Sunday, June 19, 2011

Chapter 30

Medyo mabilis lang ang byahe namin kasi wala namang traffic. Buong byahe, naka-akbay lang siya sakin. Mukhang masyado siyang nag-enjoy no? Napasarap ba?! Buti na nga lang, tumigil na rin siya sa pagbibilang ng walang katapusang 5 seconds na yun e. Nakakaloka lang.

Bumaba kami dun sa subdivision kung saan andun yung isang flower shop. So yun, sobrang dami ng tao tapos medyo maputik pa kasi ang lakas din pala ng ulan kanina. Tapos ang daming tao, yung siksikan ba. Meron pang mga karatula na nagsasabing mag-ingat sa rapist, holdapers, kidnappers, carnappers at kung anu-anu pang klaseng nappers.

"Yun yung flower shop diba?"


Medyo nagulat ako dun. Busy kasi ako sa pagtingin sa lugar ng Maynila. Ang tagal 'ko na din kasing hindi nakakapunta dito e.

"Oo, yun nga"

Pumasok kami sa isang flower shop na mala-garden ang setup sa loob. Ang dami ngang flowers na magaganda talaga e. Hinalungkat 'ko kaagad yung listahan ng mga bulaklak na bibilhin 'ko.

"Kukuha po ako ng mga flowers na 'to. Lahat po ng nakalista dyan"

Kinuha lang nung babae yung listahan then siya na rin yung kumuha ng mga flowers. Chichikahin 'ko pa sana si Levi kaso bigla siyang nawala sa tabi 'ko. Naging busy din siya kakatingin sa isang ROSE (TSK!) na tinatakpan ng isang glass. Alam niyo yung sa Beauty and the Beast? Ganun yung itsura niya. Tapos may caption sa taas na nakasulat ay "Rose of Life". Kinausap niya ang isang babae dun tapos bigla niyang binili yung rose. Siguro ibibigay niya kay Rose mismo yun. Ang swerte naman niya oh.

Hindi 'ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig kay Levi at yung mga bulaklak na bibilhin 'ko ay nakalapag na dun sa mismong counter at kanina pa pala ako tinatawag nung babae na kausap 'ko lang kanina.

"ay sorry, magkano po?"

"575 pesos po"

Syempre, binayaran 'ko rin naman yun. Tumingin ulit ako kay Levi nun para yayain na siyang umalis pero mukhang binabalot pa yung rose na binili niya. Bongga nga e, pati yung glass pinasama niya na talaga. Then, tumingin siya sakin.

"Lika na. Gutom na ako"

Tumango lang naman ako nun then lumabas na kami nung flower shop. Pumasok kami nun sa Mang Inasal. Yun kasi ang pinakamalapit e. Then, umorder din naman ako ng dalawang PM1 na meal. At umupo rin ako sa seats na nireserve talaga ni Levi.

"Bakit ka bumili nung rose?"

Hindi 'ko na rin mapigilan yung sarili 'ko na hindi magtanong. Ka-curious kasi e.

"Wala ka na dun"

Bumabalik na naman siya sa Levi na kilala 'ko talaga. Napangiti at napa-iling na lang ako dun. Medyo sanay na nga rin ako e.

"Aalis na ba tayo kaagad pagkatapos neto?"

"Gusto mo pa bang gumala?"

Tumango lang naman siya nun na parang bata. Ok lang naman sakin yun kasi wala naman kaming homeworks at ang paalam 'ko naman kay mama at papa, e gagabihin ako kahit na bulaklak lang naman ang habol 'ko.

Sinerve din yung pagkaen namin at tahimik din kaming ngumuya ng paunti-unti. Wala naman kaming pinag-usapan kaya medyo naging mabilis ang pagkain namin. Minsan gusto 'ko siyang tanungin kung kamusta na ba sila ni Rose at kung nanliligaw na ba siya pero hindi 'ko magawa. Baka kasi masaktan lang ako e.

Lumabas din naman kami ng Mang Inasal nun and nag-abang kami ng jeep para pumunta sa pinakamalapit na mall. Maraming pasahero ang nakasabay samin kaya medyo nagkasiksikan na din. Feel na feel 'ko yung braso ni Levi na nakadikit sa braso 'ko. Maya-maya naman eh napunta na yung kamay niya dun sa tuhod 'ko.

"Hoy tanggalin mo yan"

Nag-smirk muna siya nun bago niya tanggalin yung kamay niya mula sa tuhod 'ko.

"Chansing 'to"

Nagulat naman ako nun kasi biglang naging wide yung ngiti niya. It's because of two facts. First fact, minsan lang siya ngumiti ng ganyan no. Second fact, chinansingan niya talaga ako!

"Badtrip 'to! May gusto ka sakin, ano?"

Tumingin siya sakin ng diretso nun at nawala yung ngiti mula sa mga labi niya.

"Alam mo namang hindi pwede tapos magtatanong ka pa. At ang kapal mo din, ano?"

Akala 'ko seryoso siya pero nag-smirk din siya para ipaalala sakin na joke lang naman niya yun.

Bumaba din naman kami nun sa mall and then yun, naggala lang talaga kami. Window Shopping at tiningnan lang namin yung mga tao. Bigla naman akong hinila nun ni Levi sa isang shop kung saan nagbebenta ng mga gowns at cocktail dresses. Ano 'to?! May balak mag-suot si Levi ng ganito?! WAHAHAHAHA.

"Magsukat ka. Gusto 'ko lang makita kung mukha kang tao kapag nakaganyan ka"

Pinalo 'ko naman siya nun. Lalaitin pa ako e!

"Ang sama nito! Wala akong pambili. Next time na lang"

"Eh di bibilhin 'ko kapag nagustuhan 'ko para sayo. Magsukat ka na lang"

Tapos medyo tinulak niya pa ako nun. Grabe 'tong lalaking 'to?! Masyadong mapilit?!!

"Hindi ako marunong pumili"

Napailing naman siya nun. Yabang ng dating eh. Nakita 'ko naman na nagtatawanan yung mga saleslady samin.

"Hindi ako minsan naniniwala na babae ka e"

Lalong lumakas yung pagtatawanan nung mga saleslady. Nakakabadtrip no?

"Anong pinagtatawanan niyo dyan? Yan ba ang trabaho niyo? Hindi naman diba?"

Nagulat ako nung sinita niya yung mga saleslady. Ang bilis nga nang pagtibok ng puso 'ko e. Napatahimik agad sila at kanya-kanya silang kilos sa paggawa ng trabaho nila.

"Hibang ka talaga no?"

"Oo, may problema ka dun?"

Hindi naman ako nakasagot nun. Hinila niya ako sa mga dresses at namili siya ng maraming dresses. Grabe nga e. Nahihiya na ako kasi dapat 2 garments lang per pasok sa fitting room. Siguro 7 dresses yung napili niya then binigay niya sakin lahat.

"Isukat mo yan. Bawat dress, lumabas ka. Gusto 'kong makita"

"Bakit naman?!"

"Baka gusto mo ako pa magbihis sayo sa Fitting Room?"

Napakagat ako nun sa labi 'ko. Aish. Loko talaga 'tong si Levi oh. Pinagtri-tripan lang ako. Pumasok na din ako sa isang fitting room then sinukat ang isang first dress. Isa siyang pink dress na may ribbon sa bandang bewang tapos lagpas tuhod siya ng mga 2 inches. Click here.

Lumabas din ako ng fitting room at nakita 'ko siyang sitting pretty sa isang komportableng puting sofa. Grabe, special treatment talaga ha? Nakita 'ko siyang ngumiti nun tapos umiling siya.

"Pumasok ka ulit"

Inirapan 'ko lang naman siya nun sabay pasok sa fitting room. Ang lakas ng trip niya! Eto naman akong nagpapadala sa kakaibang trip niya. Kumuha pa ako ng isang dress. Blue dress naman siya na may bonggang feathers sa isang side. Tapos leopard style ang pattern ng design. Blue nga lang siya at hindi orange. Click Here.

Lumabas ulit ako then nakita 'ko ulit si Levi.

"Ok na sana. Pero sige, isa pa"

Umirap ulit ako at nag-try ulit ng iba pang dresses. Medyo marami rin yun. Marami rin akong nakitang mga ngiti mula kay Levi. Enjoy na enjoy talaga ang loko no. Dumating din naman ako sa point na last dress na yung isusukat 'ko pero feeling 'ko gusto 'ko ng umatras e! Feeling 'ko kasi lalabas na yung kaluluwa 'ko kapag sinuot 'ko pa 'to e. Isang black dress ito. Pati tube siya. Tsaka pa-balloon effect pa. Eto yung tipong kapag yumuko ako, maraming makikita. GRABE! Click Here.

Lumabas ako nun ng dahan-dahan tapos nakita 'kong lumaki talaga yung mata ni Levi tapos napakagat din siya sa labi niya! Linchak 'tong lalaking 'to!

"Sasapatusin talaga kita kapag hindi ka pa nagsalita!"

Napailing siya nun habang nakatitig lang siya sakin.

"You look fine. Magpalit ka na"

Inirapan 'ko ulit siya then pumasok na ako sa fitting room at syempre, nagpalit na din. Lumabas ako at niyaya na din si Levi na lumabas sa shop na yun. Pinagmukha lang akong engot nito e!

"Wala kang binili. Ibig sabihin walang bumagay sakin"

Naggala-gala lang ulit kami sa loob ng mall nun. Nakakatamad pa ring umuwi e.

"Mas gusto 'ko kasi na simple ka lang e. Kaya wala akong binili"

ASUS! Wala ka lang pera!

Then yun, umabot na din ng 5PM nang ma-realize namin na kailangan na naming umuwi. Lumabas kami ng mall at dun lang namin nalaman na sobrang lakas pala ng ulan at wala kaming payong pareho! Naalala 'ko ang times na nagkapaka-macho talaga siya ng bonggang-bongga sakin!

"Malas"

"Paano yan? Wala ng tricycle! Tapos walang jeep! Stranded na tayo! Mamatay na tayo dito Levi?!!"

"Ang OA mo"

Napatahimik naman ako nun. Pasensya naman no. Pero swear, walang jeepneys at tricycle. Nakakabanas lang e.

Hinawakan niya agad yung kamay 'ko nun at hindi pa ako nakaka-react nang bigla niya akong hinila. Ang bilis ng takbo namin nun. Akala naman namin maiiwasan namin ang pagpatak ng ulan. Tuloy-tuloy kami sa paghahanap ng silong nun kaso mukhang tinatakasan din kami ng mga magigiting na waiting sheds. Mas bumilis kami sa pagtakbo hanggang pumasok kami sa isang inn ng sobrang basang-basa kami.

"Excuse me. Gusto niyo ba munang magcheck-in? May bagyo ngayon e. Bukas pa ang alis niyan."

Lumapit agad dun si Levi.

"Single room lang po. One night"

Lalo akong kinabahan nun. Hindi pwede 'to. SINGLE ROOM?!

Nagbayad nun si Levi then binigay sa kanya yung susi at mabilis siyang umakyat gamit yung stairs. Wala naman akong magawa kundi sumunod lang sa kanya. Medyo naiilang ako. Kasi uulitin 'ko ha? SINGLE ROOM?! AS IN SINGLE!?

Pumasok kami sa isang room at tamang-tama ang hinala 'ko. Isang single room na may isang CR at may isang kama! GRABE! Single na single!

May isang towel sa gilid nun at bigla niyang binato sakin. Saktong-sakto ng sa mukha 'ko e.

"Ano--"

Napatigil ako nun kasi nagtanggal siya ng basa niyang t-shirt. Ginamit 'ko na lang yun para takpan yung mga mata 'ko.

"Tae, wala akong pamalit. Ako na matutulog sa ibaba. Ikaw na dito sa mismong kama"

Tinanggal 'ko na nun yung towel. Nailang pa nga ako kasi hindi man lang siya nahiya sakin. Pero badtrip, basang-basa talaga ako. Pero dapat 'kong pagtyagaan 'to?! Matutulog ako ng basa ako!

"Baka magkasakit ka kung matutulog ka ng ganyan"

Napatingin ako nun. AT ANO NAMAN ANG GAGAWIN 'KO?! YUNG TOTOO?!

"Magpatuyo ka muna"

Yun pala e. Hindi naman nililinaw. Lumabas ako dun sa may veranda. Over looking 'ko ang isang city na maraming ilaw. Tinext 'ko din di mama at papa na hindi ako makakauwi kasi sobrang lakas nga ng ulan. Maya-maya naman ay tumabi na sakin si Levi. Buti nga at sinuot niya ulit yung t-shirt niya kundi naloka na talaga ko. Siguro piniga niya lang kanina.

"Ang lamig no?"

Nakita 'kong tumango siya nun. Wala akong masabi sa kanya. Siguro dapat 'ko munang gamiting ang time na 'to para pagtibayin ang 70 days-OPLAN 'ko.

"Levi, sa tingin mo ba kilala na kita?"

"Hindi"

Wow. What an answer?! Masyadong straight to the point?! Nakakaloka!

"Magpakatotoo ka nga sakin!"

"Bakit?"

Napatahimik naman ako nun. Ano bang hinihintay 'ko galing sa kanya? Hinihintay 'ko pa na sabihin niya sakin mismo kung gaano niya kamahal si Rose?

"May aaminin ako."

Napatingin ako ng diretso sa kanya nun.

"Ano yun?"

Nakita 'kong lumunok siya tapos lumapit siya sakin. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko! Ano bang aaminin niya sakin?!! Waaaaa.













"I'm not really gay"

No comments:

Post a Comment