Saturday, July 2, 2011

Chapter 36

Sa mga oras ng mga nangyari sa fieldtrip, akala 'ko wala nang katapusan yun. Akala 'ko forever na siyang mare-retain sa isipan ng bawat estudyante ng St.John at St.Claire. Akala 'ko yun yung bagay na palaging pag-uusapan ng mga seniors tuwing lunch time. Pero himala at hindi gaano napagusapan ang issue na yun.

Lumipas ang ibang weeks. Naging mabilis nga ang panahon kasi October na pala, ano? Parang kahapon first day pa lang tapos ngayon, feel na feel 'ko na sobrang lapit 'ko ng grumaduate. Mamimiss 'ko din ang St.John International School kahit na pautot lang yung pagiging international nito.

Naging peaceful ang araw 'ko ngayon. Walang Cyrus. Walang Levi na bumabagabag sakin kasi dalawang linggo siyang absent. Hindi 'ko nga alam kung bakit e. Lalong wala namang Rose kasi palagi rin siyang nalayo sa amin. Hindi 'ko alam kung ano ang nangyayari kay Levi pero siguro tinatamad lang yun pumasok. Wala naman kasi kaming ginagawa this days e. Easy lang ang mga topics namin ngayon. Kayang-kaya talaga.

Nagkaroon naman kami ng project sa Organic Chemistry namin. Nakakainis nga e. Natalo ako sa bato-bato piks namin ni Fuchsia. Ako pa tuloy ang nautusan na pumili nung candle gel sa may mall malapit dyan sa school namin. Kawawa naman ako! Kasi naman e! Nakakatmad na e!

"Hoy bakla, bumili ka na ha?"


"Yes madam!"


Nauna na sakin si Fuchsia nun kasi may meeting pa siya sa mga clubs niya. Nag-ayos naman ako ng gamit nun then umalis na rin ako sa school namin. Sumakay ako ng tricycle papunta roon dun sa mall. Ayoko ngang maglakad, ano?! Ilang minutes lang naman ang linakbay 'ko nang makarating ako sa mall na 'yun. Nagbayad ako ng pamasahe then pumasok na ako sa mall para hanapin yung stall kung saan may binebentang candle gel. Ang hirap pa namang maghanap nun. Nakakainis lang e. Bakit kasi hindi ako swerte sa bato-bato piks?!

"Badtrip. Ang hirap naman--"

OOMPF!

Nagulat naman ako sa isang matandang babae na nakabangga sakin. Mukhang kabado yung babae at may hinahanap siya. Yung tipong sobra talaga siyang mag-alala. Para ngang nawawala yung anak niya. Yung tipong ganun.

"Sorry"

Narinig 'kong sinabi niya sakin then linagpasan niya din ako. Hmmm... Ang ganda ng nanay na 'yun infairness ha.

Kinalimutan 'ko na rin naman ang mga pangyayari at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Nakakainis si Fuchsia e. Hindi 'ko naman alam yung bilihan ng candle gel dito?! Ayaw pang mag-reply sa mga texts 'ko. Napadaan naman ako sa isang shop ng mga jewelries. Titingin sana ako ng mga rings pero napatigil ako nang makita 'ko ang isang unexpected na tao.

Si Levi.

Andun siya sa loob ng shop na yun at tumitingin siya ng mga rings. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Sigurado ako na kay Rose niya ibibigay yun. Nakaka-bitter lang e.

Ang tagal 'kong nakatulala sa kanya kaya siguro napansin niya rin na may nakatingin sa kanya. Matagal siyang napatingin sakin at sapat na 'yun para patibukin ang puso 'ko nang sobrang bilis. Ibang klase. Parang siyang may super powers.

Imbis na isang sweet hello ang ibigay niya sakin, pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Wala naman akong magawa kaya ngumiti na lang ako at lumapit ako sa kanya.

"Ang tagal mong umabsent ah"

"Tinatamad kasi akong pumasok e. Andyan naman si Rose para turuan ako"

Tumango na lang ako nun. Mas gusto 'ko na ako ang magturo sa kanya pero mas matalino sakin si Rose e. Baka ako pa ang maturuan ni Levi ng leksyon.

"Ganun ba? Anung ginagawa mo dito? Bibilhan mo ba ng sing-sing si Rose?"

Hindi naman niya ako pinansin nun. Hmf! Ang sungit talaga ne'to e!

"Oo nga pala, kalimutan mo na yung sinabi sayo nung ate--"

"Ano yung pinakamaganda dyan?"

Nagulat naman ako dun sa tanong na yun. Bakit niya ako tinatanong e iba yung taste naming dalawa ni Rose?!

Tumingin naman ako ng mga rings. Hmmm.

"Itong may butterfly na 'to, sure ako na magugustuhan 'yan ni Rose. But for me, yung simpleng ring lang na 'to na walang design. Pero mas maganda kung may naka-engrave na pangalan 'ko dun sa ring para mas cute, diba?"

Mukhang hindi naman siya nakikinig sakin. Nakakainis lang e.

"Ate, kukunin 'ko po yung simpleng ring na 'to tapos may papa-engrave ako"

Nabigla naman ako dun. Asa namang magustuhan yun ni Rose e mahilig siya sa mga cute stuff. Hay nako, bahala na nga siya.

"Sige, aalis na ako"

Tumango lang naman siya sakin then umalis na rin ako. Hay nako, bakit 'ko pa kasi siya nakita dito?!! Bwiset.

***

"Tekaaaa! Dahan-dahan lang baka masira yung kandila?!!! Oh my goshh!! nakakaloka!"

Sobrang ingay ni Fuchsia habang ginagawa naming dalawa yung experiment namin sa Organic Chemistry. Nakakataranta naman kasi talaga e. Ano ba kasi ang relationship nito sa topic namin?!! Mukhang pinaglalaruan lang kami e?!

Pumasok na rin naman si Levi nun at mukhang masigla naman siyang gumagawa ng experiment kasama si Rose. Hindi nga naiiwasan ng mga classmates 'ko na tuksuhin silang dalawa e. Perfect match talaga.

"Hoy bruha! Wag ka nang tumingin sa kanilang dalawa?! Mga echosera lang yan"

Natawa naman ako dun kay Fuchsia at nagpatuloy na lang ako sa paggawa nung experiment namin.

***

Feeling 'ko sobrang haba ng araw na 'to. Sobrang saya 'ko nga nang ma-realize na Friday pala ngayon at Dismissal na rin namin! Sa wakas, andyan na ang bestfriend 'kong sabado at linggo?! Haaayyy, heaven nga naman talaga oh.

Magkasabay sana kaming uuwi ni Fuchsia pero bigla naming namataan si Cyrus na may naghihintay dun sa school gate. Pshhh! Akala 'ko ba natauhan na talaga siya?! Nakakainis naman talaga oh.

Nakita naman kami ni Cyrus at siya na mismo ang lumapit saming dalawa.

"Pwede ba kitang makausap?"

He was looking at me. Napa-sigh naman ako nun. Ano naman kaya ang paguusapan namin?!

"Sige bakla, uuna na ako. Magusap na lang kayo"

Gusto 'ko pa sanang pigilan si Fuchsia pero iniwan niya na rin naman ako. Medyo kinakabahan na rin ako. Ano kayang ginawa ni Cyrus sa ate 'ko?

"Gusto 'ko sanang mag-sorry. Gusto 'kong mag-sorry kasi ayaw 'ko na ganito tayo"

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Medyo naguguluhan na rin ako pero nakapagisip-isip na din naman ako. Napagisipan 'ko na rin na..."

Nakita 'ko sa may likod niya si Levi at nakatitig lang siya saming dalawa.

"...na ikaw naman talaga yung gusto 'ko. Nagkagusto man ako sa ate mo but right now, sigurado ako na ikaw na talaga"

Ang hirap mag-pay attention sa mga sinasabi ni Cyrus habang nakatitig lang sakin si Levi. Nakaka-distract e.

"Kung tungkol naman kay Levi, i will fix that. Ako na lang ang bahala. But can you please give me a chance?"

Hindi 'ko alam kung naririnig ni Levi ang lahat pero feeling 'ko oo.

"Please?"

Magsasalita na sana ako ng `No` kaso bigla 'kong nakita si Rose na sumama kay Levi at nag-holding hands pa silang dalawa. Sa totoo lang sobrang sakit. Automatic na tumulo yung luha 'ko at sana hindi yun napansin ni Cyrus.

Diretso akong tumingin kay Cyrus and then huminga ako ng malalim.













"Okay. I'll give you a chance" Cyrus? A chance? Maybe, no. This was more of a chance for me. A chance to walk away from Levi.

No comments:

Post a Comment