Sunday, August 14, 2011

Chapter 52

Amoy na amoy ko na ang palapit na graduation namin. Hay nako. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handang mag-college. Mami-miss ko talaga yung mga high school friends 'ko. Hindi magiging kumpleto at masaya ang year na ito kung wala sila.

Ngayon na pala yung retreat namin at hanggang ngayon ay may tampo effect pa rin ako kay Levi. Mukhang napatagal nga eh. Halos dalawang linggo rin yun. Akalain niyo yun. Nakeri ko. Nakakamiss tuloy lalo siya. Sabay-sabay kami ng mga classmates ko na pumasok doon sa bus. Sa una ay nagkakatulakan pa dahil sa sobrang excitement nila. Ayus din kasi 'to eh, meron kaming dalawang gabi na kasama ang isa't-isa.

Magkatabi nun si Rose at si Fuchsia. Ok lang naman daw kasi ako may lovelife na kaya automatic na magkakaroon na ako ng katabi. Ehhh, hindi naman nila alam na hindi pa tapos yung pagtatampo ko kay Levi. Mapapasubo tuloy ako neto. Umupo naman ako sa upuan sa likod nila Rose. Tiningnan ko naman kung nakapasok na ba ng bus si Levi at nung namataan ko siya ay madali 'kong inayos yung pagkakaupo ko. Yung tipong hindi ko naman talaga siya hinahanap (kahit na hinahanap ko naman talaga siya).

Gamit ang peripheral vision, nakita ko na tumigil siya harapan ng inuupuan ko. mukhang nagdadalawang isip pa nga siya kung uupo ba siya sa tabi ko pero napagpasyahan rin naman niyang tabihan ako. Pftttt. Bakit niya ako tinabihan? Hindi pa nga tapos yung pagtatampo ko sa kanya!

"Pwede ba akong umupo dito sa tabi mo?" tiningnan ko naman siya ng may halong taas-kilay-effect-with-mataray-eyes.

"Anong magagawa ko? Eh nakaupo ka na" sabi ko naman sa kanya with matching irap. Mukhang malapit ko ng ma-perfect ang pang-iirap! Thanks to Levi na pinagpra-practisan ko.

"Wow, cold ka pa rin. Bakit ba? Anong nagawa ko?" tanong naman niya sakin. Inirapan ko ulit siya. Nakakainis talaga kapag naalala ko na mukhang wala siyang pakielam sa prom. Sa prom kung saan magkasama kami! Ugh.

"Wala. Ang bait mo nga. Ok lang talaga ako." ang sarcastic ko talagang magsalita pero ayos lang yan sa kanya.

"Bahala ka. Ayaw mong magsalita. Palibhasa kaya mo na hindi ako pansinin." nagulat naman ako sa sinabi niya. aba, kelan pa siya natutong magtampo?! Ako lang ang may karapatang magtampo dito! WAHAHA.

Hindi ko naman siya pinansin. Papanindigan ko talaga yung sinabi niya sakin. Nafeel ko naman na bigla niya akong siniko. badtrip, epal talaga 'to oh. Pero hindi dapat akong bumigay. kailangan kong panindigan 'to!

"Ganyan ka naman eh. Sige, ok lang" sabi naman niya sakin. Ok lang? Eh siya nga itong nagpapapansin sakin.

Maya-maya naman ay umandar na yung bus. Mukhang nagkaroon pa nga ng party sa loob ng bus dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Samantalang ito namang si Levi ay walang ginawa kundi tunawin ako sa mga tingin at ngiti niya. Ughh, hindi ko na kaya 'to! Feeling ko naging tubig na ako eh!

"Bakit mo ba ako tinitingnan ng ganyan?" sabi ko sa kanya. Ugh, ang hirap talaga na hindi mapansin si Levi lalo na kapag ginagawa niya sakin ang tunaw effect ng mga mata niya. Expert na siya dun eh.

"Eh kasi nakakaadik kang tingnan" ughhh, hindi dapat ako ngumiti kaso sobrang hirap. Sasabog na ata ako sa mismong pagpigil ko palang sa pagngiti ko.

"Talaga lang, ha?" sabi ko naman sa kanya. Napapangiti na ako ng bahagya. Hindi pwede 'to!

"Kinikilig ka naman. Halatang in love na in love ka sakin eh" automatic na hampas naman ang inabot niya sakin. Kapal talaga ng mukha nito (kahit na totoo yung sinabi niya).

"Sus, sino kaya ang nagsabing nakakaadik akong tingnan? Halata ka rin, ha." hirit ko naman sa kanya. Akala niya, ha!

Ngumiti lang naman siya sakin tapos inakbayan niya ako. Ughh, natalo na naman ako. Huhuhu. Hindi ko kasi ma-resist yung mokong na 'to eh. So ayun, buong byahe naman ay nakalagay lang yung ulo ko sa balikat niya while yung kamay niya ay nakaakbay lamang samin. Sige, kami na ang sweet.

***

Nakarating na rin kami sa retreat house namin. Syempre, magkahiwalay ang dorm ng babae at lalaki. Sayang, gusto ko pan namang kasama si Levi. Na-miss agad, no? Kaso hindi pa rin niya ako niyayaya as prom date niya?! Ako lang naman ang choice niya, diba?

Pinakain muna kami sa mess hall at baka namatay na yung sawa sa mga tiyan namin sa haba ng byahe namin papunta dito sa retreat house. Buti na lang at iisa lang ang mess hall. At least, magkakasama pa rin kami ni Levi.

"Grabe, ang creepy nung dorm! Feeling ko may multo na ewan eh" sabi naman ni Fuchsia habang paupo kami sa isang table na tinangka naming solohin. Siga ang barkada namin eh.

"Yuck, duwag" sabi naman ni Vyra kay Fuchsia. As usual, rambulan na naman yan!

"Namiss mo ba ako?" tanong naman sakin ni Levi. Ugh, hindi ba siya nahihiya? Andito kami sa harapan ng mga kaibigan namin. Loko talaga 'to oh. nakangiti lang naman sakin yung iba. Mas mukhang kinikilig pa sila kesa sakin ah (pero the truth is kinikilig talaga ako ngayon!). Tinakpan ko yung mukha niya gamit yung tray ko. mas kinikilig ako kapag nakikita ko yung mukha niya eh.

"Ganyan ka naman talaga eh. Kaya mo na talagang hindi ako makita" mabilis ko namang tinanggal yung tray mula sa mukha niya. Ughh, bakit kasi siya pinanganak na gwapo?

"Hindi ah!" sabi ko naman sabay sarado ng mga mata ko. "Kahit nakasarado ang mga mata ko, ikaw pa rin ang nakikita ko!" for sure, kinikilig na 'yan si Levi.

Automatic naman na bumukas yung mga mata ko nang maramdaman ko na may labi na dumapi sa cheeks ko. Malamang, si Levi talaga yun na nagnanakaw na naman ng halik mula sakin. Ugh, sana hindi niya ma-realize na namumula ako ngayon.

"Wow. Mamamatay ka na ba, Ingrid?" panira 'tong si Yohan eh. Mabilis naman akong napailing at hinampas ko yung kamay ni Levi. Walangya talaga 'tong lalaki na 'to oh.

"Sus, saya mo nga eh" pang-aasar naman niya sakin. Wala naman akong magawa kundi umiling sa kanya. Nakakahiya naman eh.

Nakarinig na kami ng isang mahabang pito. Isang senyales na kailangan na naming umalis sa mess hall at magkakaroon na kami ng first activity namin. Sayang naman oh. Ine-enjoy 'ko pa yung pang-aasar sa 'kin ni Levi.

***

Pumunta kami sa isang tahimik na hall. Kasama ko yung mga batch mates ko at gumawa kami ng isang bilog. katabi ko nun sa kanan ko si Levi samantalang isang taga-ibang section naman na babae ang nasa kaliwa ko. Buti na lang at napapwesto si Levi sa tabi ko.

"Magkakaroon tayo ng open forum ngayon. Sana ay makatulog ito sa mga broken bonds niyo with other people. Gusto ko sana na bawat isa sa inyo ay mag-open tungkol sa mga problema niya sa iba niyong mga batch mates. Let's start with Mr.Santiago going to Ms.Nepomuceno" nagstart ito sa isang lalaki na katabi ni Rose.

Nagsimula ng magsalita yung lalaki. Mukhang nobela nga eh. Naglabas siya ng sama ng loob sa naging ex niya dahil ang pinalit sa kanya ng ex niya ay yung bestfriend niya. Masakit nga 'yun. Nakita ko namang umiiyak yung ex niya. Ugh, ito ang ayaw ko sa open forum eh. For sure, may iiyak talaga.

Sumunod nun ay si Rose at nakatingin siya saming dalawa. Actually, scratch that. Sa akin lang talaga nakatingin si Rose.

"Uhm, sa totoo lang po, It really hurts a lot. Kahit ngayon, nasasaktan pa rin ako. kasi kahit anong gawin kong pagtanggap sa fact na hindi ako yung mahal ng taong mahal ko,  wala akong magawa para sa ikaliligaya ng sarili ko. Kahit na alam ko sa sarili ko na nagmumukha na akong tanga, mahal ko pa rin siya" unti-unti akong namove sa mga sinabi niya. "Isa sa mga long time bestfriends ko yung mahal niya. noong una, naiinis ako. Kasi bakit siya pa? andito naman ako na talagang tumulong sa kanya eh" nakita kong hinawi niya yung luha niya. napatingin naman ako kay Levi na nakatungo lamang. "Kaso kahit anong gawin ko, hindi niya pa rin ako tinitingnan. Nasa kanya pa rin yung puso niya at yung pagtingin niya. Wala sakin. Pero ngayon, masaya ako. Masaya ako kasi masaya silang dalawa. And sana hindi sumuko yung lalaking yun. Sana hindi niya isuko yung bestfriend ko. Sana alagaan niya ng mabuti yung bestfriend ko. Sana hindi niya ito pakawalan. Dahil importante yung bestfriend ko sakin" napaluha na rin ako sa sinabi niya. at nakita ko na napatingin ng diretso si Levi kay Rose. "ayaw ko siyang masasaktan. Sana ipaglaban niya ito. Sana pasayahin niya ito. Yun lang" in-end ni Rose yung sinabi niya with a sweet smile kaya pinilit ko na rin yung sarili ko na ngumiti.

Marami pa sa ka-batch ang mga nagsalita. Dumaan ito kay Yohan...

"... naging masaya ang high school life ko dahil sa mga kaibigan 'ko... Nagkaroon man ako ng isang pagkakaunawaan sa isa nating ka-batch mate, ayos pa din. Dahil doon, na-realize ko na isa siyang mabuting kaibigan" for sure, na si Levi ang tinutukoy ni Yohan. "At nagpapasalamat pa ako sa...


kay Vyra...

"... alam ko na magiging nobela ito kung iisa-isahin ko ang mga tao na nasaktan 'ko but I just want to say that I'm truly sorry... I have changed... siguro, hindi niyo halata... And I owe that to my friends... I mean, true friends..." nakita kong lumuha nun si Fuchsia. Naks naman!

kay Fuchsia...

"... sobrang saya ng high school life ko dahil sa mga forever bestfriends ko na sina Rose at Ingrid... Oo, nagkaroon man tayo ng problema pero naging matatag tayo... Dumating yung oras na sinubok tayo ng panahon but I am grateful na nalagpasan natin ang lahat ng 'yun... Wala na akong mahihiling pa dahil sa mga memories 'ko na kasama kayo..." hindi ko naman napigilan yung pag-iyak ko dahil sa kanya. I so hate yung mga ganitong drama! WAHAHA.

kay Levi...

"... new student ako dito pero hindi ko ramdam na loner ako... Pakiramdam 'ko na naging sanhi ako ng maraming problema at gusto ko sanang mag-sorry dahil dun... marami akong nasaktan... alam ko 'yu... Dahil siguro masyado akong takot... pero nagbago ako... iyan ang alam 'ko... at alam ko sa sarili ko na naging mas matatag ako ngayon nang makilala ko yung nasa tabi ko ngayon" napangiti ako kaagad sa sinabi niya.

Then finally, sa akin na.

"Naging sobrang tangled ng senior life ko. Ang daming lumabas na bagong characters sa buhay ko. At sobrang masaya ako dahil nakilala ako sila. nagkaroon man ng problema pero ok lang. Tuloy pa rin ang buhay. Na-realize ko na hindi ang mundo ang mag-aadjust para sayo, dapat tayo ang mag-adjust para dito. Marami akong natutunan at pinagdaanan. Naranasan kong umiyak, iyakan, sandalan, sumandal, masaktan at madapa. Pero hindi ko makakalimutan ang mga tao na nagturo saking tumayo at maging malakas" tiningnan ko ng isa-isa ang mga tao na nagbigay kulay sa buhay ko ngayon.


Sina Yohan...
Vyra...
Fuchsia...
Rose...
Levi...

"Thank you. Thank you sa lahat. Hindi ko kayo makakalimutan" at pinalakpakan nila akong lahat.

No comments:

Post a Comment