Saturday, July 30, 2011

Chapter 44

Tinago ni Levi yung gamot niya then lumabas siya ng kitchen. Nagkasalubong pa nga sila ni Cyrus pero tumango lang siya dito. Grabe, hindi 'ko akalain na sinabihan niya na ako ng `i love you`. Nananaginip ba ako? Ugh, pero alam kong nasa reality ako ngayon. Swear.

"Anong ginagawa niyo ni Levi kanina?" bakas sa boses niya ang selos. Badtrip naman oh.

"Wala. Uminom lang ako ng tubig. Paalis na rin talaga siya nun" sabi 'ko naman. Alangang banggitin ko pa sa kanya yung `i love you` ni Levi diba?

Ang late naman kasi magtapat ni Levi eh. Kung kelan mahirap ng bawiin ang pagiging taken 'ko.

"Sige, taas na 'ko. Good night"

Hindi naman siya nagsalita ulit. Linagpasan 'ko na siya at pumunta na rin sa kwarto 'ko. TSK. Mukhang hindi ako makakatulog neto lalo na sa mga ginawa ni Levi sakin kagabi.

***

Last day na namin sa tagaytay. Grabe, feeling 'ko ang dami ko ng nagawa. Kaunti pa lang pala. Meron nga lang biggest part. Ang dating NBSB na ako ay nagkaroon na ng isang sikat na boyfriend. Hay nako naman. Sakit sa ulo talaga oh. Sabay kaming bumangon ng mga kasama ko sa kwarto at bumaba na kami sa kitchen dahil naamoy namin kaagad ang masarap na luto ng driver namin.

"Shocks!! Kain na tayo!!"

Pumunta kami sa dining table at umupo kami sa mga seats. Katabi ko si Yohan sa kanan at si Ate Ivette naman sa kaliwa. Samantalang ang katapat ko naman ay si Cyrus. Mas gusto kong katapat 'tong si Levi eh. Hay nako.

"Uuwi na pala tayo after this. Thank you sa inyong lahat. Sumaya ako sa birthday ko. Lalo na sayo" nakatingin lang naman siya sakin nun. Can't he get any sweeter? Grabe eh!

"Ano ka ba" yan na lang yung nasabi ko. Nakakahiya pala kung ganituhin ka ng boyfriend mo no. Wala pa nga akong alam sa pagkakaroon ng boyfriend. Weak ko talaga eh.

Pagkatapos kong kumain, nag-excuse me ako at pumunta muna ako dun sa sala. Andun kasi yung camera ni Fuchsia na ginamit nilang pagpicture-picture. So, syempre kinalikot ko muna at nag-view ako ng kung anu-anong pictures. Nakakatuwa nga eh. Ang sweet ng mga pictures nina Yohan at Vyra. Bagay na bagay eh. Samantalang etong si Fuchsia ay nakikisingit sa mga pictures nila.

Nakita ko rin naman yung mga pictures ni Rose. Mukhang nagkakausap na din sila ni Fuchsia which is good. At least, may maituturing pa rin siyang kaibigan. Isang picture naman ang nag-caught ng attention sakin. isang solong picture ni Levi na halatang stolen. Nakatingin siya sa isang bagay na hindi naman nakikita dun sa picture at halatang may lungkot sa kanyang mga mata. Ano kaya ang tinitingnan ng lalaking 'to?

Pinidot ko ang next na button para makita pa ang sumunod na picture at isa 'tong picture namin ni Cyrus na magkasama. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Linipat ko ulit muli sa picture ni Levi at na-realize ko na magkadugtong kami ng pictures. As in kadugtong talaga na parang isang puzzle piece. Kami nga kaya ang tinitingnan niya?

"Anong ginagawa mo dyan?"

Boses pa lang niya alam ko na. Tumabi sakin si Levi nun. Buti na lang at hindi pa tapos si Cyrus na kumain.

"Wala. Tinitingnan ko lang yung mga pictures"

Tumingin ulit ako kay Cyrus at mukhang busy pa nga siya. Yehey! Ugh. Feeling ko naman may kabit ako. Grabe, ang sama ko talaga. Nakakainis lang e.

"Siguro naman narinig mo yung sinabi ko sayo kagabi" binulong niya naman sakin. Tumango ako nun at nakangiti pa. Nakakahiya kasing magsalita sa harapan niya eh.

"Totoo yun. Dati pa. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo para sabihin sayo. Ewan ko ba" lumapit ako sa kanya para pakinggan pa yung kung ano mang kadugtong ng sasabihin niya.

"Nung una, dapat aamin na ako sayo kaso nalaman ko mula sa pinsan ko na liniligawan ka pala niya kaya nagpigil ako. Ang hirap pala"

"Talaga?"

"At sa totoo lang, nagseselos talaga ako sa inyo ni Yohan nung intrams natin. At nung umamin ka sakin, diba sinabi ko sayo na bakla ako?" natawa naman ako nun at muling naalala ang mga times na iniimbestagahan ko pa ang kabaklaan niya.

"Syempre hindi yun totoo. Sinabi ko yun dahil sa dalawang rason pero hindi pa oras para malaman mo yung isang rason. basta si Cyrus yung isa" hindi ko naman na tinanong yung isang rason. Sapat na sakin na malaman ang mga 'to.

"at dati aamin na talaga ako sayo. Kaso ikaw naman ang naging problema. Sinabi mo sakin na gagawin mo na ang lahat para kalimutan ako kaya umatras na lang ako" naalala ko ulit yun. Yun yung pumunta pa kami sa basketball court pagkatapos ng klase! TSK! Aamin na pala siya sakin nun!!

"At gusto kita palaging kasama. Sana nga ikaw na lang naging partner ko dun sa botany project eh. Bumawi na lang ako sa pagsama sayo dun sa flower shop" naalala ko naman yung rose na binigay niya. Kung ako ang gusto niya, eh di kanino niya binigay yung rose?

"At naging kami ni Rose. Akala ko kasi makakalimutan kita ng ganun lang pero mas lalo pa ata kitang iniisip. nakakainis nga eh. May dalawa ulit na rason kaya naging kami pero yung isa, wag mo ng alamin" sabi mo eh. hindi ko na aalamin.

"Hindi ko naman siya gusto pero--"

"--nagustuhan ka niya. I know. Narinig ko kayo dati. Sorry for eavesdropping.... again" ngumiti lang naman siya sakin at tumango siya sakin.

"Kaso mukhang late na ata ako. Taken ka na eh. Mukhang wala na akong chance. Siguro sobrang bait mo lang sakin kaya kinakausap mo pa din a--"

"Yun nga ang problema eh. Taken na ako. Pero ikaw ang gusto ko" halatang nagulat siya dun sa sinabi ko. Yung tipong gusto niyang sabihin sakin na may gulo akong pinasok.

"Magulo 'to ah. Ano ako? Kabit?" nakangiti niyang sinabi sakin.

"Ha? Ewan ko sayo" gusto ko sana siyang tanungin tungkol dun sa singsing kaso inunahan niya akong magsalita eh.

"May ibibigay pala ako sayo" may kinuha siya sa bulsa niya. Excited na nga akong makita yun kaso...

"Ingrid!"

...kaso may epal na naman.

Umupo si Cyrus sa gitna pa namin talaga ni Levi. Grabe naman talaga!! Ang lawak ng space dun sa kabila eh! nakisiksik pa samin! Ugh!! Nagkatinginan muna kami at ni Levi. hay nako. Hindi ko tuloy nakita yung ibibigay sakin ni Levi!

"Handa na ba mga gamit mo? Aalis na tayo"

"H-hindi pa eh"

"Ayusin mo na. Tulungan kita" tumango ako at sabay kaming pumasok dun sa kwarto namin at syempre, tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko.

***

At last, nakauwi na rin! Ok naman ang maikli kong bakasyon sa tagaytay na puno ng nag-uumapaw na kalandian. Grabe talaga eh. Ang haba ng hair ko. Akalain mong si Levi at si Cyrus may gusto sakin! Sila pa naman yung hinahangaan sa St.Claire at St.John.

Ayaw ko naman sabihin sa iba na umamin na nga sakin ng tuluyan si Levi. Gusto ko munang isikreto to. Lumipas ang dalawa pang araw at yun na! Back to classes na naman! Nagulat nga ako, alam na ata ng lahat na kami na ni Cyrus. Super kalat na eh. Naka-in a relationship ba naman kasi ako sa kanya sa facebook. Masyado ng lantaran eh. Tapos post pa siya ng post dun sa wall ko. at bawat GM niya ay pangalan ko lang ang laman. Ang sweet nga niya kaso nakakasuka na ata!

Isang Monday na naman ang tatahakin ko. Pumasok ako para hanapin agad si Levi. Ang landi ko talaga. Feeling ko dalawa yung boyfriend ko eh. Kaso mukhang hindi naman kami makakapagusap ni Levi dito gawa ng baka machismis lang kami. Pagdating nga sa classroom ay nagngingitian lang kami. Ang cute niya! Kakagigil.

Lumapit siya sakin ng isang beses nung klase namin sa english. Hindi pa nga halata yung paglapit niya eh.

"Hintayin mo ako sa library mamayang dismissal. Ok?" tumango naman ako sa kanya. Boses pa lang niya, kinikilig na ako! Waaaa. Landi mo Ingrid Alitagtag.

Dahil sobrang excited na ako na magtapos ang klase namin, ako ang pinakaunang lumabas. Mas inunahan ko pa nga mismo si Levi eh! Hindi naman halatang excited talaga, ano? Pumunta ako sa library at wala pa akong nakitang Levi. Palibhasa, mas inunahan ko pa siya eh! Waaaa, ang bagal naman talaga oh.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at nakita ko na siya.

"Bilis mo ah. Excited ka?"

"Hindi naman masyado" sabi ko sa kanya. Nagulat nga ako kasi bigla niya akong niyakap. Kamusta naman yun?! Nakakakilig! WAHAHA "Ano bang gagawin natin?"

"Teka. halata talagang excited oh" namula naman ako nun. Bakit ba ang galing niyang manghuli?

May mga linabas siya sa bag niya. Dalawang cap at isang retro eyeglasses na color blue. Para saan naman 'to?!

"Gusto kitang maka-date ngayon pero dahil boyfriend ka ni Cyrus, magsusuot tayo ng ganito para hindi tayo mahuli" natawa ako sa sinabi niyang yun. Pinagisipan niya ba 'to!?

"Kung mahuli man niya tayo, eh di mas ok" sabi ko naman then sinuot ko yung cap at yung eyeglasses. Naka-cap nga lang siya nun eh. Ang cute niya!

Hinawakan niya yung kamay ko sabay hila sakin.













"Tara, date tayo" :">

No comments:

Post a Comment