Monday, May 30, 2011

Chapter 12

"Ok. Class, tomorrow e pwede na kayong pumili ng sasalihan niyong games para sa Sportsfest. Fourth year na kayo! Dapat e lahat may sasalihan. Meron kasing mga dinagdag na games. Tsaka seniors na kayo! Nakakahiya kung matatalo lang kayo. Ok? Isasama 'ko sa grades niyo sa Values ang performance niyo sa Sportsfest natin"


Kung ang mga classmates 'ko ay masaya, ako naman e hindi. Pinaka-ayaw 'ko na event 'to tuwing elementary o high school e. Ang Sports Fest. Ewan 'ko ba. Hindi 'ko kasi type na magcheer ng magcheer tapos uuwi akong paos. Dyahe naman yun e. Tapos hindi rin naman ako sporty at hindi rin ako pwede sa cheer dance kasi parehong kaliwa 'tong paa 'ko. Buti pa si Fuchsia na makakasali sa Cheer Dance, wala na siyang problema sa grade niya. Si Rose naman e master of Darts ata 'yan kaya sigurado akong sasali siya don! ako lang ang walang sport.

HAAAYY. Napatingin naman ako nun kay Levi. Hanggang ngayon e, hindi 'ko pa din makalimutan yung sinabi niya sakin.

"Dapat ka ngang umamin sa taong yun. Kasi malay mo may gusto nga talaga siya sayo"

Hindi 'ko kayang umamin sa kanya. Tuwing tinitingnan 'ko siya, sobrang lumalakas na yung pagtibok ng puso 'ko. Hanep lang e.

***

Lunch Break namin ngayon at nagpunta ako sa faculty para magpa-reconsider. Wala kasi akong maisip na laro na pwedeng salihan e. As in, wala. Tsaka wala naman talaga akong talent e. Nakakainis lang naman oh.

"Miss, pwede po bang magpa-reconsider? Magiging Water Girl na lang po ako sa mga laro"

"Ms.Alitagtag, may games ba na pang-water girl lang? Sa tingin mo ba makukuhanan 'ko yun ng grades mo? Kung gusto mo isasali kita sa isang game na hindi masyado sinasalihan"

Napasimangot naman ako nun. Kasi naman e. Wala naman akong alam sa mga games na 'yan e.

"Pero miss, wala naman talaga akong alam sa mga sports e. As in. Baka madapa lang ako dun"

"Madapa or walang grade? Pumili ka Ms.Alitagtag"

Ang ayos din ng mga options e. Pwedeng none of the above?

"Madapa po"

"eh di ayos. Pumunta ka tomorrow sa orientation ng Basketball girls. Yun na lang ang salihan mo"

Ba-Ba-- BASKETBALL?! WHATTTT?!

Hindi pa ako napayag nun at hindi pa rin ako nakakapagsalita nun, e umalis na siya para magtake ng lunch niya. Grabe, Anong basketball? Eh wala akong kaalam-alam dun. Hindi nga ako marunong humawak ng bola e! Paano  na ako niyan?! Last Year 'ko na nga dito sa St.John e, magiging kahiya-hiya pa.

***

"BASKETBALL?"

Tumango naman ako nun na parang wala na akong buhay. Wala akong alam sa Basketball. Nung first year kasi e pinag-aralan namin yun pero hindi naman exempted naman ako sa lesson na 'yun kasi mataas ang grades 'ko sa Mapeh.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! BASKETBALL?!! NAKAKALOKA!! WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Ang sama mo, Fuchsia!"

Pinalo 'ko naman siya nun. Hmf! Hindi man lang ako kinomfort.

"Sorry bakla ha! Kasi naman e! Basketball?! Good Luck sa fesluk mo!"

"Hay, ok lang 'yan Ingrid. Sigurado akong kaya mo 'yan no"

Buti pa 'tong si Baby Rose napakabait. Haha. Ano kayang mangyayari sakin bukas kapag nag-start kami sa pagpra-practice? WAAAA. Mapapahiya lang ako. Pano kaya kung magsakit-sakitan na lang ako? Kaso pag nagkataon babagsak ako sa Values. Pero Values lang naman yun e. KASO Values na nga LANG, e ibabagsak 'ko pa ba?

***

Hindi naman ako sumabay kay Fuchsia at Rose nun sa pag-uwi kasi gusto 'kong pumunta dun sa Gym. Buti na nga lang walang tao e at solo 'ko lang yung buong Gym. Kumuha ako ng bola ng basketball mula dun sa isang basket tapos nag-sigh ako. Triny 'ko siyang i-shoot pero hindi naman pumasok. TSK!

Sigurado akong magiging kahihiyan talaga ako bukas. Bakit kasi ang Sports Fest namin e ginawang July?! Bakit ba sobrang lakas ng pautot ng may-ari ng school?! Nakakainis lang e.

Kinuha 'ko ulit yung bola tapos triny 'kong i-dribble pero mukhang ayaw sakin nung bola. Lumalayo ba naman kasi sakin yung bola e. Nakakainis lang.

"Hay nako po! Bakit ba ayaw mo makisama sakin?!"

Ang baliw 'ko na nun kasi yung bola na yung kinakausap 'ko e.

"Pst"

Tumingin naman ako dun sa may door. Nakakainis. Nakita niya kaya ako? Sobrang nakakahiya na talaga 'to oh.

"Anong ginagawa mo?"

"Ha?"

Feeling 'ko first time 'ko siyang makausap. Kinakabahan ako e. Ewan 'ko ba kung bakit. Pero sobrang bilis kasi Ingrid e. Ano bang meron sa kanya? =\

"Nagba-basketball ka?"

"Bakit? Pagtatawanan mo ako?"

Lumapit siya sakin tapos kinuha niya yung bola na gamit 'ko. Ang galing nga niyang humawak ng bola e. Parang professional siya. Tinabi niya yung bag malapit dun sa ring then tumakbo siya papalapit then nag-dunk siya. Mukhang nag-slow mo pa nga yung mga pangyayari habang ginagawa niya yun e. Ang cool kasi talaga e.

"Hindi"

"Ha?"

"Hindi kita pagtatawanan"

Parang gusto 'kong ngumite nun pero hindi 'ko magawa. Seriously, ang pinakamahirap na gawin e pigilan ang kilig. WAHAHA.

Kinuha 'ko nun yung bola tapos linagay 'ko na lang dun sa basket. Ayaw 'ko namang magpanggap na marunong talaga ako sa game na 'to. Umupo muna ako dun sa elevated seats nung Gym. Nakakagulat nga kasi bigla niya akong tinabihan.

"Mukhang hindi ka pa naamin ah"

Napatingin ako sa kanya? UHHH---WHAT? Tama ba 'tong naririnig 'ko? Ako? Hindi pa naamin? Paano naman niya nalaman yun?

"A-alam mo?"

Tumango siya nun tapos ngumiti pa siya. WAAAA. MAMAMATAY NA AKO! ALAM NIYA NA MAY GUSTO AKO SA KANYA.

Tumayo naman ako nun at kinuha bigla yung bag 'ko. Kailangan 'ko siyang takasan. Feeling 'ko e nabisto niya na ako. Pero paano?! PAANO!? Masyado ba akong halata sa kanya?

"Ui, san ka pupunta?"

"W-wala. U-uuwi na ako!"

Mabilis akong tumakbo papalabas nung gym ng hindi 'ko man siyang nililingon. Ang bilis 'kong tumakbo nun. Paano? Paano niya nalaman? Nababaliw na ako!

Tumigil naman na ako nun sa gitna ng hallway. Tapos napasigh talaga ako. Relax ka lang Ingrid. Pero paano niya nalaman? Impusibleng sinabi 'to ni Fuchsia at ni Rose. Alam 'ko na hindi sila ganun. Sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi nila 'to magagawa. Medyo pinagpapawisan na ako nun at hinihingal na din ako.

"Ok ka lang?"

Sa boses pa lang niya e alam 'ko na si Levi yun. Hindi naman ako tumingin sa kanya nun. Gusto 'ko na nga siyang takasan e. Masyado na 'tong nakakahiya. Gusto 'ko ng umiwas. Pero paano sa mga sumunod na araw? Paano ako makakatagal ng naiilang ako sa kanya?

"Ok lang ako"

Sinarado 'ko nun yung fist 'ko at sobrang bilis ng pagtibok ng puso 'ko.

"May problema ka ba?"

Bakit ba siya ganito?! Binibigyan niya na naman ako ng motibo na magkagusto sa kanya?! Binibigyan niya ako ng maraming rason para umasa sa kanya! Nakakainis lang!

"Levi..."

Wala na akong magagawa. Dapat 'ko na talagang sabihin 'to para matapos na ang lahat.













"Please... Layuan mo na 'ko"

No comments:

Post a Comment