Friday, June 3, 2011

Chapter 24

"Bakit hindi mo pa sinabi yung totoo?"


Nakakagulat 'tong si Yohan e. Alam mo yung super unexpected kasi umupo siya sa table namin nila Fuchsia at Rose para lang kulitin ako sa mga nangyari kahapon. Kesyo sana daw umamin na lang ako. Tahimik lang naman nun yung dalawa 'kong kaibigan kasi ayaw na rin naman nilang makisali.

"Wala rin naman kasing mapupuntahan e. Tsaka masisira 'ko lang yung closeness nila kung ganun"

"Kung gusto mo kasing matapos na ang lahat, dapat sinabi mo na si Levi ang gusto mo"

Nagulat naman nun si Fuchsia at si Rose. Hindi kasi nila alam na alam ni Yohan na gusto 'ko talaga si Levi. Pero syempre, hindi alam ni Yohan na sinabi sakin ni Levi na bakla siya. Ayaw 'ko lang sabihin. Kasi syempre, private din yun no.

"Bakit 'ko pa ba kailangang umamin e alam naman na ni Levi. Tsaka wag na lang diba?"

Napayuko naman nun si Yohan. Seriously, may malaking problema 'to tungkol sa piangdadaanan namin ni Levi e!

"Yun na nga yung point e. Alam ni Levi. Teka ha? Paki-ulit? Alam ni Levi?"

Mukhang nagulat naman nun si Yohan. Hindi 'ko rin pala nasabi sa kanya na umamin na ako.

"Oo, umamin ako sa kanya"

"Eh anong sabi?"

Napatingin samin nun si Rose at Fuchsia. Pero syempre, hindi 'ko sasabihin yung totoong sinabi sakin ni Levi.

"He rejected me"

"Ang adik talaga nung Levi na yun oh"

May padabog-dabog effect pa siya nun. Grabe ha, bakit ba 'to nagkakaganito?

"Hay nako Yohan. Basta yun na yun. Wala naman siyang gusto sakin e"

"Wala ka talagang alam sa word na obvious no?"

Pinagtaasan 'ko naman siya ng kilay nun pero inirapan niya lang ako. Aba, marunong pala 'tong umirap. WAHAHA. Hindi 'ko naman kasi ma-gets yung pinaparating niya diba? Kung dinederetso naman niya kasi ako e.

"Bakit ba parang linalakad mo ako kay Levi?"

"Syempre, para lumayo na sa kanya si... ano... gets mo na?"

Napatango naman ako nun. Lahat na lang ng tao ginagamit ako. Kawawa naman ako. Huhuhu.

"Pero hindi lang yun ang rason. Ayaw lang sayo sabihin ni Levi pero gusto ka niya"

Nagulat naman ako dun. Ito ba yung kanina pang gusto niyang sabihin sakin? Napatingin naman ako nun kay Levi na mukhang walang ganang kumain.

"Umamin na nga ako sa kanya at lahat tapos hindi pa niya sasabihin sakin na gusto niya ako? Ano yun? Joke?"

Napa-iling naman nun si Yohan sakin.

"Come to think of it. Bestfriend slash cousin niya ay may gusto din sayo."

"E yun lang naman pala e. Kung gusto niya ako, e di sana pinaglaban niya ako"

Nakita 'ko naman nun si Rose at Fuchsia na napapatango sa mga sinasabi 'ko. Tama naman ako diba?

"Maybe he has valid reasons naman."

"At ano naman ang mga reasons na yun aber?"

Buti na lang maingay dun sa cafeteria kundi rinig na rinig na yung boses 'ko. Medyo napapalakas din kasi 'tong boses 'ko e.

"Hindi ba dapat si Levi ang kausapin mo? Ayaw niya na may ibang tao na nagkwekwento tungkol sa buhay niya. Tandaan mo yan"

Napa-sigh naman ako nun. Malapit ng matapos ang September slash 30 days ng 70-days OPLAN 'ko tapos wala pa ako masyadong alam tungkol sa kanya. Nakakainis lang e.

***

Syempre, nagklase lang naman kami nun. As usual, maraming quizzes and activities. Nadugo na nga ata yung utak 'ko eh. WAHAHA.

"Hey uwi na ako ha. May family gathering kasi e."

So yun, umalis agad si Baby Rose nun. Eto naman si Fuchsia ay busy din gawa ng School Newspaper namin. Contributor ata siya dun no!

"Sige, bakla! Bye na"

Ngumiti lang naman ako tapos nag-wave goodbye na rin sa kanya. Palagi na lang silang busy. Ako lang hindi. Napag-iiwanan na talaga ako ng panahon. Inayos 'ko lang naman nun yung bag 'ko then nag-ready na rin akong lumabas ng classroom.

"Anak ng sunog na patola!"

Napasigaw naman ako nun kasi nagulat ako sa presensiya ni Levi. Nakakaba 'to e. Tamang gulatin ako?

"Ikaw pala"

Medyo nahihiya naman ako nun. Hindi 'ko lang alam kung bakit. First time 'kong makausap siya ngayon e. Nagkailangan na naman kasi this past few days e.

"Kailangan nating mag-usap. Lika na"

Siya yung unang naglakad nun and ako naman ay sumunod lang sa kanya. Kinakabahan lang naman ako nun habang sinusundan 'ko siya. Likod pa lang kasi niya, pamatay na! Ghad! Bakit mga ganito pang bagay ang iniisip 'ko?! Kung ang iniisip 'ko kaya ay kung ano yung pag-uusapan namin diba?

Palabas na kami ng school building nun pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagsasalita. Alam niya bang hindi mabubuo ang pag-uusap ng walang salita?

"Akala 'ko ba mag-uusap tayo?"

Napatigil naman siya nun. Akala 'ko kung ano pero dahil pala andun si Cyrus sa tapat nung gate. Mabilis niyang hinawakan yung kamay 'ko tapos hinila niya ako sa side nung Faculty Building kung saan hindi kami matatanaw ni Cyrus.

"Gusto mo bang ihatid ka niya?"

Na-realize 'ko na sobrnag lapit naman sa isa't-isa. Kung saan-saan 'ko na nga lang binabalin yung tingin 'ko kasi medyo naiilang na ako habang nakatitig sa mga mata niya.

"Ano ba? Sumagot ka"

Oo na nga. Sasagot na po! Sunget. Hmf!

"Ayaw"

Tumango naman siya nun

"May payong ka ba dyan?"

Mabilis 'ko namang linabas yung payong 'ko. Ready na ako dyan kasi baka mamaya maulit lang yung dati at lalo lang akong ma-in love sa kanya. WAHAHAHA. Ano daw?

"Wag ka na lang magpahalata. Ok?"

Nagpayong kami nun kahit na hindi mataas ang sikat ng araw kahit walang patak ng ulan. Inakbayan niya ako nun. Grabe, na-miss 'ko 'tong akbay na 'to!

Tapos nag-start kaming maglakad na parang lovers lang kami na namamasyal sa isang park. Ginamit namin yung payong para itago yung mga sarili namin. Mukhang ume-effect naman kasi no reaction lang samin si Cyrus. Sana tantanan na ako ng Cyrus na yan no?! Nakakainis na e.

"Levi"

"Hm?"

Ang bagal nga ng paglalakad namin. Tapos tila sobrang haba nung nilalakad namin kasi feeling namin hindi matatapos. Parang bang pinahaba talaga ng destiny yung oras para lang masulit namin ang isa't-isa.

"Wala lang. Na-miss lang kita"

Seriously, hindi siya kasama sa plan 'ko or something. Totoo lang yung sinasabi 'ko sa kanya. Mas ok kasi kami dati e. Mas ok kami nung mga times na detention partner 'ko pa lang siya. Yung mga times na nakukulit at inaasar 'ko pa siya. Yung times na wala pang ilangan. Kelan nga ba nagsimula ang lahat ng 'to? Yun yung time na nagkataon na may gusto ako sa kanya at pinsan niya pala si Cyrus.

"Sana tulad na lang tayo ng dati"

Tiningnan 'ko nun yung facial expression niya na parang bang nalulungkot siya. Ano ba kasi 'tong nararamdaman niya? Sobrang gulo na!

Nag-turn kami nun sa left at nakatago pa rin yung sarili namin dun sa payong. Hindi 'ko alam kung saan niya ako dadalhin basta nakisakay na lang ako sa kanya. Basta tuloy-tuloy lang kami.

"Yun ba ang gusto mo? Ang maibalik lang ang dati?"

E wala naman na akong choice diba? Hanggang dun lang ang mapupuntahan namin? Ayaw 'kong maging pabigat sa kanya... Lalo na at magpinsan pa sila ni Cyrus.

"Oo, pero syempre mas gusto pa kitang makilala"

Tumango siya nun then tumigil kami sa paglalakad. Noon 'ko lang nalaman kung saan niya ako dinala. Sa isang basketball court lang naman. Sus 'ko po, may ganito naman kami sa school tapos dinala niya pa ako dito! Then, sinundan 'ko lang siya hanggang umupo kami sa isnag bench.

"Ang dami ng nangyare no?"

Tumango lang naman ako nun. Buti na-realize niya no? WAHAHA.

"Sinabi mo pa. Yung iba gusto 'ko na ngang bawiin e"

"Tulad ng?"

"Sana hindi na lang ako nagkagusto sayo"

Emotionless pa rin yung face niya nun. Pero promise, ayaw 'ko talagang bawiin yun. Sadyang wala lang kasi talaga akong pag-asa sa kanya e.

Hindi naman siya nagsalita nun. But then he reaches his hand to me.

"Shake my hand"

Sinunod 'ko naman siya at nakipag-shake hands sa kanya.













"Let's start over. Back to zero ulit" another way of saying `Ok. Hanggang friends na lang tayo.`

No comments:

Post a Comment