Friday, May 27, 2011

Chapter 7

Naloka naman ako kay ate kasi akala niya e hindi na ako birhen. Grabe ha, over yon. Hindi pa nga ako nakakaranas na magka-boyfriend tapos ganun na kaagad. Ang wild ng imagination ha!

So yun, dahil wala namang assignmens e naglaptop lang naman ako nun. Nakakaistorbo pa nga si ate kasi sinabi pa niya sakin yung mga paalala niya para bukas. Pero ok lang sakin. Kalahati naman ng baon niya for 3 months a mapupunta sakin. Mwahaha.

Then yun, mga 11 p.m. na din akong natapos na makipagchikahan kay Fuchsia sa Facebook. Ang tagal nga e. Kung anu-ano pa kasi yung mga kwinento niya sakin tungkol sa kung sinu-sino. Na-realize 'ko naman na hindi 'ko na pala natingnan yung phone 'ko nun. Busy kasi sa internet. Wahehe. Nung tiningnan 'ko naman yung mga messages, e puro GMs lang. Pero binuksan 'ko naman ang isang text galing kay Levi.

From: Levi
oi.my skt aq.


Kailangan 'kong malaman yon? Ano ako? Duktor? Mukhang kinokonsensiya niya ako ah. Hindi 'ko naman sinabi sa kanya na maghubad siya dun no! Kasalanan niya 'yan.

Hindi 'ko naman siya rineplyan kasi wala din naman akong load. Wahehe.

"Sis, tutulog ka na ba?"

Pumasok si Ate Ivette nun sa kwarto 'ko. For sure, e kakausapin niya ako tungkol sa EB. Isa rin 'to sa nakakainis e. Paulit-ulit? Unli? WAHAHA.

"Yeah"

"Ok. Sweet Dreams. Bukas ha. For dinner 'yon. Wag mong kalimutan"

Tumango lang naman ako sa kanya tapos natulog na din naman ako. Haaaayyy. Isang abnormal na araw na naman ang hatid sakin bukas.

***

Nagising naman ako nun ng mga 10 a.m., nag-unat ng kaunti at nagtanggal ng morning glory. Then, kumaen naman ako ng noodles na niluto talaga ni ate. Bumabait talaga siya. Bongga! WAHAHA.

Nag-PM naman ako kay Rose at Fuchsia na 7pm yung EB at dapat andun sila para bantayan ako. Pero syempre, sinabi 'ko rin sa kanila na wag sila masyadong obvious na sinusundan nila ako. Baka mabuking sila. At nagpalibre na din ako ng load. Walang pera e. Wahehe.

Tiningnan 'ko naman yung cellphone 'ko and linoadan ako ni Fuchsia ng 30 pesos. Kung swineswerte ka naman talaga oh. Pero napatingin naman ako sa isang message sakin ni Levi. Ang kulit talaga e.

From: Levi
Alitagtag, my skt aq.

Dapat talagang sabihin sakin yun? At dapat talaga e, Alitagtag ang itawag sakin? Dahil may load naman na ako, e nag-unli na din naman ako. Then, nakipag-text na din ako kay Levi. Mukhang walang kausap kaya tinotopak na naman e.

To: Levi
kaw kc e.
d k dpt ngpkmacho jn :P

HAAAYYY. Ingrid, hindi ka ba magpapasalamat sa kanya?

From: Levi
e d kw nbsa jn.
pnta k d2. my atrso k skn.

Ako pa talaga may atraso ngayon? Ano siya, chicks?!

To: Levi
my lkad aq :P

Nagka-text kami tungkol sa kung anu-ano. Kasama na din dun ang pagdra-drama niya na masakit daw ang ulo at ang katawan niya. Aysus, eh di sana hindi na siya nagte-text sakin ngayon!

***

6:30 p.m na nun at ready naman na ako para sa EB na 'to. Naka-jeans lang naman ako nun pati isang simpleng t-shirt. Naloka pa nga yung ate 'ko e, kasi gusto niya saking ipasuot yung dress niya. E hindi naman ako sanay don! Tsaka hindi ako makakalabas sa bahay ng naka-dress na ganon no!

So yun, medyo 6:45 p.m. ako pumunta don sa sosyal na restaurant na meeting place namin ni CDR687. Gusto 'ko na maaga para in case na maunahan 'ko yung lalaki e, sasabihin 'ko sa kanya na matagal akong naghintay sa kanya. Wahehe.

Nakita 'ko naman dun sa loob si Fuchsia at si Rose sa isang table. Naka-sumbrero sila pareho nun tapos nagbabasa ng dyaryo. Alam niyo yung mga stalker-type sa mga movies? Ganon na ganon sila e. Ang kulit lang.

Pumasok na din ako sa restaurant na sobrang tahimik naman talaga. Maghahanap lang ako ng panget. WAHAHA. So yun, medyo naglakad-lakad lang ako paikot sa restaurant. Nakakahiya na nga e. Parang akong nawawalang bata. Pero medyo nagulat ako sa isang table sa gitna nung resto.

May isang lalaki don na naka-suit pa talaga. Bongga. Tapos sobrang puti at mukhang may lahi. Super black nung hair niya then sobrang kinis. For short, sobrang gwapo. Kinabahan naman ako nun, eto na kaya 'yon? Hindi ba masyadong gwapo 'to?!

Na-confirm 'ko naman na siya na si CDR687 kasi may nakasulat sa table na "Hi Sisterlalajing". Na-realize 'ko nun na ang bantot talaga ng YMID ni ate at sana nagsisisi siya ngayon kasi sobrang gwapo ng manliligaw niya. Mwahaha. Lumapit naman ako sa table na 'yon.

"Excuse me. I'm sisterlalajing"

Tumingin sakin nun si CDR687 tapos ngumite siya sakin. AYYY, ang taray ng features ng mukha!! Ang gwapo. WAHAHAHA.

"Hi... Whoa"

Inofferan niya ako ng sit nun. Ang sweet naman. Ang malas talaga ni ate. Tiningnan 'ko nun si Rose at Fuchsia na nagulat. Ano ba kasing "bad guy" sa itsura ng anghel na 'to no?!

"Hindi 'ko alam na ganyan ka pala kaganda"

GRABE. Flattered ako don no! Ngumite naman ako.

"Ay gumaganon. Grabe ha. Parang ine-echos lang ako!"

Mukhang nagulat naman siya sakin. Nun 'ko lang naalala na hindi pala marunong si Ate Ivette ng gay lingo kaya for sure e hindi sanay si CDR687 sakin.

"Hindi 'ko alam na makulit ka pala sa personal. Akala 'ko gusto mo ng tahimik. Sorry"

Oo nga no. Ang tahimik dito. Nakakabingi lang e. Tapos nakakahiya din pala ang suot 'ko, ang sosyal kasi nung sa iba.

"Sorry din ha. Masyado atang sosyal yung resto na 'to para sakin e"

Ngumite lang naman ako sa kanya.

"Ok lang. Gusto mo bang lumipat tayo? Hindi pa naman ako umo-order e"

Hindi naman ako nakasagot dun kasi nakakahiya din no. Pero siya na rin yung unang tumayo then, inalalayan pa nga niya akong tumayo nun. Ang haba ng hair 'ko! Parang akong prinsesa! WAHAHA.

"Sure ka ba?"

Tumango siya sakin nun then meron siyang tinawag na isang staff ng resto then binulungan niya 'to. Kung ano man ang binulong niya e for sure nakakagulat 'yun. Kasi nanlaki talaga ng bonggang-bongga yung mata nung manager.

"Pero sir, all the preparations are set up"

Nagulat ako dun. Naka-order na siya. O siguro prepared talaga siya. Nahiya naman ako dun kasi mukhang hindi matutuloy yung surprise niya.

"Ok lang 'yun. Paid naman na 'yun diba? Sa inyo na lang yun. Ok?"

Tumango naman yung manager then nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan 'yung kamay 'ko tapos hinila niya ako papalabas nung resto.

"Hala, nakakahiya naman. Pasensya na"

"Ok lang. Gusto mo sa  park muna tayo?"

Tumango ako sa kanya then sabay kaming pumunta nung park. Ang pormal niya, naka-suit pa talaga. Mukhang mayaman talaga siya ah. Pero mukhang kasing age 'ko lang naman siya. Masyado tuloy mukhang trying hard siyang magpatanda. Wahaha.

Umupo muna kami sa isang bench tapos tiningnan lang namin yung mga stars. Ang ganda nga e.

"Uh... Akala 'ko gusto mo ng mga classic na lugar. Mali na naman ata ako. Nag-suit pa naman ako. Sorry for making you awkward ha"

Natawa naman ako sa kanya. Nangangahulugang magkaiba nga kami ni Ate Ivette. Sa totoo lang e tama lahat ng mga conclusions niya kay Ate Ivette. Mahilig kasi sa sosyal na bagay ang ate 'ko e.

"I don't really feel awkward. Nakakatuwa ka nga e. By the way, I'm Ingrid. 4th year highschool ako sa St.John International School"

Nanlaki naman yung mata niya non. Nakakagulat ba?

"Really? I'm Cyrus. 4th year highschool naman ako from St.Claire International School. Pwede pala tayong magkita no."

Come to think of it. Schoolmate pala siya ni ate at batchmate pa! Tapos hindi man lang niya alam. Nakakaawa talaga 'to si ate e. Mwahaha.

"Oo nga no. Haaaay. Sobrang lamig"

Nakita 'ko siyang nag-smirk nun. Kung mapapansin 'ko siya e parang kamukha niya si Levi. O siguro guni-guni 'ko lang 'yon.

"By the way, may pinsan pala ako sa St.John"

Napatango lang naman ako nun. Hindi 'ko na rin naman tinanong 'kung sino yun kasi wala na din naman akong pakielam. Nagkwentuhan din naman kami tungkol sa kung anu-ano. Natutuwa siya sakin kasi sobrang daldal 'ko daw. At hindi daw ako pwede sa library kasi siguradong mapapalayas ako dun! Ang galing niya talaga!

"Gusto mong mag-arcade tayo?"

"Talaga? Wow, ibang klase ka ha. Hindi 'ko ma-imagine na maga-arcade tayo ngayon"

Tinawanan 'ko lang naman siya then pumunta kami sa may Arcade. Ayun, pinagtitinginan siya ng mga teenagers dun. Kasi ba naman naka-suit pa. Nagmukha tuloy siyang matanda! Naglaro kami ng basketball dun. Ang galing nga niyang mag-shoot e.

"Dali! Go! Dalian mo! Malapit ng mag-time" sabi 'ko sa kanya habang linalaro niya yung pagdra-drive nung kotse. Alam niyo 'yon. WAHAHA. Feeling 'ko nga sobrang ingay 'ko nun e.

"WAAAAA. Puro miss!! WAAAA. Malapit na ata akong magame over! WAAAAA" sigaw naman ako ng sigaw nun habang linalaro yung Dance Maniac. Tawa nga sakin ng tawa yung mga tao e. Nakatitig lang naman sakin nung mga oras na yun si Cyrus na parang tinubuan ako ng dalawa pang ulo.

"Ihulog mo kaya sa right side?" naglalaro naman kami dun sa hinuhulugan mo ng tokens. Basta yung malaking something na maraming tokens sa loob. Tapos may mga madadaya na nagpapasok din ng piso. Badtrip lang e. WAHAHA.

"Dito?"

"Oo. Ay, teka sa left na lang pala!"

Ang kulit nga namin nun e. Tawanan kami ng tawanan. Lalo na nung naubusan na kami ng tokens tapos wala namang nahulog ng token kahit isa. Lumapit naman siya sakin nun tapos bumulong siya sakin.

"Itulak 'ko kaya"

Napatawa naman ako nun. Ibang klase e. Tumango naman ako sa kanya. Tumingin ako sa iba, baka kasi sitahin kami no.

"Game! Habang walang nakatingin"

Nagtawanan ulit kami tapos pasimple niyang tinulak yung machine and nagulat naman kami kasi medyo nausog nga tapos ang daming tokens na nahulog. Tawanan kami ng tawanan tapos nag-apir pa kami. Mukhang nabisto naman kami nung isang guard kaya hinila 'ko siya nun tapos tumakbo kami paikot sa buong Arcade para lang makatakas.

"Bilisan mo!"

Nakalabas din naman kami sa arcade nun tapos nagtago kami sa left side nung building. What an experience?! Kakaiba e. For sure pinagpyestahan nung mga tao dun yung mga tokens?! Pasalamat sila samin. WAHAHA.

"Grabe. Muntik na tayo dun ah!"

"Odiba mas masaya 'to!"

Nakakangalay nga tumawa e. Tiningnan 'ko yung orasan 'ko, 11p.m. na pala no. Sobrang gabi na pala e. Sayang, ang saya pa naman. Time flies nga talaga when you're having fun.

"Ang late na. Hahatid na kita sa inyo"

"Sige"

So yun, hinatid naman niya ako nun. HAAAAY. Hindi pa rin matanggal sa  isip 'ko na sayang talaga si ate e. Siguro kung nagkita sila neto e, magcli-click agad sila. After ilang minutes e, nasa harapan na rin kami ng bahay namin.

"Sige, babye na!"

"Hey."

Napatingin ako sa kanya nun.

"Just dream of me, ok? And thanks for making my day fun. I really like you"

Tapos ngumite siya sakin. Hindi 'ko alam yung sasabihin 'ko nun. Nakakaawa din naman 'tong si Cyrus e. Pero one thing is for sure...




ANG HABA NG HAIR KOOOO! WAHAHAHA.

"Ow. Thanks. Sige, ingat"

Then, pumasok na din ako sa bahay namin. Whew. Sa wakas, e tapos na din.

***

"WHAAAATTTTT?!!!! TOTOO BA 'YAN?!!!"

Nakakabingi naman 'tong nakakalokang boses ni Ate Ivette. Sinabi 'ko lang naman sa kanya na yung Cyrus na ka-batchmate niya yung manliligaw niya e, parang nagwala na.

"Pag nabasag eardrums 'ko, ikaw may kasalanan ha!"

"IS THIS TRUE?!!!!!!! WAG KANG MAGJOKE!"

"Hindi ako nagjo-joke. Bakit ba? Anong meron dun?"

Tumayo nun si ate. Parang kailangan pa niyang bwumelo sa sasabihin niyang big revelation sakin.















"Siya lang naman ang isa sa mga heartthrob sa St.Claire" Weh? ANSAVEEEHHHH O.O

No comments:

Post a Comment