Saturday, August 27, 2011

Chapter 54

Halos bumaha ng luha sa bahay namin. Kawawa nga yung mga kasama ko eh, nagiging taga-abot lang sakin ng tissue buong hapon. Ang hirap naman kasi eh. Feeling ko magkakaroon ako ng heart attack dahil sa ginawa niya. Sobrang sakit lang.

"Hindi ako makapaniwala. Ugh, he's so... hindi ko siya ma-describe" walang effect naman ang pag-comfort sakin ng best friend kong si Fuchsia.

"Ano na naman ba ang pumasok sa utak nun? Wala naman na si Cyrus ah. Bakit pa ba siya bibitaw? Ang hirap niyang i-spell" wala talagang nakakapagpagaan ng loob ko. Dumating rin naman ang oras na sumuko na ang lahat ng barkada sa pag-comfort sakin dahil wala rin namang nangyayari.

Wala akong kwenta. Binabalewala ko ang mga efforts ng mga kaibigan ko pero wala akong magagawa. Nagpapakita lang ako ng nararamdaman ko. Isang pakiramdam na hindi ko kakayanin. Parang mamamatay na ako. Seriously. Hindi ito pagka-OA. Sobrang pagmamahal lang.

***

Dumating na rin ang pinakamasakit na araw sa buhay ko. Bakit pa kasi nauso ang party na 'to? Sobrang ka-bitteran na 'to. Ayoko na.

Oo, dumating na ang Prom. Wala akong ka-date at isang practice lang ang na-attendan ko. Ok lang yun, wala naman akong pinaghahandaan eh. Syempre, napa-partner ako sa isang babae na wala ring ka-date at malamang ay hindi ko ka-close. Hindi ko pinaghandaan ang Prom. Hindi nga dapat ako pupunta, pinilit lang ako ni Rose. Mukhang natuwa pa nga siya nang pumayag ako.

Pumasok na ako sa hotel kung saan kami magpro-Prom. Punong-puno ng colorful lights yung hall tapos may mga chairs and table sa gilid at merong red carpet sa gitna. Ayos nga ang ambiance eh, amoy sosyal. Meron pang classical music in background tapos napansin ko pa ang mga bonggang suot ng mga batch mates ko at juniors.

Na-degrade ako sa mga suot nila. Isang simpleng dress lang kasi yung suot ko eh. Ayoko na talaga mag-effort. Bahala na ang buong justice league. 

"Ingrid, upo na tayo sa table natin" sabi naman sakin ni Rose. Ang cute nga niya eh. Naka-pink siya na cocktail.

"Sige"


Sabay kaming umupo dun sa table namin. Swerte ko nga at pumayag ang adviser ko na paupuin ako sa tabi nina Fuchsia. kawawa naman yung partner ko (na babae), mukhang magiging out of place siya sa grupo namin.

Maya-maya naman ay pinalinya na kaming mga students para sa parade something doon sa red carpet. ito kasi yung way para piliin kung sino yung Prom queen at king. hay nako, wala naman akong pake diyan. Kitams naman na hindi ako nag-effort, diba? Mas nag-effort pa nga yung partner ko eh, ang ganda ng gown niya.

Isang malaking ilaw ang sumilaw sa mga mata ko. mahihirapan akong maglakad nito. Baka madapa ako, anytime. Wag naman sana. Tama na ang kahihiyan.

Nagplaplano na sana ako kung paano ako rarampa pero dahil sa mga makukulit kong mata, nakita ko pa si Levi. nakasuot siya ng isang tux at aaminin ko na sobrang gwapo niya. As in, yung cool vibes niya lumalabas talaga. kakaiba yung aura, na-realize ko na ang isa sa factors kung bakit sobrang nahulog ako sa kanya. nakita ko na may partner siya pero mukhang magkatulad lang kami ng case. Hindi rin niya kilala yung babae na kapartner niya.

Ayoko na talagang tumingin sa kanya. Tama na ang kaadikan na ito. I just have to enjoy the night. Hindi siya ang purpose kung bakit pumunta pa ako dito. Kailangan ko na siyang kalimutan. And starting today, kakalimutan ko na talaga siya.

Nagsimula na ang parade. Mabilis lang ang mga pangyayari. Dumating din sa point na turn ko na at yung partner ko. Smooth lang naman ang paglakad ko. Walang halong kaartihan tulad ng iba. Ngumiti ako kahit pilit. Hay nako, kung mukha man akong natatae sa picture, wala na akong pakielam. 

Then, dumiretso naman na ako sa seat ko. Hindi pa nagsta-start yung program ay lumipat na ng ibang table yung partner ko kahit na hindi pwede yun. bahala na siyang sumiksik sa ibang table. WAHAHA.

"ang ganda mo ah" bulong naman sakin ni Yohan nang umupo ako sa tabi niya. akalain niyo na ang dati kong crush ay masasabihan ako ng ganito. Dapat kinikilig na ako ngayon pero wala talaga eh.

"Hay nako. Magpapalibre ka ba? Wala akong pera hoy!" tinawanan niya lang naman ako. Suntukin ko tong lalaking 'to eh.

Nagsimula naman na ang program. May lighting of candles, awarding and passing of traits (ewan ko. di ako nakikinig eh). basta mga boring pa lang. Then, dumating din sa point na pipiliin na ang Prom Queen and King na mago-open ng dance floor. Naalala ko tuloy yung nangyari nung Acquaintance Party kung saan kaming dalawa ni Levi ang unang nagsayaw. Wow, memories nga naman.

"I will announce the contenders for the title of Prom King. Please proceed here in the middle for you to be recognized" sabi ng principal namin. Then, nagtawag siya ng mga pangalan.

"Yohan Neil Lazaro, please proceed here" wow, hindi na ako magugulat. Gwapo naman kasi talaga si Yohan eh. Tumayo siya and sumama siya sa dalawa pang contenders na natawag kanina. Isang contender na lang at pararampahin na sila.

"The last but not the least, Mr.Bryan Levi Rextor" speechless ako. It's not naman na hindi siya deserving or something, ayoko lang kasi na makikita siya. Ugh.

Nakita ko siyang tumayo sa tabi ni Yohan. Ang kalmado ng mukha niya at mukhang wala siyang kabang nararamdaman. nagsimula na silang rumampa para makita ang bawat anggulo nila. Pagkatapos ng lahat ay sinabugan sila ng isang malaking palakpakan.

Susunod naman na ang mga contenders para sa title ng Prom Queen.

"The first contender for the Prom Queen title, Ms. Vyra Giselle Sanchez, please proceed here" maraming nagpalakpakan. maganda naman talaga si Vyra eh. No doubt na siya na ang panalo.

May dalawa pang babae na tinawag. Then, dumating na sa last. Hmm, sino kaya yun?

"So the last contender is..." Wow. Pasuspense pa talaga ha. "Ms.Ingrid Alitagtag"

Ha? Narinig ko ba ang pangalan ko? o yung kapangalan ko lang 'yan? Kaso engot ko naman! Wala naman ang kapangalan. Sobrang unique kaya ng pangalan ko! 

"Oh ano? Heart broken ka na nga tapos nabingi ka na rin?! Go! Sungkitin mo ang crown na 'yun!" sabi naman sakin ni Fuchsia. Napangiti niya ako ng totoo kahit saglit lang. Tumayo ako and pumunta ako sa may red carpet.

nagsimula na kaming rumampa. tulad kanina, hindi ulit ako nag-effort. Baka sakaling ito ang magpanalo sakin (kahit na impusible).

Bumalik naman ang mga contenders sa kani-kanilang seats pagkatapos ang paglilitis. Then, nagkaroon ng katahimikan at sobrang hinang bulung-bulungan. Sino ba kasi ang hihirangin na Prom Queen and King?

"We have made the decision. The Prom King title goes to..." suspense ulit. Ugh, I'm so tired of this. "..to Mr.Bryan Levi Rextor. Congratulations"

Pumunta ulit siya sa gitna ng red carpet at muli siyang pinalakpakan.

"the prom queen title goes to..." parang akong nabingi ng bahagya. The next thing I knew, sumisigaw na si Fuchsia then inuulan niya na ako ng mga hampas niya. Nababaliw na ata ang baklang 'to ah!

"Oh my goshhh!! Nasungkit mo ang crown!! Oh my gosh!!! magwawala na ako!!!!" ano daw? Did I miss something?

"excuse me. Ms. Ingrid Alitagtag, you will receive the Prom Queen title. Congratulations" Ano daw? Ako talaga? Wala akong kapangalan, diba?

"Ako?" hindi pa rin ako makapaniwala.

"Hindi hindi. Siguro ako! Ang kulit mo, bakla! Pumunta ka na doon!" sabi naman sakin ni Fuchsia then tinulak niya ako pero hindi malakas.

Dahan-dahan akong pumunta sa may red carpet at sinundan lang naman ako ng mga mapaghusgang mga mata. Alam kong hindi ako deserving at nagmistulang joke ang lahat pero wala akong magagawa. Ganito ba talaga akong kaganda?! WAHAHAHA. Joke. Hindi dapat ito ang iniisip ko. Paano ako makikipagsayaw sa taong nakasakit sakin ng sobra-sobra?"

"Mr. Levi and Ms. Ingrid, please open the dance floor" nagkatinginan muna kami ni Levi. Then, nagstart na ang kantang `Pangarap lang kita` ng Parokya ni Edgar. Parang may naalala ako sa kantang 'to ah.

Nagkailangan kami nung una pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. For the sake na maging open na ang dance floor, nagsayaw kami. I felt awkward. Wala kasi akong masabi sa kanya eh. Sobrang speechless talaga. History repeats itself nga talaga. Nagsimula sa Acquiantance Party at magtatapos sa JS Prom.

"Ingrid" tumaas yung balahibo ko. Ugh, I hate the fact that he makes me shiver.

"Hm?"

"Mahal kita. Hindi ko lang masabi sayo. Kasi siguro pangarap lang kita" natulala ako sa sinabi niya. Familiar ang mga words na yun. Hinalungkat ko ang mga memories then naalala ko na rin.

Yun ay yung time ng interschool event namin with St.Claire. Oo, may isang lalaki na nag-alay sakin ng isang kanta. Si Levi pala yun. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano.

"subtract 357 from 500" Crap. Naalala ko rin 'to sa Blind Dating Booth!

"Ikaw rin yun?" tanong ko sa kanya. Bakit niya 'to ginagawa? Diba gusto niya na akong hiwalayan?

"Sagutin mo muna"

"143" huminga ako ng malalim. Siya pala yun, hindi ko expected. Akala ko kasi si Yohan talaga eh.












"I love you too, Ms. Ingrid Alitagtag" then kiniss niya ako sa cheeks ko.

No comments:

Post a Comment