Thursday, May 26, 2011

Chapter 5

"A-anong ginagawa mo dito?!" sabi 'ko naman sa kanya sabay hinampas 'ko sa kanya yung bag 'ko. Ang awkward kaya.

"Nakaupo"


Ang pilosopo pa. Nakakainis lang e. Paano kung makita kami ng mga tsismosa dito? Baka maging laman ako ng bibig nila mamayang lunchtime! Baka mamaya e umabot yun kay Fuchsia. Tapos aasarin lang ako nilang dalawa ni Baby Rose!

Tiningnan 'ko naman yung orasan nun. 7:00 a.m. na pala. Medyo may katagalan din ang pagtulog 'ko. 30 minutes na lang e time na namin. Inirapan 'ko lang naman nun si Levi tapos tumayo na din ako para pumunta sa classroom.

The next thing I knew, e kasabay 'ko na pala siya papunta ng classroom namin. Nakakainis naman. Bakit pa siya sumabay?! Kaya 'ko naman ang sarili 'ko e.

"Bakit mo ba ako sinasabayan?" pagtataray 'ko naman sa kanya.

"Hindi kita sinasabayan. Papunta lang ako sa classroom" sabi niya sakin then linagpasan niya ako.

Humabol naman ako sa kanya kasi ayaw 'ko na siya ang maunang pumasok sa classroom. Ewan 'ko rin kung bakit. Ang childish 'ko no? Pero halos sabay lang din naman kaming pumasok dun sa classroom. Nagulat naman ako kasi kung makangite saming dalawa yung mga classmates namin e parang may talking zit na tumubo sa noo 'ko.

"Kayo ha. Ang sweet" sabi naman ng isang classmate 'ko from the front row.

"Ha? Anong sweet don? Losyang niyo ha" kailangan 'kong ipagtanggol ang reputasyon 'ko!

"Asus. Kitang-kita kanina e. Sa bleachers pa lang"

Sabi pa ng isang classmate 'ko. Then nagsigawan pa yung iba. Mga mukhang tanga lang e. Nakakahiya naman. Napatingin naman ako kay Levi na hindi man lang nangite o hindi man lang naiinis. Emotionless pa rin ang mukha e.

"Ano ba kayo?! Wala akong kinalaman don!"

"Naging magkasama lang kayo sa detention! Talaga naman o!" 

Wala ng tigil ang pang-aasar samin pero etong si Levi e, wala pa ding pakielam.

"Magkasabay pang pumasok e. Ang sweet talalga!"

Nagsigawan naman ulit sila. Ano bang sweet don?! Walang sweet don?! Lumampas lang naman si Levi sakin nun then nauna na siyang umupo sa arm chair niya. Badtrip tuloy, naunahan niya pa ako!

"Ang kulit niyo"

Then, umupo na din ako sa arm chair 'ko na unfortunately, e katabi ng arm chair ni Levi. So, lalo naman kaming inaasar. Nag-kalikot lang naman si Levi ng cellphone niya tapos wala na din siyang pinapansin na iba. Hayy, sigurado akong chichikahin ako ni Fuchsia at Rose neto!

"Ikaw bakla ka talaga! Hindi ka nagsasabi! Pero ang bilis naman ata?! Jowa mo na ba si Levi?" Seriously, sobrang wild ng imagination ni Fuchsia. Mahina lang niyang sinabi yun, alangang marinig pa ni Levi yun no.

"Hindi no! Ano ba kayo! Asa naman!"

"Pero ang sweet niyo kaya! Nakita 'ko rin kayo sa may bleachers kanina" Huhuhu. Kasalanan 'to lahat ni Levi e.

"Wala yon! Hayaan niyo na yon"

***

So yun, nag-klase din naman kami. Nakakadugo nga e. Ang hirap ng topics namin sa math. Sobrang sarap isumpa e. In-announce na din naman samin na merong Acquaintance Party next Friday. Dapat daw e naka-dress pa ang mga babae. Nakakainis nga e. Ang dami talagang pautot ng may-ari ng school!

Lunch Break na namin ngayon. As usual, may chismis na naman si Fuchsia.
"Tingnan niyo yung nasa isang table! Diba si Chona at yung geek from Science club yung kasabay niyang kumaen-- pero teka? ang panget nun ah. WAHAHAHAHA"

As usual, sino ba yung Chona? Hindi 'ko pa din kilala. Sabay-sabay naman kaming nagulat ni Fuchsia at Rose ng may marinig kaming dabog mula sa table nung mga sikat. Nakitingin naman kami dun para maki-usi sa nangyayari.

"Pwede bang pabayaan niyo na lang ako?!! Hindi 'ko kayo kailangan!" sigaw ni Vyra. Nagulat naman ako nun kasi nakahawak si Levi sa kamay niya.

"Umupo ka na, Vyra" kalmado pa rin siya.

"Hindi mo talaga ako naiintindihan kahit kelan!" umiiyak na si Vyra non. Seriously, ano ba talagang meron sa kanila?

"Levi, bitawan mo na siya" Teka, si Yohan yun ah. Siya lang naman ang pinakamatalino sa buong batch namin. Syempre, kasama siya sa mga sikat. Tapos star section pa siya. And marami rin siyang organization. At higit sa lahat e, siya nga pala ang ideal guy 'ko. Siya talaga ang crush 'ko magmula first year ako. Pero mukhang hindi pa rin niya ako kilala hanggang ngayon. Huhuhu :'(

"Si papa Yohan mo yun diba?" bulong naman sakin ni Fuchsia. Napailing naman ako sa kanya kasi on the first place, sinabi 'ko na sa kanilang dalawa ni Rose na naka-move on na ako kay Yohan at hindi 'ko na siya crush. Kahit na hanggang ngayon e crush 'ko pa din talaga siya.

Binitawan naman ni Levi nun si Vyra then mabilis na umalis ng canteen si Vyra. At automatic na tumayo naman nun si Yohan para sundan si Vyra. Haaaayyy. Ang swerte talaga ni Vyra. Siguro may gusto sa kanya si Yohan.

Nagkaroon ng bulungan sa buong cafeteria. Then, back to pagkain ulit sila. Kumbaga, parang tapos na yung show. Ganun lang naman palagi e.

"Ano kayang meron no?"

"Oo nga e. Napapaisip na din ako, baby Rose"

***

Detention time na naman. Haaayyy. Feeling 'ko walang katapusan e. Then yun, habang naglalakad ako sa hallway e may narinig akong mga nahulog na bagay mula sa isang room. Andito na naman ako para gawin ang second hobby 'ko, ang eavesdropping!

Sumilip ako nun sa room na hindi 'ko naman alam kung ano. Magkausap dun si Yohan at si Levi. Ano nga kaya ang meron no? Nung isang araw e si Vyra ang kausap niya tapos ngayon naman e si Yohan.

"Bakit ka ba ganyan, ha?" galit ang boses ni Yohan nun.

"Bakit ka ba mahilig mangielam?" hayyyy Levi?! Wag mong ganyanin si Yohan!

"Ang tigas talaga ng mukha mo no. Gusto mong malaman kung bakit? Because I care for her!" Ouch ako sa part na yun ah. "At kasing tigas ng mukha mo ang puso mo! Wala kang pake sa kanya!"

"Talaga? Ang yabang mo ding magsalita no. Hindi ba matigas din ang puso mo? Hindi ba pagtra-traydor yan sa kaibigan mo?" Hm, ano bang pinaguusapan nila? "Masyado ka naman kasing obvious e. Nagagalit ka lang kasi alam mong natalo ka na"

Then, nanlaki yung mata 'ko ng biglang sinuntok ni Yohan si Levi sa mukha. And dahil masyadong mabilis ang pangyayari, gumanti rin ng suntok si Levi. Parang nawalan din ako ng utak nun kasi bigla akong pumasok sa room na 'yun para pigilan sila.

"HOY! ANO BANG GINAGAWA NIYO?!" pinaghiwalay 'ko sila nun. Si Levi nga yung naitulak 'ko nun papalayo e. Pero hindi naman talaga intentional yun no.

"Bakit ka andito?" ang sama ng tingin sakin ni Levi nun. Nakakatakot nga e. Hindi naman ako makapagsalita at makagalaw nun. Feeling 'ko nga nangingig na ako e.

"You don't need to ask her. Kasama 'ko siyang pumunta dito, ok? Wala siyang kasalanan" napatingin agad ako nun kay Yohan. Hindi 'ko akalain. Promise. Parang lumambot nga yung puso 'ko e.

"Patawa ka rin, Yohan. E detention partner 'ko 'to e. Siguro may narinig 'ka no!" sigaw niya sakin. Umiling naman ako dun. Nakakatakot na talaga e.

"Wag ka na ngang sumigaw. Yan lang naman ang kaya mong gawin, diba?" alam 'kong nagkakaroon pa rin ng tensyon nun.

Tumingin lang ng saglit si Levi kay Yohan then padabog siyang umalis ng room na 'yon. Parang sandaling tumigil ang pagtibok ng puso 'ko nun. Kahit hindi 'ko alam ang mga nangyayari e, nakakakaba pa din. Kasalanan 'ko pa rin naman 'to. Bakit kasi ako nakikinig sa usapan ng iba?

"Sorry po pero napadaan lang po talaga ako. Hindi 'ko po alam yung gagawin nung nakita 'ko po kayo" sabi 'ko kay Yohan. Nakakahiya naman 'to o. Kasalanan mo 'to, Ingrid!

"Ok lang. Wag ka ng mag-sorry. Sige, aalis na ako" tumango lang naman ako nun. Aalis na sana siya pero bigla siyang napatigil sa may bandang pintuan.

"You're Ingrid, right?" nanlaki yung mata 'ko nun tapos lalong bumilis yung pagtibok ng puso 'ko.

***

Alam niya ang pangalan 'ko. Alam niya ang pangalan 'ko. ALAM NIYA ANG PANGALAN 'KO.

Yan lang ang iniisip 'ko habang papunta ako ng library. Kinikilig pa din ako. Speechless naman ako kay Yohan kanina kaya tumango at ngumite na lang ako. At eto ako ngayon, para harapin si Levi. Dedz ako neto sa kanya. Kasalanan 'ko kasi 'to e. Next time talaga e. No eavesdropping na! Eto ang napapala 'ko sa mga hobbies 'ko e.

Binuksan 'ko ng dahan-dahan yung pinto at nag-greet sa librarian. Nakita 'kong nagsisimula na si Levi nun sa pag-aayos ng mga libro tapos emotionless ulit ang face niya. Umalis na din naman yung librarian pagkatapos magbigay samin ng mga reminders.

Naiilang tuloy ako. Hindi 'ko alam kung paano 'ko siya ia-approach. Tinabi 'ko muna yung bag 'ko sa desk then nag-start na din ako sa pag-aayos ng books. Ang tahimik ng paligid e. Parang naririnig 'ko na ang pagkahulog ng mga karayom.

So yun, kakalagay 'ko lang ng isang Mapeh Book sa section ng mga textbooks ng biglang may dalawang kamay akong nakita na nag-trap sakin sa bookshelf na tinatayuan 'ko. Napalunok ako nun. Kasi sigurado akong si Levi yung nasa likod 'ko ngayon.

"May narinig ka ba?"

I swear na sobrang lapit niya nun sakin. Napatingin ako sa right side 'ko and nakita 'ko yung mukha niya. Ang kinis tapos ang puti pero dahil dun, lalo pa akong kinabahan. Hindi 'ko alam kung ano ang sasabihin 'ko.

"W-wala"

"Sigurado ka?"

Kinabahan ulit ako nun.

"M-meron. Pero unti lang na--"

"Nakinig ka?"

Napalunok ulit ako nun. Whew. Parang pinagpapawisan na ako nun.

"H-ha?"

Narinig 'kong nag-sigh siya nun tapos bigla niyang pinat yung ulo 'ko. Lumapit siya sa tenga 'ko and bumulong siya sakin.















"Tumahimik ka na lang. Ok?"

No comments:

Post a Comment