. As if I care naman no"

As if I care nga ba? Natutulad na ako kay Levi! Syempre, may care naman ako no!

***

Dumating din naman ang dismissal. Gusto 'ko nga sanang magpahatid kay Levi kaso madaling-madali siya na umalis ng classroom. Ugh. Parang iniiwasan ako na ewan e. Nasasayang tuloy ang ilang days ng wala akong ginagawa! Wala pa akong nalalaman tungkol sa kanya. Gusto 'ko nga minsan kausapin si Vyra kaso parang ang feeling close 'ko naman. Tsaka hindi 'ko type i-open yung topic tungkol kay Levi pagdating kay Yohan.

And speaking of Yohan, nakita 'ko siya na kakadaan lang nun sa classroom namin.

"Yo Ingrid"

Seriously, napapalapit na siya sakin.

"Sabay na tayo umuwi?"

"Sige"

Then yun, nagsabay kami na lumabas sa School Building. Masaya kaming nagkwekwentuhan nun kaso bigla kaming napatigil nung nakita 'ko si Cyrus na kausap si Levi sa tapat ng school gate.

"Ano ba yan? Manliligaw o stalker?"

Umiling lang naman ako nun. Si Cyrus talaga e, nagawa pang mag-joke. Nagulat naman ako nun nang biglang hawakan ni Yohan yung kamay 'ko ng sobrang higpit. Tapos bigla siyang lumapit dun sa school gate.

"Nababaliw ka na ba?! Sana tumakas na lang tayo!"

Nakakainis 'tong si Yohan e! Baka mamaya kung anong gawin ni Cyrus sa kanya e!

"Oi"

PFFFTTT! Nakakainis naman 'tong si Yohan e. Sana nagtago muna kami no. Agad namang napatingin nun si Yohan.

"Oh?"

"Ingrid, sabihin mo nga. Boyfriend mo na ba si Yohan?"

Lumapit samin nun si Cyrus. At napansin 'ko ding umirap nun si Levi.

"H-ha? H-hindi. Ano ka ba Cy--"

"Hindi niya ako boyfriend, ok? Pero hindi rin ibig sabihin nun ay gusto ka niya"

Magpapakamatay na nga ata 'tong si Yohan e! Babatukan 'ko 'to e. Andun lang naman si Levi sa tabi nung school gate. Siguro nag-aabang lang 'yan kung meron mang gulo na mangyari ngayon. Ang haba talaga ng hair 'ko!

"Bakit? Ingrid, sabihin mo nga sakin. Ang tagal 'ko nang nanliligaw sayo ah. Mahirap ba 'kong mahalin?"

Napayuko naman ako nun. Badtrip. Si Ate Ivette naman kasi yung nililigawan niya hanggang ngayon diba?! AKALA NIYA LANG AKO!!

"Ano kase--"

Paano 'ko ba 'to sasabihin?

"Hindi ka naman gusto ni Ingrid e. Pero hindi 'ko rin naman sasabihin sayo na ako ang gusto ni Ingrid. Gusto mo bang malaman kung sino talaga ang gusto ni Ingrid?"

Nagulat naman ako nun. Ano 'to?! May plano ba 'tong bukingin ako?! Badtrip talaga 'tong Yohan na 'to!

"Yohan! Ano ka--"

"Sino ba ang gusto mo Ingrid?"

Napasubo na ako. Bigla 'ko namang siniko si Yohan nun. Kasi naman 'to e, binibigyan pa ako ng problema. Napatingin naman ako nun kay Levi.

"Kung umaamin ka na lang kasi, e di sana tapos na 'to"

Ang ganda rin ng suporta sakin ni Yohan no! Grabe, nakakatulong!

"Sino ba? Yung nakasayaw mo kagabi? Yun ba yun?"

Nagulat naman ako dun. Sa tono ng boses niya, mukhang may nabuong galit siya sa taong yun.

"H-hindi ha"

"Kung itanong mo kaya dyan sa pinsan mong si Levi"

Nagulat ako dun. Grabe talaga 'tong Yohan na 'to! Nakaka-ilan na 'to ha! Siniko 'ko naman siya nun. Paniraaaa. GRRRR. Mukhang nanlaki din naman yung mata ni Levi nun.

"Ha?"

"Levi, may hindi ka ba sinasabi sakin?"

Alam niyo gusto 'ko talagang batukan si Yohan e. Pero mas masarap batukan 'tong si Cyrus. Akala mo boyfriend 'ko siya kung paalagaan ako! Tapos nakakainis lang e!

"Ano ba yun?"

"Sino ba yung gusto ni Ingrid? Kilala mo ba?"

Nagkatinginan kami nun ni Levi. Parang bang naghihintayan kami kung ano yung isasagot namin. Magpinsan sila ni Levi. May gusto sakin si Cyrus. May gusto ako kay Levi pero hindi 'ko alam kung may gusto sakin si Levi.

Siniko naman ako nun ni Yohan na parang sumesenyas sakin na magsalita na ako. Napalunok naman ako nun. Maybe, this was a right thing to do. Siguro, pwede na rin 'tong maging isang step sa 70-days OPLAN 'ko.

"Cyrus--"

Parang lahat nagpigil hininga nun. Tapos si Yohan naman ay nakatingin lang sakin na parang may hinihintay siya ng isang bagay na kanina pa niya gustong marinig mula sakin. Samantalang si Levi naman ay parang natatakot na sa kung ano mang pwede 'kong sabihin.

Siguro close nga sila ni Cyrus. At sa kung ano man ang sasabihin 'ko ay pwedeng makasira sa relasyon nilang dalawa. Pero ewan 'ko ba... Siguro this is the right thing to say...

Dapat 'kong aminin sa kanilang lahat na si Levi talaga ang gusto 'ko. Si Levi ang gusto 'ko. At wala akong pake kung masasaktan 'ko ang iba.














"Wala naman akong gusto e. And wala naman akong oras dun" kaso hindi 'ko kaya na makitang malungkot si Levi kung masira 'ko man ang magandang pinagsamahan nilang dalawa ni Cyrus. Kaya siguro dapat 'ko na rin siyang kalimutan dahil wala rin naman kaming mapupuntahan.

No comments:

Post a Comment