Saturday, July 16, 2011

Chapter 39

Binalot kami ng katahimikan. Wala akong masabi at sigurado din ako na wala rin siyang masabi. Gusto 'kong ibuka yung bibig 'ko pero pakiramdam 'ko, wala rin ako masasabing matino. Maya-maya naman ay narinig 'ko siyang umubo. Feeling 'ko wala naman talaga siyang ubo. He was unexpectedly clearing his throat. Mas lumapit naman siya sakin at huminga siya ng sobrang lalim.

"Pwede ba akong humingi ng pabor?"


Napatingin naman ako sa kanya ng diretso. Hindi ako nagsalita kasi malamang, depende sa kung ano ang pabor niya ang magiging desisyon 'ko.

"Wag na lang pala"

Nagulat naman ako sa kanya. Feeling 'ko nakaramdam siya ng hiya e at pagkatorpe.

"Hindi. Ano yun?"

Huminga siya ng sobrang lalim at halata na kinakabahan naman talaga siya. Gusto 'ko nga siyang pagtawanan e. Ewan 'ko ba. First time 'ko ata siyang makita na nagkakaganyan. Umubo ulit siya and as usual, it's a way of clearing his throat.

"Pwede ba kitang masayaw? Saglit lang."

Parang tumigil yung mundo 'ko at bumilis ang pagtibok ng puso 'ko. Tama ba 'tong naririnig 'ko? Hindi ako makapagsalita ng maayos at parang nakikiayon talaga sakin ang panahon. Gustong-gusto 'ko siyang makasayaw. Sobra.

"Pero ok lang kung ayaw mo. Masakit na rin naman yung paa 'ko e--"

"Hindi. Ok lang talaga. Pero kung masakit yung paa mo, wag na rin lang"

Feeling 'ko nagpapagalingan lang kaming magpalusot e.

"Kung pwede naman, ok lang e. Ok lang naman. Hindi naman gaano masakit. Matitiis 'ko pa naman"

"Ok lang din naman sakin e. Pero kung medyo masakit, baka lumala lang. Ok lang rin sakin. Ok ba sayo?"

"Ok lang naman. Hindi naman masakit yung paa 'ko e. Pero kung gusto mo rin naman, ok lang talaga"

"Gusto ko rin naman e kaso sabi mo masakit yung paa mo"

Halatang paikot-ikot na lang yung sinasabi namin. Nakita 'ko naman siyang ngumiti nun. Feeling 'ko alam na rin niya na pareho lang kaming nagmumukhang tanga.

"Hindi naman talaga masakit e. Sinabi 'ko lang yun kasi nakakahiya kung ire-reject mo 'ko"

"Rineject na ba kita? At the first place, ikaw naman talaga ang nagre--"

Hindi na ako tumuloy pero napatingin siya sakin. Bitter pa rin ako sa kanya. Halata naman e. Huminga ulit siya ng malalim at tumingin siya sakin ng diretso.

"Pwede ka na bang makipagsayaw sakin?"

Feeling 'ko pinagpapawisan na yung kamay 'ko sa sobrang kaba.

"Sure"

Tinanggal niya yung gloves niya tapos tinabi niya muna malapit dun sa may pot. Hinawakan niya yung kamay 'ko at nahalata 'ko rin na medyo nanginginig na nga siya. Hinawakan niya yung dalawa 'kong kamay and look straight through my eyes. Feeling 'ko pati kaluluwa 'ko ay kitang-kita niya na. Maya-maya naman ay hinawakan niya yung hips 'ko. 

Perfect Evening. Perfect soft music.

Hinawakan 'ko yung shoulders niya and nagpakalunod na lang ako sa mga titig niya. Sabay na sabay yung galaw namin at masaya ako kasi feeling 'ko sobrang meant to be namin. Sa pagkakahawak niya ng kamay 'ko, feeling 'ko na he is the one na talaga. Medyo napapalapit na din yung katawan at mukha 'ko sa kanya. Compatible ang body at height namin kasi feeling 'ko dalawa kaming puzzle pieces na pinagdugtong perfectly.

Pinulupot 'ko yung kamay 'ko sa leeg niya. And then I leaned closer to him.

Nakalimutan 'ko ang lahat. nakalimutan 'ko si Rose. nakalimutan 'ko ang bitterness 'ko. As in lahat. It was just him and me.

"Ingrid"

Lumapit siya sa tenga 'ko at tila may ibubulong siya sakin pero mukhang natigilan ulit siya dahil hindi na naman niya tinuloy yun. Gusto 'ko pa sana siyang tanungin kung ano yun pero dahil sa ngiti niya, natunaw na din ako kaagad.

***

Masaya ako nang matapos ang Halloween Party namin. Sobrang perfect e. Sana pala palaging Halloween Party na lang. Kwinento 'ko naman kay Fuchsia at kay ate Ivette at sinasabi naman nila na thanks to them at nahumaling saking muli si Levi. Tinawanan 'ko lang naman sila. Ang ganda ganda talaga ng vibes 'ko ngayon. Nag-overnight naman sa bahay namin si Fuchsia kaya nga sobrang saya e. Nag-movie marathon kami at nagchikahan na din.

"Masyadong nagmamaganda si Chona ha!"

"Super teh! Pero alam mo ba--"

Napatigil naman silang dalawa nang biglang mag-ring yung phone namin. Bihira lang yun kaya medyo nagulat din kami. Wala naman si mama at papa ngayon kaya walang dahilan na tumawag dito yung mga kaopisina niya. Lumapit dun si Ate Ivette at siya yung kumausap sa caller.

"He--"

Napatigil siya nun at nanlaki yung mata niya. Nagbago din yung itsura niya at tumingin siya ng diretso sakin.

"Ingrid, para sayo. Si Cyrus 'to"

Nagtinginan kaming dalawa ni Fuchsia nun sa sobrang gulat. Paano niya nalaman yung phone number 'ko?! Badtrip naman oh.

Lumapit ako dun sa phone. Automatic din namang lumapit yung dalawa sakin at dinikit nila yung tenga nila sa other side nung phone. Gagawin talaga ang lahat para makasagap lang ng tsismis e.

"Ingrid?"

Umubo naman ako nun. Ano bang sasabihin nito? Hay nako. Kung kelan ok kami ni Levi, bigla siyang sisingit. Pero ok na nga ba kami ni Levi?

"Bakit napatawag ka? Gabi na ah"

"Ah. Hehehe. Gusto 'ko kasing imbitahin ka kaagad e"

Nanlaki yung mata nung dalawa 'kong kasama. Syempre, narinig naman talaga nila yung sinabi ni Cyrus.

"Saan naman?"

"Two nights and three days lang naman 'to eh. Birthday 'ko kasi. Gusto 'ko lang na andun ka. Punta sana tayo sa Tagaytay. I want to spend this time with you alone. Pero ok lang naman sakin kung magsasama ka. Magsasama na din ako."

Medyo kinabahan naman ako nun. Nakita 'ko naman na tinuturo ni Ate Ivette yung sarili niya. Eversince yung mga nangyari nung fieldtrip, hindi 'ko alam kung naka-move on na ba siya kay Cyrus o may gusto pa rin siya.

"Ok lang naman basta kasama yung ate 'ko"

Nagthumbs naman sakin si Ate Ivette at dahil dun mukhang nainggit naman si Fuchsia.

"Tsaka si Fuchsia na rin pala"

"Sige. Kahit sino pwede"

Nagthumbs up na rin naman ako nun. Hayyy. Ano kayang mangyayari sa birthday ni Cyrus?

"Sige. Kelan ba?"

"Sa Tuesday. Sunduin 'ko na kayong tatlo dyan sa bahay niyo. Thursday uwi natin ng umaga"

"Sige."

"Sige. Bye"

Magsasalita na ulit sana ako kaso bigla pa ulit siyang sumingit.

"I love you. Bye"

Then nawala na yung connection naming dalawa. Nagkatinginan kaming tatlo. Nag-i love you na talaga sakin si Cyrus. Wala akong nararamdaman para sa kanya pero medyo nagu-guilty ako.

"Ang sweet naman niya. Iba yung mukha mo ngayon ah"

"May iba sa mukha mo nang mag-i love you siya sayo. Anung nararamdaman mo?"

Napailing naman ako nun at huminga na ako ng malalim.













"Hindi ako sure kung guilt feelings 'to o sadyang confused lang talaga ako"

No comments:

Post a Comment