Saturday, July 2, 2011

Chapter 37

Mabilis ang takbo ng panahon. Nakakainis nga e. Medyo malapit na rin mag-sem break. Lalong pinapaalala sakin na sobrang lapit na ng katapusan ng taon. As usual, mukhang going strong pa rin ang tambalan nila Rose at Levi. Oo sige, sila na ang masaya. Ako na ang hindi.

Napag-alaman 'ko na rin naman na next week ay meron kaming Halloween Party. Nakakainis nga e! Dapat talaga naka-costume pa kami?! Napaka-corny at sobrang pambata. Tapos required pa lahat ng 4th year students gawa ng project daw namin 'to sa Math! PERO TEKA LANG! ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA MATH SUBJECT NAMIN?! Sadyang wala na talagang maisip na matinong project ang math teacher namin, ano?

"Miss Alitagtag, standby medic ka na lang ha?"


Hindi na ako nakakapag-pay attention dun sa PE teacher namin. Tumango na lang naman ako nun. Ito ang gusto 'ko e. Ako lang yung medic kapag may nagkasakitan o ano. Siguro alam na nila na wala akong alam sa Athletics kaya prinoprotektahan na nila ako mula sa sakit ng katawan at sugat. Hay salamat naman!

Umupo lang naman ako dun sa may bleachers at pinanuod 'ko yung iba 'kong classmates na nagsta-start ng mag-race. Track and Field kasi yung unang game e. Kasali nga doon si Levi at si Fuchsia. Feeling 'ko magpapa-medic nga agad 'tong si Fuchsia e! WAHAHAHA.

Marami naman akong kasama sa Medic Committee. Kami yung mga taong lampa at walang alam sa sports. Tapos. Nakaka-degrade pero tanggap na namin yun. Nakalimutan na ba nila ang ginawa 'ko para sa batch namin nung intrams?! EHHH. Wag na nga isipin yun.

Narinig 'ko ang pito ng isa 'kong classmate then may isang gun fire. Nagsimula na ang takbuhan. Kitang-kita 
'ko na nangunguna si Levi. Magaling nga siya at sobrang bilis ng pagtakbo niya. Gusto 'kong mag-cheer para sa kanya pero napatingin ako kay Rose. Hindi man lang siya nagchee-cheer kay Levi. May nangyari kayang hindi maganda? Napa-sigh na lang ako. Dapat hindi 'ko na sila iniisip e. Kung ano man ang problema nila, labas na ako doon.

15 minutes ang tinagal ng takbuhan na yun. At halata naman na ang nanalo ay si Levi. Lumapit sa kanya ang iba pang medic para bigyan siya ng tubig. Ako naman ay sa ibang runners pumunta. As much as possible gusto 'ko munang lumayo kay Levi.

"Nakakapagod! Wala na ata akong paa?!"

"Bruha 'to!"

Mabilis na naubos ni Fuchsia yung tubig niya. Isang laklakan lang e.

"Rose?"

Napatingin ako doon sa likod 'ko kahit na hindi naman yung pangalan 'ko yung tinatawag. Parang kumirot yung puso 'ko nang makita na si Rose ang tinawag ni Levi para lumapit sa kanya. Binigyan kaagad ni Rose si Levi ng isang bote ng tubig kahit na hindi naman siya part nung Medic team. Pero mas nagulat naman ako ng isang inhaler ang binigay nito kay Levi. Kinuha ni Levi yung inhaler na parang mamamatay na siya kapag wala yung bagay na yun.

"Ok ka lang ba?"

Hindi nakakasagot si Levi dahil patuloy pa rin niyang ginagamit yung inhaler niya. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko habang nakatingin ako kay Levi. Kinakabahan ako. Ngayon 'ko lang siya nakita na nagkakaganyan. Ngayon 'ko lang siya nakita na inaatake ng hika niya. And in the first place, ngayon 'ko lang nalaman na may hika pala siya.

Nahuli niya ang mga mata 'ko. Hindi 'ko alam kung ano yung gagawin 'ko. Hindi ako makagalaw at hindi 'ko alam kung paano 'ko siya tatanungin kung ok lang ba siya ngayon. Nag-aalala talaga ako sa kanya. Sa sobrang pag-aalala 'ko, feeling 'ko ako na rin yung hinihika.

Tinanggal ni Levi yung inhaler mula sa bibig niya at hinawakan lang 'to nang sobrang higpit gamit yung kaliwa niyang kamay. Masyadong naging mabilis ang mga susunod na nangyari. Lumapit sakin si Levi then hinawakan niya ng sobrang higpit yung kamay 'ko. Hindi na rin naman ako nakapalag kasi bigla niya akong hinila. Tumingin ako sa likod 'ko at na-realize 'ko na walang sumunod samin.

Dinala niya ako sa library. Magaling siyang pumili ng lugar kung isang private conversation ang gagawin namin. Walang tao. Pati yung librarian nga wala e. Kumbaga solong-solo namin yung malaking library ng school namin. Sinarado niya nun yung pintuan then he pressed me to the wall at tumingin siya sakin ng diretso.

"Levi-- Ano? Ha? Ewan"

Wala akong masabi sa kanya. Nakaramdam ako ng awkwardness kasi sobrang lapit niya rin sakin. Bubuka na sana yung bibig niya para magsalita pero bigla na lang niyang linagay ulit yung inhaler niya sa bibig niya. Mukhang inaatake nga talaga siya ng hika niya.

"Ok ka lang ba? Gusto mo ba ng tubig? Pumunta na tayo sa classroom o sa clinic. Magpahinga ka na!"

Hahawakan 'ko sana yung likod niya pero umiling siya sakin. Tinanggal niya ulit yung inhaler at huminga siya ng sobrang lalim para maipon lahat ng natitirang hangin sa loob ng katawan niya.

"Hindi 'ko alam kung paano 'ko sasabihin sayo ang lahat"

Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Mas lumapit siya sakin. Ramdam na ramdam 'ko ang bawat mabigat niyang paghinga.

"Nakakatawa. Sobrang nakakatawa kasi in order for me to do this, kailangan 'ko pa ng inhaler. Nakakainis"

Lumayo ulit siya sakin at muling ginamit yung inhaler niya. Speechless naman ako sa kanya kasi wala akong naiintindihan sa mga sinabi niya. After ilang seconds, inalis niya ulit yung inhaler niya then lumapit ulit siya sakin. But this time, yung kanan niyang kamay naka-press dun sa wall.

"Hindi 'ko na alam yung gagawin 'ko. Kaya sorry. Sorry"

Mas lumapit siya sakin. At nanlaki yung mata 'ko sa mga sumunod na nangyari. Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako sa noo. Halo-halo yung nararamdaman 'ko. Mali 'to pero feeling 'ko sobrang tama.

Ilang segundo lang ang tinagal nito at humiwalay na ulit siya sakin. Magsasalita pa sana ako kaso bigla akong na-distract kasi bigla niya ulit ginamit yung inhaler niya sa mismong harapan 'ko pa.

"Baki--"

"Wag ka nang magtanong. Lika na"

Hinawakan niya ulit yung kamay 'ko then lumabas kami ng library na yun. Ang bilis pa rin ng pagtibok ng puso 'ko. Feeling 'ko sasabog na talaga. Habang papunta kami dun sa classroom namin, hindi 'ko maiwasan na mapangiti. Hindi 'ko maiwasan na balik-balikan ang mga pangyayari. Hindi 'ko maiwasan na hawakan yung noo 'ko na sobrang swerte naman talaga.

***

Dismissal na nun at pilit akong tinatanong ni Fuchsia sa kung ano man ang nangyari sa amin ni Levi. Pero syempre, secret 'ko na lang yun. Nakakahiya rin kasi e. Tsaka feeling 'ko nagkakasala na rin ako. Sabay kaming umuwi nun ni Fuchsia pero dumaan muna kami sa faculty kasi ipapasa pa ni Fuchsia yung Activity niya sa Physics subject.

"Sa wakas at tapos na ang lahat!"

Tuloy-tuloy naman kami sa chikahan. As usual, umentra na naman ang usapang si Chona. Naks naman! Nagbalik siya! WAHAHAHA.

Nagulat naman ako kasi biglang napatigil si Fuchsia sa paglalakad. Mukhang may natanaw siyang kakaiba. Napalingon na rin naman ako sa dalawang tao na sanhi ng pagtigil niya. Nakita 'ko sa loob ng Music Room si Levi at si Rose. Hinila ako ni Fuchsia papalapit dun sa bandang may pintuan at sapat lang ang distansya namin para marinig ang pag-uusap nilang dalawa.

"Sigurado ka na ba dyan?"

"Sigurado na ako. Tapusin na natin 'to"

Nanlaki yung dalawa 'kong mata. Anong ibig sabihin ng mga salitang 'to? Nagbre-break na ba sila? Is this a good thing or a bad thing?

"Sa tingin mo ba madali lang yun sakin?"

Wala akong narinig na sagot mula kay Levi.

"Sorry ha. But I never expected na magkakagusto din pala ako sayo. Nakakainis."

Medyo kinakabahan naman na ako dun.

"I told you not to fall for me"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Fuchsia nun. Ano ba talagang meron?

"But sorry if I did"

Mabilis akong hinila ni Fuchsia papalayo sa Room na yun kasi bigla rin kaming may narinig na footsteps na papalapit sa bandang may pintuan. Muntik na nga ata kaming mahuli e. Grabe talaga. Nagpakalayo-layo kami sa room na yun at mabilis kaming lumabas sa campus building na yun.

"Hindi 'ko na talaga ma-gets"














"Gulong-gulo na rin ako" Parang kaming napaglalaruan

No comments:

Post a Comment