First day na ng Sports Fest ngayon. Todo practice ako last week. Buti nga e paminsan-minsan, nakikisama na sakin ang bola. Marunong na din akong mag-dribble ng mabilis. Achievement din yun no. WAHAHA. Pero kasabay naman ng mga todo effort 'ko sa basketball ay ang todo effort ni Levi na alagaan ako at paghatid sakin sa bahay araw-araw. Ewan 'ko ba sa kanya kung bakit niya ginagawa yun. Wala akong makitang rason para gawin niya yun e. Hindi mo alam kung panliligaw ba yun o simpleng pagpaparamdam lang. Lalo tuloy kaming nai-issue.
Mag-isa naman ako ngayon. Kawawa ako. Forever Alone e. Si Fuchsia kasi ay nagpra-practice para sa Cheer Dance Competition tomorrow. Si Baby Rose naman ay may first game ng Darts. Sure win na 'yun no! So yun, wala naman akong kasama. Nanunuod lang ako ng laban ng Seniors at Freshies para sa First Game ng Soccer. Feeling 'ko nga may dalawang game sa covered court e. Isang soccer game at isang palakasan ng sigaw game. HAHAHA. Ang lalakas tumili ng mga classmates 'ko e.
Dahil naboringan din naman ako sa laro, tumayo muna ako nun at naglakad-lakad sa kung saan man ako pwedeng dalhin ng paa 'ko. Pumunta ako sa canteen para kumain then dumaan ako sa room kung saan may laro ng Chess. Sobrang tahimik nga e. Mas boring naman yun.
So pumunta naman ako sa Gym kung saan may laro ng Badminton. Right timing lang, may laro si Yohan nun.
"Lazaro is now leading"
Tumayo ako nun para bumili ng dalawang Coke in Can dun sa Vending Machine. Bongga no? May Vending Machine kami. Then yun, umupo ulit ako. Balak 'ko kasi sana bigyan si Yohan ng coke eh.
Mabilis natapos yung game. Syempre, panalo si Yohan. Nagpalakpakan naman yung mga tao then nag-ready na sila para sa susunod na game
"Yohan!"
"Congrats!"
"Nanuod ka pala. Thanks. Hindi pa naman Championship e"
"Sus. Ikaw pa. Magaling ka naman e. Champion ka naman dyan palagi. Sure win ka na dyan. Madalas kaya kitang napapanuo--"
"Napapansin nga kita e. Mahilig ka siguro sa badminton no?"
"Eto pala oh"
"Wow. Thanks"
"Alitagtag"
"Bakit?"
"Mag-ready ka na. Malapit na game niyo"
"Papanuorin 'ko yung game mo, Ok?"
"Ha?"
"Good Luck"
"Anong meron sa inyo ni Yohan?"
"W-wala. Bakit?"
"Wala ka na dun"
Pumunta ako ng shower room tapos nagpalit na din ako nng jersey. Waaaa. Hindi ako makapaniwala na I will be facing this game na. Lord, please sana pagkatapos neto, buhay na buhay pa ako.
Then yun, lumabas na din ako dun sa Covered Court. And nag-announce lang ng kung anu-ano yung commentator. Then, pinakilala na yung First five.
"Girls, wag kayong magpa-panic. Ok? Basta ipasa niyo yung bola kay Vyra or kay Sandra. Ikaw Lana, bantayan mo yung Ace Player ng mabuti ha. And yung center natin, galingan mo ang mga blocks mo! Yung mga guards, ipakita niyo kung gaano kayo kagaling magbantay ng kalaban! Basta dapat galingan niyo sa Rebound. Tsaka bilisan niyo yung pacing ng laro. Mahihirapan ang mga Sophies na 'yan kung fast pace. Kaya natin 'to. GO SENIORS!"
Ang daya naman nun. Kay Vyra pa talaga ipapasa yung bola no. Nakakainis lang. WAHAHAHA.
Then, nag-start na din yung game. Syempre, hindi ako kasama sa First Five. Buti na lang. Sana hindi na ako ipasok para safe ako sa kahihiyan.
Nagsimula naman ng magsalita yung announcer nung game.
"Jump Ball na. And ayun, nakuha agad ni Sanchez ang bola at wala ng makakapigil sa kanya. At shoot! *mic feedback* Iba talaga ang galing ng captain ball ng Basketball Girls Varsity. good start for the seniors!"
Patapos na ang first quarter ngayon at hindi pa din ako pinapasok sa laro. Oh well, ok din 'to. Pang-display lang ata ako e. WAHAHA.
"And here goes si Vyra Giselle Sanchez for a 3-point shot! Then SHOOT! Ibang klase talaga ang shooting skills ng babaeng 'to!"
"Eto na naman si Vyra Swift na kamag-anak ni Taylor Swift. *tawa sa joke na corny* Nag-shoot na naman at pasok! Ang ganda ng pagpasok ng bola no!"
Malapit ng magtapos yung 3rd quarter and nag-time out muna yung team namin.
Nagulat ako sa sinabi nung coach namin. Jusko po! Magpatay-patayan na kaya ako ngayon?! WAHAHAHA.
"Basta ganun pa rin ang strategy. Bantayan niyo yung mga magagaling nilang players"
"Yes coach"
Pwumesto naman na ako dun sa kasing tangkad 'ko na sophies. Maganda siya pati maputi at siya ang napili 'kong babantayan. Sana madali lang 'tong bantayan no.
Then, ang bilis ng pangyayare! Hindi 'ko na nga alam kung nasaan na yung bola e basta ang importante, hindi makakaalis yung babaeng 'to sa puder 'ko.
"Ipasa niyo sakin!" sabi nung babae na binabantayan 'ko.
"Masyadong malakas ang depensa! Pau, pasa 'ko!" sabi nung isang sophies na may hawak nung bola.
Wahehehe. Mukhang maganda 'tong ginagawa 'ko ah. Itutuloy 'ko lang 'to at hindi na makaka-shoot 'tong babaeng 'to.
Then yun, kawawa yung babae kasi humina na nga yung opensa niya and nakapag-shoot ng sobrang dami si Vyra at si Sandra hanggang magkaroon kami ng 40-point lead. Nasa gitna na ng 4th quarter ng nagpatawag ng Time Out yung Team ng sophies.
"Good Job Ms.Alitagtag! Nabantayan mo ng husto yung Ace player nila! Ipagpatuloy mo lang yan!"
Then yun, after ng time-out nagpatuloy ulit yung game. Wala pa ring kawala sakin yung babaeng maganda. Ang galing 'ko kasing magpatintero nung bata e. Walang lusot sakin yung mga maliliit.
Nanalo kami nun. 89-46 yung score. Hanep! Tambak kung tambak! Wala akong nagawang puntos pero malaking bagay rin siguro na napigilan 'kong pumuntos yung pinakamagaling sa Sophies.
"Naks. Galing ng depensa ah. Dapat pinasok ka na nila nung una palang. Baka hindi nakapuntos yung mga 'yon"
"Pero magaling rin talaga yung Sophies. Mahirap silang kalaban"
"Congrats. Eto oh"
"Wow. You don't have to. But anyway, thanks"
Nagulat ako kasi may dala siyang dalawang coke in can. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko habang nakatingin siya saming dalawa na merong coke in can. Hindi kaya ibibigay niya yun para sakin?
"Miss"
"Sayo na yan. Mukhang naunahan na ako e"
Napatingin naman ako dun sa second year student na gulat na gulat. Siguro hindi rin naman niya kilala si Levi. Parang engot din kasi si Levi e! Hindi mo alam kung galit na siya o nagtatampo! Haaayy ang gulo niya talaga.
"Mukhang naunahan 'ko siya ah"
"Ha?"
"First time 'ko ata siyang matalo ngayon"
Buong araw ay si Yohan lang ang kasama 'ko. Nagsalo pa nga kami sa isang 1.5 L na double dutch na ice cream e. Swak! Sobrang sarap. Parehas pala naming favorite yun no. Nagkakwentuhan din naman kami ng kung anu-ano.
Then dumating din naman yung dismissal. Nagseparate ways din naman kami ni Yohan and nag-ready na rin ako ng mga things 'ko. Papasok na sana ako sa locker room kaso bigla akong napatigil ng may narinig akong boses.
"Kuya Levi"
"Sino ka? Kilala ba kita?"
"Ako po yung binigyan niyo ng Coke kanina"
"Eh ano? Wala akong pakielam kung anong ginawa mo dun. Inumin mo. Itapon mo o ibigay mo sa iba. Hindi naman talaga para sayo yun e"
"Sorry po. Gusto 'ko lang pong mag-thank you e"
"Hindi na kailangan. Uuwi na ako"
"Sorry po talaga. Sana po hindi kayo galit sakin. Sa totoo po kasi crush 'ko po kayo. Hindi lang pala crush. Mahal 'ko po kayo. It was love at first sight nung Acquaintance Party. And sobrang saya 'ko po nung binigay niyo sakin yung Coke. Feeling 'ko po this is the right time na umamin po ako sa inyo. Alam 'ko na hindi mo ako mapapansin but still, gusto 'kong sabihin sayo na I really love you"
"Tapos ka na ba?"
"Sorry, pero wala akong pakielam"
"Hindi kita type. At hindi kita magugustuhan"
"And meron na akong ibang gusto kaya kalimutan mo na lang ako"
Lumunok ako nun and huminga ako ng malalim. Paano 'kung ganito rin ang mangyari kapag umamin ako sa kanya?
Papaiyakin niya lang ako :'(
No comments:
Post a Comment