Monday, August 29, 2011

Epilogue

"INGRID ALITAGTAG!" 


Ganoon pa rin ang takbo ng buhay ko. Sem break namin ngayon at 3rd year college na pala ako sa PNU. Sa mga panahon na 'to, sina Fuchsia at Rose yung mga kasama ko. Alam mo na, bonding lang. masyado naming namiss ang isa't-isa eh. magkakalayo kasi yung mga universities na pinasukan namin.

"Grabe, namiss ko kayong lahat!" parang dejavu nga eh. Feeling ko first day ulit 'to ng fourth year life ko. Fresh pa rin talaga lahat ng mga nangyari ng taong iyon.

"Asus, pinapatagal niyo pa eh! kumain na lang tayo!" sabi ko naman.

Wala na akong balita pa kay Levi. noong una ay nagkakachat kami pero unti-unti ring nawawalan ng communication. Sa totoo lang, nagkaroon na rin ako ng mga boyfriends pero hindi ko pa rin makalimutan si Levi. Siya pa rin talaga eh. hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung andito pa ba siya o... wala na... Basta siya pa rin ang nasa isip ko... hanggang ngayon...

Nakipagkwentuhan lang naman ako kina Fuchsia at Rose. Si Fuchsia pala ay nag-aaral sa La Salle. Ang course niya ay Interior Design. yan naman talaga ang forte niya eh. Si Rose naman ay sa FEU kung saan siya nagtake-up ng course na Accountancy. Nalaman ko rin mula sa kanila na si Yohan ay nag-aaral sa UP Diliman (galing talaga eh! Idol!!) at ang course niya ay Industrial Engineering. Grabe, bigatin talaga ang course. WAHAHA. Samantalang si Vyra ay sa UPLB. Sayang nga eh. Hindi pa sila nagkaparehas ng campus. Ang course naman ni Vyra ay Communication Arts. Ayos din, eh. Si Cyrus naman ay nag-aaral daw sa America. Hindi ko alam ang course niya eh. Buti pa sa kanya ay may balita ako pero wala man lang kay Levi.

Pagkatapos ng bonding time ay umuwi na rin ako sa bahay namin. Ganoon pa din ang setup. Si Ate Ivette pala ay nag-aaral sa CEU. Tourism ang course niya. Noong una nga ay ayaw ni mama at papa kaso hindi naman nila mapipigilan ang gusto ni Ate Ivette eh.

"Kakaloka ka, sis! tawag ng tawag sa bahay si Lester! Nakikipagbalikan na sayo" kung sino si Lester, wag niyo na siyang isipin pa. isa lang siya sa mga ex ko na binabalikan ako.

"Hayaan mo siya. ayaw ko sa may bisyo na katulad niya" sabi ko naman.

"gusto na rin daw makipagbalikan sayo ni Jonah. Nagpapalakad nga siya sakin eh. anong sasabihin ko?" naku po. isang ex na naman. Ganito na ba talaga ako ka-in demand?! WAHAHAHA.

"Ayaw ko dun. Masyadong nanlilibre. masyado siyang mayaman." sabi ko naman. Dami 'kong arte sa buhay eh.

"Eh paano si Ethan? May gusto pa rin yun sayo eh" sus 'ko po. ilang beses ko ba sasabihin sa Ethan na 'yun na hindi ko naman talaga siya nagustuhan?!!

"ang kapal niya! Hindi nga naging kami eh" grabe ha!

"Nako sis, walang magtatagal sayo na relasyon. halata naman eh" napatingin naman ako sa kanya ng diretso. "halata kasi na hindi ka pa ready na magmahal kahit anong ipilit mo sa sarili mo. Wag mo na ngang lokohin ang sarili mo. Alam mo naman na siya pa rin ang mahal mo"

Napaisip ako ng malalim. Tama nga si ate Ivette. Ano nga naman ba ang magugustuhan ko sa ibang lalaki kung pilit ko silang kinukumpara kay Levi? kung pilit kong ginagaya sila kay Levi... nakakalungkot isipin na hindi pa nga talaga ako nakaka-move on.

"Wag na natin pagusapan 'to" sabi ko naman habang paakyat na sa kwarto ko.

"alam mo... kung bigyan mo kaya ng chance 'yang puso mo... bigyan mo ng chance yung rinereto sayo ni mama noon pa... sana ma-realize mo na hindi lang naman talaga si Levi ang lalaki sa mundo..."

Tama si Ate. Pero mahirap talagang ma-realize ang mga ganyang bagay.

***

Pumayag na ako kay mama at papa na makipag-meet dun sa lalaki na dati pa nila sakin rinereto. Ugh, ayaw ko talaga ng mga fixed eklavu na ganito eh! Paano kung pangit pala yung ugali nung lalaki? ano na lang ang gagawin ko?!!

"Wow, sa wakas! Naisipan mo na ring i-meet ang lalaking yun. Alam ko na magugustuhan mo siya. siya ang ideal man mo!" ay sus ko po. Si Levi lang naman ang ideal man ko eh.

"Yeah, whatever. Kelan ba yan?" sinabi naman sakin ni mama yung mga plano niya. Ayun, ipagmee-meet daw kami ng `lalaking ito` sa isang restaurant ng 7 pm. Magsuot daw ako ng maayos na damit at kailangan ay maging sobrang charming at sweet ng aura ko. Sus, kailangan pa talaga akong magpanggap na ibang tao!  Ayoko nga! Susuotin ko lang ang mga damit kung saan ako komportable.

"Okay na 'yan ha. Thank you baby! matutuwa ka talaga sa kanya" tapos niyakap ako ni mama. Wow, ang saya nila ha.

***

Dumating na rin ang end of the world. lumindol at namatay na ang lahat ng tao. Ugh, sana ganyan na lang talaga ang ending kesa makipagkita ako sa unknown guy na ito. Uso pa ba talaga 'to sa kabihasnan natin?! Kakainis lang eh!

Ito na ang araw ng panghuhusga. Nagsuot lang ako ng jeans at t-shirt sa loob. Nagjacket na rin ako dahil alam kong malamig dun sa restaurant. Mukhang mamahalin nga eh. for sure, mayaman ang lalaking 'to!

Kasama ko si mama at papa, sobrang formal nga ng suot nila eh. kawawa naman ako. Pero okay lang yan, para ma-turn off sakin ng tuluyan yung lalaki. WAHAHAHA. Great plan, eh?

Nilingon ko ang paligid ko habang naglalakad kami papunta dun sa table kung saan makakaharap na namin ang isa pang pamilya. Isang lalaki na naka-formal rin na suit ang nakita namin na kumaway kay papa. Siguro ito yung tatay nung irereto sakin. At isang matandang babae naman na nakaformal gown ang naging sobrang familiar sakin. Kinabahan ako, nakita ko na ang babaeng 'to eh. Hindi ako magkakamali.

nagkatinginan kami ng babae at ngumiti siya. isang balikat ang tinapik niya. Tama ba 'tong nakikita ko? O nananaginip lang ako? Isang lalaki ang lumingon sakin....

ang ideal man ko...

Hinawakan ni mama yung kamay ko then pinaupo niya ako sa mismong harapan ng lalaking 'to... Isang lalaki na ang pangalan ay alam ko...

Levi ang pangalan ng lalaking ito...

Napangiti ako kaagad... Bakit parang nananaginip lang ako? Hindi ako sigurado kung tama ba 'tong nakikita ko? Si Levi ba talaga 'tong nasa harapan ko? Parehas kaming may malalaking mata. Grabe, hindi ko talaga akalain. Hindi ako nag-expect na siya pala ang dati pang rinereto sakin ng magulang ko. 

Anong nangyari sa kanya? Gumaling na ba siya sa sakit niya? Wala na bang katotohanan ang mga kataga na iiwan niya daw ako.

It must be destiny, then.

"Ingrid? Wow. Ang ganda mo talaga ngayon, ha" sabi sakin nung nanay ni Levi. Kaya pala familiar talaga siya sakin.

"Thank you po" sabi ko naman pero nakatingin pa rin ako kay Levi. Nagkakangitian kami ni Levi nun then we burst out laughing. Feeling ko naiiyak na nga din ako sa sobrang tuwa.

"Yo" sabi niya sakin. Hinampas ko nun yung braso niya. Mukhang tanga na nga kaming dalawa eh. hindi siguro alam ng mga parents namin na magkakilala talaga kami. mismo ang nanay lang ni Levi ang nakakaalam.

Biglang tumayo si Levi tapos hinawakan niya yung kamay ko then hinila niya ako papalayo sa table na yun. narinig ko pa ang sigaw ng mga magulang samin pero hindi yun dahilan para tumigil kami sa pagtakbo papalabas ng restaurant. Natutuwa at natatawa ako sa mga pangyayari sa amin. Sana pala nagpa-bongga ako ng buhok at suot ko kung alam ko na siya pala yung dati pang rinereto sakin nila mama...

"Wow" sabi naman niya sakin habang magka-hawak kamay kaming naglalakad.

Nasa isang bridge kami kung saan kita talaga ang pagkabilog ng buwan. Sobrang ganda nga eh. I remember the days.

"akala ko iiwan na kita pero ikaw pa rin pala ang babalikan ko" sabi niya sakin. hinampas ko ulit siya nun. Ugh, ito rin pala ang ending namin. Kami pa rin pala.

"Hindi ko 'to in-expect. May tanong sana ako sayo" ito na. This is it. tatanungin ko na sa kanya ang bagay na matagal nang bumabagabag sakin. "May girlfriend ka ba?"

"Wala" mabilis niyang sinagot sabay tumawa siya. "Eh ikaw? May boyfriend ka ba?"

"Meron..." napatigil siya sa paglalakad nun. "...meron akong boyfriend kahapon... Pero wala na kami ngayon. Break na kami. Single na ulit ako"

Natawa naman siya nun. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Sobrang na-miss ko siya! As in!

"Mahal mo pa rin ba ako?" bulong niya sakin. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Yes, I still love you"

"I love you too, Ingrid Alitagtag"

***

Ako po pala si Ingrid Alitagtag. Wow, naka-graduate na rin ako ng college sa wakas. At naging teacher na rin ako sa isag science high school. Bigatin nga ang mga tao dun eh! Sobrang talented at talino! mga idol talaga eh. Halos 5 years na rin akong nagtratrabaho dun. naku po, tumatanda na nga ako, ano? Pero ang memories naka-retain pa rin sa utak at puso ko.

Part time ko na rin ang magsulat ng kwento. Katulad nito, sinulat ko ang kwentong ito in memory ng mga naging kaibigan ko noong high school. Marami akong natutunan sa kanila. Kagaya nga ng sinabi ni Yohan noong valedictory speech niya, "Remember to make new friends but still learn to cherish the old ones".

Buo pa rin ang barkada namin. Ang iba sa kanila ay nagkaroon na ng asawa. Tulad ni Vyra at Yohan. Kakapakasal lang nila last year and buntis na si Vyra ngayon. Feeling ko nga ay lalaki yun eh! Feeling ko lang. WAHAHA.Si Rose naman ay nagre-ready pa lang sa kasal niya next month. Ang gwapo nga ng fiance nun eh! Si Fuchsia naman ay ayun, bakla pa din. Walang pinagbago.

At ako? Ano nga bang nangyayari sa lovelife ko? Sa totoo lang nagpakasal na ako 2 years ago. Kanino pa ba? Eh di kay Bryan Levi Rextor. Hanggang ngayon nga ay kinikilig pa din ako kapag tinatawag ako ng mga estudyante ko na Mrs.Rextor eh! WAHAHAHAHA. Nakakatuwa lang eh. Hanggang ngayon kasi, crush ko pa rin si (*sa background: "Ingrid! Si Biboy pumoopoo na naman!") ....Levi.

Gusto ko pa sanang magkwento kaso kailangan ko ng isarado ang computer. Tinatawag na ako ni Levi gawa ng jumebs na naman si Biboy. Naku po, ang hirap talaga maging nanay. Pero masaya naman. Sana mag-share rin kayo ng kwento katulad ko. Bye!

END