Thursday, May 26, 2011

Chapter 1

"MS.INGRID ALITAGTAG!" 


Dumagundong ang eardrums 'ko sa 'Good Morning" sa'kin ng baklang si Fuchsia. Ang dami ngang napatingin sakin e. Iba talaga ang sikat. Haha. Biro lang! Napatingin naman ako sa gate nun, kakadating lang nun ng dalawa 'kong bestfriends forever na si  Fuchsia at Rose.

"Oh my gosh, Ms.Alitagtag! Na-miss na kita!" sabi niya with matching palo sa'kin. Ganito talaga ang araw 'ko, hindi mabubuo ng walang hampas mula kay Fuchsia. Kasama 'yan sa Morning Ritual niya e.

"Oh my gosh, Mr.Federico Pablo Valarao! Na-miss din kita ng bonggang-bongga!" sabi 'ko naman sa kanya. Napasimangot pa nga siya sakin nun e. Ang bantot kasi ng pangalan e. Kaya nga 'Fuchsia' na lang daw ang itawag namin sa kanya. Kung saan man hinugot ang Fuchsia, e hindi 'ko alam.

"Don't you call me mister, Ms.Ingrid Alitatag!" napatawa naman ako nun. Ganun pa din si Rose. Hindi pa rin nagbabago. Kung ano ang kinalakas ng boses namin e yun naman ang kinahina ng boses niya pero syempre, misyon kaya namin ni Fuchsia na paingayin 'yan!

"Dyan ka na nga bakla!" sabi 'ko naman kay Fuchsia sabay tingin kay Rose. "Good Morning Rose!"

"Good Morning Ingrid *smile*"

Tumigil muna sa pag-ikot ang mundo 'ko then huminga ako ng malalim. Maghanda na sa pagsabog ng puso at kaluluwa 'ko.

"ANG CUTE. WAAAAAAA!!" pinisil 'ko ng bonggang-bongga yung cheeks ni Rose. Sobrang cute talaga e. Alam mo 'yung itsura niya parang ganito (^_^) tapos minsan ganito pa :3. Nakaka-adik lang e. WAHAHAHA.

"Ingrid, tama na"

Mukhang napasobra ata yung kurot 'ko ah. Tumigil naman ako nun tapos tumango ako sa kanya na parang akong aso na nakakita ng amo.

"Ano ba yan bakla, nakakahiya ka! Anong section mo?"

***

First day 'ko ngayon bilang isang Fourth Year Highschool! Sa wakas, e matatapos na ang kalbaryo 'ko bilang isang highschool student. Makakatakas din ako sa mga terror na teachers para salubungin ang mas terror na professors sa College. Swerte? Not.

As usual, classmates 'ko pa rin sa Section B si Fuchsia at Rose. From 1st year hanggang ngayon e, mga kasama 'ko na talaga 'yan. Parang nga daw kaming naka-mighty bond sa isa't-isa e kasi bihira kaming mapaghiwalay.

Nag-aaral ako sa St.John International School. Sosyal no? International? Pero hindi 'yan. Pautot lang 'yan ng may-ari ng school. Dati siyang Boy's school pero simula ng may nagpatayo na ng school malapit lang samin e, tumanggap na din sila ng mga enrolles na babae. Magkapatid kasi yung may-ari ng dalawang school e, tapos every year e merong Interschool Event between sa dalawang campuses. For 9 straight years, palaging talo ng St.Claire International School ang school namin. At sinasabi 'ko sa inyo na hindi rin 'yan International. Pautot rin lang 'yan ng may-ari ng school na 'yon.

70% ng students sa school namin e puro boys. 30% lang ang girls. Kung bakit ako dito pumasok, e kasi ayaw 'kong kasama ang Ate 'ko sa St.Claire. Ewan 'ko ba. Ayaw 'ko kasi ng may schoolmate ako na kamag-anak 'ko e. Tsaka kung dun ako nag-aral, baka maging magkakaklase pa kami! Late kasi nag-aral yon. Sabay lang kami. Pero anyways, kwento ng buhay 'ko 'to. Hindi kwento ng school namin.

As usual, nagpunta na kami ni Fuchsia at Rose sa classroom namin. 4th floor pa 'yun kaya naman sobrang nakakapagod. Syempre, chikahan pa din. Kung kabarkada mo naman talaga si Fuchsia, e hindi mauubusan 'yan ng mga intriga at chismis.

"Ay! Tapos alam niyo ba si Chona! Sila na pala nung hot na basketball player <inaudible>"

Hindi 'ko na din napakinggan yung chismis ni Fuchsia. Hindi 'ko naman kilala yung Chona e. Sila lang ni Rose ang may kilala don. So yumuko muna ako dun sa desk ng arm chair 'ko. Medyo inaantok din kasi ako e. Hindi na ako sanay magising ng maaga e magmula ng mag-summer.

"Tapos eto pa, Rose! Ikaw na lang kwekwentuhan 'ko, natulog na kasi yung isang bakla diyan!"

Natatawa ako nun kay Fuchsia habang nakatungo lang ako. And excuse me, hindi ako bakla ha! Tawagan lang namin yan. Baka mamis-interpret niyo. Mahirap na. Haha.

Malapit na akong makatulog nun kaso bigla 'kong naramdamang tumama yung bag 'ko sa binti 'ko. Kung minamalas ka naman o, naistorbo ka pa.

"Ano ba?" ang sungit 'ko no? Hehe. Minsan lang 'yan. Napatingin naman ako dun sa lalaki na nakatama nung bag 'ko.

Napatigil siya sa harapan 'ko tapos ang tagal pa naming nagkatinginan. Bago siyang student, halata naman e. Kasi ngayon 'ko lang siya nakita. Bigla niya akong pinagtaasan ng kilay non tapos inirapan niyo ako. 

ANG TARAY NG LOLA MO! 

Then, umupo siya dun sa Arm Chair sa tabi 'ko.

Sinundan 'ko siya ng tingin 'ko nun. Hindi man lang siya nag-sorry. Mukhang mas masungit pa siya kesa sa akin ah. Parang hindi uso sa kanya ang smile at pagtawa. O siguro nahihiya lang siya. Sayang, gwapo pa naman.

Dun 'ko naman na-realize na parang tanga na pala ako habang nakatitig sa kanya. Mukha ngang naiilang siya e. Ang kulit ng mata niya e, kung saan-saan napapatingin. Ganito na ba talaga ako kaganda?! Wahehe.

"Ano ba?" sa wakas, nagsalita na siya. Kinagat niya nun yung labi niya. Ang galing 'ko naman, napansin 'ko pa 'yon.
"Ang sungit mo naman. Ako nga pala si Ingrid" then nag-offer ako ng kamay 'ko sa kanya. Parang pinandiriin pa nga niya nun yung kamay 'ko e. Nagdadalawang isip pa ata kung makikipagkamay sakin. "Don't worry, malinis 'yan"

"Ayan Rose! Tingnan mo si Ingrid! Umagang-umaga e naghahanap na ng jowa!" nagulat naman ako dun kay Fuchsia.

"Wow naman Ingrid" babatukan 'ko talaga 'tong baklang 'to. Mukhang nailang pa sakin yung new student. Sayang hindi 'ko pa alam ang pangalan niya. Ang daya, alam niya ang pangalan 'ko tapos sa kanya e hindi.

"Mga loka-loka din kayo no" sabi 'ko naman sa kanila pero tinawanan lang naman nila ako.

***

Dumating na din naman 'yung adviser namin. Dating gawi, puro orientation lang naman. Nakakaantok nga e. *yawn*. Tapos paulit-ulit lang naman. Diniscuss yung rules and regulations pati na rin yung mga Consequence. Haayyy. 4 times 'ko na siyang narinig. Nakakaloka lang.

Napansin 'ko naman yung mga kaklase 'ko e, tulog na din. Kung hindi tulog e, mukhang nagde-daydream lang. Si Fuchsia naman e busy sa pagtingin ng reflection niya sa salamin. Si Rose naman e nagdoo-doodle lang ng kung anu-ano sa notebook niya. At eto ako na pinapakielamanan ang buhay nila.

Napatingin naman ako dun kay new student sa tabi 'ko. Emotionless ang face niya. Hindi 'ko alam kung nakikinig pa siya sa teacher namin o magaling lang talaga siyang lumaban sa antok.

"Ok. So class, checking of attendance muna tayo. Sa Girls tayo magsimula"

Nagising lahat ng classmates 'ko  non. Mahirap na kung hindi ka kaagad makapagsabi ng 'Present'. Baka mapa-face-the-wall ka ng wala sa oras.

"Alitagtag, Ingrid" First pa rin ako sa listahan. Walang pinagbago.

"Present!"

Nakita ng peripheral vision 'ko na naptingin sakin yung new student. Asus, pasimple pa. Titingin din naman sakin. Natatawa lang ako e. Crush siguro ako neto.

Kapal mo.

Patawad sa aking konsensiya. Sadyang ambisyosa lang ho.

"Balim, Lorraine" Ayun, nagsunod-sunod na din naman ang pagtawag sa mga names ng iba 'ko pang classmates.

"Nepomuceno, Rose Mary"

"Present"

...

"Nepomuceno, Rose Mary!"

"Present"

Ay mukhang, hindi na naman siya narinig.

"Miss, nagsabi po siya ng 'present', hindi niyo lang narinig!" sabi 'ko naman.

"Palakasan ang boses kahit minsan, ok?" napa-slouch naman si Rose nun. Kasalanan ba niya na mahina ang boses niya?! HA?! Mukhang menopausal stage na ata si miss ngayon. Ang sungit e.

Then yun, kung sinu-sino pa yung tinawag. Then, nagsimula na din sa names ng mga lalaki. Sa wakas, aabangan 'ko ang pangalan ni 'New Student'. Nag-start naman na si miss sa pagtawag ng pangalan. Siguro, medyo dulo din ang pangalan niya. Ang tagal niyang tawagin e.

"Rextor, Bryan Levi"

"Present"

Ang seryoso niya grabe. Tapos sobrang gwapo pa ng pangalan niya. Napakabango ng Bryan Levi sa tenga 'ko e. Ang daming kababaihan na nagbulungan non. Kung ano man ang pinagbulungan nila, sigurado ako na kalandian 'yan. Jusko po.

Then yun, may iba ulit na names na sinabi.

"Valarao, Federico Pablo" WAHAHAHAHAHA. Si bakla na!

"Miss, Fuchsia na lang , ok? Nakakaloka! But I'm present!"

Siya ang may pinakamahabang sinabi kaya naman nagtawanan ang lahat. Ewan 'ko ba diyan kay Fuchsia, daig pa ang armalite kung magsalita. Sobrang daldal. Napatingin naman ako kay Bryan Levi Rextor pero mukhang hindi benta sa kanya yung sinabi ni Fuchsia. Ang tigas nito ah. Siguro nasa menopausal stage na rin 'to. Haha.

"Hindi ka pa rin nagbabago Mr.Valarao"

Then yun, pinagawa kami ng Essay describing our summer. Inulan naman ng word na 'hot' ang essay 'ko. Dinescribe 'ko lang kasi ang pagrereklamo 'ko sa init sa Pilipinas. Medyo nawalan na din ako ng idea nun kaya kailangan 'ko ng magtanong-tanong sa iba. Tulungan dapat no!

"Bakla, pabasa nga ng sayo"
"Ano ka? Ayoko nga!" sabay tago ng papel niya. Nakakainis talaga 'to oh. Damot! Joke. Haha, Kay Rose na nga lang.

"Baby Rose, pabasa nga"
"Wag na Ingrid. Nakakahiya e" tepok na. Wala na talaga akong maisip. Tumingin naman ako kay Bryan Levi Rextor.

"*ehem*, Bryan Levi Rextor?" then tumingin siya sakin. "Pwede pabasa?"

Nag-smirk siya nun. Hindi 'ko naman alam kung bakit. Binigay niya sa akin kaagad yung papel niya. Buti pa ang lalaking 'to, hindi madamot.

Then, nanlaki naman ako dun sa papel na binigay niya sakin.















Blangko.

No comments:

Post a Comment