Thursday, May 26, 2011

Chapter 2

"Grabe Fuchsia! Nakakaloka! Wala siyang ginawa na essay! Hindi ako maka-recover. Nasa menopausal stage pa naman ngayon si Ms.Santos! Ayun, napa-detention tuloy siya!"


Todo naman ang pag-chika 'ko kay Fuchsia at Rose tungkol dun kay Bryan Levi Rextor. Lunch time namin ngayon kaya nga feeling 'ko nasa heaven ako e. Nasa canteen kami nun, sobrang ingay nga e. Kami ata ang batch na pinakamaingay e. Nahawa ata kami sa sakit ni Fuchsia.

"Diba new student pa lang yun? Ang tibay niya ha! Nakakaloka nga 'yon! Magiging teacher's enemy pa ata yun ng wala sa oras e!"
"Oo nga e. Pero to think of it no, kung hindi lang siya mukhang bad boy e pwede siya sa taste 'ko. Ang gwapo kaya! Ang tangos ng ilong!"
"So, crush mo ba siya Ingrid?" tanong naman sakin ng inosenteng cute na si Rose.
"Ano ka ba, Baby Rose? Hindi no! Asa naman! Hindi naman siya mala-Orlando Bloom na nakakaloka naman talaga"

Nagtawanan lang naman kaming lahat. Then ayun, may bagong chismis na naman si Fuchsia. So balitaktakan na naman kami tungkol sa buhay ng ibang tao. Napansin 'ko naman kung saan kumakain si Bryan Levi Rextor. Bongga, andun siya sa table ng mga sikat sa school namin.

Andun siya sa table kung nasaan ang mga sosyal, maganda, talented at mayaman. So ganun din ba siya? Kauri  rin ba siya ng mga 'yon? Ang galing naman. Napasama siya kaagad sa top of the food chain.

"Hoy bakla, bibili ka bang iced tea?" nagulat ako sa tanong ni Fuchsia. Medyo napatitig din kasi ako kay Bryan Levi Rextor e.
"Oo, bakit?"
"Pabili naman kami ni Baby Rose. Ok?" Nasimangutan 'ko naman sila ng wala sa oras pero ok lang yun. Sila naman ang magbabayad ng iced tea 'ko e. Libre na daw nila para sa service 'ko. Ang swerte 'ko talaga. Hehe.

Tumayo ako nun then umorder ako ng tatlong iced tea. Buti nga e hindi masyado mahaba ang pila kundi baka namatay na ako sa uhaw at siguro nagtatatalak na si Fuchsia. Mahirap na 'yun no. Binigay 'ko naman na yung bayad 'ko dun sa babae then nilagay yung tatlong iced tea sa tray na hawak 'ko. Tumalikod naman ako nun para magsimula ng dalhin sa table namin pero...




*SPLOSH*



...



Ang tagal pang nag-sink in sa utak 'ko ang mga nangyari noon. Napatingin ako sa harapan 'ko nun at super nanlaki ang mata 'ko. ANAK NG TINAPA! Bakit ikaw pa ang nakabunggo 'ko?

Unfortunately, natapon 'ko yung juice sa puting blouse ni Vyra Giselle Sanchez.

"Shit! I hate you! Alam mo bang puti 'to! Gusto mo bang ipalaba 'ko 'to sayo?"

Ok. Sobrang nahiya naman ako nun kasi nakatingin na samin lahat ng ka-batch mates 'ko. Ayoko namang magpakataray kasi feeling 'ko ako rin naman yung may kasalanan.

Kinakabahan pa ako kasi isa siya sa mga sikat samin and tito niya yung may-ari ng school. Tapos captain pa siya ng Basketball Girls Varsity. Baka ipabugbog niya ako sa mga galamay niya. Kawawa naman ang fesluk 'ko. Huhuhu.

"Sorry po talaga"

Grabe. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Mukhang may dalaw ngayon si Vyra kasi sobrang sungit niya. Lahat na ata ng tao sa school e masungit na. Kawawa naman talaga ako. Sana lamunin na lang ako ng lupa para wala na ako sa harapan ni Vyra.

"Sa tingin mo ba detergent 'yang sorry mo? Sa tingin mo paano na ako makaka-attend ng classes mamaya?!" Waaaaa. Natatakot ako. Pero grabe naman siya ha. Parang siya yung mga kontrabida sa soap opera sa TV. Wahehehe. Ano ba Ingrid?! Nagawa mo pang magisip ng walang kwentang bagay!

"Sorry po talaga. Lalabhan 'ko na lang po"

"Then what? Maghuhubad ako dito? Tss, you're not even using your brain! Pero teka ha, meron ka ba nun?" nagtawanan nun yung mga sikat. Ang ayoko sa lahat e pinagmumukha akong bobo sa ibang tao, dyan talaga umiikli ng isang pulgada ang pasensiya 'ko.

"Ano? Mukhang nakakainsulto ka ha"

Nagtitimpi na talaga ako ha. Konti na lang talaga e sasabunutan 'ko siya. Nakita 'ko namang papalapit na sakin nun si Fuchsia at si Rose. Siguro para pigilan ako, kilala naman nila kung paano ako magalit e. Pero napatigil sila nung biglang lumapit kay Vyra si Bryan Levi Rextor.

"Tama na, Vyra" nagulat ako nun. From (>.<) e naging O.O Hinawakan ni Bryan Levi Rextor nun yung balikat ni Vyra para pigilan siya.

"Bitawan mo nga ako, please lang?" sobrang taray ni Vyra nun sa kanya. Medyo confused na nga ako e. Mas mukha pa silang tensyonado.
"Tama na. Lika na" hinawakan niya nun yung kamay ni Vyra para hilahin siya pero pumalag lang si Vyra nun. Then, napansin 'ko naman na biglang tumulo ang mga luha ni Vyra.

Come to think of it, ano bang nangyayari dito? Parang kanina lang e iniinsulto ako ni Vyra pero ngayon e parang may away mag-syota dito sa harapan 'ko.

"Ano ba Levi?!" nagbulungan nun yung mga tao. Pero emotionless lang ang mukha ni Levi. "Napakamanhid mo talaga! Sobrang sama mo talaga! Wala ka namang alam e! Kaya wag kang makielam!"
"Vyra, umalis na tayo dito" ang kalmado niya. Ano na bang nangyayari sa mundo? Hindi ako maka-relate ha.

Bumitaw si Vyra sa kamay ni Levi tapos dali-dali siyang lumabas ng canteen. Grabe nga e. Wala akong alam sa pangyayare. Nun lang lumapit sakin si Fuchsia at si Rose.

"Baklaaaa! Dapat sinapak mo na!" biro pa ni Fuchsia. Pero masyado akong confused para tumawa pa.
"Sorry Ingrid, dapat ako na lang yung bumili ng Iced Tea. Ikaw naman Fuchsia e!" sabi naman ni Rose.
"Ok lang yun. Ano ba kayo?" sabi 'ko naman sa kanila ng may ngite.

Tumingin sakin nun si Levi then meron siyang kinuha mula sa pocket niya. Lumapit siya tapos nagulat ako ng nagpatong siya ng 100-peso bill sa ibabaw ng tray 'ko.

"Eto. Pambili" yan lang yung sinabi niya sakin tapos mabilis siyang tumakbo papalabas ng canteen.

Nainis ako nun kasi mukhang na-degrade yung pagkatao 'ko. Mukhang natapakan ng husto ang dignidad 'ko. Nakakabadtrip lang e. Oo, hindi ako kasing yaman ng mga sikat na 'yan pero sana naman hindi ako bastusin diba?

"Shocks! Ang yabang. Chill lang girl"

***

Tapos na din nun ang lunch break at lahat kami ay nasa loob na din ng classroom habang naghihintay sa adviser namin na mukhang napasarap sa pagkain. 

Kinuha 'ko naman nun yung 100-peso bill mula sa pocket 'ko tapos bigla 'kong hinampas sa desk ng arm chair ni Levi. Hindi 'ko lang talaga ma-take yung kabastusan e.

"Una, binigay 'ko 'to hindi dahil sa nagso-sorry ako sa ginawa ng kaibigan mo" napatingin lang naman siya sakin nun ng nakataas ang isang kilay niya tapos inirapan pa niya ako. "At pangalawa, hindi 'ko kailangan ng pera mo. Ok?"

Mukhang napalakas yung boses 'ko nun kasi nakatingin sakin lahat ng classmates 'ko pero wala na din akong pakielam. Tahimik niyang tinanggap yung 100-peso bill. Buti naman e hindi na siya umimik kundi nasipa 'ko na siya papuntang planet Mars.

After ilang minutes din e, dumating na din ang adviser namin. Pero hindi 'ko inakala na bad news pala ang dala niya para sakin.

"Ms.Alitagtag, narinig 'ko ang nangyari sa canteen kanina" bigla akong kinabahan nun pero chillax ka lang, Ingrid. Wala ka namang ginawang masama, diba? Nag-sorry ka naman, diba? "And sad to say e nag-complain samin si Ms.Sanchez. Alam mo namang tito niya ang may-ari ng school kaya sorry talaga. You will be facing a week of detention sa pagtulong sa library starting tomorrow hanggang Monday next week"

"Po?"

Nanlaki yung mata 'ko nun. Ang sama din ng first week 'ko bilang fourth year high school no? Sobrang tulala ako nun at tuloy naman ang pagco-comfort sakin ni Fuchsia at ni Rose. Mukhang one week 'ko din silang hindi makakasabay sa pag-uwi. Kawawa naman talaga ako. Huhuhu.

Binigay na lang samin yung time na magdaldalan kasi wala namang gagawin. First day pa lang naman daw kasi e. Pero nakakainis talaga. Sobrang lakas naman ng Vyra na 'yon! Sarap niyang sipain sa mukha.

2 hours din kaming nagdaldalan. Haaaayyy. Ang sarap na tumigil sa oras na 'to para hindi 'ko na harapin yung detention 'ko sa library. Nakakainis. E bawal ako sa  library kasi sobrang ingay 'ko kaya! Mababato lang ako ng libro ng librarian doon e.

***

Dumating na din naman ang dismissal. Hindi ako makakasabay kay na Rose at Fuchsia kasi kukuha pa ako nung form para sa Detention. Kung hindi kaya ako kumuha? Para libre takas. Wahehehe. Kaso baka mamaya maging one month pa 'yon, wag na lang. Mahirap na.

Umalis na nun si Rose at Fuchsia pagkatapos nilang magpaalam sakin. Ang bagal 'ko ngang mag-ayos ng gamit e. Pero sinasadya 'ko lang 'yon, malay mo bumagal ang oras. Pero na-realize 'ko naman na kaming dalawa na lang pala ni Levi yung naandun sa classroom. Nagaayos din kasi siya ng gamit e, siguro nagpapabagal din siya ng oras kahit na alam namin na hindi mapipigilan 'yon.

Nauna naman siyang matapos nun. Dala na niya yung bag niya nun at palabas na siya ng classroom ng bigla niya akong kinausap.

"Kita-kits na lang sa library" then nag-smirk siya.

Pero teka... That means na... 















Makakasama 'ko siya for one week! Palala ng palala ang first month 'ko ha!

No comments:

Post a Comment