Saturday, July 2, 2011

Chapter 35

Humiwalay siya sakin. Pero kakaiba yung feeling while he takes a step away from me. Eti yung feeling na parang naka-connect ako sa kanya. Yung tipong nararamdaman 'ko na gusto pa rin niya akong mayakap kahit papaano. Speechless ako. Gusto 'ko siyang sumbatan at sabihan na manloloko siya. May girlfriend siya pero ganito siya. Sadyang magulo lang talaga siya.

"Levi!"


Sabay kaming napatingin ni Levi kay Rose. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko at parang bumagal ang mga pangyayari saming tatlo. Yung bang may revelation na mangyayari. Tumingin ulit sakin si Levi ng diretso ng may lungkot sa kanyang mga mata. Pati ako ay nalulungkot. And at the same time, sobrang naguguluhan.

Dahan-dahang umalis sa harapan 'ko si Levi. I was expecting this. Pero bakit sobrang sakit ata? Lumapit siya nun kay Rose but I know that our eyes were glued to each other. Inakbayan niya nun si Rose pero hindi 'ko maiwasang isipin na pinagseselos niya lang ako at ginagamit niya lang si Rose.

Alam 'ko na masama ang iniisip 'ko ngayon.

But right now, isang milagro lang ang winiwish 'ko.

Sana tama ang hinala 'ko na ginagamit lang ni Levi si Rose para pagselosin ako.

***

Natapos na rin yung paggagala namin sa Eco PArk at pumila na rin kami para sumakay sa bus namin. Medyo excited din kasi yung mga classmates 'ko sa Studio Tour e. Syempre, mga ata yung mga yun na makakita ng artista katulad ni Robi Domingo at James Reid. Minsan din akong naglaway sa kanilang dalawa, ano?! WAHAHA.

Napalingon naman ako sa bus ng mga taga-st.claire. Doon 'ko na-realize na magka-bus pala si Ate Ivette at si Cyrus. Good for the both of them. Nakita 'ko na magkasabay silang dalawa habang papasok dun sa bus. i don't know if its a good sign kasi medyo masama ang mukha ni Cyrus. Medyo kinabahan ako kasi malay 'ko ba kung bakit ganoon na lang ang expression ng mukha ni Cyrus habang magkausap sila ni Ate Ivette.

"Girl?! Ano yan? Na-traffic ka?! Ang tagal mo atang pumasok, ano?!"

Nagulat naman ako dun Fuchsia. May kasama pa kasing hampas yun e! Ang sakit kaya no?!

"Ay, sorry naman, maganda lang!"

Tinawanan lang naman ako nun ni Fuchsia. Well, ganito talaga kaming maglokohan. Then yun, pumasok na din ako sa bus namin at mukhang nakakaperwisyo na ako ng mga classmates 'ko sa likod. Napaka-pagong 'ko kasi e.

***

Sinignalan naman na kami ng tour guide namin na nasa harapan na kami ng building ng ABS-CBN. Parang tumalas ang mga mata ng mga classmates 'ko at handang-handa na silang mag-hunting ng mga artista na idol naman talaga nila.

By batch ang pagto-tour dun. Buti na lang at kasama 'ko sa batch 3 si Fuchsia. So yun, kaunti lang ang hinintay namin at lumarga na rin kami. Medyo pinaglalaruan nga ata ako ng mundo e. Si Rose at si Levi kasi ka-batch din namin. Sayang, hindi namin naka-batch si Vyra at si Yohan. Masaya pa naman kung sila ang kasama naming dalawa ni Fuchsia.

"Ang galing ng mga cameras no!"

"Oo nga e!!"

Amaze na amaze naman kami sa mga cameras na ginamit. Feel nga namin sa sobrang linaw ng mga lenses ng camera na yun e pati kaluluwa mo pwedeng picturan! WAHAHA.

Dumaan ang batch namin sa isang area kung saan nagte-taping ang isang sikat na variety show. Tuwang-tuwa yung mga classmates 'ko kasi nakita nila yung mga bida sa MaraClara na hindi 'ko naman alam ang tunay na pangalan. Idol nga ata nila yun e.

Parang nagkatipon-tipon doon ang ibang batches kasi nakita 'ko rin doon ang batch nila Ate Ivette. Kasama pa rin niya si Cyrus and that's a good thing. Siguro nagiging close na rin sila which is really good diba?

Medyo matagal na rin akong nakatingin sa kanilang dalawa at nataranta talaga ako when Cyrus caught my eye. Nanlaki yung mata niya at mabilis siyang tumakbo papalapit sakin. Sobrang kinabahan talaga ako sa presensiya niya. Triny niya ang best niya para makipagsiksikan sa mga nagkukumpulang mga tao.

Nakita 'ko rin naman na sinusundan siya ni Ate Ivette. Now what? Ano na bang nangyayari?

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Nasa harapan 'ko na nun si Cyrus. Meanwhile yung ate 'ko ay nasa bandang likod lang niya. Andoon din si Fuchsia na gulat na gulat sa paglapit sakin bigla ni Cyrus. Andun rin si Rose at si Levi na nakatingin lang saming dalawa ni Cyrus. Kami yung center of attention ngayon.

"Cyrus, sorry kung nagsinungaling kami sayong dalawa pero wala kang magagawa kasi ito ang totoo"

Nagulat ako sa mga words ni ate. Wag mong sabihin na sinabi niya na talaga ang totoo kay Cyrus?! Magiging disadvantage ito para sa kanya. I swear!

"If you would just listen to me. Ako talaga yung nakaka-chat mo all this time. Ako talaga yung nakakausap mo gabi-gabi. Ako yung tao na hindi mo napapansin sa school pero hindi mo mapagkakaila na sakin talaga nahulog ang loob mo?!"

"Stop this. I'm getting freaked out. At naguguluhan na rin ako sa inyong magkapatid"

Hindi 'ko hahayaan na si Ate Ivette lang ang makasalo ng galit ni Cyrus. Dapat 'ko rin siyang damayan.

"I'm sorry Cyrus. Pero nagsasabi ng totoo si Ate Ivette. Inutusan niya lang talaga ako na makipagkita sayo. Hindi 'ko akalain na aabot sa ganito ang lahat"

"Ako rin. Hindi 'ko alam na aabot sa ganito ang lahat. Hindi 'ko alam na mas lalong tumitindi yung feelings 'ko sayo everytime I wake up"

Hindi 'ko na alam yung isasagot 'ko. Hindi ako magaling sa mga ganito e.

"Please Cyrus. Tigilan mo na si Ingrid, ok? Dahil sayo, nahihirapan na siya e! Umamin ako kasi ayaw 'kong nahihirapan ang kapatid 'ko pero kung mahal mo talaga siya, you will let her go!"

"At bakit naman siya mahihirapan?! Hindi niyo ba naisip na dalawa na nahihirapan na rin ako ngayon?!"

Gusto 'ko silang pigilang dalawa pero lumapit si Ate Ivette kay Cyrus at bigla niyang sinampal 'to. Hindi 'ko akalain na magagawa niya yun mismo kay Cyrus. Nagkaroon ng bulungan at nawala ang focus ng mga tao sa tour namin ngayon. Mas nag-focus sila sa nangyayari ngayon na dinaig pa ang MaraClara.

"Wake up. Hindi ikaw ang gusto ni Ingrid. Kahit anong gawin mo, hindi ka niya magugustuhan. Kilala mo ba kung sino talaga ang gusto niya?! Gusto mo ba talagang malaman!?"

Nagkatinginan sila ng sobrang tagal. Kulang na lang ay matunaw sila ng sabay.

"Si Levi ang gusto ni Ingrid. Hindi ikaw. Hindi si Cyrus. Kundi si Levi lang. SI LEVI LANG"

Pabulong na sinabi ni Ate Ivette yun kay Cyrus pero sapat ang distansya 'ko mula sa kanilang dalawa para marinig 'ko ang mga katagang yun na binasag ang fragile na puso ni Cyrus.

Lumayo ng bahagya si Cyrus nun kay Ate Ivette at tumingin siya ng diretso kay Levi. Hindi 'ko na maintindihan ang expression ni Levi. 

"Alam mo ba?"

Hindi sumagot nun si Levi.

"Alam mo ba na ikaw ang gusto ni Ingrid? Sagutin mo ako ng totoo"

Hindi pa rin umimik si Levi.

"May gusto ka ba kay Ingrid?"

Napatingin ng diretso si Levi kay Ingrid at binalin niya ang tingin niya sakin. As usual, kakaiba ulit yung mga tingin niya sakin. Pakiramdam 'ko kasi anytime sasabihin niya na ako talaga ang gusto niya. I know na nagiging makapal ang mukha 'ko but ang lakas talaga ng kutob 'ko na 'to talaga ang iniisip niya.

Bubuka na nun ang bibig ni Levi pero biglang hinawakan ni Rose ang kamay ni Levi ng sobrang higpit. Nung mga oras na yun, parang natauhan si Levi.

"Ano ka ba, 'tol? Magkaibigan lang kami ni Ingrid. Diba may girlfriend na nga a--"

"Shit you Levi!"

Nanlaki nun yung mata 'ko sa mga sinabi ni Ate Ivette.

"Hindi pa kita kilala pero nag-iinit na ang dugo 'ko sayo! Shit ka! Hindi mo ba naisip na kaibigan ni Ingrid 'yang syinota mo?! Hindi mo ba naisip na nasasaktan siya?! Lalo na at dinidisplay mo pa mismo yang si Rose sa harapan ng kapatid 'ko?! How dare you call my sister your friend?! You don't deserve to be the guy she should love. And most especially, hindi ako papayag na maging kaibigan niya ang isang katulad mo?!"

Mabilis akong lumapit kay Ate Ivette. Nakita 'ko na bigla siyang lumuha. Medyo na-touch ako. Hindi 'ko akalain na pinagtanggol niya talaga ako against all odds.

Pinahid ni Ate Ivette ang mga luha niya then bigla siyang nag-walk out. Tumingin muna ako ng diretso kay Cyrus at kay Levi. Hoping na may isasagot man lang sila pero mukhang wala naman na silang sasabihin e. Umalis na rin ako mula sa place na yun para sundan ang ate 'ko. 

"Ingrid, wait up!"

Napalingon ako sa likod 'ko. Sinundan din pala kasi ako ni Yohan, Vyra at Fuchsia. Mabilis akong naglakad papunta sa veranda ng floor na yun. I was right na andoon si Ate Ivette. Alam 'ko na hangin lang ang kailangan niya para malamigan ang sobrang kainitan ng ulo niya.

"Ate"

"I'm sorry. Mukhang mas nakagulo pa talaga ako. I was just trying to help you"

Lumuha talaga ako nun. Hindi sa sobrang lungkot pero sa sobrang saya na nagkaroon ako ng kapatid na katulad niya. Bigla 'ko siyang niyakap from her back ng sobrang higpit.

"Thank you ate..."

Huminga ako ng malalim nun.















"Dahil sayo narinig na ni Levi ang mga bagay na dapat dati 'ko pa sinabi sa kanya..."

No comments:

Post a Comment