Thursday, May 26, 2011

Chapter 3

Start na ng kalbaryo 'ko sa tahimik na lugar na kung tawaging ay <*drumroll*>, ang makamandag na 'The Library'. 4:00 p.m. na nun at dismissal na namin. So yun, diretso library naman na ako nun. Buti nga hindi 'ko kasabay yung mayabang na si Levi e. Siguro maiinis lang ako. Ang ganda ganda ng mood 'ko kahapon tapos nasira lang dahil kay Vyra, kay Levi at sa detention na 'to.

Tapos nang-iinggit pa si Fuchsia at Rose kasi kumain pa sila ng Scramble sa tapat ng school. Ang sarap pa naman ng scramble dun.

Wala naman kaming ginawa masyado ngayon. Yung ibang teachers e nagpauso lang ng games na pang-introduction. Para daw madaling tandaan ang pangalan namin. Yung iba naman e, nagsimula na sa pagtuturo. And top of the list dyan ang Math Teacher namin. Sobrang KJ e.

So yun, naglalakad lang naman ako sa hallway papunta ng library. Ang tahimik, mukhang naguwian na nga yung mga tao. Gusto 'ko ng umuwi. Gusto 'ko ng mag-computer. Gusto 'ko ng magbukas ng facebook! Huhuhu. Paano na mga notifs 'ko?

"Levi *sniff*... Hindi 'ko kaya *sniff*" napatigil naman ako nun sa isang harap ng isang room ng marinig 'ko ang boses ni Vyra. Syempre, sumilip lang naman ako. Magkausap sila ni Levi sa Music Room tapos naiyak pa nga si Vyra e. Ano bang nangyari? Nakakaintriga ha.
"Sorry" Whoa. What's with the 'sorry'?

Nanlaki naman yung mata 'ko ng biglang sinampal ni Vyra si Levi. Ouch yun. Mukhang malutong na sampal pa ata yun ah. Na-deform ata ang fesluk ni Levi. WAHAHA.

"I hate you!" sumigaw naman si Vyra nun tapos may narinig pa akong mga dabog. Ang drama ha? Nakakaloka.
"I'm sorry" Andyan na naman ang 'sorry' na 'yan. Ano ba talagang meron?
"Puro ka sorry! Alam mo ba na sob--"
"Ssh. May taong nakikinig" O.O

Paano niya nalaman? Parang kinilabutan ako nun. Nakakatakot ha. Sobrang creepy. Mabagal naman akong naglakad nun, kunwari ba e napadaan lang talaga ako. Whew. Sana hindi ako nahuli no. Siguro kung oo, e tepok na naman ako.

***

Mabilis akong pumunta sa Library nun at nakita 'ko si Ms.Librarian na mainit na ang ulo kasi na-late ako ng mga 2 minutes. Hayyy grabe. Ang strict naman.

"You're late. And asan yung kasama mo?" tanong naman niya sakin pero umiling na lang ako. Alangang sabihin 'ko naman na `andun po. nakikipaglandian. hihi`. WAHAHA.

"Hay grabe naman talaga kayo oh. Ang pasaway talaga! Hihintayin 'ko pa yun dito! Nakakainis naman talaga oh" Ok. Nasa menopausal stage na ata lahat ng teachers dito. "Sige, ikaw mag-sort out nung mga books. Merong mga pasaway kasi na kung saan-saan na lang linalagay"


"Sige po" tinabi 'ko muna yung bag 'ko nun then nagsimula akong maglagay ng mga libro sa tama nilang lalagyanan. Buti na lang e memorize 'ko yung Dewey Decimal System at alam 'ko kung saang shelf ilalagay. Yung iba naman e tinabi 'ko muna, hindi 'ko kasi maabot e. Nasa pinakaitaas ba naman yung ibang books! Nakakabadtrip lang e.

After 10 minutes lang naman e, dumating na rin si Levi. Sobrang tagal e. Tumingin naman ako sa kanya pero inirapan 'ko lang naman siya.

"Ano ba yan?! Sa susunod e pwedeng wag kayong ma-late?! Sige, Ms. Alitagtag, magpasalamat kay kay Levi kasi ie-extend 'ko ang detention na 'to for two days!" nakita 'kong nag-smirk sakin si Levi. So masaya pa siya non ha!?!!
"Pero miss--"
"Walang pero pero. Ok? Aalis na ako. Andito yung susi sa  table. Kayo na mag-lock ng library. Siguraduhin niyong lock, ok? Kundi lalo 'kong ie-extend ang detention niyo" sabi naman ni miss. Napasigh na lang naman ako nun nung umalis na siya ng library. Kami na lang tuloy ng Levi na 'to. Bad Luck talaga ang dala niya sakin no.

Sobrang tahimik nun. Nakita 'ko namang umupo lang siya dun sa isang table then may kinuha siyang mga School Newspapers sa ilalim nung desk. Ano ba yan?! Wala ba itutulong 'to?

"*ehem*, excuse me ha? Hindi mo ba ako tutulungan?" tumingin siya sakin then umiling siya with matching ngite pa na parang nagsasabi na `never kita tutulungan`.

"Ano? Gusto mo bang ma-extend 'to lalo ha!" tinuro niya naman bigla yung sign sa library na may nakasulat na `Silence Please`. Nakakapikon!
"Kaya mo na yan" sabi naman niya kaya inirapan 'ko na lang siya.

Na-realize 'ko na sobrang dami nung libro. Medyo naluluha na nga ako e, ang dami kasi tapos wala siyang ginagawa. Nagte-text lang siya dun o di kaya nagbabasa ng mga School Newspapers. Isang oras na ako dito pero wala pa ako sa kalahati ng pagso-sort out. Tapos halos yung iba pa e, hindi 'ko pa abot.

Huminga naman ako ng malalim nun tapos pinunasan 'ko yung mga luha 'ko na kanina pa pala lumabas. E nakakainis naman kasi talaga e. Ayaw pang tumulong nung isa dyan. Sobrang sama ng ugali. Lumapit ako sa table na pinaguupuan niya tapos kumuha ako ng isang upuan para patungan 'ko.

Linagay 'ko yun sa tapat ng bookshelf tapos ginamit 'ko yun para ilagay yung mga libro sa taas nung bookshelf. Medyo nakakahilo nga e. Bababa ako para kumuha ng libro tapos tatas para ilalagay. Then, bababa ulit then lalagay ulit. Paulit-ulit lang. Tapos palipat-lipat yung upuan 'ko kasi syempre, dapat nga naka-sort out e.

Two hours na ang nakakalipas nun at nangangalahati pa lang ako. And siya naman e nakadikit na ata ang pwet dun sa desk. Nakakainis na talaga.

"Ano ba ha?! Kung umuwi ka na lang kaya! Wala ka namang tinutulong e!" napatingin siya sakin nun. Mukhang di niya narinig kasi naka-earphones pala siya. Tinanggal niya naman bigla nun yung earphones niya.
"Ano ulit? Paki-ulit?" kung hindi ka naman talaga harap-harapang binabastos o! Nakakainis e.

Hindi 'ko naman siya pinansin. Kumuha na lang ako ng libro tapos tumungtong ulit doon sa upuan para ilagay 'yung libro sa itaas. Ang bilis nag pagtibok ng puso 'ko. Naluluha na nga ako. Bakit kasi ang daming walangyang hindi marunong magbalik ng libro sa tamang lugar?!! Bwiset!

"Umiiyak ka ba?"

Hindi 'ko ulit siya pinansin at mabilis 'kong pinunasan yung luha 'ko gamit yung necktie 'ko. Dyahe na kasi kung kukunin 'ko pa yung panyo 'ko sa bulsa 'ko.

Bababa na sana ako mula sa upuan nun para kumuha pa ng libro ng biglang...

"AAAAHHH!" sobrang bilis ng pangyayari. Sobrang hirap i-describe. Akala 'ko tatama na ako nun sa floor tapos mada-damage na ang fesluk 'ko pero nagulat ako ng sinalo ako bigla ni Levi.

Naka-yakap siya sakin nun from my back kaya naman yung likod niya yung tumama dun sa sahig. Nakapikit pa nga ako nun kasi sobrang nakakatakot talaga.

"Ano ba? Mag-ingat ka naman!" sabi naman niya sakin then humiwalay na siya sakin. Lumayo din naman ako sa kanya kaagad kasi nakakailang din yon.

Dahan-dahan siyang umupo nun sa sahig habang hinahawakan niya yung likod niya. Hala naman, mukhang naka-disgrasya pa ako.

"Hala! Sorry talaga!" nagpa-panic naman na ako nun. "Nabalian ka ba? Or what? Patay tayo dyan! Wala akong pera pampagamot sayo! Hanggang albularyo lang ako! Pasensya! Ipapahilot 'ko na lang 'yang bali mo. Pasensiya! Mahirap lang kami. Wag mo sana tanggalan ng trabaho ang magu--"

"Ang dami mo pang sinabi. Hindi mo ba alam na dapat tahimik dito?"

Tumayo siya nun. Hinihintay 'ko nga na i-reach out niya sakin yung kamay niya pero hindi naman niya ginawa. Napakagentleman naman talaga o! Umaapaw! Grabe! Tumayo naman ako nun at nagpagpag.

Nagulat naman ako kasi sa wakas e nagkaroon na siya ng kusa na maglagay nung mga books. So yun, tinuloy-tuloy 'ko na din ang pagso-sort out ng mga libro. Hindi nga kami nagpansinan e. Natapos lang kami sa pagso-sort out ng bandang 7:30 p.m.

Si Levi na yung nag-lock ng library para kapag hindi niya nai-lock ng maayos e siya ang mapapagalitan. Wahehe.

"Uuwi ka na ba?"

"Uyy concern siya. Bakit? Hahatid mo ba ako?"

"Hindi"

AYYY, ANG TARAY TALAGA! Inirapan niya naman ako nun tapos nilagpasan niya ako. Haaaayyy, super sungit talaga e.

***

So yun, nakauwi na din naman ako sa bahay. Wala nun si mama at si papa. Nasa Business trip kasi kaya kaming dalawa lang ni Ate Ivette yung nasa bahay. 4th year highschool na pala siya sa St.Claire.

"Late ka ata ha?"

"May detention nga diba? Anong pagkain?"

"Adobo sister. Andyan lang sa table" sabi naman niya sakin habang naka-glue yung mata niya sa tapat ng laptop niya.

Mabilis naman akong kumain nun kasi gutom na gutom na rin naman talaga ako. Then, naligo ako at nagpalit na din ako ng damit 'ko. Sa wakas ay fresh na! Napaka-crybaby 'ko kanina. As in! Pero nakakainis naman talaga e. Sa dami ng librong yun e, siguro mga 10p.m ako natapos nun!

***

"WAAAAAAA!" nagulat naman ako kasi ginagawa 'ko yung assignment 'ko sa math nung mga oras na biglang nagwala si Ate.

"Oh. Anong meron? May flying ipis ba?"

"Worst than that sister! May favor ako, please?"

"Yan ba yung favor na nangangailangan ng lakas ng loob at tsinelas?"

"Hinde no"

Lumapit naman ako sa kanya nun then umupo ako sa tabi niya. Tinuro niya nun yung screen ng laptop niya. Hindi naman ako masyado nagulat kasi wala naman akong pakielam sa chat messages nila nung chatmate niya.

sisterlalajing: Ano yun?
CDR687: EB na tyo pls. 
CDR687: Gxto kta mkita pls.
CDR687: I love you ^^

Ano naman ang pakielam 'ko sa messages na 'yan no? Puro kalandian lang naman ni ate yan e. WAHAHAHA.

"And so? Anong gagawin 'ko?"

"Paano kung panget siya, sis? Nanliligaw kasi siya sakin e kahit na hindi 'ko pa alam ang itsura niya. Ayaw kasi niyang magbigay ng ibang info e. Ako din naman syempre, hindi magbibigay no"

"Eh ano? Anong gusto mong iparating?"

"Sis, diba mahal mo naman ako?"

"Hindi" Wahehe. Sama 'ko.

"Sis naman. Please? Tulungan mo ako?"

"Ano bang gagawin 'ko?"

Nag-gulp nun si Ate Ivette. Then nagsalita  din siya sa wakas...















"Pwede ba ikaw ang makipag-EB sa kanya instead na ako?"

No comments:

Post a Comment