Friday, May 27, 2011

Chapter 8

"WHAAAATTTT?! SISTER, Congratulations! Nakasungkit ka ng malusog na isda!"


So yan naman ang reaction ni Fuchsia nung kwinento 'ko nga sa kanila lahat ng nangyari ngayong lunch break. Nakita rin naman nila in person si Cyrus and naloka din naman silang dalawa ni Rose sa itsura neto.

"Pero mas gusto 'ko pa rin si Levi para sayo"

Eto naman si Rose. May pag-asa ako kay Cyrus. Kay Levi, wala. Tsaka mukhang mas matino naman si Cyrus. Bakit ba palaging sinasama ni Rose si Levi sa usapan? So yun, pumasok naman si Levi ng school kanina. Mas maaga pa nga siya sakin. Mukhang wala naman siyang sakit. Nag-iinarte lang naman ata siya e. Pero napansin 'ko lang na mula umaga, e hindi niya naman ako kinakausap. 

"Pero alam niyo ba, sikat pala 'yon sa St.Claire e. Hindi 'ko ma-take!" 

Natatawa na lang ako e. Parang ang sarap magtapat kay Cyrus na dapat si Ate Ivette ang magustuhan niya at hindi ako. Pero no choice naman si Ate. Alangang sabihin niya ang totoo. Baka lalo lang magkagulo. Bahala na lang daw. Kung minahal siya once ni Cyrus, e siguro kaya siyang mahalin ni Cyrus kahit na hindi nito alam na si ate si sisterlalajing. 

"Ang malas naman talaga ni Ate Ivette no! Miss 'ko na pala siya"

"Ako nga din e. Medyo matagal 'ko na rin siyang hindi nakikita"

So yun, kwentuhan ulit kami tungkol sa buhay ng kung sinu-sino. Tsaka pinagkwentuhan na rin namin yung mga TV Shows na gusto namin. Tawa nga kami ng tawa minsan e. Kung makapag-joke naman kasi si Fuchsia e, nakakaloka lang.

"Hey, Levi. Look at me"

Napatigil kami nun ng bigla naming narinig si Vyra. Ang talas talaga ng pandinig naming tatlo e. Kasi naman, pwumesto kami sa table na medyo malapit sa table ng sikat. Mukhang hindi rin naman yun narinig nung iba kaya hindi na rin kami nagpahalata.

"Ha?"

Napatingin ako nun kay Levi. Nagulat nga ako kasi nakatingin siya sakin nun. Alam mo yung tipong tinutunaw niya ako ng mga tingin niya.

"Hay nako, Levi. That's your problem. You don't know how to listen. Kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi mo ba narinig? You're making me look stupid"

Tumingin na nun si Levi kay Vyra tapos binulungan niya 'to. Napatigil naman nun si Vyra pero mas nagulat ako kasi binalin niya ulit yung tingin niya sakin. Pinagtaasan 'ko siya ng kilay non kaya tumungo siya nun at tumitig na lang dun sa pagkain niya.

"Ano bang tinitingin-tingin ng lalaking 'to?" bulong 'ko lang naman sa sarili 'ko na narinig ni Rose.

"Nagagandahan siguro sayo"

***

Ibang klase ding si Rose bumanat minsan e. Aysus, in my dreams na lang mangyayari 'yon. Pero bakit 'ko naman papangarapin na magandahan sakin si Levi? Duh, as if may mapapala.

So yun, nagpatuloy lang sa mga lessons. Ang dami nga naming quizzes e. Too bad, bagsak ako sa isang quiz. Pero ok lang, wala namang pumasa. WAHAHAHA.

Then, detention time na naman. Sayang e, last day 'ko na sana 'to kung hindi lang na-extend. Pahamak talaga e. Hanggang ngayon, hindi 'ko pa rin makalimutan yung pagka-late ni Levi. Nag-ayos naman na ako ng gamit nun. Medyo minadali 'ko nga e, at baka ma-late ako. Gusto 'ko na ding matapos ang araw na 'to.

"Sabay na tayong pumunta"

Teka, tama ba 'tong naririnig 'ko?

"May sakit ka ata ngayon ah" sabay hawak 'ko naman sa noo niya. Sumimangot lang naman siya non. HAYYY, kay sungit talaga e.

"Teka, yung polo 'ko?"

Buti nga wala yung classmates 'ko e, baka naintriga lang sila no! Mahirap na. 

"Bukas 'ko na lang ibibigay. Hindi 'ko pa plinaplantsa" tumango lang naman siya nun.

Ready na sana akong umalis nun pero bigla niyang hinawakan yung dalawang balikat 'ko tapos hinarap niya ako sa kanya. Nagulat nga ako e. Ano bang plano ng lalaking 'to? Linapitan niya ako nun tapos nakaface-to-face 'ko talaga siya ng bonggang-bongga. Feeling 'ko tumatagaktak na talaga yung pawis 'ko e.

"Ang lapit mo naman. Layo naman"

Pero lalo naman siyang lumapit sakin tapos nag-tilt yung ulo niya na parang ine-examine niya ang bawat features ng mukha 'ko. Haaayy. Ang awkward talaga e. Tinulak 'ko yung chest niya ng mahina nun pero kahit anong gawin e, malapit pa rin siya sakin.

"Wow. Sorry nakaistorbo ata ako. May kukunin lang ako sa desk. Ok lang. Go on. Isipin niyong wala ako. Wahehe."

Sabay kaming napatingin ni Levi dun sa biglang pumasok na classmate namin. Mabilis namang humiwalay sakin si Levi nun. At sa sobrang hiya e mukhang namumula na talaga ako. May topak pa naman 'tong classmate namin na 'to, baka gumawa ng ibang storya.

"Hoy, wala yon ah!"

"Palagi naman. Oh well, maiwan 'ko na kayo"

Then, umalis na din siya. Tiningnan 'ko si Levi nun then inirapan 'ko siya. May problema na ata sa ulo 'tong lalaking 'to e. Nung una, yung mga tingin niya sakin kanina. Tapos ngayon e etong super closeness effect.

"Ang lakas din ng tama mo sa ulo no"

"..."

Ako pa talaga ang ginamitan ng silent treatment. Haaay, Lord patawarin niyo po siya. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa.

Gaya ng sinabi niya e, sabay kaming pumunta sa library. Ayun, tahimik lang naman akong naglalakad nun. Pero isa ang napapansin 'ko kay Levi e, kanina pa siya tingin ng tingin sakin. Nakakairita lang. Parang akong pinagtritripan!

"Bakit ka ba ganyan makatingin?"

"Ha?"

Ang saya ding kausap e. May sense talaga. 

Bigla niya naman akong hinarangan nun sa way. Nagpupunta ako sa kanan, tapos pupunta din siya sa kanan. Pupunta ako sa kaliwa tapos pupunta ulit siya sa kaliwa. Tama bang maglaro ng patintero dito?! Baka ma-late lang kami at mag-aalburoto lang ang librarian namin!

"I have no time for games, okay? Ang kulit mo talaga ngayon"

"Teka nga lang, saglit lang"

Hinawakan niya ulit yung dalawang shoulders 'ko tapos linapit niya sakin yung mukha niya. Medyo napalayo naman ako nun. Ang awkward kaya. Lalo na kapag nakikita 'ko yung matangos niyang ilong pati yung eyes niya na parang tinutunaw yung kaluluwa 'ko.

"Ano ba yan? Lumayo ka nga!"

Tinulak 'ko naman siya nun ng kaunti pero humiwalay na rin naman siya. And nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad. Seriously, napuno ata ng tubig ulan yung utak niya e!

"I just don't get it. I just don't really get it!"

Sabi niya sa sarili niya. Ok. Baliw na nga ata talaga siya. Kawawang Levi. Pumasok na din naman kami nun sa library. Nagbigay ng kung anu-ano pang bilin yung librarian then umalis na din siya. So, yun nag-sort out na lang kami ng mga books. Buti nga e, medyo kakaunti lang ngayon.

Papunta sana ako sa section ng mga Science Books ng bigla akong hinarang ni Levi. Now what? Magpa-patintero na naman ba kami? Pft!

"Ano bang problema mo?"

Linagay niya ulit yung kamay niya sa dalawang shoulders 'ko at muling in-examine ang mukha 'ko. Ano ba naman 'yan?! May talking zit ba sa ulo 'ko?!

"I just don't get it"

*TOINK*

Ayun, binatukan 'ko nga. Tama lang sa kanya 'yan. Kumalas na din naman siya sakin and hinayaan na din akong ilagay sa tamang bookshelf yung mga libro na hawak 'ko.

"Nababaliw ka na talaga no"

"Yeah... sure"

Nag-aayos pa rin kami ng books pero kanina pa talaga siya nakatingin sakin e. Grabe, kung hindi naman talaga nakakaasar eh!

Pinagtyagaan 'ko na lang naman yun. Mga 6 p.m. pa lang e tapos na agad kami sa pagso-sort out ng books. Tapos lumabas na kami ng library. Buti nga hindi umuulan ngayon e, baka mamaya magpaka-macho na naman 'tong si Levi.

"Uuwi ka na ba?"

"Oo, ihahatid mo 'ko?"

Binibiro 'ko lang talaga siya nun pero nagulat ako kasi tumango siya sakin nun. As in nanlaki yung mata 'ko. WEHHHH? May crush na nga ata talaga 'to sakin e. Wahehe.

"Ay, Ok"

Then yun, lumabas kami ng school at nagsimulang maglakad. Sobrang tahimik ng paligid e. Hindi 'ko naman makausap 'tong si Levi kasi walang ginawa kundi sumulyap sakin. Kailangan 'ko na ba talagang kasanayan 'to? Buti naman at nakikisama yung panahon kasi mabilis din kaming nakarating sa tapat ng bahay namin.

"Eto bahay niyo?"

"Yeah"

Nakatitig siya dun sa bahay namin. Ano kayang iniisip neto?

"White gate. Yellow walls. Brown Roof. Two floors. May garage."

Nagulat ako dun kasi parang dine-describe niya yung bahay 'ko. Wag niyang sabihin na balak niyang pumunta dito at tinatandaan niya na ang itsura ng bahay 'ko??!

"Hoy, anong balak mo?!"

Umiling lang naman siya sakin nun tapos bigla siyang umalis sa harapan 'ko. Alam mo yung parang hinatid niya lang ako para makita yung bahay 'ko. Hirap naman niyang intindihin. 

Then yun, pumasok na din naman ako ng bahay namin. As usual, kumain at naligo. And nagpalit ng damit. Unting kwentuhan with Ate Ivette. Plinantsa 'ko na din yung polo ni Levi. And gumawa na din ako ng assignments. At natulog na din. Another day na naman bukas!

***

Dala 'ko naman na nun yung polo at t-shirt ni Levi. Nakalagay nga sa isang paper bag e. Medyo late nga ako nagising e pero buti na lang e sakto ang dating 'ko sa school. Mga 7:15 a.m. e andun na ako. Ok pa rin.

Pumasok ako sa classroom namin at mukhang nagre-ready na yung mga classmate 'ko sa  pangaasar nila.

"Good Morning, Ingrid Alitagtag-Rextor"

inirapan 'ko lang naman yung isa 'kong classmate na 'yon. Hay nako, kung makapagjoke talaga e hindi makatotohanan! Ang kukulit lang.

Lumapit naman ako nun kay Levi tapos inabot 'ko sa kanya yung paper bag.

"HUYYYYY!! ANG SWEET NAMAN!!!" sabi ng isa 'ko pang classmate. Ang sakit talaga sa ulo ng mga 'to oh.

"Wow naman, Ingrid. Chocolates ba 'yan?"

"Ano ka ba baby Rose?! Anong chocolates ka dyan?! Yan lang yung polo niya pati yung t-shirt niya no!"

Nagulat lahat ng classmates 'ko nun sa sinabi 'ko. Then tumingin sila sakin ng parang sinasabi ng mga mata nila e `anong ginawa niyo kagabi?`. Nataranta naman ako ng bonggang-bongga nun.

"Oh my gosh bakla!! Hindi 'ko akalain!"

Ano ba 'tong mga classmates 'ko?! Dirty thoughts masyado ha! Tiningnan 'ko naman si Levi na nakatingin lang naman sakin. Bakit ba ayaw nitong ipagtanggol ang reputasyon niya?!!

"Guys, it's not what you thi--"

Biglang tumayo si Levi and hinawakan niya nun yung mukha 'ko. Sobrang blangko pa din ng face niya. Lahat ng classmates 'ko kasama na rin ako e nanlaki yung mata. Ano ba 'to si Levi?! Naka-drugs ba 'to?!















"Mukhang hindi ka nakatulog kagabi" kelan 'ko na ba siya pwedeng patayin? Ngayon na?

No comments:

Post a Comment