Friday, June 3, 2011

Chapter 25

So yun, nagkwentuhan at nagkulitan lang kami,. Ayaw 'ko naman ng i-open yung topic nung kabaklaan niya. Ewan 'ko ba. Wala akong makita na sign na bakla talaga siya e. Kaso bakit pa naman niya sasabihin yun diba kung hindi naman totoo?

Hinatid niya rin naman ako nun sa bahay 'ko then nagba-bye din kami sa isa't-isa. Pinanood 'ko lang siya na umalis nun. Hayyyy. Siguro hanggang dito na lang talaga. Napa-sigh naman ako nun. Pangarap 'ko lang talaga siya.

Pumasok na rin naman ako ng bahay nun. Si mama naghahain na ng pang-dinner namin. Si papa naman ayun, nagbabasa ng dyaryo. Si ate ay naka-glue pa rin yung mata sa laptop niya. Isang typical family lang kumbaga.

"Sis!"

Buti naman at na-sense rin ni ate ang presensiya 'ko no!

"Punta tayo sa kwarto. As in! Now na!"

Kitang-kita 'ko ang pagtataka ng mga magulang 'ko. Siguro iniisip nila ay may sikreto kami ni Ate. Well, sikreto naman talaga yung ginawa namin. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ng gulong pinasok namin. Sumunod na lang ako kay ate nun and nag-lock kami dun sa kwarto niya.

"Bakit? Anong meron?"

"Grabe. Nagyayaya si Cyrus na magkaroon tayo ng double date!"

Nanlaki yung mata 'ko nun. Ano ba naman 'yang si Cyrus?! Nakakainis lang e.

"Magdala daw ako... I mean ikaw... ng isa pang girl then magdadala rin siya ng isang boy. Ugh, ano bang pumasok sa utak ng Cyrus na 'yan?!"

"Siguro nagawa lang siya ng paraan para makapagusap kami. Iniiwasan at tinataguan 'ko kasi siya e. Palagi ba namang naka-abang sa school gate namin!"

"Talaga?! Kawawa naman 'tong baby sister 'ko. I'm making stuff harder for you"

Then, yinakap niya naman ako nun at tinapik-tapik niya pa ako sa likod. Parang tanga lang e. WAHAHA.

"Buti alam mo, Ate Ivette"

Dahil dito, hindi kami pwede ni Levi. Pero hindi 'ko naman sinisisi si Ate Ivette no. Ako pa. Tsaka kahit ano namang mangyari, bakla si Levi kaya wala naman talaga akong chance sa kanya.

"Well, ganito na lang. Ako na lang yung dalhin mo dun. Ok? Then, I will try my best to look pretty and huhulihin 'ko siya ng walang kawala!"

Mukhang may kasunod na evil laugh nga yun e.

"Ok. Fine. Kelan ba?"

"Sa weekends. Ok lang ba?"

Tumango lang naman ako nun. Ano bang magagawa 'ko? Makikisakay na lang ako kesa naman palaging si Levi yung iniisip 'ko.

***

Another day at school. Botany class namin. Haaaayyy, forever boring talaga e.

"So class, may project akong ipapagawa sa inyo. Dapat makagawa kayo ng scrapbook about different species of Flowering Plants. Ang deadline niyan ay before ng field trip. Ok?"

Hay nako. Eto talagang teacher namin, kung makapagpagawa ng project sobrang gastos!

"By partner yan. So para fair sa lahat. Ako ang mamimili ng mga partners niyo"

Then, nag-start siyang magtawag ng pangalan. Wala naman akong pakielam kung sinong maging partner 'ko basta tutulungan ako no!

"Mr.Valarao. Partner mo si Ms.Santiago"

Ano ba 'yan? Sana si Fuchsia na lang naging partner 'ko. Kakainis lang e. Masipag pa naman yang gumawa ng mga scrapbooks! Wahehe.

"Ms.Nepomuceno... Sino bang pwedeng i-partner sayo?"

Ako na lang miss! WOOOO! Masipag din yan e! Si Baby Rose 'ko yan e!

"Mr.Rextor, ikaw na lang. Ok lang ba?"

Ang swerte naman ni Levi. Tumango lang naman nun si Levi then tumingin siya kay Rose. Wow, sila pala yung mag-partner no. Bakit ganon? Nakaramdam ata ako ng something. Kung ano man yuung something na 'yun, kakalimutan 'ko na lang.

Then yun, nagsabi pa ng ibang names si miss hanggang matawag ang napakaganda 'kong pangalan!

"Ms.Alitagatag, you can pair up with Mr.Castro"

Ok lang naman sakin yun. Nasa top 10 naman yung classmate 'ko na 'yan e.

So yun, binigay samin yung time para kausapin namin yung partner namin para sa plano ng projects namin. Pumunta nun si Levi sa place namin. Maiilang sana ako kaso pinigilan 'ko na yung sarili 'ko.

"So ano ng gagawin natin?"

I can't help it na hindi makinig dun sa usapan nila. Ewan 'ko ba.

"Siguro mangolekta muna tayo ng flowering plants. Bago tayo mag-research tungkol dun"

Tumatango nun si Rose tapos nagte-take down notes lang naman siya. Medyo malapit nga sila sa isa't-isa e. Tumitingin kasi si Levi dun sa sinusulat ni Rose tapos nag-ngingitian pa sila. Bakit ganun? Bagay naman pala sila e.

"Hoy Ingrid. Hoy Ingrid, nakikinig ka ba?"

Nagulat naman ako dun sa partner 'ko. Nakakahiya naman ako oh.

"Sorry. Ano ba yun?"

"Makisabay na lang tayo kay na Fuchsia na mangolekta ng mga Flowering Plants this Saturday..."

Saturday? Badtrip. Yun nga pala yung double date 'ko with Cyrus. Nakakainis naman oh.

"Sasabay na din kami ni Levi sa inyo"

Nag-smile pa nun si Rose. Ang cute naman niya.

"Hala, pwede bang next weekend na lang? Busy ako kasi this Saturday e. Next month pa naman ang pasahan diba?"

"Sige. Ok lang siguro yun. Mas marami pa tayong projects na aasikasuhin this week e"

Buti naman pumayag sila then nagsimula na lang ulit kaming magplano tungkol sa design nung scrapbook na gagawin namin. Buti na lang artistic 'tong partner 'ko na 'to! Pabigay-bigay lang naman ako ng suggestion sa kanya pero minsan hindi 'ko maiwasang makinig sa usapan nila at...

"Lagyan kaya natin ng box sa right side tapos gawan natin ng lettering na may flowers"

"Nyehhh! Wag ganun. Mas maganda kung leaves diba?"

"Oo nga. Mas cute yun. Sabi 'ko nga e"

"Ano? Mas cute ako? *ngiti*"

"Oo sige. Ikaw na cute"

...at hindi 'ko maiwasang mainis. Tama bang pag-usapan ang kakyutan? Hambalusin 'ko kayo dyan e!

***

So yun, kumain kami ng lunch pagkatapos. Sobrang tahimik 'ko nga e. Ewan 'ko ba. I felt something talaga na sobrang bigat dito sa puso 'ko e. Alam niyo yun.

"Alam mo Ingrid, tamang-tama talaga sayo si Levi. Sobrang kulit niya! Grabe!"

Talaga lang ha? Kung makapaglandian kayo kanina nung science time, e wagas na wagas!

"Magaling nga siyang mag-lettering e. Ginawan niya ako ng lettering na `Rose` sa science notebook 'ko. Ang cute nga e, kasi may mga designs ng roses"

Ngumiti lang naman ako nun. K, fine. Ano ba 'tong nangyayari sakin?! Ang bad 'ko! Kaibigan mo 'yan tapos kung anu-ano yung iniisip mo!!

"Really? Sige guys, punta muna akong classroom. Gagawa pa ako ng assignment 'ko sa Math. Hindi 'ko kasi nagawa last night e"

"Pakokopyahin na lang kita. Dito ka muna. Please"

"Hindi. Wag na. Ok lang"

Ewan 'ko ba. Feeling 'ko ang sama 'ko kaso ang bigat talaga sa pakiramdam e.

"Ano ka ba Ingrid? Dito ka na lang please! Ang dami 'ko pang kwento sayo e!"

"Kwento? Tungkol san? Puro lang naman kay Levi yung kwento mo diba? Wala naman akong care dun e!"

Napasigaw talaga ako nun. Medyo nainis din naman kasi ako. Yung tipong puro Levi lang yung naririnig 'ko mula sa bibig niya. Nakakabanas.

"Hey girl, ano bang nangyayari sayo?"

"I'm perfectly fine. I'm sure of it. Gusto 'ko lang pumunta sa classroom. Ok?"

Nakatingin lahat ng students sakin and kabilang dun si Levi.

"Ingrid--"

"Rose, marunong ka bang tumigil?"

As in inis na inis na talaga ako e. Ewan 'ko ba. Nabwibwiset lang ako. Hindi naman nakapagsalita si Rose nun kaya lumabas na ako ng cafeteria. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko tapos napapaluha na din ako. Pero para na lang makatakas sa lahat, tumakbo na lang ako.

"Ingrid, bakit mo nagawa yun?!"

Bakit 'ko nagawa yun?! Nasigawan 'ko si Rose! Sobrang sama 'ko! Ano ba naman 'yan?! Ang hirap tanggapin sa sarili na nagawa 'ko yun dahil...













"Ingrid..." dahil nagseselos ako.

No comments:

Post a Comment