Thursday, August 4, 2011

Chapter 47

Sabay-sabay kaming bumalik sa school namin. Todo effort naman kami sa pagtatago dahil baka mahuli kami ng mga teachers. Hindi kasi namin namalayan na time na pala para sa next subject namin. Pare-pareho tuloy kaming late pero buti na lang at swinerte pa rin kami kahit papaano. Buti na lang at wala yung next subject teacher namin kasi binigay na lang yung time samin para magprepare sa mga presentations namin. Sa Friday na pala yung Christmas Party at wala pa rin akong nabibili na regalo para sa mga kaibigan ko. Naku po. Mahihirapan akong mamili ng regalo para kay Levi! Ano bang gusto nun?!

Dahil wala naman akong ginagawa para sa presentation namin, napagpasyahan ko na lumabas muna ng classroom at tumambay muna sa corridor. Ang tahimik ng hallway eh. Lahat talaga nagpapaka-busy. Ako lang ba ang hindi busy dito?! Kakahiya naman. Maya-maya naman ay nakita ko si Vyra tapos nakataas pa yung isang kilay niya sakin. Anung problema nito?!

"Bakit andyan ka?"


"Eh bakit andito ka?"


Nagtawanan lang naman kami nun. Nagbalikan lang kasi yung tanong namin sa isa't-isa eh. At least, may kadamay na ako sa mga hindi busy. Umupo sa tabi ko nun si Vyra. Aba, may balak ding tumambay dito ah!

"Wala ka ring ginagawa?"

"Hindi ba obvious?" Amf! Sunget! WAHAHA.

"Bakit ka nagsalita ng ganun kay Cyrus kanina? Wala kasi akong alam eh. Ikwento mo naman sakin oh. Nabitin kasi dati yung kwinento mo sakin eh" nakita ko siyang nagsigh nun at halatang ayaw niyang pagusapan ang nakaraan.

"The truth is... ugh... bakit ko pa ikwekwento sayo?!"

"Eh bakit hindi?" mukhang nainis na naman siya kasi binalik ko sa kanya yung tanong niya. Inirapan niya ulit ako tapos tinuloy niya yung kwento niya.

"the truth is... si Cyrus ang first love ko. Siya ang puppy love ko, first crush, first heartbreak... or whatever you call it? gets mo?" napatango naman ako nun. Hindi ko akalain yun ah.

"So first boyfriend mo din siya?" umiling siya sakin.

"Hindi. Nagsawa kasi siya sakin eh. Nung una kasi ayaw ko pa ng commitment. Napagod siya kakahintay sakin tapos ayun. Hanggang nilayuan niya na ako." mukhang malungkot pa din siya. May gusto pa rin kaya siya kay Cyrus? "Inutusan niya pa si Levi na ligawan ako. Ang tanga ko naman kasi sinagot ko si Levi. Akala ko kasi mapagseselos ko si Cyrus ng ganun. Pero hindi pala... parehas niya lang kaming niloko ni Levi..."

"P-paano?"

"May nililigawa si Levi noon na kaibigan ni Cyrus at nagpapatulong siya rito. Pero sabi ni Cyrus, tutulungan niya lang si Levi kapag napasagot niya ako. Tanga rin naman itong si Levi kasi ginawa nga niya. Kaso it turns out na naging si Cyrus at si Elaine" Ahhh. Elaine pala yung pangalan ng first na nililigawan ni Levi. Meron pa kaya silang communication? "Nalaman namin ni Levi yun. Nagtanim ako ng galit pero si Levi, hindi. Mabait talaga siya. kaya I owe him my life. Ewan ko ba. Nabago niya yung prinsipyo ko sa buhay. Ang laki ng utang na loob ko dyan kaya nga nahulog din yung loob ko sa kanya eh" napa-ehem naman ako nun para senyasan siya na ako ang kausap niya at medyo... may pagseselos din ako no! WAHAHA. "Pero syempre, dati pa yun. Alam ko namang nakatali na siya sayo ngayon eh. Basta I know my place ngayon"

"Ganun pala yun. Ngayon ko lang nalaman, so kamusta naman kayo ni Yohan?" nakita ko siyang ngumiti. Mas maganda talaga siya kapag nangiti eh.

"Ok naman. It turns out that he's better. Promise. Pinagseselosan na nga kita eh" Ano daw?

"Ha? A-ano? B-bakit?"

"Hindi mo ba alam?! Oh my gosh! Akala ko nasabi na sayo ni Yohan! Well, anyways. Ayaw kong intrigahin mo ako kaya aalis na ako! Nice chatting with you!" tumayo siya at mabilis na umalis. Ugh, ano kaya yung tinatago niya sakin?!!

"Adik" bulong ko sa sarili ko tapos napatawa na lang ako. Akala ko magiging mortal na kaaway ko si Vyra pero isa rin siya sa magiging kaibigan ko. Kung sino pa yung isa sa mga pinakamalapit sakin, siya pa yung nalayo. I admit na namimiss ko na din si Rose. Nasa iisang kwarto lang kami pero feeling ko sobrang layo namin. Nakakamiss yung mga masasayang pagchichismisan namin. Kaso nagbago na talaga siya ngayon at mukhang hindi ko na maibabalik ang dati.

***

Nung sumunod na araw, masaya akong umalis ng school namin nung dismissal. Walang Cyrus na sumusundo sakin. Yehey!!! So fun. Kaso nagtitinginan sakin yung mga estudyante, bakit ba?! Hindi ba sila sanay na single ako?! Pero baka iniisip nila na malandi ako. Wala pa nga kaming isang buwan ni Cyrus eh tapos break na agad. Kamusta naman yun, diba?!

Pumunta ako sa pinakamalapit na mall para bumili ng mga pangregalo. Syempre, si mama, papa at si ate muna ang binilhan ko. Madali lang naman eh. Si mama ay binilan ko ng mga pillow covers (collection niya kasi yun eh), si papa naman ay isang libro (hilig kasing magbasa!!) at si Ate Ivette ay isang album ng SNSD (adik kasi siya dun.gee gee gee baby baby! WAHAHA). Sumunod sa listahan ko naman ang mga kaibigan ko. First si Fuchsia ay binilan ko ng shawl. Sosyal, diba? Collection niya din kasi ang mga shawls. Lahat na ata ng design, kulay at kung anu-anong design ng shawl ay na sa kanya na!! Si Vyra naman ay mga beauty products. Ewan ko rin kung bakit ko siya binilan niyan. Next, si Yohan! Pumunta lang ako sa penshoppe para bumili ng cap. Ok na yan, ano!! Ang hirap kayang bumili ng regalo para sa lalaki (exception si Fuchsia). Next, si Levi. Naku po, mahihirapan talaga ako nito. Skip nga muna siya! Meron pang isang pangalan sa listahan ko. Si Rose... Hindi ako sanay na hindi ko siya mabibilhan ng regalo... Hay naku... Parang dinala ako ng sarili kong paa sa isang shop ng mga accesories. Kinuha ko ang isang necklace na may butterfly na design at binili ko ito para kay.... Rose... Bahala na, naging kaibigan ko na din naman siya.

Naku po! Si Levi na lang ang problema ko!! Ano bang ireregalo ko sa kanya?!

"Kanina pa ako naglilibot pero wala pa rin ako nabibili para sa lokong yun. Nakakainis na--" BOOGSH! Aray ko po. Yung pwet ko naman, ang sakit ha?!!

"Hala, sorry po talaga" kinuha ng isang cute na babae ang mga gamit ko at inabot niya sakin. Tinulungan niya din akong tumayo. Ang cute at bait naman nito. "Sorry po talaga! Hindi ko po sinasadya!"

"H-hindi. Ok lang" tumango naman siya sakin. Sa bandang likod niya naman ay nakita ko si Cyrus, naku po!!! Hanggang dito ba naman?!!

"INRGRID!" badtrip!! Tinawag pa ako!! Napalingon din yung babae sa likod niya kung saan nakita niya si Cyrus kaso... biglang napatigil si Cyrus nang tumingin sa kanya yung babae.

"Elaine?" ANO DAW?!! TAMA BA ANG NARIRINIG KO?!!! ELAINE?!! AS IN ELAINE YUNG PINAGUUSAPAN LANG NAMIN NI VYRA KAHAPON?!!!

"Hi Cyrus!" sabi naman nito. Ayy, ang cute. Naaalala ko sa kanya si Rose. Oops. nagseselos na naman ako sa fact na magkapareho lang si Rose at si Elaine.

Lumapit samin si Cyrus.

"Magkakilala ba kayo?"

"Hindi. Nakabunggo ko lang siya"

"Aahh. Ingrid, si Elaine pala. Ex ko siya." Kailangan ko bang malaman yan?! Pfttt!

"Hi Elaine. Ako si Ingrid, ex din ako ni Cyrus" tumawa naman sakin si Elaine. Waaaahhh, sobrang cute ng pagtawa niya. Parang mapapaluha din siya sa sobrang tawa niya eh.

"Wow! Reunion ba 'to?!! WAHAHAHAHA. Cyrus, kamusta naman na si Levi? Nakarecover na ba siya sa sakit niya?" Sakit? Huhhhh?!! Anong sakit?

"Nasa States siya ngayon at nagpapagamot siya dun"

"A-ano? Bakit hindi ko yan alam?" mukhang si Cyrus lang yung nakarinig nun kaya hindi siya masyadong nakapagsalita sakin. Ito ba yung sinasabi ni Rose na hindi ko alam?!! Marami pa nga akong hindi alam. Nakakainis lang.

"Good. Sana gumaling na siya. Gusto ko sana siyang regaluhan eh. Alam naman natin kung anong gusto nun, diba?! Sige, babye Cyrus. Bye Ingrid, nice meeting you!" tapos umalis na siya. Huhuhuhu. Ano yung ireregalo niya?!!

"Bakit hindi ko alam na may sakit siya?"

"Hindi mo ba nahalata nung nasa Tagaytay tayo?" akala ko simpleng asthma lang yun. meron pa palang mas malala dun?! Nakakainis!!

"Anyways, gusto ko lang na magso--"

"Ayaw ko munang magsalita. Please..." tapos tinalikuran ko siya. Ugh, nade-depress ako. bakit hindi ko man lang alam na may sakit pala siya at nagpapagamot siya ngayon sa America? Ugh, sana gumaling na siya at bumalik na siya sakin.

Umupo muna ako sa may food court at nilabas ko yung rose na binigay niya sakin. Tatlong petals na lang yung nakadikit. Ano ba? Kelan ka pa ba babalik, Levi? Babalikan mo pa ba ako?

"Miss na miss na kasi kita" tumulo yung luha ko nun. Ang childish ko talaga, nakakainis lang eh.

Mukhang wala akong mabibiling regalo dito kaya napagpasyahan ko na ding umalis. Hay naku. Pumunta na lang ako sa pinakamalapit na bakery at bumili ng isang cake. Pinasulatan ko na rin ng `Merry Christmas, Levi` at chineck ko na matagal pa ang expiration date. Pag-uwi ko naman ng bahay ay linagay ko ito sa ref. Kailan ko kaya ito maibibigay sa kanya? Sana kasi magkita na ulit kami! :(

***

Dumating na rin ang Christmas Party namin. Bitbit ko na ang mga regalo ko para sa mga kaibigan ko at suot ko ang isang cute na pink dress. Buti na lang half day lang kami ngayon at isang bakasyon na naman! Kay saya ng buhay estudyante! Kaso nagbabakasakali naman ako na sana dumating na ngayon si Levi. 

Syempre, opening program muna. nag-present ang bawat section ng mga presentations nila. Pagkatapos nun, nagpuntahan ang lahat sa respective classrooms nila at nagkaroon kami ng kanya-kanyang party. Nagkainan kami at nagbasaan! Ang saya nga eh. May mga nagdala kasi ng mga water guns. Enjoy nga eh. Basang-basa ako. Tapos ang masaya pa eh, may night pary pa mamaya ang seniors batch namin sa bahay ng batch president! Astig, diba?

Sunod ay nagbigayan na kami ng mga regalo. Huhu, lapit ng magtapos ang party kaso wala pa rin si Levi. Napatingin ako sa rose na binigay niya sakin at isang naghihinalong petal na lang ang natitira. Levi, babalik ka ba talaga?

"Thanks sa shawl, sis! Love it!!" sabi naman sakin ni Fuchsia.

Hindi ako lumapit kay Rose para ibigay sa kanya yung regalo ko. Lumapit na lang ako sa bag niya at pasikreto 'kong nilagay yung regalo ko sa kanya sa loob nito. Sana walang nakapansin.

"Isang regalo na lang ang natitira sakin. Ikaw na lang ang kulang, Levi" sabi ko naman sa sarili ko.

***

Nag-aalisan na yung mga kaklase ko para magprepare sa batch party mamaya. Pero hindi ko pa ring magawang umalis sa loob ng classroom namin. Nakatingin lang ako sa last petal ng rose. Ang tagal talaga ni Levi :(

"Hindi ka ba sasabay samin nila Vyra?"

"Mauna na lang kayo. May hinihintay pa ako eh" tumango na lang naman siya sakin. Naiintindihan niya naman ako eh.

Umalis na sila at ako na lang ang natira sa classroom na yun. Dumaan ang isang oras at nakadikit pa rin yung naghihinalong petal dun sa rose. Parang tanga naman akong nakatitig dun sa rose. Naiiyak na nga ako eh. Ang tagal kasi ni Levi.

"Anong oras na? Ang tagal mo naman eh" bulong ko sa sarili ko.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang pagkahulog ng petal sa loob ng glass. Wala ng petal na nakadikit dun sa rose. Wala ng mga petals. Wala ng mga petals. Wala ng mga petals. Lalo akong napaiyak nun. Akala ko ba babalik siya kapag naubos na lahat ng pe--













"Nalate ba ako?"

No comments:

Post a Comment