Thursday, June 2, 2011

Chapter 19

Mabilis kaming napatayo ni Vyra nun. Sobrang kinakabahan nga ako e, mukha kasing nasa menopausal stage na naman 'tong si Levi. Ugh. Wrong timing kasi sobrang tahimik pa ng canteen nun.

"L-Levi?"


Nakita 'kong sinarado ni Levi yung fist niya.

"Wag ka nang magsalita. Ingrid, lika na"

Ayoko sanang gumalaw nun kaso mabilis siyang lumapit sakin then, hinawakan niya ng sobrang higpit yung kamay 'ko. Hinila niya naman ako nun papalabas nung cafeteria. Ang sakit nga ng kamay 'ko nun e. Kung makahila kasi e, parang walang bukas.

Tumigil kami nun nung medyo malapit na kami sa classroom. Feeling 'ko may sasabihin siya sakin pero ako na rin yung nauna na magtanong sa kanya.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Cyrus? Feeling 'ko ako lang ang hindi nakakaalam"

"May ipapakiusap ako sayo"

Nagsigh siya nun tapos tumingin siya sakin ng diretso.

"Ano yun?"

"Alam 'kong dadating din ang panahon na magkakagusto ka kay Cyrus pero sabihin mo lang sakin kung may masama siyang ginawa sayo. Sabihin mo sakin kaagad kung sinasaktan ka na niya. Ok?"

Bigla akong kinabahan nun. Ano ba 'tong sinasabi niya?! Hindi pa ako nakakasagot sa kanya kaso bigla niya akong nilapit sa kanya. Akala 'ko nun yayakapin niya ako kaso mukhang nagbago ang isip niya at nilayo niya rin ako sakanya.

"Wag ka ng magtanong"

Bumitaw siya sa kamay 'ko then iniwan niya ako ng mag-isa sa hallway na 'yun. Seriously, wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari.

***

Celebration na din ng Buwan ng Wika namin. As usual, nagkaroon ng Morning Program. Nanuod lang kami ng mga Folk Dances na pinerform ng Elementary. Ang cute nga nila e. Tapos prinesent din yung play ng bawat year level.  Ayos nga e, sobrang galing umarte ng Maria Clara namin!

Then, nag-break muna. As usual, solo na naman ako. Nagre-ready na kasi si Rose at si Fuchsia para sa Tagisan ng Talino. Masyado nga nilang kina-career e.

"Yo!"

Nakita 'ko naman nun si Yohan. Then, nakipag-high five siya sakin. Medyo ngayon 'ko nga lang na-realize na close na rin pala kami. Parang dati, hanggang tingin lang ako sa kanya tapos ngayon abot na abot 'ko na!

"Hi Yohan"

Binigyan naman niya ako nun ng isang Zesto na Juice. Wow, nakalibre pa ako. Wahehe. Malugod 'ko namang tinanggap yun and nag-thank you din ako sa kanya. Habang iniinom 'ko naman yung Zesto na bigay niya sakin, maraming mga tao na binati nun si Yohan. Haaaay, iba talaga ang sikat.

"Ang dami mong kilala ha"

"Naaahh. Madami nga pero kaunti lang naman ang pinagkakatiwalaan 'ko sa kanila"

Ngumiti lang naman ako nun then umupo kami sa isang kubo. Nagkwentuhan lang naman kami ng unti nun hanggang mapunta kami sa topic tungkol kay Vyra.

"Masungit ba si Vyra?"

"Hindi yun. Mabait talaga yun. Siguro wrong timing ka lang talaga pag nakakabangga mo siya. Pero mabait yun no"

Parang nakakahalata ako ha. Ehem!

"Makapuri ha. Crush mo siya no?"

Napaka-intrigera 'ko talaga. WAHAHAHA. Nakita 'ko naman siyang namula nun. Ang cute lang e. Kaya naman pala naging crush 'ko 'to dati e, sobrang cute ngumite!

"Ssshh. Wag mong sabihin ha. Pinagkakatiwalaan kita"

Flattered naman ako nun. Wow. Sana dati niya pa yan sinasabi sakin no para effective pa ang kilig vibes sakin.

"Sure! Good Luck sa kanya"

"Eh ikaw? Sinong crush mo?"

Napalunok naman ako nun. Sasabihin 'ko kaya ang totoo? Hindi pa naman ako nakakapagsalita nun pero biglang lumapit saming dalawa si Levi.

"Siya"

Nagulat naman nun si Yohan samantalang si Levi naman ay walang kaalam-alam sa pangyayari.

"Wow. Nice one"

"Ano yun?"

Ang sungit naman talaga neto oh. Hindi pa rin nagbabago.

"Wala ka na dun"

Siguro magkaibigan naman talaga sila ni Yohan. Nagkalayo lang siguro sila dahil kay Vyra. Hay nako, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig oh.

"Ganun ba? As if I care"

Ang yabang talaga neto. Nakita 'ko namang nag-smirk nun si Yohan.

"Wag kang mag-alala Ingrid. Ganyan lang talaga si Levi"

Tumango lang naman ako nun. Friends nga sila. Nagkataon lang na mahal netong si Yohan ang ex ni Levi. Siguro tungkol dito yung pinaguusapan nila nung napa-eavesdropped ako sa kanila dati.

"Yeah. Right. Whatever. Ingrid, sumama ka sakin. Pinapatawag ka ni miss"

Tumayo naman ako nun. Bakit naman ako tatawagin nun sa oras na 'to?

"Sige, bye Yohan"

Nakita 'kong umirap nun si Levi. Pero siguro wala lang yun. Gay nga pala siya so baka may gusto siya kay Yohan! WAHAHAHAHAHA.

So yun, sumunod lang naman ako habang naglalakad si Levi sa harapan 'ko. Hindi kami pumunta nun sa Faculty Building kaya medyo nagtataka ako.

"Oi, akala 'ko pupunta tayo kay miss"

"Ang kulit mo. Sundan mo na lang ako"

Then hinawakan niya yung kamay 'ko. Now what?! Ayaw na naman niyang magsalita. Hawak niya lang nun yung kamay 'ko habang naglalakad kami.5 minutes din yun. Pero para sakin, those were the most memorable ang "kilig-ever" five minutes of my life.

"Oo nga pala. Ano yung pinaguusapan niyo ni Yohan kanina?"

Napangiti naman ako nun. WAHAHAHA. As if I care pala ha?! Huli kang pakipot ka!

"Akala 'ko ba wala kang pake?"

"Ow. Ok. Nevermind"

Pakipot pa kasi e. Ayaw na lang umamin. Binuksan niya ang isang pintuan then the next thing I knew, dinala niya ako sa rooftop.

"Linoloko mo lang ako e."

Binitawan niya na din naman yung kamay 'ko.

"Diba bawal kang sumama sa ibang lalaki?"

Yeah. Right. Whatever. So dahil kay Cyrus? Ano siya alila ni Cyrus? Ano siya bodyguard 'ko na binayaran ni Cyrus?!

"Wag mo na ngang sundin si Cyrus. Gusto mo ba siya para sakin or what?"

Huminga siya ng malalim then lumapit siya sa may railings. Ako naman etong lumapit sa kanya.

"Hindi 'ko alam. It's just that, kung magkagusto ka sa kanya mag-ingat ka na lang"

"Wag mo na akong alagaan o lapitan kung puro para kay Cyrus lang. Ang manhid mo naman e. Alam mo namang gusto kita tapos sasabihin mo 'yan"

Nanlaki yung mata niya nun. Nagkaroon nga ako ng lakas ng loob para ipamukha 'ko sa kanya na gusto 'ko talaga siya e kahit na anong gender pa niya.

"Diba sinabi 'ko sayong bakla ako?"

"Oo, at alam mo na pwede akong masaktan. Kung mahalin 'ko si Cyrus, alam mo din na pwede akong masaktan. So quits lang. Pero kung papipiliin ako, I will rather choose you than anyone else"

Napailing naman nun si Levi. Hay nako.

"Just shut up. Hindi kita magugustuhan"

"Ok lang"

Pagod na rin naman kasi ako e. Pagod na pagod na akong masaktan habang pinagtutulakan niya ako kay Cyrus. At naiinis na din ako sa sarili 'ko kasi ang dami 'kong hindi alam sa kanya.

Lumapit ako sa kanya then sinandal 'ko yung ulo 'ko sa shoulders niya. Pero no reaction lang naman siya. Normally kung bakla siya, lalayo siya kaagad. So he's definitely not gay. Ugh.

"Gusto pa kitang makilala. Gusto 'kong malaman kung ano ang gusto at ayaw mo. Ok lang kahit na sabihin nating bakla ka"

Tumayo ako ng maayos nun tapos tumingin ako sa kanya ng diretso. Na-realize 'ko na sobrang gwapo niya para tumagilid ang gender niya.













"But I will try my best na gawin kang lalaki"

No comments:

Post a Comment