Saturday, July 30, 2011

Chapter 43

Hinayaan 'ko ang sarili 'ko na tuluyang mahiga sa kama 'ko. Binaon 'ko yung mukha 'ko sa unan. Ugh, hindi 'ko akalain na naging kami na talaga ni Cyrus. For real. Sumunod sa kwarto 'ko sina Vyra, Ate Ivette at Fuchsia. Gusto rin sana pumasok ni Yohan kaso bawal, for girls only talaga ang kwarto na 'to. At syempre, isang malaking exception dun si Fuchsia. Alam na naman, diba?

"Bakit sinagot mo si Cyrus? Akala 'ko ba si Levi yung gusto mo"


Sinarado ni Vyra yung pintuan niya at nagpamewang naman siya nun. Ugh, alam 'ko na mali ako.

"Ano bang pumasok sa isip mo at sinagot mo yung taong yun? Ugh. Diba binalaan kita?"

Umupo ako ng maayos dun sa kama at huminga ng sobrang lalim. Wala akong masabing palusot. Nakakainis talaga ang araw na 'to oh.

"Akala 'ko Levi ka na talaga. hindi ako makapaniwala ah"

"Hindi ko talaga alam kung bakit ko yun nagawa. I mean, hindi 'ko siya gusto pero--"

"--pero ano? Gusto mo ng panakip butas?!"

Tumabi sakin si Vyra at Fuchsia nun. Ano ba 'tong gulong pinasok 'ko? Hindi 'ko alam kung paano ako lalabas!

"Hindi mo na kailangan ng panakip butas dahil uulitin 'ko sayo na may gusto talaga si Levi sayo. Alam 'kong naging sobrang gago niya this past days pero I'm sure of it. Siguro si Rose ay isa--"

"Stop, Vyra. Please"

Nagkaroon ng katahimikan nun.

"Hindi niya ako gusto. Alam ko yun. May patunay na. Pero wag niyo ng tanungin kung ano yun"

Na-feel naman ata nila na wala ako sa mood na makipagusap. Huminga ako ng malalim at humiga ako dun sa kama. Humarap ako dun sa wall para hindi nila makita yung mukha 'ko. Hay nako. Paano ba ako mamahalin ni Levi kung mismong si siya ang tumulong kay Cyrus para ibigay sakin yung ring.

I bet na yung ring na 'to ay may naka-carve na pangalan 'ko at ni Cyrus. Tinanggal ko yung singsing sakin at tiningnan ko yung inner part nung ring. I bet talaga na may pangalan ko--

Wala.

Huh? Diba sinabi ko kay Levi na gusto ko na may nakasulat pang pangalan ko dito sa ring pero bakit wala? Ugh, hayaan na nga. Basta sigurado ako na ito yung pinili 'ko nung nagkita kami ni Levi. Sinuot ko ulit yung ring kahit na hindi ko alam kung valid ba yung reason ko sa pagsusuot ko nito.

naramdaman 'ko na gumalaw yung kama 'ko. Alam ko na tinabihan lang naman ako ni ate Ivette at tuluyan na lang na pinikit ang mata 'ko. Isang mahabang araw na naman bukas ang tatahakin ko.

***

Minulat ko nun ang mata ko at sakto mismo sa mukha ko yung magandang sikat ng araw. Ang gulo ng buhok ko nun at mukhang may muta pa ako. Umupo ako sa kama at nagulat ako nang makita 'ko si Cyrus na nakaupo na din pala dun sa kama ko at nakangiti siyang nakatingin sakin.

"Good morning Mrs.Lorenzo" sabi niya sabay halik sa noo 'ko.

"Huy" naging reflex action 'ko naman 'to para dun sa ginawa niya sakin. Para hindi siya mapahiya, nginitian 'ko na lang siya.

"Kumain ka na. Lahat ng ka-room mo nakain na sa baba oh"

tumango lang naman ako nun at sabay na rin kaming bumaba papunta sa dining area. Napatingin naman ako kay Rose nun. hmmm, san kaya siya natulog kagabi? Ugh, bakit ko pa ba siya iniisip? Hindi 'ko na nga pala dapat siya pinapakielaman.

"Kain na"

Hindi ko alam kung kay Cyrus ba o sakin niya yun sinabi pero nakaramdam talaga ako ng awkwardness. Tumango naman ako sa kanya at umupo ako sa tabi ni Yohan. Mabilis saking lumapit si Yohan at binulungan niya ako.

"Nababaliw ka na siguro, ano? Nasapian ka ba kagabi?"

Napasigh naman ako nun.

"Hindi naman siguro masama kung maging kami, diba?"

Hindi naman na siya humirit nun at lumayo naman na siya sakin. Nagpatuloy kami sa pagkain at habang kumakain kami, kwento lang naman ng kwento si Cyrus sa mga bagay na nagustuhan niya tungkol sakin. Sa mga mukha pa lang nila Yohan, Vyra, Ate Ivette at Fuchsia, halatang kulang na lang ay isuka na nila yung mga kinakain nila.

"Guys, naisip 'ko na mamasyal tayo ngayon. Don't worry. treat ko!"

"Yan ang gusto namin sayo e! Tara na!"

Good thing hindi nagpapa-KJ sila kahit na mas pinili 'kong gumawa ng mali. Masaya naman ang lahat (except kay Rose na mukhang malungkot pa rin. Dapat nga magsaya na siya e! Walang sagabal sa kanila ni Levi) na sumakay sa van papunta sa kung saan man kami pupunta. Hindi ko din alam kung saan kami pupunta eh.

Syempre, katabi ako ni Cyrus. Kami na eh. Ano bang magagawa ko? Sinagot ko siya kahit na hindi ko naman talaga siya mahal. Inakbayan ako nun ni Cyrus. nakakainis nga e, masyado siyang touchy. Kaso parang nagagawa ko paring patawarin siya kasi masyado siyang sweet. Ugh, natutuwa ako kapag sweet siya pero mas matutuwa ako kung si Levi yung sweet sakin at hindi si Cyrus.

Sandali lang naman yung byahe at bumaba na kami sa isang park nma hindi ko rin alam yung pangalan. Hay nako, wala pa naman ako sa mood ngayon. Parang mas masaya pang mag-stay sa loob ng van at mag-soundtrip kesa makipaglandian kay Cyrus. Ugh.

"Babe, sa zipline tayo"

HA? Babe? Ano daw? Tama ba ang narinig ko? At teka--

Takot ako sa heights!

Hinila ako ni Cyrus at hindi naman ako nakapalag. Grabe.

"Cyrus! Ayoko dito! Please!"

Hindi 'ko na talaga kakayanin 'to. hindi ko na nakita kung ano pa yung ginagawa nung iba naming kasama. Nararanasan rin kaya nila ang pagpaparusa sakin ngayon? Ito na ba ang kabayaran sa paggawa ko ng mali!? Ang bilis talaga ng karma oh!

"Kasama mo naman ako e"

Hinawakan niya yung kamay ko then kinalas na nung kuya na nag-aassist samin. Then the next thing I knew, I was flying. Sobrang lamig sa mukha at feeling 'ko maiihi na ako sa sobrang bilis at taas nito. Grabe. Mas lalong humigpit sakin yung hawak ni Cyrus.

"I LOVE YOU INRIIIIIDDDDD!!!!"

***

At last! natapos naman na yung kalbaryo ko. nalaman ko naman na na-try rin ng iba kong kasama pati nga si Levi eh. hindi kaya atakihin din siya ng hika niya? at sino kayang partner niya?

"Grabe!! Sobrang nakakatakot!! Akala ko mamamatay nako! As in oh my gosh!"

Nagtawanan lang naman kami kay Fuchsia nun. Baklang bakla talaga e! Tsk, sayang ang looks. Marami pa kaming triny na mga extreme eklavu. By partner nga ang nangyari e. Ako at si Cyrus, si Yohan at si Vyra, si Fuchsia at si Ate Ivette, at si Rose at si Levi. Nakakaselos nga e. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

Sa sobrang dami ng ginawa namin, feeling ko hiniwalayan na ako ng kaluluwa ko. Grabe e, kung san-san ako dinala ni Cyrus.

"Ikaw talaga! Papatayin mo talaga ako kaagad, ano?" biro ko naman kay Cyrus with matching hampas pa.

"Hindi kita papatayin, ano? Papakasalan pa kaya kita" ay may ganon? Uso na 'to ngayon? WAHAHA.

"So pagkatapos ng kasal natin, papatayin mo na ako?" Ge, makikisakay na lang ako.

"Hindi. Syempre, may reception pa at honeymoon pa. Asang mawala yung no!"

Tumawa lang naman ako nun at syempre hinampas ko ulit yung braso niya. Kawawa naman ang braso niya sakin. kaming dalawa lang sa table nun. yung iba kasi naming kasama nagpipicture-picture lang. Kinunchaba na ata sila ni Cyrus na iwan muna kami.

"Atat na nga ako e"

"Ha?"

Anong atat? Ha?

"Na mag ano... Wag na nga. Nakakahiya" 

Nanlaki naman yung mata ko nun. Anong ibig niyang sabihin? Atat na siyang makipag-you-know-na?! A big no no!!! NO!! Grabe ha!

"Grabe ka naman"

"Hindi! ito naman! hihintayin ko naman yung legal age natin, no? Magtratrabaho muna ako ng mabuti bago tayo magkapamilya" ganun ba talaga siya ka-sure sa kapalaran namin? Over ah.

"then after that? papatayin mo na ako?"

"Hindi pa rin" ano na namang banat ang sunod ngayon?

"Kasi sabay pa tayong tatanda at mamamatay" bakit ang sweet naman neto?

Hindi naman ako umimik sa kanya. Sana lahat ng sinabi niya ay magkatotoo pero sigurado ako na hindi ako yung mapapangasawa niya at makakasama niya panghabang buhay. gusto kong mag-sorry sa kanya pero hindi ko naman magawa. Hindi ko akalain na linoloko ko lang talaga siya. Sobrang sama ko talaga.

Maya-maya naman ay nakisali na rin kami sa mga picturan ng mga kasama namin. Nung umabot na ang gabi, umuwi na rin kami dun sa resthouse. Nakakapagod nga eh pero worth it pa rin. buti na lang at hindi ako nagpasya ng tuluyan na mag-stay sa van at mag-soundtrip na lang! WAHAHA.

"Hey goodnight. Love you" sabi naman sakin ni Cyrus at pumasok na rin ako sa kwarto ko ng may kasamang ngiti.

"don't say na naiinlove ka na rin kay Cyrus?"

Nagulat naman ako nun kay Vyra, ate Ivette at Fuchsia na nakapamewang pa talaga sa harapan ko. Ano ba ngayon kung nakangiti ako? In love na ba agad ako?

"Huh?"

"alam kong mahirap sagutin yung tanong na yun pero sister, mukhang masaya ka ah"

"Mukha ba? Then I'm the best actress after all"

"Pero alam mo naman na--"

for sure sasabihin na naman nila sakin na hiwalayan na si Cyrus at hindi maganda ang ginagawa ko.

"--na gusto naming magkwento ka! Go Ingrid! Anong pakiramdam ng boyfriend mo si Cyrus?!"

Natawa naman ako nun. Chismis pala ang habol nila. Umupo kaming lahat dun sa kama at nagkwento naman ako. Hindi naman sa masaya ako (oo na! masaya nga ako) pero kasi-- kulang pa si Cyrus para sakin. Alam kong demanding na ako masyado pero ugh. Hindi pa din ako maka-get over kay Levi eh.

***

Hindi naman ako makatulog nun. Nakakainggit naman 'tong sila ate, tulog na tulog eh. Hindi man lang ako madapuan ng antok. Huhuhu. Pati ba antok ayaw na rin sakin? WAHAHA. Tumayo muna ako at pumunta ng kitchen para uminom man lang ng tubig. Napatigil naman ako kasi andun din pala si Levi. Hindi rin kaya siya makatulog?

"Gising ka pa?"

"Anong tawag mo sakin ngayon? Tulog?" Pftttt. Pahiya na naman ako! Umiinom pala siya ng gamot niya nung mga panahon na yun. Gusto kong kamustahin yung asthma niya pero nakakahiya eh. Uminom na lang ako ng tubig at hindi na nagsalita pa.

Aalis na sana ako kaso bigla niyang hinawakan yung kamay 'ko. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.

"Levi?"

Hinawakan niya yung leeg ko tapos linapit niya yung bibig niya sa tenga 'ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko kasi ramdam na ramdam ko yung paghinga niya sa sobrang closeness namin. Bumulong siya sakin...

"I love you"

Feeling ko ang bilis ng pangyayare. Humiwalay siya sakin at akala ko nun tapos na pero mukhang may kasunod pa pala...


Hinawakan niya yung mukha 'ko then lumapit siya sakin at...













"May gising pa ba?"... at mabilis siyang humiwalay sakin.

No comments:

Post a Comment