Sunday, July 24, 2011

Chapter 41

Napagpasyahan na rin namin na umalis na rin doon. Nagyaya na din kasi si Fuchsia na gusto niya ng pumunta sa resthouse na pagmamay-ari talaga ng pamilya nina Levi at Cyrus. Ang mga mayayaman nga naman talaga. Sumakay ulit kami sa van at syempre, lumarga na rin kami. Hindi nagbago ang mga posisyon namin. Si Cyrus pa rin ang katabi 'ko at muli na naman niyang hinawakan yung kamay 'ko. Ayaw 'ko na muna siyang pigilan. Hindi 'ko rin alam kung bakit.

Natapos din ang matagal naming byahe at tumigil din kami sa harapan ng isang malaking resthouse na may puting walls. Malinis at maaliwalas na tingnan, isang bahay kung saan makakapag-rest ka talaga. Kaya nga tinawag na resthouse, diba?!

"Lika na, guys. Naghihintay na si Tita sa loob" sabi naman samin ni Cyrus pero sakin lang naman siya nakatingin.

So yun, excited naman silang pumasok sa loob except kay Rose na sobrang tumal sa paglalakad papunta doon sa loob. Nabigla naman ako sa engrandeng furniture dun sa loob, ang sosyal kasi talaga ng mga carpets at kung anu-anong chuvaness e. Nakita 'ko na nagmano si Cyrus sa isang matandang babae. Baka siya yung tita na sinasabi niya. Hmmm... Parang familiar sakin yung mukha ng matandang yun ah?

Teka, san ko ba siya nakita?

Uhhhh.

ALAM KO NA!

Siya yung magandang nanay na nakabunggo 'ko sa mall dati. Wow. Isang malaking coincidence nga naman talaga oh.

Nakita 'kong lumapit si Levi dun sa matanda at nagkiss siya sa cheeks neto. Nanay niya kaya yun?

"Ok ka lang ba, Levi?" masyado naman atang nag-aalala yung nanay niya sa kanya ah.

"Ok lang ako, ma. Wag na kayong mag-alala"


Tumulong si Yohan, Vyra at Cyrus sa pag-aayos ng mga pagkain dun sa table. Close nga pala kasi yung pamilya nila kaya natural lang na ganyan sila. Hayyy, ano kaya yung mga kakaibang nangyari sa kanila nung bata pa sila?

"Oh kayo. Pumunta na kayo dito at kumain na tayo"

Napatingin sakin yung nanay niya at mukhang naalala niya rin ako kaya nagkangitian din kaming dalawa. 

"Oh lika na! Kain na tayo, guys!"

"Ugh. Patay gutom"

Well, dahil sa katarayan nilang dalawa lalong sumaya yung party para kay Cyrus. Sabay-sabay kaming pumunta dun sa hapag kainan. Medyo nagulat nga ako kasi biglang hinawakan nung nanay ni Levi yung kamay 'ko.

"Iha, natatandaan kita ah"

"Ako rin po. Natatandaan rin po kita dun sa mall. Mommy po pala kayo ni Levi"

Tumango lang naman sakin yung mama niya. Hindi 'ko nga maintindihan yung expression sa mukha ng mommy ni Levi eh. Mukhang may dinaramdam na ewan.

"Well, lika na! Kainan na!"

"KAINAN NA!"

Nagsimula na kaming chumibog nun. Iba't-ibang klase ng pagkain. Ang sarap nga naman talagang magluto ng mommy ni Levi. Wow naman talaga. Habang nakain, sumilip ako sa kitchen at nakita 'ko na naghuhugas ng kawaling ginamit yung mommy ni Levi. At dahil mabait ako at running for daughter-in-law (echos!) na ako, gusto 'ko sana siyang matulungan.

Tumayo naman ako nun para angkinin muna ang paghuhugas ng mga kawali.

"Ako na po dyan. Kumain po muna kayo"

"Iha, wag na"

"Ok lang po talaga"

Madali namang mapilit yung mommy ni Levi kasi pinayagan niya na rin ako na maghugas nung mga kawali. Ang charming ng ngiti ng nanay niya. Hmf! Buti pa 'tong nanay niya mukhang palaging good vibes!

"Nakakatuwa naman po kayo. Palagi kayong nakangiti. Hindi tulad ni Levi, palaging nakasimangot! Pero ok pa rin po yun, cute nga po e"

"Talaga? Ganun talaga yun... Pero makulit talaga yun kung makikilala mo pa siya ng husto..."

"Sana nga po makilala 'ko siya ng husto e... At sana mapangiti 'ko rin po siya"

Hindi umimik yung mommy niya kaya napalingon naman ako sa kanya at nagulat ako sa nakita 'ko. Hindi ako makapaniwala na umiiyak siya. Binitawan 'ko agad yung hinugasan 'ko at pinunas 'ko yung kamay 'ko sa pinakamalapit na basahang nakasampay.

"Hala po, ok lang po ba kayo?"

Hindi pa rin siya sumasagot at tuloy lang ang pag-iyak niya. Maya-maya naman ay biglang dumating si Levi na may pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Mama"

Mabilis niyang hinila yung mama niya tapos bigla niya 'tong yinakap. Habang magkayakap sila, nakatitig lang sakin ang dalawang mata ni Levi. Medyo na-guilty ako. May nasabi ba akong masama? Sa pagkakatanda 'ko, wala naman.

Humiwalay si Levi sa mama niya at tumingin siya ng diretso rito.

"Ano ba naman yan, ma?! Hindi pa ba kayo uuwi?! Sabi ko naman sa inyo na ok lang na mag-isa ako dito eh. Hay nako naman. Tapos umiyak pa kayo dito. Nakakainis naman oh. Ako na nga ang tatawag ng taxi para sa inyo!"

Nakaramdam ako ng galit kay Levi nun. Pano ba naman, umiiyak na nga yung nanay niya tapos pinapagalitan pa niya?!

"Sorry talaga, Levi. Nalagay 'ko na yung gamot mo sa bag. Uminom ka mamayang ga--"

"Tumigil na nga kayo, ma! Oo na! Vitamins lang naman yun e! Akala niyo naman mamatay na yung tao kung hindi man makainom ng gamot. Nakakahi--"

"LEVI!"

Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko nun. Paano niya 'to nagagawa sa mommy niya?! Parang nakakalimutan niya na nanay niya yung kausap niya ngayon.

"Kahit kanino talaga, ganyan yung ugali mo, ano?! Grabe ka naman!"

Nakatingin sakin ng diretso nun si Levi. Dahan-dahan saking tumingin yung mommy niya sabay nagpunas ng mga luha niya at mabilis na ring umalis papalayo. Hay nako. Nakakaawa naman yung mommy niya. TSK! Si Levi talaga!

"Ang lakas ng boses mo. Nakakainis"

Inirapan niya lang ako nun tapos bigla niya akong tinalikuran. Kinakabahan naman ako nun, hindi 'ko rin alam kung bakit.

***

Pumunta ulit ako dun sa dining area. Mukhang wala namang alam yung mga kasama ko dun sa resthouse.

"Asan si Levi?"

"Bakit mo siya hinahanap? Umalis kasi siya e. Hinatid niya lang yung mama niya"

Umiling lang naman ako nun at tumabi na lang ako sa tabi ni Cyrus. Nagkaroon ng silence at para basagin yun, andyan si Fuchsia.

"Ang tahimik natin ah. Manuod na lang kaya tayo ng movies habang naghihintay ng 12:01 A.M. para sa birthday ni Cyrus"

"Be sure lang na hindi cheap yung movie mo, ok?"

Nagirapan na naman sila, as usual. Pero dahil dun, mas nagmukhang magbestfriends pa silang dalawa. Napatingin naman ako dun kay Rose na nakatingin lang sa sahig. Matagal din ako nakatitig sa kanya habang nagple-play na yung movie. Maya-maya naman ay tumayo na si Rose at pumunta sa may terrace.

"Teka lang Cyrus"

Tumango lang naman sakin si Cyrus at tumayo ako para sundan si Rose sa terrace. Kanina pa rin kasi siyang walang imik. Napatigil naman ako nang makita 'ko na nakatingin na rin sakin ng diretso si Rose.

"Ingrid?"

Lumapit ako sa kanya. At the first place, hindi 'ko alam kung bakit 'ko siya sinundan.

"Ugh. Wala akong masabi to think na bestfriend kita..... dati"

"Oo nga. bestfriend kita..... dati"

Sabay kaming huminga ng malalim. Wala akong masabi at mukhang wala rin siya masabi.

"Mahal mo ba talaga si Levi?" she blurted out.

"Unfortunately, yes"

Tumango si Rose at napa-smirk pa siya. Ibang-iba nga siya ngayon e. Dati kasi, charming siya at mukhang inosente pero ngayon, ang laki ng pinagbago. Parang nagkaroon siya ng aura ng pagiging maldita.

"Really? And I bet na nasaktan ka naman talaga nung naging kami"

Napatingin naman ako sa kanya ng may halong gulat. Dapat ba talagang ipamukha sakin?

"Pero syempre, hindi mo alam na mas nasaktan ako dun, diba? Ugh. I've never felt so pathetic before pero wala akong magagawa e"

Tinalikuran 'ko siya nun. Nakakainis kasi yung tono ng pagsasalita niya.

"And by the way, I like him. Oh no. Scratch that. I love him. Kahit na alam ko na mahal mo din siya. Funny? Yes. Siguro iniisip mo na ako na ang kontrabida. Well, pasensya ha."

Magsasalita na sana ako kaso bigla akong napatigil.














"Pero sana ma-realize mo na mas marami akong alam tungkol sa kanya kesa sayo"

No comments:

Post a Comment