Wednesday, August 3, 2011

Chapter 46

Marami na samin ang excited sa Christmas Party at hindi ako kabilang dun. Magiging masaya ba ang Christmas ko kung walang Levi sa tabi ko? Palagi kong dala yung bigay niya saking rose na nasa glass. Feeling ko sobrang magical nung rose na kailangan ko pa talagang dalhin at bantayan sa kung saan man ako magpunta.

Busy ang lahat sa paghahanda para sa party. Dapat daw kasi ay may i-present yung bawat section ng performance na connected sa Christmas Holidays. nakakainis pa kasi sayaw yung napili. Buti na lang at hindi na ako sinama dun. Ok na ako as props-woman. Dahil palagi kaming nagpra-practice, halos namemerize ko na din yung steps. Ang dali lang kasi eh. Parang sinayaw mo lang yung kantang `Gee` ng Girls Generation.

"Bakla, mamaya yung mga costumes na pinatahi ah. kunin mo na ah. Pasama ka na lang kay Cyrus" Ugh. Si Cyrus pa talaga eh. Kung si Levi lang yung andito, siguro siya ang sasama sakin. Kaso wala siya eh.

"Sige"


Then yun, dumating din ang dismissal time. As usual, naghihintay sa tapat ng gate ng school namin si Cyrus. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao eh. For sure, pinagchichismisan lang kami ng mga 'yan.

"Hayaan mo sila. Naiingit lang sila sakin kasi ikaw ang girlfriend ko" sabi niya sakin. Aba, nagbabalik ang ka-sweetan niya ah.

"Kulet ah. Gusto mo bang maagang umuwi? May dadaanan pa kasi eko eh" mabilis siyang umiling nun.

"Hindi naman ako busy eh. Samahan kita" tumango na lang ako sa kanya tapos pumunta kami sa patahian. Dalawang plastic yung dala ko nun at ganun rin ang dala ni Cyrus. Mukha nga kaming santa claus eh sa dami ng dala namin.

Mabagal kaming naglakad papunta sa bahay namin habang pinagsasaluhan ang masayang pagkwekwentuhan. Nagbabago na ang pakiramdam ko kay Cyrus. Sabihin na nating nagiging comfortable na din ako sa kanya. Sayang nga eh, ang bilis rin naming nakarating sa tapat ng bahay namin kahit na mabagal na nga kaming naglakad.

"sige. Hanggang dito na lang, ingat ah" nginitian niya ako nun at umalis na din siya. Sa pagtalikod niya sakin, akala ko nakita ko sa kanya si Levi. Halos magkapareho din kasi sila ng kilos.

***

Kainis eh. Nagbigay pa ng assignments yung mga teachers, eh malapit naman na yung Christmas Party! Sana binigyan na lang kami ng time para makapagpahinga mula sa practice (kahit na hindi ako napapagod). Dahil mabilis ko ring natapos yung mga homeworks, nag-online muna ako sa YM. Laking gulat ko kasi online si Cyrus at may status siya na `aysh! daming ggwn! :(`. Naresolba na rin namin yung issue namin sa chat dati. Dahil alam naman na ni Cyrus ang buong katotohanan, naging friend ko na din siya sa YM ko. Pero back to the topic, nag-status siya na busy siya pero sabi niya sakin kanina na hindi siya busy.

ingridchx: busy ka pla.? di ngssbe ee. sori ha. sori dn s istorbo. sori po :(
russXDlol: k lng. kw p. lab kta e :)
ingridchx: adik po. hehehe :)
russXDlol: ngek. adik syo :")
ingridchx: kilig ka na niyan? XD
russXDlol: opo, ingridchx. chix kta e :")
ingridchx: ay gnun... :")

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla akong naging open sa kalandian niya. Side effects na ba 'to ng pagka-miss ko kay Levi? Gusto ko si Levi kaso andyan si Cyrus eh. Ugh, ang hirap talaga ng sitwasyon ko eh. Paano ko ba bre-breakan si Cyrus kung half of me ay masaya sa piling niya?

***

"Oi, tanga ka ba talaga?" nagulat ako sa unang sinabi sakin ni Vyra nung lunch the next day. Ano bang ginawa ko?

"Huhh?!! What's happening?!"

"Ano ka ba, Vyra? Baka hindi pa niya alam. I-explain mo kasi muna sa kanya" Wew. buti na lang andyan si Yohan. Nakakatakot talaga si Vyra kapag ganito na eh.

"A-ano--"

"Ugh. I just want to say na nagkamali ka sa pagpili kay Cyrus. Tanga ka. Sabi ko sayo dati ay walang kwenta yun, diba? Hindi mo ba nakita yung mga kumakalat na videos sa internet?! Ghad! O baka tinago na sayo lahat ng taong nakapaligid sayo?!"

"Ikaw ba yan Vyra? Mas nauna ka na sa chismis sakin ah. Anong meron?!!" first time na walang nasagap si Fuchsia. Tinatago din kaya sa kanya ng mga sources niya? Pero ano yun?

"Ano yun?"

"Watch this" kinuha niya yung cellphone niya at may pinakita siya sakin na isang video. nanlaki yung mata ko sa dalawang mukha na nasa video na yun. Si Cyrus at si Sophie.


Sa loob ng isang cubicle ng CR ay vinivideohan nila yung sarili nila. Nakakainis at nakakadiri yung mga ginagawa nila. Lahat na ng pwedeng hawakan sa katawan nila ay nahawakan na rin nila. Wala rin silang tigil sa paghahalikan. Grabe, hindi pagseselos ang tawag dito kundi pandidiri.

Lahat ng tao sa canteen ay nagkatinginan sakin. For sure, alam nila na binubuking na sakin ni Yohan at Vyra ang katotohanan.

"Oh my gosh! Papatayin ko talaga yung Cyrus na yan eh"

Bigla akong napangiti at mukhang nakalimutan ko lahat ng inis ko kay Cyrus dahil sa sobrang tuwa.

"WAHAHAAHHAHA. Oh my gosh. I can't stop laughing!!"

Lahat ng tao nagtaka sa reaction ko. Pero promise, nakakatawa lang. This is a good thing, right? Maganda 'to kasi may ebidensya at may rason na ako para makipagbreak na sa kanya! Thank you so much Sophie!!

"ano bang nakakatawa, ha? linoloko ka na ng boy--"

"Nakakatawa lang kasi parehas kaming naglolokohan. And I'm absolutely free. Makikipag-break na ako sa kanya. As in, now na. I will go to St.Claire!" masaya kong sinabi.

Parang napanganga pa sina Vyra, Yohan at Fuchsia sa sinabi ko pero sumunod rin sila sakin habang tinatahak ko ang gate papalabas ng school namin. Buti na lang at nagpapalabas ang guard namin kapag lunch time. Dahil malapit lang ang St.Claire, ayos din ang pagpunta ko dun. Pumasok kami sa gate nito at mabilis na naglingunan samin ang mga estudyante ng nasabing school.

Ang school canteen agad ang binuksan ko at nagulat ako sa kagimbal-gimbal na scene na nasa harapan ko ngayon.

"Mamatay ka na talaga! Bakit mo linabas yung video?! Potek. Alam mo namang lasing ako nun, diba?! Napakalandi mo. Ang pokpok mo. Mamatay ka na" inulan ng mura ang isang babae. Ang babaeng yun ay si Sophie na walang ginawa kundi umiyak.

Nagkaroon ng katahimikan ng ma-realize ng lahat na andun na rin pala ako sa loob ng canteen nila. Mabilis saking lumapit si Cyrus at halatang may plano siyang magmakaawa sakin.

"Please Ingrid, I love you. Alam mo namang hindi ko gagawin yun sayo, diba?" hahawakan niya sana yung kamay ko pero mabilis ko 'tong iniwas sa kanya.

"Alam mo ba ang ginawa mo?"

"Oo, at mali ang nagawa ko. Alam ko na gago ako. Pero lasing ako nun. Hindi ko alam ang nangyari. Yung malanding yun ang may kasa--"

"Ikaw ang may kasalanan. Kasi malandi ka rin. Walang malanding babae sa lalaking nagpapandi. Naiintindihan mo ba? Napahiya ako sayo. Pero ok lang" ngumiti ako sa kanya at lumapit ako sa kanya para bulungan siya. "parehas lang tayong naglolokohan"

Humiwalay ako sa kanya at halata sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ko.

"Sino ang sa iyo?" ayaw ko siyang sagutin kaya tinalikuran ko na lang siya. Aalis na sana ako ngunit may pahabol pa pala siya...

"Si Levi ba? Ok lang. Alam mo ba na alam ko naman yan eh. Hindi ako tanga para hindi malaman yan. Alam mo kung bakit naglasing ako ng araw na yan? Yan kasi yung oras na sobrang nasaktan ako ng malaman ko na ang girlfriend ko ay mahal ang pinsan ko! Kasalanan ko nga naman, diba? Ako kasi ang nagkamali eh. Pero sana ma-realize mo na nagkamali ka din. At kahit ano mang gawin mo sa buhay mo, andito lang ako kasi hindi mo lang alam na sobrang mahal kita"

Sa haba ng sinabi niya, parang hinila niya ako para tumingin ulit sa kanya.

"Alam mo naman pala eh. Eh di tapusin na natin 'to. Sinasaktan mo lang ang sa--"

"Hindi ako nasasaktan kasi lahat yun napagdaanan ko na. Masyado na akong manhid sa sakit na naramdaman ko. Ok na sakin na tayo kahit na ako lang ang nagmamahal" parang nabaligtad ang mga pangyayari. Feeling ko ako ang mali at siya ang tama. Ugh.

"Cyrus, stop this nonse--"

"this is not nonsense! I love you. mahal kita. Sa tingin mo ba walang sense yun sakin?" hindi ako nakasagot. Tumingin ako sa mga mata niya at na-realize ko na sobrang sincere niya. Badtrip, wala akong masabi. Paano ba magkakaroon ng isang smooth flow of break-up?!!

Hinawakan niya ang kamay 'ko but this time, hindi ako naging mabilis para iiwas sa kanya yung kamay ko.

"Let me kiss you if you are willing to forgive me" gusto kong umiling pero parang nagka-stiff neck ako at hindi ko na maigalaw yung leeg ko. Ano ba 'tong nangyayari sakin!?

Sa harap ng senior batch ng St.Claire at sa harap nila Yohan, Vyra at Fuchsia, lumapit siya sakin. Sobrang lapit na nga ng lips niya sa lips ko eh pero muntik ko ng makalimutan na andyan ang ate ko na...

"Bakit mo siya hahalikan?! Wala ka talagang kwenta, ano!? Kapatid ko yang niloloko mo at wala kang karapatang lokohin siya! Alam mo, magsama kayo ng Sophie na yan. Tutal naman, bagay kayo eh! Malandi kayong pareho! Layuan mo ang kapatid mo kasi hindi kayo bagay" ...na handang magsalita para sakin sa mga oras na hindi ko magawang magsalita.

Medyo naglagay ng distance si Cyrus sakin ng magsalita si Ate Ivette pero may biglang may kakaibang pangyayari ang naganap. Isang nakasaradong kamay ang tumama sa mismong mukha ni Cyrus... Akala ko nung una na kay Yohan galing ang suntok na yun pero...

"Wala kang karapatan para gawing tanga ang bestfriend ko. Tandaan mo yan!" pero so Fuchsia pala ang sumuntok sa kanya.

Hindi ko ma-explain yung feelings ko. Hindi ko akalain na napapaligirana ko ng mga true friends.

"Kaya please? Tama na, Cyrus? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Childish at immature ka pa rin katulad ng dati" tumingin ng diretso si Cyrus kay Vyra na may halong inis. Alam ko na may pinagdaanan silang dalawa.

"Ingrid, pwede mo ng tapusin ang lahat" tumango ako at tumingin ng diretso kay Cyrus.

"Let's end this" nakita kong ngumiti si Ate Ivette. Thanks to my ate talaga!!!

Hindi na siya nakapagsalita nun at tumalikod na kami nila Yohan at Fuchsia sa kanya. Nagulat nga ako kay Vyra kasi mukhang may plano pa siyang mag-stay dun pero mukhang may nakalimutan lang pala siyang sabihin kay Cyrus...












"And by the way Cyrus, fuck you for what you did two years ago." then mas nauna pa siya saming umalis. Napanganga ako nun kay Vyra! Iba talaga ang kalindog ng babaeng 'to!!!

No comments:

Post a Comment