Friday, August 12, 2011

Chapter 49

Lumapit ako kay Cyrus. Pipigilan pa sana ako ni Rose kaso wag na. Gusto ko na 'tong tapusin. Ugh, nakakabwiset na talaga 'tong Cyrus na 'to oh. Bakit ba nangugulo na ulit siya ngayon? Nagkatinginan kami ni Cyrus at mukhang nagmamakaawa yung mga mata niya sakin.

"Ingrid, please"


Malakas ko siyang sinampal. Mukhang bumakat pa nga yung kamay ko sa pisngi niya. Basta ang alam ko ay nabuhos ko na ang sama ng loob ko sa kanya. Alam ko na medyo masama ang ginagawa ko ngayon. May mga oras din naman na nagiging masaya ako nang kasama siya kaso iba ngayon eh. Masyado na siyang nangingielam. Ano bang hindi niya maintindihan sa fact na tapos na kaugnayan namin sa isa't-isa.

"Stop this" binulong ko sa kanya. Lumayo ako sa kanya then lumapit naman ako kay Levi at tinanguan ko si Rose para sabihin sa kanya na pumunta na kami sa bahay ko.

Sumunod sila sakin at iniwan namin si Cyrus doon sa bakanteng lote. Wala na akong pakielam kung anong mangyari sa kanya. Malaki na siya at alam niya ang tama at mali. Pumasok kami sa bahay. Buti na lang wala si mama at si papa dahil nasa trabaho sila ng mga panahon na yun. Malamang na si ate Ivette at Fuchsia lang ang andun sa bahay. Binuksan ko ang pintuan at una kong nakita si Fuchsia na mabilis namang napatayo nang makita kami.

"Ingrid--" napatigil siya nang makita niya si Rose na kasama ko at si Levi na may sugat sa noo. "--hindi ko alam kung ano ang una kong papansinin. Pero bakit andyan siya?" sabay turo kay Rose "at bakit may sugat siya?" sabay turo kay Levi.

"Hmm. our Rose is back. Yun ang sagot ko sa una mong tanong" mukhang hindi makapaniwala nun si ate Ivette at si Fuchsia. Nahuli ko pa ngang umirap si Fuchsia eh. Bagot pa rin talaga siya kay Rose.

"Fuchsia, sorry na talaga!" umiiyak si Rose na lumapit kay Fuchsia at pilit niyang niyakap si Fuchsia kahit na halata namang lumalayo na sa kanya si Fuchsia.

"Sige, dyan muna kayo magpaliwanagan. Pupunta lang kami ni Levi sa kwarto"

"Nasa loob ng drawer yung first aid kit ha!" sabi naman ni Ate Ivette.

Hawak ko ang kamay ni Levi at pumunta kami sa kwarto ko. Pinaupo ko siya dun sa kama habang kinukuha ko yung first aid kit sa loob ng drawer.

"Hay naku. Ano bang nangyari sa inyo ni Levi? Nasugatan ka pa tuloy" sabi ko habang hinahalungkat sa loob ng first aid kit ang alcohol, betadine, bulak at dalawang bandaid.

"Ok lang yun. Nakakainis kasi siya eh" napasigh naman ako nun. Nakakainis din pala, ano? Feeling ko sinira ko yung relasyon nila ni Cyrus.

"Ano ba kasing nangyari, ha?" umupo ako sa tabi niya at sinimulan na ang pagpahid ng alcohol sa sugat niya sa noo. Napapapikit pa nga siya eh kasi mahapdi talaga yun.

"Nalaman ko kasi mula kay Vyra na niloko ka na naman pala nun. Tapos may scandal pa siya sa isa niyang classmate. Nainis lang ako sa kanya kasi gusto pa rin niyang makipagkita sayo pagkatapos ng lahat ng nang-- aray!" napasimangot naman ako sa kanya.

"Ano ba yan.... Tiisin mo nga. Parang bakla 'to eh" nakita ko na nagsmirk siya sakin. Ayy, bakit ganun... ang gwapo! WAHAHA.

"Sinusubukan mo ba ang pagkalalaki ko?" hindi ko naman siya sinagot. Hay naku, mga pauso talaga ng lalaking 'to.

Sunod naman ay, pinahiran ko yung sugat niya ng betadine. Malamang, kaya niya na yun. Wala naman siyang mararamdaman dun eh. Habang ginagamot ko yung sugat niya, napaisip na naman ako sa kung ano na bang meron samin. Hindi pa niya kasi ako nililigawan eh.

"Sa susunod, wag mo nang saktan si Cyrus. Ok? Hayaan mo na lang siya. Ang importante magkasama tayo" sabi ko sa kanya habang nilalagyan ko ng bandaid yung sugat niya. Tumango siya sakin na parang bata siya. Bigla niyang hinawakan yung bandaid niya.

"Salamat" sabi niya. "Oo nga pala. Aalis na ako. May pupuntahan pa kasi kami ni mama."

Tumayo siya nun kaso ayaw ko pa siyang umalis hangga't hindi pa niya nasasagot yung tanong ko.

"Levi, mahal mo ako, diba?" napatingin siya sakin ng diretso.

"Tinatanong pa ba 'yan?" umiling ako. Syempre hindi... Ano ka ba, Ingrid?!

"Hindi ko kasi alam kung tayo na ba eh. Hindi mo pa kasi ako nililigawan pero ok la--"

"Next time na natin pagusapan yan. Text na lang kita" kiniss niya yung cheeks ko. "sige, bye" then, nawala na siya sa harapan 'ko.

Bakit ganun? Feeling ko may napigil pa rin sa kanya? Ano pa ba ang natitirang hindrance samin? Wala na si Cyrus. Wala naman nang gusto si Vyra sa kanya at nagkabati na rin kami ni Rose. May sakit siya dati pero sinabi naman niya na ok na siya, diba? Ok naman na ang lahat ah. Ano pa bang meron?!!

Bakit nagdadalawang isip na ako sa nararamdaman niya para sakin? Mahal niya ba ako? Kung mahal niya ako, bakit tila hindi buo? hindi kasing buo ng binibigay ko na pagmamahal sa kanya.

***

Mabilis na napalambot ni Rose ang puso ni Fuchsia. Ganyan naman si Fuchsia eh, mabilis siyang mapalambot ng mga mahal niya sa buhay. Nagbalik na nga talaga ang dating Rose. Ang dating Rose na palangiti at pinanggigilan ko. Nag-movie marathon kaming apat at sobrang saya naman namin pwera sa akin na paiba-iba ang mood.

Napapatingin ako dun sa ring na binigay sakin ni Levi at mas napapaisip ako sa mga nangyari kanina. Bakit kasi hindi niya pa ako nililigawan?! May tamang time ba para doon?! Matagal pa ba yun? Baka kasi... hindi na ako makapaghintay... Hay nako naman...

"Ayaw ko ng movie na yan. Kukuha lang ako ng drinks natin, ok?" tutok na tutok yung mga kasama ko sa pinapanuod nila na "Dear John". Ilang beses ko na yang napanuod kaya ok lang na may mamiss ako na ibang parts. Tumango lang naman sakin yung tatlo at tumayo na ako para kumuha ng drinks sa kitchen.

Linagay ko yung mga drinks sa center table ng sala namin at pumunta muna ako sa kwarto ko na dala ang isang baso ng four seasons na juice. mukhang hindi naman nila nahalata na nawala na ako sa tabi nila dahil mukhang busy talaga sila sa panunuod ng Dear John.

Umupo muna ako sa kama at tinabi ko sa sahig yung juice ko. Hayyyy. Hindi ko maenjoy yung gabi dahil sa kung anu-anong mga iniisip ko tungkol kay Levi? Paano kung hindi niya ako mahal? Pero paano kung mahal nga niya ako kaso iiwan niya rin ako? Iiwan niya ako dahil kay Cyrus o sa dahil sa sakit niya? Ano ba talaga?!!

Maya-maya naman ay nakita kong pumasok rin si Ate Ivette dun sa kwarto namin at tumabi siya sakin.

"Bakit ka pumasok? Anong nangyari?"

"Wala lang ate. Ayoko lang nung movie. kasawa na eh" nakita ko namang tumango sakin si ate Ivette pero alam ko na hindi siya naniniwala sakin.

"Alam mo naman na alam ko na hindi totoo yung sinasabi mo, diba? At alam mo namang hindi mo ako maloloko at ang sarili mo. hay nako. Kapatid nga talaga kita. Kilalang kilala na kita eh" bigla kong niyakap si Ate Ivette! Grabe, na-aapreciate ko talaga siya eh.

"Eh kasi ate eh! Naguguluhan na talaga ako" humiwalay ako sa kanya at tumingin ako sa kanya ng diretso.

"Bakit naman?"

"Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako nililigawan ni Levi. Hindi naman sa atat na ako sa kanya kaso... hindi ko siya maramdaman... feeling ko iiwan niya din ako eh" napasigh naman ako nun. "Nagkaroon siya ng sakit dati kaya nagpagamot siya sa US. Ayokong isipin 'to pero paano kung iwan niya ako dahil sa sakit na yun? Hindi ko kakayanin yun... Alam niya kaya na iiwan niya din ako kaya umiiwas siya na magkaroon kami ng commitment sa isa't-isa... Kasi naman eh... hindi siya nagsasalita sakin"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan... Grabe naman nun... Hindi ka niya iiwan, ok?" hindi ko napigilan yung luha ko. Ugh, ang weak ko talaga eh. Ang babaw ng mga luha ko.

"Kasi naman eh... lalo na yung mga sinabi niya sakin kanina... hindi niya ako matingnan ng diretso at hindi niya ako masagot kaagad sa kung kami na ba talaga... parang nagdadalawang isip pa rin siya sakin..."

"Hay nako. Wag mo na nga yang isipin si Levi... Itulog mo na lang yan at ako na lang ang mage-explain kay Fuchsia at Rose... basta isipin mo na lang na hindi ka iiwan ni Levi... Together forever naman talaga kayo eh... Ok?" humiga ako sa kama ko at tumayo na siya.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Makakatulog ba ako ng ganito ang iniisip ko?! Tinakpan ko ng unan yung ulo ko. Ang sakit kasing isipin na iiwan niya ako eh.

Hindi ko matatangap at

... hindi ko kakayanin yun....

Iniisip ko pa lang, ang hirap na.

***

Christmas Eve

December 24 na. Halos ilang days na rin ng huli kaming magkita ni Levi. Hanggang text na lang kami. Kahit na sweet siya sa text, binabangungot pa rin ako ng mga dreams ko na nagawa niya ng iwan ako. Magkakasama kami nila mama, papa at ni Ate Ivette. Hawak ko nun ang cellphone ko at isa-isakong binati ang mga kaibigan ko. First on the list sina Levi, Rose, Fuchsia, Vyra at Yohan. Tinext ko din ang mga classmates ko at nag-GM na din. Tinext ko pa din si Cyrus kahit na simpleng `Merry Christmas` lang pero hindi naman niya ako nireplyan. Ok lang yun. Eh di siya na ang dakilang bitter!

8 pm ay kumain na kami. Ewan ko ba. Atat yung pamilya ko sa pagkain eh.

"Wow ma! Naparami ang handa ngayon ah. Mukhang may combo handaan tayo ngayon ah!" sabi ni Ate Ivette habang paupo kaming lahat sa dining area.

"Syempre, may surprise kasi kami dito kay Ingrid..." sabi naman ni mama. Hala, para sakin?!

"Ano yun, ma? Bibilhan mo na ba ako ng DSLR na camera?!"

"utot mo! Mauuna ako sayong mabilhan ng ganun, ano?!" epal talaga 'tong si ate oh!

"Hindi, ano? Gusto lang naman namin sabihin ng mommy mo na..." pasuspense pa 'tong si papa eh!

"na?"













"We have marriage plans for you, Ingrid" sakin? Bakit sakin?!

No comments:

Post a Comment