Saturday, June 25, 2011

Chapter 33

Sinubukan 'ko na hindi umiyak noon. Alam 'ko na kakayanin 'ko 'to. Sanay naman na ako sa mga rejections niya na mahirap naman talagang ipaliwanag. Huminga ako ng sobrang lalim nun. Yung tipong ang lalim talaga ng hinukay ng hininga 'ko nun. Wala na akong rason para lumapit pa sa kanya. This is really done. Ayaw 'ko na makipagsiksikan sa loob ng elevator.

Tumango ako sa kanya nun. Parang gusto 'ko ngang ngumiti para sarkastiko 'ko siyang sasang-ayunan. Tinakpan 'ko nun yung bibig 'ko para hindi man lang niya makita ang pagkurba nito. Yumuko ako nun para hindi niya makita kung gaano kalaki ang kahihiyan 'ko para sa sarili 'ko. Mabilis 'ko siyang tinalikuran. Mabilis akong tumakbo. Wala na akong pakielam kung habulin niya ako o ano. By this time, ayaw 'ko nang pinipilit niya ako. Ayaw 'ko na. Nakakapagod din pala no.

Sobrang bigat ng bawat hakbang 'ko. Kasing bigat ng damdamin 'ko ngayon. Tuluyan akong umuwi samin nang nakayuko lamang at walang imik. Umambon nang bahagya nun pero hindi 'ko na rin pinansin. Wala akong pakielam kung mabasa na ako o magkasakit man ako bukas. Basta gusto 'ko na lang talagang umuwi. Gusto 'ko nang pumasok sa bahay namin para walang makakita ng kahinaan 'ko.

Pasalamat 'ko na lang at malapit lang ang bahay sa school namin. Binuksan 'ko agad ang gate namin at nakita 'ko agad si Ate Ivette. Naka-uniform pa siya nun at mukhang kakarating niya pa lang.

"Basang-basa ka. Hindi ka man lang nagpayong"


Tumango na lang ako nun at tumalikod ako sa kanya. Pilit 'kong inuurong yung luha 'ko. Sobrang hirap lalo na kapag gusto nang sumabog nitong nararamdaman 'ko.

Binuksan ni Ate Ivette yung pintuan at mabilis akong pumasok dun. In fact, naunahan 'ko pa nga siya sa sobrang pagmamadali 'kong makapasok e.

"Ui Ingrid. Ok ka lang ba?"

Nakatalikod ako sa kanya nun. Tinakpan 'ko nun yung mukha 'ko at naramdaman 'ko ang agos ng luha 'ko na walang prenong rumaragasa sa mga daliri 'ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko tapos medyo nahihirapan na din akong huminga. Mabilis na lumapit sakin si Ate Ivette at naramdaman 'ko agad na tinapik niya yung balikat 'ko.

"Ingrid, anong nangyari?"

Umiling ako sa kanya nun. Pakiramdam 'ko kahit isang oras akong umiyak, hindi mauubos 'tong luha 'ko e. Ang sakit lang kasi e. Sobrang sakit.

"Ayoko na. Ayoko na, ate Ivette"

Humarap sakin si Ate Ivette nun at tinanggal niya yung mga kamay 'ko. Siguro mukha na akong gusgusin nung mga panahon na 'yun.

"Dahil kay Levi ba 'yan?"

Tumango ako sa kanya nun at yinakap 'ko siya nang sobrang higpit. Sinuklian niya naman ako ng mas mahigpit na yakap. Alam 'ko na kahit hindi ako magsalita, maiintindihan niya ako.

"Sorry. Sorry hindi kita naisip. Akong bahala"

Hindi na rin ako nakapagsalita nun. Wala namang magagawa si Ate Ivette sa sitwasyon e. Bahala na kung paano 'ko siya haharapin bukas. Pero mali ata ang iniisip 'ko. Haharap pa ba ako sa kanya?

***

Maaga akong nagising kinabukasan. 4 AM to be exact. Pero hindi 'ko naisipang bumangon. Ginising pa nga ako ni Ate Ivette pero nagkunwari akong tulog. Sa ngayon, ayaw 'ko munang pumasok. Siguro sa lunch time na lang. Hindi pa rin naman kasi ako ready e.

Ako na lang yung mag-isa sa bahay nun. Kampante ako kasi alam 'kong solong-solo 'ko ang lahat. Napabuntung-hininga ako nun. Feeling 'ko ayaw 'ko nang pumasok. Masyado akong naging apektado. Alam 'kong OA pero ganoon talaga ang nararamdaman 'ko.

Mukhang hindi sakin nakikisama ang panahon at tila bumilis ng sobra ang oras 'ko. Maya-maya ay nalaman 'ko na lang at 11AM na. Dapat na akong maghanda kung gusto 'ko pang pumasok mamayang lunch break. Naligo ako nun at nag-ayos ng kaunti. Hindi na rin ako nagpa-bongga pa at wala naman akong rason para gawin yun, diba?

Saktong 12 noon ay ready na akong pumasok. Mabagal akong naglakad. Iniisip 'ko kasi na by this way e pwedeng tumigil o bumagal ang oras. Pero too bad, malapit lang ang bahay namin sa school at hindi rin nagtagal ay nasa harapan na ako ng gate ng St.John International School. Pumasok ako nun. Niloko pa nga ako nung guard namin na mukhang napa-aga ata ako ng pasok para bukas. Tumango lang naman ako. Sayang, wala ako sa mood na makipaglokohan e.

Maraming students sa labas. Lunch Break kasi e. Naglakad akong papunta nung cafeteria para tingnan kung andun si Fuchsia at si... Siguro, hindi 'ko na isasama si Rose. Medyo nagulat ako kasi nasa labas si Fuchsia nung Cafeteria e at halatang nataranta siya nung namataan niya ako.

"INGRID!"

Mabilis siyang tumakbo sakin tapos hinawakan niya yung mga kamay 'ko.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Sumama kasi yung pakiramdam 'ko e. Bakit ka nga ba nasa labas?"

Hindi niya muna sinagot yung tanong 'ko subalit bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit.

"Hindi 'ko alam kung anong nangyari at kung paano nangyari. Wala akong alam. Hindi 'ko alam. Feeling 'ko naloko tayo, Ingrid. Hindi 'ko akalain na magagawa 'to ni Rose."

Humiwalay siya sakin nun. Medyo kinakabahan ako kasi hindi niya ako dinederetso. Anong ginawa ni Rose? Nagkatinginan kaming dalawa. Triny 'kong lagpasan si Fuchsia para pumasok sa cafeteria pero hinawakan niya ang kamay 'ko. Umaakmang pigilan lang ako.

"Ano ba ang tinatago mo sakin? Gusto 'kong magkaalaman na"

Umiling sakin si Fuchsia nun. Kitang-kita 'ko sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya. Tinanggal 'ko yung kamay 'ko mula sa pagkakahawak niya at mabilis 'kong binuksan ang pintuan ng cafeteria namin. Sabay-sabay na lumingon sakin ang mga seniors.

Una 'kong tiningnan ang table namin ni Fuchsia at ni Rose pero nakita 'ko na iba ang mga nakaupo. Mga nerds na puro books lang naman ang hawak. Mukhang first time kaming naagawan ng pwesto. Napalingon naman ako sa tables ng mga sikat at laking gulat ng kaluluwa, diwa, at puso 'ko sa mga nakita 'ko.

Sa table na 'yun, nakaupo ang mga sikat. Ang mga mapera, ang mga mayayabang, ang mga elite ng school namin. Andun si Vyra at si Yohan na mukhang hindi nagugustuhan ang mga pangyayari sa table na 'yun. Andun ang ibang mga sikat na enjoy na enjoy sa paglalagay ng mga papel kung saan nakasulat ang `Levi loves Rose` sa likod nila Levi at Rose. At andun din naman si Levi at si Rose. Magkatabi sila at may mga ngiti sa labi. Masaya. Masaya silang dalawa. Hindi nila pinipigilan ang ibang tao na tumutukso sa kanilang dalawa. Akala 'ko loko-loko lang at wala lang ang mga pangyayari. Pero behind all of that, may isang bagay na nagpatunay na may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Hinawakan ni Levi ang mukha ni Rose at mukhang gustong-gusto naman ni Rose 'to. Kung makahaplos siya ng mukha ni Rose ay parang wala nang bukas. Napatingin sakin si Levi nun. Hindi 'ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tingin na 'yun pero tinuloy niya lang ang paglalambing niya kay Rose.

Ito na ba 'yun?

Ito na ba yung narinig 'ko kagabi?

Ito ba 'yung sikreto nila?

Ang saya naman nila. Sobrang saya nila.

Naramdaman 'ko ang hawak ni Fuchsia sa shoulders 'ko. Doon na ako bumigay. Nahulog nun ang backpack na suot 'ko lamang sa kanang balikat 'ko. Nahulog din ang mga libro na hawak 'ko noon. Nahulog ang unang patak ng mga luha 'ko. Kasabay nun ang pagkabasag ng puso 'ko. 

Napaupo ako nun sa sahig. Maraming nagbulungan at tinap lang ni Fuchsia yung likod 'ko para panatilihing matatag ako. Gusto 'kong lumapit sila sakin. Gusto 'kong mag-sorry sila sakin. Gusto 'ko na... Gusto 'ko na sana ako na lang si Rose...

"Ingrid..."

Natanaw 'ko nun si Vyra at si Yohan at mabilis silang lumapit sakin. Nakita 'ko ang expression nila sakin. Kinuha ni Vyra ang kamay 'ko at tinayo niya ako nun.

"Remeber this. Scratch out everything that I said to you before. He doesn't deserve you. And by this time, I'm really doing this for you"

Ang lakas ng boses ni Vyra nun. Yung tipong rinig na rinig ng buong seniors. Napa-glance ako kay Rose at kay Levi na napatigil sa paglalambingan nila. Umakbay sakin nun si Yohan at sabay-sabay kaming lumabas sa Cafeteria na yun.

Kasama 'ko nun si Vyra, Yohan at si Fuchsia habang naglalakad sa hallway na mukhang wala ng buhay.

"Ingrid, hayaan na lang natin sila"

"Wag mo nang iyakan yung Levi na yun. Grabe, hindi 'ko akalain na magagawa niya yun. All this time, alam 'ko na may gus--"

"Itigil mo na 'yan Yohan! Gago talaga yung Levi na 'yan e"

Andun lang naman ako at tulala lang sa kawalan. Hindi ako makapagsalita at hindi ako maka-react sa mga pangyayari.

***

Nagpatuloy ang classes. Lumipat na nang upuan si Rose nun at sa mismong tabi pa ni Levi. Nawawala na yung isip 'ko sa mga bagay na dapat 'kong seryosohin. Yung tipong nawawala na sa tamang landas 'tong tinatahak 'ko. Ayoko nang umiyak pero hindi 'ko talaga mapigilan 'tong mga luha 'ko. Nakakabwiset. Naka-isang milyong comforting words na ata sakin si Fuchsia e.

Mabilis ang mga klase. Luckily, at buong-buo pa naman ako. Dismissal na nun. Gusto 'kong kausapin si Rose. Alam naman niya kasi, diba? Alam niya na may gusto ako kay Levi. Pumunta ako sa locker room nun at hinintay 'ko na pumasok din doon si Rose. Kaunti lang naman ang hinintay 'ko at nagkakita rin kami sa loob ng locker room.

"Rose"

Tumingin siya sakin ng diretso nun.

"Kayo na ba ni Levi?"

Nagulat siya sa tanong 'ko na 'yun at umiling pa nga siya e. Anak ng tokwa talaga oh. Sarap sabunutan ng bruha!

"Don't worry. Wala na akong gusto sa kanya"

I'm a liar.

"Uh... Oo, kami na"

Tumigil yung mundo 'ko.


Huminto ang rotation at revolution.


Na-drain ang dugo 'ko kaya wala nang dahilan ang ang puso 'ko na tumibok pa.

Pinilit 'kong ngumiti kahit na alam 'ko na nagmumukha akong tanga. Gusto 'kong ipamukha sa kanya na alam naman niyang may gusto ako dun pero pinatulan niya pa! HINDI NIYA BA AKO NAISIP?!

"Ah. Talaga? Hindi ka nagsasabi"

"Hehe. Kahapon lang naman naging kami e"
Ito nga yun.


Yung sikreto.

Tumango ako nun at pilit 'kong ngumiti ulit. Mabilis akong lumabas ng locker room nun at wrong timing naman kasi nasa harapan lang si Levi ng mismong locker room.

Gusto 'kong magsalita pero hindi 'ko alam kung saan ako magsisimula.

Tiningnan 'ko siya at kusang tumulo yung luha 'ko. Ayoko nang marinig muna yung boses niya at mabilis 'ko na lang siyang nilagpasan. Mabilis akong tumakbo sa labas nung building namin.

Kailangan 'ko ng masasandalan ngayon. Kailangan 'ko ng mayayakap. 

"Ingrid"

Nakita 'ko agad si Cyrus na mabilis naman na lumapit sakin. Hindi 'ko akalain na sa harapan niya pa ako iiyak ng sobra-sobra. ang sincere ng mga mata niya. Unlike sa mga mata ni Levi.

"Ok ka lang ba? Anung nangyari?"

Umiling ako sa kanya nun. Kesa na magtanong siya, bigla niya akong niyakap.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit.













"Ok lang 'yan. Andito lang ako"

No comments:

Post a Comment