Saturday, June 4, 2011

Chapter 26

Pinunasan 'ko nun bigla yung luha 'ko. Naiinis ako sa sarili 'ko. Bakit ako ganon? Hindi tama na sigawan 'ko ng ganun si Rose! E ano namang magagawa 'ko kung sila ang meant to be? Kung tutuusin, mas ok nga silang dalawa e. Mas bagay silang dalawa. At pwede niya gawing lalaki si Levi gamit ang cuteness niya. Ugh.

"Ano-- May-- Sor--. I don't know what to say. Sinundan lang kita"


Napasigh naman ako nun.

"Bakit ka pa sumunod?"

Tumingin ako sa kanya ng diretso. Mukhang namromroblema nga siya kung ano yung sasabihin niya sakin e. Akalain mo yun napapansin rin pala ako ng lokong 'to!

"E kasi nakita 'kong umiiyak ka"

"Excuse me. Ako? Umiiyak? Hindi no"

Ugh. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko dahil sa inis. Ang sarap batukan ng sarili 'ko no? Makausap 'ko kaya ng matino si Rose mamaya?

"Umiiyak si Rose. Wala naman daw siyang ginagawang masama sayo e. Ano bang nagawa niya?"

"Umiiyak pala siya e. Siya ang puntahan mo. Wag mo na 'kong intindihin. Bumalik ka na dun. Pupunta lang ako sa classroom dahil gagawa ako ng assignment 'ko sa Math. Bawal ba yun? Kailangan 'ko bang pakinggan ang bawat kwento niya? Hindi ba niya iniisip na may priorities ako? Hindi niya ba naiisip na nagmumukha akong bobo kasi pinapakopya niya lang ako?"

Hindi naman talaga yun yung dahilan e. Kumbaga, palusot 'ko na lang. Ugh. Akala 'ko ba kakalimutan 'ko na si Levi pero mukhang mas tumitindi pa.

"Siguro hindi yun ang in--"

"Ok. Fine. Wala akong pake kung ano ang intentions niya. Basta pumunta ka na lang sa cafeteria. Mas importante ang Math homework 'ko kesa pagusapan siya"

Tumalikod sa kanya ako nun. I was expecting something. Pinagtatabuyan 'ko siya dahil ine-expect 'ko na hahawakan niya ang kamay 'ko at ico-comfort niya ako. Mabagal pa akong naglakad nun para bigyan siya ng chance pero.... wala eh... Hindi man lang niya tinawag yung pangalan 'ko...


Siguro nga pumunta na siya sa Rose na yun...

Dahan-dahan akong pumasok nun sa classroom. Buti na lang wala pa yung mga classmates 'ko then sinarado 'ko rin yung pintuan tapos pumunta ako dun sa pinakasulok nung classroom and napayuko na lang ako. The next thing I knew, iyak ako ng iyak. Nababagabag ako ng konsensiya 'ko. It's not right na maging bitter yung reaction 'ko. Triny 'kong punasan at pigilan yung luha 'ko kaso waepek e.

"Ano ba Ingrid?! Mag-joke ka sa sarili mo!"

Iyak tawa naman ako nun. Mukha na akong nababaliw e. Paano ako magso-sorry kay Rose neto? Feeling 'ko kahit magkabati kami, mabigat pa rin sa puso 'ko.

"Nakakainis naman e. Bwiset! Bwiset!"

Yumuko na lang naman ako nun. Hindi 'ko mapigilan yung pagluha 'ko. Dinaig pa ang Pagsanjan Falls. Grabe. Ang hirap ngang huminga e. Tapos baradong-barado na yung ilong 'ko. Tapos parang akong bata nun kasi yung pag-iyak 'ko yung may halong sigaw na talaga. Ang hirap pigilan e. 3 years straight 'kong best friend si Rose tapos ganito yung turing 'ko sa kanya. Tapos ang masakit pa, mukhang mas ok sila ni Levi.

Tumigil yung pag-iyak 'ko nun ng naramdaman 'kong may tumabi sakin. Napatingin ako dun sa katabi 'ko tapos mukhang napa-kalma ako ng presensiya niya.

"Akala 'ko ba hindi ka naiyak"

Pinunasan 'ko ulit yung luha 'ko. Nagmumukha na ata akong dugyot e.

"Bakit ka ba andito?"

"Para ipaalala sayo na wag ka ng umiyak at may kailangan ka pang gawin na homework"

Nanlaki naman yung mata 'ko nun. Badtrip. May math homework pa pala ako no? TSK. Tumayo naman ako nun at mabilis akong pumunta sa arm chair 'ko. Binulatlat 'ko na yung notebooks at books 'ko. Buti na lang madali lang yung mga equation. Mamaya naman ay umupo si Levi dun sa dati niyang upuan.

Hindi naman maiwasan ng mga luha 'ko na pumatak pa din kahit na nagawa ako ng assignment. Hindi pa kasi tapos yung pagdra-drama 'ko kanina diba?!

"Wag ka na umiyak"

Gamit niya nun yung panyo niya tapos pinunasan niya yung luha 'ko. TSK. Kung kay Rose niya na lang yan ginagawa, e di sana masaya yung ngayon.

"Ano ba? Tapos ka na bang kumaen?"

"Hindi pa"

"Bumaba ka na sa canteen. Tapusin mo yung pagkain mo. Iwan mo muna ako"

"Ayaw 'kong iwan ka"

Napatingin ako sa kanya ng diretso nun tapos napa-iling na lang ako. Ang sarap sabihin na kapag naging sila na ni Rose, iiwan niya na din ako. Tsaka hindi 'ko naman siya kailangan sa buhay 'ko ha! Nabuhay ako ng 15 years na matiwasay ng hindi 'ko pa siya kilala! Kaya kakayanin 'ko kahit wala siya sa sumunod na taon!

"Dahil mukhang mas malaki ang dinadala mo. Pero alam 'ko namang hindi mo sasabihin sakin yan e"

Hindi 'ko na lang naman siya pinapansin nun pero narinig 'ko talaga yung bawat matamis na word na sinabi niya sakin. Ilang minutes lang ay nagdatingan na yung mga classmates 'ko. Kasama si Rose at si Fuchsia. Hindi pa nga rin natigil si Rose sa pag-iyak niya e. And syempre, automatic din namang lumipat si Levi ng seat niya.

"Girl, what's wrong with you ba?"

"I said I'm fine and nothing's wrong with me."

Nagpatuloy nun ang classes. Sobrang taas talaga ng pride 'ko. Napapatingin ako kay Rose pero hindi 'ko alam kung paano sisimulan yung pagso-sorry 'ko sa kanya.

***

Dismissal na nun and syempre, hindi ako sumabay kay Fuchsia at Rose. Pumayag naman ako na si Rose na lang ang samahan ni Fuchsia. Ok lang naman sakin e. Ako naman ang may problema. Kailangan 'ko munang makapagisip. Masyado akong nadadala ng pagseselos 'ko e. Ayaw 'ko namang sabihin na nagse-selos ako kasi ang taas nga ng pride 'ko diba?

Mag-isa naman akong pumunta ng locker room nun and syempre, kinuha 'ko yung mga libro na kailangan 'ko. Babalik na sana ako ng classroom kaso napatigil ako nang makita 'ko si Vyra na inaabangan lang ako sa labas ng locker room.

"Hey you"

"Bakit?"

Pumasok siya ng locker room nun tapos sinarado niya yung pinto. Butii nga at kaming dalawa lang yung andun sa locker room e.

"What's wrong with you kanina?"

Aba, nagbabago ang budhi niya ah! Bumabait ba 'to?!

"Wala. I'm completely fine. Yan lang ba sasabihin mo? Uuwi na kasi ako e"

"Wag mo nga akong iwasan. Masyado kang obvious"

Nagulat naman ako dun sa sinabi niya. Nakikipagtarayan pa rin siya sakin but I can say na mabait pa rin siya.

"Nagseselos ka ba kay Rose at kay Levi?"

Badtrip. Bakit sobrang bilis ng pick-up ng babaeng 'to?! Hindi naman ako sumagot nun.

"Kasi kung oo, you're just wasting your time. I mean, sobrang obvious ng mga actions mo na nagseselos ka talaga. But don't worry, wala akong pinagsabihan neto"

"Hindi ako--"

"Wag ka ng mag-defend. Ok? Kung iniisip mo na I'm doing this for you, you're wrong. I'm plainly doing this for Levi."

Palagi niyang sinasabi sakin yan. Yung lahat ng ginagawa niya sakin ay para kay Levi. Ano ba ang koneksyon 'ko kay Levi diba?

Magsasalita sana ako kaso bigla naman niya na akong iniwan nun. Ang gulo din niya no? Lalapit lang siya sakin para sabihin sakin na wag magselos. Haaaaayyy, kung dinederetso na lang kasi nila ako no?

Pumunta naman ako nun sa classroom then linagay 'ko na yung gamit 'ko sa bag. Then, biglang may kumatok dun sa pintuan ng classroom namin. Ngumiti na lang ako nung nakita 'ko na si Yohan lang naman pala.

"Yo Ingrid"

"Hi. Uuwi ka na ba?"

Tumango lang naman siya sakin nun.

"Hatid na kita"

Um-oo lang naman ako then sabay na kaming naglakad. Buti nga hindi niya ako tinanong tungkol sa ginawa 'ko kanina sa canteen. Eto rin ang gusto 'ko sa ugali niya e, papangitiin niya lang ako hanggang makalimutan 'ko yung mga iniisip ako. Tumigil naman siya nun sa hallway ng first floor.

"Bakit ka tumigil?"

Then, umupo siya dun sa isang bench sa tapat ng principal's office tapos tinap niya yung left side niya kaya tumabi ako sa kanya.

"Mukhang waepek yung mga ginagawa 'ko e. Ang gloomy kasi ng aura mo e"

Tumango ako at napasigh ako sa kanya. Buti na lang talaga at andito si Yohan!

"Teka. Eto, pumikit ka. Ok?"

"Bakit?"

"Pumikit ka na lang"

Sumunod naman ako sa kanya nun. Naghihintay nga ako ng mangyayari e kaso bigla niya akong pinitik sa noo. Aray 'ko naman no! Sobrang lakas kaya nun! Kaya naman napamulat talaga ako ng bonggang-bongga nun.

"Ang sakit nun ha!"

"Hulaan mo kung ano yung ginamit 'kong pampitik sayo. Pag tumama ka, magaling ka na! Unti lang nananalo dito no!"

Ay so ganon? Game pala 'to ha. Pinili 'ko naman yung middle finger niya.

"Wow! Ang swerte mo ha! Ang galing mo!"

Napangiti naman ako nun. Adik e. Tama ba akong gawing bata? WAHAHA.

"Asus. Tsamba lang yun. Ang sakit mo namang pumitik"

Ngumiti lang naman siya sakin tapos tumayo na rin siya.

"Lika na. Uwi na tayo. Do you feel better?"

Tumango naman ako nun. Honestly, gumaan yung pakiramdam 'ko dahil sa pitik something na yun. Ewan 'ko ha. Parang ang childish 'ko nga e.

Luckily, wala si Cyrus dun sa school gate kaya safe kaming nagkwekwentuhan nun ni Yohan tungkol sa kung anu-ano. As usual, hinatid niya ako dun sa bahay 'ko. Papasok na sana ako sa gate namin nun kaso bigla siyang nagsalita.

"Yo Ingrid"

"Ano?"














"Kapag malungkot ka, sakin ka na lang lumapit" tumango ako nun and I smiled.

No comments:

Post a Comment