Friday, May 27, 2011

Chapter 6

Friday na ngayon. Grabe. Alam niyo yung sobra talaga akong kinabahan kahapon. Kasi feeling 'ko may death threat na ako from Levi. Muntik na nga akong maihi sa panty 'ko e. Biro lang. Wahehe. Wala ng nangyari kahapon kasi hindi naman na kami nag-usap. Nahihiya na din kasi ako e. Hindi 'ko na nga siya tinetext e. At hindi rin naman siya nagte-text sakin. Recess time namin ngayon. Syempre, hindi mawawala ang kwento 'ko kay Fuchsia at Rose tungkol kay Yohan :">

"WHAT?!"


Totoo naman ang nakakagulat na kilala talaga ako ni Yohan. ALAM NIYA ANG PANGALAN 'KO!

"Uh-huh. Totoo nga. No joke. Nagulat nga din ako e"

Pero syempre, hindi 'ko na mismo binuo yung kwento na nakita 'kong nagbugbugan si Levi at si Yohan. Kumbaga, 'sorry' 'ko na 'yun para kay Levi. Haayy, sana alam niya na nagiging mabait ako sa kanya.

"Ibig sabihin ba niyan e, may chance ka na sa kanya?! OVERRRRR!!" 

Ang lakas ng boses ni Fuchsia nun kaya naman napatingin samin yung iba naming batch mates. Medyo nakakahiya nga e pero nakakatuwa pa rin. Tingnan mo 'yon, napapansin din pala ang katulad 'ko.

"Sus. Pangalan lang 'yon. Malay mo naririnig niya lang 'yon sa kung saan-saan"

Sige. Ako na negative pero ayaw 'ko namang umasa no.

"Ayaw 'ko naman si Yohan e. Mas gusto 'ko si Levi para sayo"

***

Nagulat ako dun sa sinabi ni Baby Rose. Pero nagtawanan lang kami. Duh. As if naman type 'ko si Levi. E parang bad luck na talaga siya sakin. Sana pala tinaboy 'ko na siya no at hindi na lang ako pumayag na umupo siya sa arm chair katabi 'ko.

So yun, nagtake-up na naman kami ng mga lessons. Nakakainis, hanggang wednesday pa ang detention 'ko. Bakit kasi na-extend pa e?! Si Levi talaga! Pero ayaw 'ko na siyang sisihin kasi may kasalanan naman ako sa kanya.

So yun, mabilis namang dumaan ang oras. And detention time again. Haayyy, nakakasawa na. Hindi na talaga ako gagawa ng kalokohan next time! Buti nga hindi alam ni mama at ni papa e. Ayaw 'ko kasing ipaalam sa kanila, baka sabunin lang nila ako.

So yun, pumunta na ako sa library. Buti na lang at wala akong narinig na dabog or ingay. Ayaw 'ko ng mapasama sa gulo ng iba. Promise 'ko na 'to sa sarili 'ko na No Eavesdropping na talaga. Pumasok ako ng library nun. Nagulat nga ako kasi mas nauna sakin si Levi.

Infairness, improving na siya ha.

"Ok. Mag-start na kayo. Yung mga reminders 'ko ha" nagpaalam naman na ako kay Miss nun then umalis na din naman siya. Magtutuos na naman kami ng mga libro na 'to?! Kaya 'ko 'to!

Nagsimula na akong mag-sort out ng mga libro nun pero ang awkward ng aura samin ni Levi e. Alam mo yung wala talagang nagsasalita samin. Tapos parang kaming mag-syota na kakatapos lang mag-LQ. Ganon e. Triny 'ko namang bwumelo ng mga topic pero sa isang oras e, "Hindi" at "Wala" pa lang ang sinasabi niya sakin.

"Galit ka ba sakin?"

"Hindi"

Isa pang tanong. Bwelo ulit ako.

"May assignment ba tayo?"

"Wala"

Ang saya niyang kausap! Grabe. Feeling 'ko e maagnas na ako sa katahimikan sa library na yun e. Hindi na rin naman ako nagsalita nun kasi mukhang kahit anong effort 'ko e, wala naman talagang mangyayari. Tsaka, bakit 'ko pa ba proproblemahin kung galit siya sakin o hindi? Hindi naman siya kawalan.

So yun, mga 7:30 p.m. naman na kaming natapos nun.

"HAAAYYY! Sa wakas, tapos na din!"

"...."

Ang sungit talaga e. Nakakainis lang. Siya pa rin yung nag-lock ng door nung library. Hindi naman siya sumasablay dun kaya keri niya na 'yon. So yun, hindi 'ko naman na siya kinulit. Nakakahiya na din kasi e. Na-realize 'ko na first week pa lang 'to, tapos kung maka-asta ako sa kanya e parang close na kami kaagad. Nagmumukha ata akong Feeling Close sa kanya e. Ayaw 'ko naman ng ganun.

Naglakad naman na ako papaalis sa building na 'yon. Medyo na-realize 'ko naman na magkasunod lang kami habang papalabas dun sa building. 

Narinig 'ko agad ang pagpatak ng mga ulan sa bubong nung building. Kung minamalas ka naman o, wala pa naman akong dalang payong. Kawawa naman talaga ako o. Tumingin ako nun kay Levi sa likod 'ko. Para lang mahingan siya ng tulong.

"May payong ka ba?"

Umiling lang naman siya non. HAAAYYY. Alangang, maghintay naman kami dito. Ayaw 'ko ngang makasama 'tong matipid sa salita na taong 'to. Baka maloka lang ako. WAHAHA.

"Ano ba yan?! Paano na yan?!"

Tumabi naman sakin nun si Levi tapos nagulat ako kasi bigla niyang tinanggal yung polo niya non. Grabe, bata pa po ako. Hindi pa ako ready. Naka-t shirt lang naman siya na puti nun tapos bigla niyang inabot sakin yung polo.

"Ilagay mo sa ulo mo"

Napalunok naman ako nun. Bakit ang bait niya ngayon? Ang moody e. Ang awkward pa din sa feeling. Tinanggap 'ko naman yung polo niya tapos linagay 'ko nun sa ulo 'ko.

"Share na kaya tayong dalawa"

Inakbayan niya ako nun tapos linagay din yung isang side ng polo sa ulo niya. Whew. Sobrang lapit ng mukha niya sakin e, ang awkward talaga e.

"Pagbilang 'ko ng 3, sabay tayo sa  pagtakbo. Ok?"

Tumango ako sa kanya. Sige, dapat alert ako!

"THREE!"

ANAK NG KALABAW! Mabilis niya akong kinaladkad non! Ano ba, hindi ako ready no?! Mabilis kaming tumakbo nun kahit na hindi rin namin naiwasan yung pagpatak ng ulan. Grabe, tapos wala pa kaming makitang silong. Walang kwenta din naman yung polo niya. Waepek din.

"Sabi mo pag nagbilang ka hanggang tatlo, dun lang tatakbo. hindi ako ready!" sabi 'ko naman sa kanya habang tumatakbo kami. 

Hindi naman niya ako pinansin nun tapos dinala niya ako papunta dun sa guard house. Hay grabe, fail naman 'tong paggamit namin ng polo niya.

"Ang lakas ng ulan. Nakakaloka! Basang-basa na yung bag 'ko sa  ulan!"

Sabi 'ko sa kanya pero ng bigla akong napalingon sa kanya e napatitig ako ng bonggang-bongga. Kasi hinubad niya yung white t-shirt niya. Jusko po. Bata pa po ako.

"HOY, ano bang ginagawa mo?!"

Pinagpatong niya yung polo at yung t-shirt niya tapos tinakip niya nun sa ulo 'ko. Then, inakbayan niya ako and mabilis ulit kaming tumakbo papalabas nung guard house. Grabe nga e, ang awkward kasi talaga e. Ang to think na ako lang yung tinakipan niya sa ulo. Basa pa rin naman ako kahit anong mangyari e.

Then, sa wakas e nakatawid din kami dun sa waiting shed kung saan may terminal ng tricycle na sasakyan 'ko. Pinagtatawanan nga kami e, kasi ba naman nakatopless lang 'tong kasama 'ko. Kamusta naman 'yon?

"Sure ka bang ok ka lang?"

"Oo, aalis na ako. Ibalik mo na lang 'yan sa Monday"

Then 'yun, tinakip niya sa ulo niya yung bag niya and iniwan niya ako dun sa waiting shed at mabilis siyang tumakbo sa kabilang street. Siguro dun lang siya nakatira. Napa-sigh naman ako nun kasi baka mamaya e magkasakit pa 'yon. Nakakakonsensiya naman. Tsaka, over yon ah. Kaya naman lalabhan 'ko 'tong polo at t-shirt niya para sa kanya!

***

Nakarating din naman ako sa bahay. Nag-alala pa nga si ate. Baka daw magkasakit ako at hindi ako makapunta sa EB 'ko bukas with her suitor. Grabe no, yun talaga 'yung inisip niya. So yun, pinaligo niya muna ako. Ang bantot din kasi ng tubig ulan no.

Habang naliligo ako e, siya naman etong pinapatuyo yung bag at yung mga gamit 'ko na nabasa. Buti nga yung mga notebooks at books 'ko e hindi masyado nabasa.

So yun, nagdamit din naman ako at kumain na rin ng dinner. Si ate Ivette na yung nag-ayos ng gamit 'ko. Sobrang bait talaga e.

"Sis, meron ka bang hindi sinasabi sakin?"

Nagulat naman ako dun kaya umiling na lang ako sa kanya. Ano namang meron?

"Kasi... sis... bakit..."















"..bakit may isang polo at t-shirt dito ng lalaki? Wag mong sabihin na hindi ka na--" ATE, MALI YANG INIISIP MO! O.O

No comments:

Post a Comment