Sunday, May 29, 2011

Chapter 11

"Tapos eto pa ha, yung Chona na 'yan e may bagong boyfriend! Kamusta naman yon?!"


Lunch Break namin ngayon. Back to normal ulit ang buhay 'ko pagkatapos ng Acquaintance Party namin. Parang nagkalimutan din ng mga pangyayari. Hindi rin naman big deal kung sino ang Mr. and Ms.Congeniality. Pero para sakin e, big deal yun. Ewan 'ko ba. Two weeks na ang lumipas non.

Nag-uusap pa din naman kami ni Levi pero hindi na gaano. Feel na feel 'ko talaga e iniiwasan niya ako pero feel na feel 'ko rin naman yung mga mata niya na palaging nakatingin sakin. Haayyyy buhay, parang life nga naman talaga e. Sobrang gulo niya. Binibigyan niya talaga ako ng rason para isipin na may tsansa ako sa kanya.

As usual, may dalang chismis na naman si Fuchsia tungkol dun sa Chona na hanggang ngayon e, hindi 'ko pa din kilala. Pero hindi naman na ako nakikinig. Si Baby Rose lang naman ang pwede niyang maging ka-chikahan dyan. Napatitig naman ako nun kay Levi na as usual e andun sa table ng mga sikat kasama si Vyra at si Yohan.

Hanggang ngayon, wala pa din akong alam sa kaugnayan ng tatlong 'yan sa buhay nila. Nag-uusap nun si Levi at si Vyra pero mukhang wala namang planong makipagusap si Levi nun. Siguro sinumpong na naman. Nakakatawang isipin na dati e pinagbuhusan rin niya ako ng kainitan ng ulo niya. Natatawa ako habang iniisip yung mga pang-aasar 'ko sa kanya at pamimilosopo tuwing Detention time namin. Natutuwa din ako habang iniisip yung kakaibang ways niya para sabihin sakin na gentle--

"Iniisip mo si Levi no? Kanina ka pa nakatitig sa kanya e"

Nagulat naman ako kay Rose nun. Nagbabasa siya ng isip 'ko? WAHAHA.

"Bakla ha! Bad yan. Two-timer ka na pala ngayon!"

"Grabe ka naman bakla! Sinong nagsabi sayo na two-timer ako?"

Ako? Two-timer? Kaganda 'ko namang bata.

"Hay nako Ingrid. Kung sinasabi mo lang kasi samin ni Fuchsia yung iniisip mo ngayon, e di sana may sagot na kami sa mga tanong na bumabagabag sayo. Medyo tahimik ka na kasi ngayon this days e. Is there anything bothering you right now?"

Mind Reader ata talaga 'tong si Baby Rose e! May future siya!

"Tama ka dyan Baby Rose"

Napatahimik naman ako nun. Tumingin ako kay Levi nun na mukhang busy sa pagkain niya. Then, binalin 'ko rin yung tingin 'ko kay Fuchsia at Baby Rose na naghihintay sakin na mag-share ng thoughts 'ko sa kanila. Nagsigh naman ako nun. Sa tingin pa lang nilang dalawa, sure na ako na kukulitin lang nila ako maghapon kung hindi ako magsasalita.

"Honestly, there's this guy that has been bothering me for almost a month"

Sabay silang tumango nun. Lumapit pa nga sila sakin e. Ayoko kasi na may makarinig na iba.

"Let me guess? Siguro si Cyrus yan or si Yohan?"

ENGKK!

"Teka lang! Feeling 'ko si Levi yan no!"

Tumango naman ako sa sinabi ni Baby Rose and halata naman sa itsura ni Fuchsia na gulat na gulat talaga siya.

"Unfortunately, yes. Hindi 'ko alam kung bakit at kung paano nagsimula 'to but there's something e. Alam 'ko na sobrang bilis ata. Pero haaayyyy, hindi 'ko na talaga alam yung gagawin 'ko e"

"Grabe! Nakakaloka! Hindi 'ko akalain?! Ano ba kasing nangyayare sa inyo na hindi namin alam!"

Marami. As in. Marami.

"Kakaiba siya e. Nung naging detention partner 'ko siya, kahit na one week lang yun. Feeling 'ko sobrang tagal. Tapos napaka-unpredictable niya. Minsan akala mo wala siyang pakielam sayo pero meron pala..."

"Umiiyak ka ba?"

Hindi 'ko ulit siya pinansin at mabilis 'kong pinunasan yung luha 'ko gamit yung necktie 'ko. Dyahe na kasi kung kukunin 'ko pa yung panyo 'ko sa bulsa 'ko.


"Minsan nga nagiging hero 'ko pa siya e..."

"AAAAHHH!" sobrang bilis ng pangyayari. Sobrang hirap i-describe. Akala 'ko tatama na ako nun sa floor tapos mada-damage na ang fesluk 'ko pero nagulat ako ng sinalo ako bigla ni Levi.

Naka-yakap siya sakin nun from my back kaya naman yung likod niya yung tumama dun sa sahig. Nakapikit pa nga ako nun kasi sobrang nakakatakot talaga.

"Ano ba? Mag-ingat ka naman!"


"Tapos minsan sobrang kulit niya. In a way na nakakatuwa rin naman"

"At bakit naman ako magiging concern sayo ha? At bakit 'ko gugustuhin na makisabay sayo?"
Medyo nag-gesture naman siya na nag-iisip siya. Ang tagal nga e.

"Kasi... siguro crush mo ako?"


"Minsan naman sobrang bait niya talaga. Handa siyang magsakripisyo para lang sakin"

Naka-t shirt lang naman siya na puti nun tapos bigla niyang inabot sakin yung polo.

"Ilagay mo sa ulo mo"


"Minsan nga e nasobrahan siya sa sobrang bait niya e"

"HOY, ano bang ginagawa mo?!"

Pinagpatong niya yung polo at yung t-shirt niya tapos tinakip niya nun sa ulo 'ko. Then, inakbayan niya ako and mabilis ulit kaming tumakbo papalabas nung guard house.


"Minsan kahit nakakaasar na e, nakakatuwa pa din!"

"Alam mo hangga't hindi ka nagsasalita e, hindi ka makakakain"

"Tapos hindi mo alam kung ano yung tinatakbo ng utak niya"

"Please teach me the `so-called-emotions` of your planet"

"Tapos ang nakakaloka pa dun e, binibigyan niya ako ng rason para umasa sa kanya..."

"But you look incredibly pretty today"

Ang dami na nga niyang ginawa. To think na halos two weeks lang naman yon. Haaay, ang gulo talaga. Mukhang speechless naman nun yung kausap 'ko. Akala 'ko ba alam nila ang sagot sa bumabagabag sakin?!! Baka mamaya pinagtatawanan lang nila ako ah.

"So ano na?"

Nagkaroon ng kaunting katahimikan. Nagtinginan yung dalawa then humarap sila sakin ng diretso.

"Alam na namin ang sakit mo, bakla!"

"Oo nga. Simple lang naman e. May gusto ka kay Levi. Hindi mo lang matanggap na masyadong naging mabilis at hindi mo pa siya gaanong kakilala"

Napatango naman ako nun pero WHAT?! Bakit ako natango sa kanila? Hindi pwede. Hindi naman pwede na may gusto ako sa kanya. Crush pwede pa. Pero yung gusto?! Feeling 'ko kapareho na rin yun ng pagmamahal e.

"Siguro naman e medyo malayo pa dun"

"Ano ka ba Ingrid?! Nagbubulag-bulagan ka ba? Kasi ako obvious sakin na palagi siyang nakatingin sayo..."

Tama. Palagi nga siyang nakatingin sakin.

"Tulad ng ginagawa niya ngayon"

Nagulat ako dun at napatingin ako kay Levi. Oo nga, binalin niya yung tingin niya sa ibang bagay ng mahuli 'ko siyang nakatingin sakin. Bakit ka ganyan, Levi?! Bakit kakaiba yung kinikilos mo?!

"So, ibig sabihin nun may feelings din si Levi kay Alitagtag!"

Tumango naman nun si Rose. Ano ba yan?! Nabibigyan na naman ako ng motibo. Ayoko ng ganito e. Pero bakit parang may nagtutulak sakin na magkagusto sa kanya? Totoo bang may tsansa na magkaroon ng `kami`.

"Ano ba kayo? Medyo malabo naman ata yun no"

"Hay nako. Pakiramdam 'ko kasi sobrang torpe niyan ni Levi e. Kung ikaw na kaya ang gumawa ng first move"

AKO? GAGAWA NG FIRST MOVE. ABA, manigas siya.

"Asa naman"

"Ang taas naman ng pride mo oh. Malay mo hinihintay ka lang niya. Malay mo ayaw  niya lang ding masaktan. Diba?"

Aba, may ganito pang nalalaman 'tong mga kaibigan 'ko. Ang taray! WAHAHA.

"Kung ako sayo, ako ang gagawa ng first move"

"Pero paano?"

Is that another way of saying, `yes, I'll make the freaking first move!`?

"Hmm, siguro mas maganda kung magpaparamdam ka lang ng konti! Then, dadating ang time na sobrang sweet ng ambiance. Then, magkakaroon kayo ng aminan...."

*Fuchsia's Mind Theather*

"Ingrid, may napapansin na ako sayo"

Lalapit si Ingrid kay Levi nun at magkakatinginan sila. Hahawakan ni Levi ang kamay nito sabay may ibubulong 'to sa tenga neto.

"Sobrang ganda mo talaga.  Mahal na kita"

Ngingiti nun si Ingrid at muli sila ay magkakatitigan na parang wala ng bukas.

"Mahal na din kita"

*End*

"Ganon ang mangyayari sa inyo kapag nagkataon!"

Grabe ha. Sobrang wild talaga ng imagination. Feeling 'ko naman e walang kwenta yung mga suggestions nila. Ako? Gagawa ng first move? Hindi nga ako makapagsalita sa harapan ni Yohan e! Maka-gawa kaya ng first move kay Levi?! Pinaparusahan ba nila ako?!

"Hay nako. Wag na kaya tayong magpaligoy-ligoy pa! Kung umamin ka na lang kaya no!"

"Ang hirap naman nun, Rose"

"Don't worry, tutulungan ka namin. Kaming bahala sayo, ok?"

Tumango naman ako nun kahit hindi sure yung utak 'ko sa mga gusto nilang ipagawa sakin. Ako? Aamin ako kay Levi? Parang ang labo naman ata nun.

Tinapos na rin namin yung pagkaen nun. Pinauna 'ko na rin naman si Baby Rose at si Fuchsia sa pagpunta sa classroom kasi gusto 'ko pang maghugas ng mukha 'ko. Ayoko sa CR namin kasi for sure, e andun yung mga sosyal na pinupudpod yung mukha nila ng polbo.

Bumaba pa ako nun sa may lababo sa court. At least kasi dun wala masyadong tao. At makakapagisip din naman ako ng matiwasay.

Hay nako, nung kay Yohan naman e hindi ako naloka sa pag-iisip ng first move o kung ano man. Para kasi sakin e, sapat na nakikita 'ko lang siya sa malayo. Naghilamos naman ako nun at umiling-iling pa ako para matanggal sa buhok 'ko yung ibang tubig.

Nakakainis. Bakit kahit naghugas ako e feeling 'ko ang bigat bigat pa din ng iniisip 'ko?! Nakakaloka na talaga!

"Nababaliw na nga ata talaga ako."

That time, e kinakausap 'ko na pala ang sarili 'ko. Haayy Ingrid, kawawa ka naman. Huhuhu.

"Ingrid, bakit ikaw ang gagawa ng first move? HAAAAYY! Nababaliw ka na talaga kapag ginawa mo yun e! Paano kung hindi ka naman niya mapapansin?! Paano kung assuming ka lang! Masasaktan ka lang! Gwapo siya, alam mo yun at nababagay siya sa mga sosyal at high-class na babae! Hindi siya pwede sayo na isang simpleng mag-aaral na nagagawa pang bumagsak sa mga quizzes sa Math?!!"

Napatungo ako nun at naghilamos ulit ng mukha 'ko. Pero ano nga ba ang ginagawa 'ko? Wala naman 'tong magagawa sa dinadala 'ko ngayon e.

"Sikat siya at nasa top of the food chain siya! Parang siya ang predator, ikaw lang ang prey niya! HAAYYY! Bakit kasi siya pa?! Bakit hindi ka makuntento na tinitingnan mo lang siya?! Kasi naman siya e! Bakit siya nagbibigay ng motibo?! Bakit?! Wala siyang karapatan para bigyan akong ng chance na umasa sa kanya kung wala naman akong aasahan!!"

Buti na lang talaga walang tao na nun sa court kundi siguro akala nila e nababaliw na talaga ako.

"Nababaliw ka na talaga, Ingrid! Basta wala kang gagawin! Ok? Hindi ka dapat bumigay sa kanya! Maghanap ka ng iba?! Yung ka-level mo lang! Pwede ba yun?"

Kinuha 'ko nun yung panyo 'ko tapos pinunasan 'ko yung mukha 'ko then nagulat ako ng paglingon 'ko sa likod 'ko. Nagulat ako kasi andun siya sa harapan 'ko ngayon.

"Kanina ka pa dyan?"

"Wala ka na dun"

HAAAYY. Nakakaloka naman oh. Buti hindi 'ko nabanggit yung pangalan niya kundi matagal na akong nagpalamon sa lamang-lupa!

"Sino yung tinutukoy mo?"

Narinig niya. Badtrip. Nakakahiya talaga. Sure ako na iniisip niya na sobrang weird 'ko na.

"Wala ka na dun"

Lalagpasan 'ko na sana siya kaso bigla niyang hinawakan yung braso 'ko. Sobrang higpit nga e. Na-gets niya kaya na siya yun? Nagsigh siya nun then nagsalita siya sakin.

"Siguro..."
















"Dapat ka ngang umamin sa taong yun. Kasi malay mo may gusto nga talaga siya sayo" Ikaw? Aamin ako sayo?

No comments:

Post a Comment