Thursday, May 26, 2011

Chapter 4

Isang araw na naman ang tinahak 'ko. Lunch break na namin ngayon. Todo chikahan pa rin naman with Fuchsia and Rose. Syempre, may dalang chismis na naman ang baklang bestfriend 'ko.

"Tapos eto pa ha! Si Chona, nilalandi din pala-- yung sino ba 'yon? Yung matangkad na mukhang tulig?! Grabe, walang pinapalampas!"


Sino ba 'yung Chona na 'yon? Palaging may chismis. Hindi naman sikat. WAHAHA.

"Talaga? Ang bad naman pala niya e. Pero teka, Ingrid, ano pa lang nangyari sa detention mo? Ok lang ba?" Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, worst yon no!

"Grabe Baby Rose, ayokong ng balikan 'yon. Hindi 'ko na nga ma-take na na-extend pa yung detention dahil sa tamad na si Levi na 'yun e!" pagrereklamo 'ko naman sa kanila.

"Pero teka lang bakla ha, may something fishy between kay Vyra at kay Levi no? Lalo na yung nangyari nung first day" chismis again. Wahehe. Magaling kami dyan e.

"Oo nga e. Pansin 'ko din 'yun e. Parang may pinaghuhugutan" nagdalawang isip naman ako nun kung sasabihin 'ko ba yung mga narinig 'ko kahapon pero pinigilan 'ko na din yung sarili 'ko. Reward 'ko na 'to sa kanya dahil niligtas niya ako kahapon.

"Oo nga e. Pero wag na tayong makielam sa kanila. Alam niyo ba nakakainis 'tong si Ate Ivette?!" sabi 'ko naman sa kanila.

"Bakit naman sis?"

Flashback

"Pwede ba ikaw ang makipag-EB sa kanya instead na ako?" napaganito talaga yung mata 'ko e O.O Or mukhang mas malaki pa dyan. Nakakagulat talaga e.

"Ate, please lang. Wag mo akong idamay diyan, ok? Ang kulit mo ha"

"Please sis! Maawa ka naman sakin. Marami ng cases na puro pangit ang nakaka-EB ko! Believe me!"

"Hay nako!"

Yinugyog niya naman yung buong katawan 'ko nun. Muntik pa nga atang humiwalay yung kaluluwa 'ko e.

"Ibibigay 'ko sayo ang half ng baon 'ko for two months. Gawin mo lang sakin 'to" Wahehe. Pera ba kamo?

"4 months, ate"

"Grabe ka naman! 3 months! Ok?"

"Sige, call" wooo. Daming datung. WAHAHA.

"Sa saturday ha? Ako na maghuhugas ng pinggan at tapusin mo na yung assignment mo then mag-beauty rest ka na. Ok? Ako na lang maghihintay kay mama!" Bumait si ate. Grabe ha! "basta call na ha! I love you sister!"

End of Flashback

"So yun nga ang nangyari" sabi 'ko naman sa kanila.

"Hala, baka bad person yun Ingrid" ang cute namang mag-alala ni Baby Rose.

"Oo nga sister! Nakakatakot yan no! Kung bantayan ka kaya namin no? Sa saturday diba?" tumango naman ako.

"Osige. Bantayan niyo ako ha! Pero kaya yan. E di sasapakin 'ko sila. Macho ata 'to" sabi 'ko naman then nagtawanan na lang kami. End nagtuloy-tuloy ulit kami sa pakikinig ng mga chismis ni Fuchsia.

***

Masyadong mabilis ang oras. Detention time again. Nagmadali naman na ako nun kasi baka mamaya ma-late ulit ako ng 2 minutes. Fortunately, on-time naman na ako ngayon. Then, mabilis rin namang nakadating si Levi. Buti na lang. Nakakatakot ng ma-extend ulit no.

"Good job kahapon ha. Sige, maiwan 'ko ulit kayo. Alam niyo na ang gagawin niyo" sabi naman nung librarian then umalis na rin siya. Haaaayyy. Andito na naman ako para makpaglaban sa mga libro!

Tinabi 'ko nun yung bag 'ko then nagsimula na kaagad ako. Inuna 'ko muna yung nasa baba. Mukhang nasapian ng anghel si Levi kasi tumutulong na din siya. Tingnan mo nga naman. Naawa na siguro sakin. Good. Or siguro nagka-crush na siya sakin. Even Better! Biro lang! Wahehe.

Halos isang oras na din kaming nagso-sort out ng mga libro. Himala nga e, malapit na agad maubos. Pero malapit na ding matuyo yung laway 'ko. Hindi kasi kami nag-uusap e. Ewan 'ko ba. Minsan ang sarap basagin nung katahimikan pero wala naman akong masabi.

"Ang tahimik mo ata" Pasensiya. Hindi 'ko talaga ma-take ang puro kuliglig lang ang naririnig 'ko.

"Wala ka na dun"

AY, NAGTATARAY NA NAMAN ANG LOLA MO! Meron ata 'to e.

"Taray ha. Ine-echos ka lang dyan e. Eto naman. Napaka-chaka mo!"

"Ano?"

Sorry for the language. Nahawa kay Fuchsia e. WAHAHA.

"Wala. Parang kasi ang gloomy ng aura mo e. May nangyari ba?" ang totoo niyan e, gusto 'ko lang siyang chikahin sa kung anu mang meron sa kanila ni Vyra. Pero to do that, e dapat siya ang mago-open ng topic.

"Wala"

Siguro matagal na 'tong nasapak ni Fuchsia kung nagkataon. Walang kwentang ka-chikahan e!

"Ganon. Anong oras na?"

"Ewan"

May laro ba ngayon ng paiklian ng salita? Kasi hindi na ako sasali. Malamang talo na ako!

"Unli ka ba? Ang tipid mong sumagot e. O nagsasayang ka ng load?"

Pinagtaasan niya naman ako ng kilay non. Halatang hindi na-gets yung sinabi 'ko e.

"Wala. Ang slow mo e"

"Gets 'ko. Sadyang corny ka lang talaga."

Wala naman akong maisip na topic kaya hindi na rin naman ako nagsalita. 6 p.m ng matapos kami. Haaayyy buhay! Sa wakas e, natapos din ng maaga-aga. May assignment pa naman kami sa English!

As usual e si Levi yung nag-lock para pag hindi nai-lock e siya ang mapapagalitan. I'm so bad no? WAHAHA.

"Uuwi ka na?"

"Bakit? Concern ka? Gusto mong sumabay?"

Sinimangutan 'ko naman siya nun. Ginagaya niya lang ako kahapon e. Nakakainis lang e. Sarap batukan.

"At bakit naman ako magiging concern sayo ha? At bakit 'ko gugustuhin na makisabay sayo?"

Medyo nag-gesture naman siya na nag-iisip siya. Ang tagal nga e.

"Kasi... siguro crush mo ako?"

Nanlaki naman yung mata 'ko. CRUSH? WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

"Teka ha *ehem*" hinawakan 'ko pa nun yung chest 'ko then lumunok pa ako nun ng bonggang-bongga. "*ehem* ayan? Ok na ba? Tatawa na ba ako?"

Nag-smirk naman siya non then pinat niya yung ulo 'ko. Medyo ginulo pa nga niya 'to e. Hirap kayang magsuklay!

"Ang corny mo talaga e"

Pagkasabi niya nun e mabilis rin naman siyang umalis. Nakatingin lang naman ako sa kanya habang naglalakad siya papalayo. Kahit kelan talaga e sobrang yabang niya tapos hindi mo malaman kung may kalokohan. Napaka-unpredictable niya talaga e.

***

So yun, nakauwi din naman ako ng matiwasay. Nakakaloka kasi si ate Ivette yung naghain ng pagkain para sakin. Nakakatuwa naman 'to. Makikipag-EB lang ako sa manliligaw niya e, sobrang bait niya na sa'kin.

After eating e, naligo ako and nagpalit ng damit. Ginawa 'ko na din yung assignment 'ko. Ang sipag 'ko talaga e. Tutal mabait si ate ngayon, ipagawa 'ko kaya sa kanya minsan ang mga assignment 'ko?! Wahehe. Biro lang.

Tapos nun, nag-unli lang naman ako para maka-text lang si Fuchsia at si Rose. As usual, inaasar nila ako kasi kumaen sila ng libreng Siomai sa may Plaza. Ang swerte naman talaga oh. Gusto 'ko ng sumama sa mga Food Trip nila e.

Mga 10 p.m na nun, tulog na agad si Rose at Fuchsia. Dedz agad e. Wahehe. Matutulog na rin sana ako kaso biglang may isang unknown number na nag-text sakin.

From: <unknown number>
Ei

Nag-reply naman ako kaagad kung sino siya. Buti naman at may makaka-text din. Sana matinong tao 'to.

From: <unknown number>
Levi

I take that back. Hindi pala siya matinong tao. WAHAHA.

To: Levi
Pnu m nkuha # q?

Baka naman hinanap niya talaga ha. Kasi kung ganon, crush na niya talaga ako! WAHAHA.

From: Levi
Ala ka na dun.

ANG SUNGIT TALAGA EH. Hindi bagay sa looks niya na mukhang playboy na ewan e.

To: Levi
Sungit. meron k ngayon?

Ako naman e inasar 'ko lang siya. Siguro hinanap pa talaga neto number 'ko. Kinikilig ba ako? Absolutely not.

From: Levi
corny m. ngtx lng aq.
la mgwa e.

So ganon? Siguro pagtritripan lang ako neto. Ayoko kaya ng ka-text na nasa menopausal stage! Lagi na lang akong napupuntahan ng galit ng ibang tao e. Kawawa talaga ako. Huhuhu.

To: Levi
asus. wg mng sbhn n miss m agd aq!
crush mko nu. waheheh :P

So yun, inunahan 'ko na ang pangtri-trip sa kanya.

From: Levi
Asa. ge, lobat nq.
bye.

Nag-text pa siya ha. E lobat na nga. Hmf. So yun, nagpaalam na din ako sa kanya tapos nakatulog na din naman ako.

***

Then kinaumagahan, nag-ready na din ako. Thursday na pala ngayon no. Maaga akong nagising non at dahil ang boring naman sa bahay e pumunta na agad ako ng school. 5:30 pa lang ng makarating agad ako sa school. Walking distance lang naman e. Kasabay 'ko pa nga yung guard e.

"Aga ngayon ah" bati naman sakin ni manong guard.

"Bagong buhay lang po"


Then yun pumasok ako. Ang saya nga e, ako pa lang yung tao sa school. Minus the fact na andun na 'yung mga janitors. Pero wala pang students at teachers. Ang sarap tuloy tumakbo-takbo sa hallway ng walang teacher ang nagsasabi sayo ng `No Running in the Hallway`.

Dun 'ko na-realize na sobrang laki nga talaga ng school namin. May limang buildings for pre-school, Elementary at High School. Tapos may sarili pang building para sa facilities at isa pang building para sa faculty. May malaking field din at merong designated court bawat sport.

Tumambay naman ako sa bleachers na may silong sa may field. Ayaw 'ko pa din namang tumaas e. Baka may mumu pa dun. Wahehe.

So yun, may kakaunting estudyante na ring pumapasok pero wala naman akong kakilala sa kanila e. After ilang minutes e, hindi 'ko namalayan na nakatulog na pala ako dun sa bleacher.

***

"Dalian mo nga. Ipasa mo sakin yung bola"

"Eto, teka lang"

Ang ingay naman. Ano ba 'yan? Nakakaistorbo ng pagtulog ng iba. Binuksan 'ko yung mata 'ko nun then may mga nakita akong first years na nagsa-soccer sa may harapan 'ko. Ano kayang gagawin nila pag natamaan nila ako no?!! Masisira ang fesluk 'ko!

So yun, inangat 'ko yung ulo 'ko nun mula sa bag 'ko pero teka, bag 'ko ba 'tong hinhigaan 'ko? Napatayo ako ng maayos then nanlaki yung mata 'ko sa nakita 'ko. 

Hindi 'ko maintindihan. Bakit ako nakahiga sa lap niya?! O.O















"Good morning Ms.Alitagtag"

No comments:

Post a Comment