Wednesday, June 1, 2011

Chapter 16

"Mahal ka niya"


Third day na ng Sports Fest namin ngayon. Kung ano man ang nangyari kahapon ay tinuturing 'ko lamang na panaginip dahil lalo pang nagpagulo yun sa isip 'ko. Hinatid ako kahapon nun ni Levi at sobrang tahimik 'ko nun. Masyado akong busy na mag-isip kesa kausapin siya. Kasi baka mamaya ay mabisto niya ako ng wala sa oras. Lunch time namin ngayon kaya tuloy-tuloy lang ang pag-persuade sakin nina Fuchsia at Rose na umamin.

"Hindi niya ako mahal"

"Obvious yun, Ingrid. Mahal ka niya"

Aish. Sana kasi yung Championship game na lang yung iniisip 'ko kesa yung mga kalandian na 'to.

"Hindi niya ako mahal. Ok? Wala naman siyang sinasabi e"

"Wala siyang sinasabi kasi hindi mo siya tinatanong"

Whew. Tapos kukulitin lang nila ako sa paggawa ng first move!

"Kasi wala namang point kung tanungin 'ko siya e"

"Umamin ka na lang kasi sa kanya, Ingrid. I think it's for the better"

Napasigh naman ako nun. Sa makabubuti ba talaga yun?

"Pero paano kung matulad lang ako dun sa second year?"

"Don't worry, mahal ka niya"

Napasigh ulit ako. Ako? Mahal niya? Sana si Vyra na lang yung mahalin niya diba? Mas maganda naman siya. Sporty at talented pa. Ang isa pa ay mayaman sila pareho.

"Paano kung assuming lang talaga ako?"

"Mahal ka niya"

Aish. Mahal niya ba talaga ako?

"Paano kung ambisyosa lang ako?"

"Mahal ka niya"

HAAAYY. Hindi naman nasasagot yung mga tanong 'ko e!

"Paano kung mali lang ako? Masasaktan lang ako"

"Mahal ka niya"

Hmf! Nakakatulong sila, GRABE!

"Paulit-ulit? Unli?! Ganon? Hindi pa expired?!"

"Mahal ka niya"

"Uulit-ulitin lang namin hanggang ma-realize mo na tama kami"

Napahinga ako ng sobrang lalim nun. Tama kaya 'tong mga kaibigan 'ko? Levi naman kasi e. Kung anu-ano yung pinaparamdam sakin. Nakakaloko lang e.

***

After lunch, naghanda na ako para sa Championship Game namin. Pumunta ako sa locker room at nagpalit na din ng jersey 'ko. Nag-warm up ako ng kaunti para lang i-kondisyon yung katawan 'ko sa mas challenging na paglalaro ng patintero. WAHAHA.

Then, nagpunta na ako sa covered court. As usual, hindi pa rin napapaos yung mga seniors. Tuloy-tuloy pa din ang sigawan nila. Lalo naman akong kinabahan nun. Please, sana po manalo kami ngayon!

"Ok. Wag niyong maliitin ang mga Freshmen na 'yan. Magagaling at mas sanay sila sa fast paced na laro! Kaya higitan niyo lang yung opensa and depensa. Ms.Alitagtag, alam mo na kung sino ang babantayan mo!"

Nag-ready na kaming lahat nun. Lalong lumakas ang hiyawan ng tawagin na yung First Five ng dalawang teams. Then, nagsimula ng magsalita yung announcer.

"Jump ball! Nakuha ng rookie of the year! Sobrang bilis ah! At shoot! Mahihirapan ang mga seniors dito"

Alam 'ko na agad kung sino yung babantayan 'ko kaya nagmadali ako para maging gwardiya niya. Naka-shoot agad si Vyra nun at mabilis na nakuha ng kalaban yung bola. Alam 'ko na gusto nilang ipasa dun sa Rookie pero alam 'kong wala silang magagawa kung ako ang taga-bantay.

"Mainit na labanan 'to. And as usual, hindi makakaporma ang kung sino mang bantayan ni Alitagatag"

Nagsigawan yung mga seniors. Parang napanghinaan ng loob ang mga freshmen at tuloy-tuloy lang ang pagpuntos ni Vyra at Sandra.

Dumaan ang half-time at nagpatawag ng time-out ang kampo ng mga first years. Magagaling sila, madali lang mapaghinaan ng loob kapag natatalo na. Sayang naman sila oh. Ang score ay 40-21 in favor of the seniors.

Then, nagstart na din yung 3rd quarter. Nagpahinga lang ako nun at marami ng puntos ang ginawa ng Rookie player. Pero kahit anong mangyari ay malaki pa din ang lamang namin. 49-28 ang score kaya pinasok na din ako ng coach.

Natapos ang laro ng wala masyadong nagagawa yung Rookie Playes dahil sa sobrang pagbabantay 'ko sa kanya.

"This is the end of the Ball Game! For basketball girls, congratulations to the seniors!"

Napatalon naman ako nun at nakipag-apir ako sa mga batchmates 'ko. Masyado nga nila akong pinupuri e. Dahil daw sakin, nanalo daw yung team namin.

"Congrats Ms.Alitagtag" sabi sakin nung adviser 'ko then umalis din siya sa harapan 'ko para i-congratulate yung iba.

"Bakla!! Congrats!"

"Sobrang galing mo! Wala man lang nakaporma!"

Nagtawanan lang naman kaming tatlo nun kaso napatigil kami ng lumapit samin si Vyra.

"Hey you"

"Ano?"

Hindi naman na ako galit sa kanya nun. Wala na rin naman siyang ginagawa sakin e. Hindi kaya dahil kay Levi yun? Hanggang ngayon, hindi 'ko pa din alam yung deeper history nilang dalawa.

"Congrats and thank you. Pero wag mong isipin na I'm doing this for you. I'm just doing this for Levi. Ok?"

Hindi pa ako nakakapagsalita nun ay tumalikod na siya kaagad. Siniko naman ako nun ni Fuchsia at bumulong sakin.

"Nagmamaganda pa rin yung Vyra na 'yan no!"

Ngumiti lang naman ako. Nagulat din ako kasi dahan-dahang lumapit sakin si Yohan. Waaaaa. Bakit ba napapalapit siya sakin ngayon? Wahehehe.

"Hi Ingrid. Nice defense ha"

"Nice talaga. Kasing nice lang ng laro ni Levi!"

Nagulat naman ako nun kay Rose. Dapat talagang ipasok si Levi sa usapan?

"Ow. Thanks Yohan. Good luck sa championship match mo ha. Sayang hindi ako makakapanuod e"

"Ay, talaga? Sayang naman. Bakit?"

"Manonood kasi siya ng game ni Levi"

Umentra na naman si Rose. What's with the `Levi` part? Totoo yun pero-- Bakit niya pinapamukha kay Yohan?

"Ganon ba? Sige, bye"

Then, umalis din naman siya.

"Bakit mo naman pinagdidiinan sakin si Levi??"

"Ano ka ba bakla... Hindi mo ba halata na palagi ka na niyang nilalapitan. Syempre, solid-Levi ata 'tong si Rose para sayo no! Ako nga din nahahawa na e"

"Tama yun. Si Levi lang ang pwedeng lumapit sayo. Right? Naalala 'ko pa yung sinabi niya kahapon! Ang sweet talaga e!"

Aish. Pina-alala na naman sakin. Nakakainis lang e.

***

"Rextor scores again. 34 points na po ang ginagawa niya sa isang game lang. Magaling 'to! Bakit ngayon ka lang dumating?!!"

Sobrang galing ni Levi nun. As in, dahil sa kanya nagkaroon ng 45-point lead ang Seniors sa Juniors.

"Grabe! Bagay kayo ni Levi! Parehong magaling sa Basketball?!"

Grabe ha. Parehas kami? Kamusta naman 'yon? WAHAHAHA.

Natapos din yung game and syempre, naging champion ang Seniors. Astig nga e, halos lahat ng team sports ay nahakot ng Seniors. Astig, minsanan lang 'to no.

Bigla naman akong hinila ni Fuchsia at ni Rose nun papalapit kay Levi. Ano ba yan?! Pinilit pa talaga ako na mag-congratulate sa kanya, e siya nga ay hindi nag-congratulate sakin!

"Congrats"

Wala naman na akong nagawa nun. Nasa harapan niya na ako.

"Thanks"

Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso kaya nagmadali na lang ako ng tumalikod sa kanya. Hindi 'ko kaya na makipagtitigan sa kanya! Ano ba naman 'to?!

"Teka"

Napatigil naman ako nun. Pati rin si Fuchsia at Rose na nakapigil pati yung paghinga.

"Congrats din"

Whew. Yun lang pala e. Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti lang ako then mabilis akong pumasok sa school building namin kasama si Fuchsia at Rose.

***

"Nakakaloka! Akala 'ko may banat na naman siya!"

Yan yung unang sinabi ni Fuchsia nung sinamahan nila ako sa locker room para magbihis. Pawisan na din kasi ako e.

Pagtapos 'ko namang magbihis ay nagkwentuhan pa kami nila Rose sa loob ng locker room. Marami na namang hatid na chismis si Fuchsia. Sa sobrang rami e, halos yung iba hindi 'ko na maalala. WAHAHA.

Syempre, tuloy pa din ang kwentuhan habang naglalakad kami papunta sa classroom namin. Tinatamad na din naman kaming manuod nung Championship Match ng Volleyball Boys.

"Kasi Ingrid, umamin ka na sa kanya"

Hay nako. As usual, on the way sa classroom ay si Levi pa rin ang topic namin.

"Oo nga Ingrid. Wala namang masama kung malalaman ni Levi ang feelings mo para sa kanya e"

"Tama si Fuchsia kaya umamin ka na kay Levi, oka--"

Napatigil kaming tatlo ng ma-reach namin yung pintuan at nakita namin kaagad si Levi na nagtatakang nakatingin saming tatlo.

Badtrip. Wag mong sabihin na narinig niya?!

Napatingin ako nun kay Fuchsia at Rose. Yung mga mata nila ay parang nagsasabi sakin na `Lagot ka.` Waaaa, Ang lakas pa naman ng boses nilang dalawa nung mga time na 'yun. Himala, lumakas boses ni Rose.

"Ano yung aaminin mo sakin?"

Nakataas pa yung kilay niya nun habang nakatingin siya sakin.

"Ha?"

Siniko naman ako nun ni Rose.

"Sige, aalis na kami. Ok? This is your chance, Ingrid!"

Then, umalis naman kaagad si Fuchsia at Rose ng hindi 'ko sila napipigilan. Nakakainis, ano na 'tong gagawin 'ko?!

Sobrang kinabahan ako nun lalo na nang tumayo si Levi tapos lumapit siya papunta sakin. Medyo napa-atras pa nga ako nun e. And as a matter of fact, sinarado pa niya yung pinto. Kami lang yung andun sa room na yun at sobrang tahimik sa paligid namin.

"Ano yun?"

Emotionless ulit yun face niya. Sobrang kinakabahan na talaga ako. Kung makatingin kasi e! May balak atang tunawin ako!

"W-wala y-yun"

Masyado akong obvious!! Bwiset!

"Ano nga?"

Napayuko naman ako nun. Naramdaman 'ko na nagstep forward siya nun. Sa bawat step niya ay napapa-atras na naman ako. Hanggang, ma-reach ng likod 'ko ang dead end. Bwiset yung pader na 'to?! Ayaw umurong!

"Ano yun?"

Napalunok ako at tumingin ako sa kanya ng diretso. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko pero kaya mo 'to! Pinipilit ka niya kaya pwedeng may gusto siyang isang bagay na marinig na mula sayo!

"Ang totoo niyan ay..."

Rinig na rinig 'ko ang pagtunok ng wallclock namin. Nakaka-istorbo lang e.

"The truth is..."

Tumingin sakin ng diretso nun si Levi.

"I just want you to know that..."

Huminga ako ng malalim then pinikit 'ko yung mga mata 'ko.

"Levi, I really like you. And in fact, I just started falling in love with you"

Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib 'ko. AS IN! Parang magco-collapse na ako! Feeling 'ko sobrang bilis ng circulation ng dugo 'ko.

Sobrang tahimik nun ni Levi. Oh please, wag mo akong itulad sa second year na pinaiyak mo!

Yumuko ako nun kasi feeling 'ko this is the end of my life na. Sobrang sakit kasi tumahimik lang siya. Hindi ba madaling sabihin na `Ingrid, I like you too`. I was expecting pa naman na yun ang magiging reply niya sakin. Umasa na naman ako!

"I'm sorry but I can't love you"

Tumigil ang mundo 'ko nun sa pag-ikot. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Parang gusto 'kong umiyak pero pinipigilan 'ko. Ang unfair. Bakit hindi pwede? Hindi niya nga siguro ako tipo! Tama si Vyra.

"But hindi yun sa dahil hindi kita gusto"

Huminga siya ng malalim nun.

"It's just that. To tell you the truth..."

Lalo siyang lumapit sakin then bumulong siya sa tenga 'ko.













"I'm gay"

No comments:

Post a Comment