Saturday, August 6, 2011

Chapter 48

Hindi ko napigilan yung luha ko. Sa dami-dami ng pwedeng maging entrance niya, ganito pa. Parang magic lang na ewan eh. Hindi ko alam kung mapapangiti ako o mapapaluha ako dahil sa tears of joy pero it turns out na sabay akong umiiyak at tumatawa. Siguro iniisip ng loko na 'to na mukha na akong tanga sa kanya. Mabilis akong tumayo at yinakap ko siya ng sobrang higpit.

"Oo, nalate ka. Ang tagal mong dumating!"naramdaman kong yinakap niya din ako pabalik tapos hinalikan niya yung noo 'ko. Nakaramdam ako ng kung anu-anong romantic sensations. Hindi ko masabing kilig yung tawag dito pero masaya ako.


"Sorry. Mukhang namiss mo ako ah"tiningnan niya ako ng diretso. Natatawa na lang ako sa sarili ko eh.


"Kainis ka talaga. May regalo pa naman ako sayo. Ito oh" inabot ko sa kanya ang isang box of cake tapos nakita ko agad yung tuwa niya. Ayy, pasimpleng kinikilig pa ang loko! WAHAHA.


"Paano mo nalaman na mahilig ako sa cakes?"talaga? Wow naman! WAHAHA. Ang galing ko naman manghula.


"Meant to be daw kasi kita kaya alam ko"sabi ko naman. Ngumiti lang siya. Infairness, ngumingite na talaga siya! Ang gwapo lang eh.


"Ako din may gift sayo"may kinuha siya sa bulsa niya tapos linabas niya ang isang bagay na sobrang nagpagulat sakin...

...isang singsing...


"Ibibigay ko dapat sayo 'to nung sa Tagaytay pero ngayon na lang" ito yung mismong pinili ko nung nagtagpo kami sa isang jewelry store. So, coincidence lang pala na parehas sila ng binili ni Cyrus. Akala ko talaga tinulungan niya si Cyrus na mapa-impress ako. Binigay niya sakin yung ring tapos una kong tiningnan yung nasa loob nito.

"Ingrid and Levi" binasa ko yung loob nung ring. Ito nga yun kasi ito talaga ang gusto ko. Yung naka-engrave yung pangalan ko at ni Levi sa loob ng ring.

"Sorry, ngayon lang" narinig kong umubo siya."ngayon ko lang 'to sasabihin kaya makinig ka ng mabuti."nagulat naman ako sa kanya. Linagay niya yung dalawa niyang kamay sa loob ng bulsa niya tapos bigla niya akong hinalikan sa lips ko.

First kiss 'ko 'to at hindi ko ma-describe yung nararamdaman ko sa sobrang bilis ng pangyayari. Feeling ko wala pang isang segundo nung hinalikan niya ako pero ok lang. Naramdaman ko pa rin yung gusto niyang iparamdam sakin. 

"I love you" 

Speechless agad ako. Nananaginip ba ako? Napangiti na lang ako tapos hinampas ko siya sa braso niya. kinikilig kasi ako eh! Nakakainis.

"Ano na namang ginawa ko at hinampas mo 'ko?!"

"Nakakainis ka kase! Lika na nga! Kainin natin yang cake mo!"

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Kinuha ko yung gamit ko tapos hinawakan ko agad yung kamay niya. Mas lalo naman akong kinilig kasi inakbayan niya pa ako habang paalis na kami sa campus namin. Sinabi ko sa kanya na merong Batch Christmas Party pero naisipan na rin naming hindi muna pumunta. Aba, time for us muna, ano?! Miss na miss ko na 'to eh.

Pumunta kami sa isang bridge kung saan may mga nadaan-daan pa na kotse. Baka nga akala nila magpapakamatay na kami dun sa tulay eh. Sobrang lamig ng hangin tapos ang ganda pa ng moon kahit na walang bituin.

"Alam mo, may hindi ka sinasabi sakin" napatingin naman siya sakin."Bakit ka pumunta ng America? Magpapagamot ka ba dun?"

Hay nako. may tinatago talaga siya sakin. Nakakainis naman talaga oh.


"Ah. yun ba? Oo, nagpagamot nga ako dun" hinampas ko ulit siya sa braso niya."Bakit na naman?!"hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Nakakainis talaga eh!

"Bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka?! Nakakainis ka talaga!"bigla naman niya akong niyakap nun. Akala niya madadala niya ako ng ganito ha! Grabe!!

"Ang importante magaling na talaga ako. Pangit naman kasi kung mawalan pa ako ng hininga mismo sa harapan mo. Pero ngumiti ka na lang kasi at least, magaling na ako"naiiyak pa rin ako nun. Ang dami ko talaga hindi alam sa kanya.

"Ano bang sakit mo,ha?"

"Sobrang malalang Asthma. Yun lang naman" hinampas ko ulit siya. Kainis talaga 'to. `LANG?!` "Wag ka nang mag-alala. Ang importante, magkasama na tayo" tumango na lang naman ako sa kanya.

"Walang iwanan ha." linagay ko yung ulo ko sa shoulder niya.

"Oo, promise"sabay inakbayan niya ako.

***

Christmas Break na sa wakas! Ang ganda ganda talaga ng gising ko. Binasa ko yung mga text messages ko tapos napangiti agad ako sa mga sweet messages sakin ni Levi. Kakilig talaga eh. Dahil wala akong load, hindi ko muna siya nireplyan. Sorry naman, walang load eh. WAHAHA.

After lunch naman ay nagpaalam ako kay mama at papa na pupunta muna ako sa mall at magliliwaliw muna. Wala kasi akong magawa sa bahay eh. Tsaka nilalamig ako doon! Grabe kaya, nage-aircon pa rin sila kahit halos maging yelo na sila (parang hindi lalamigin sa mall, ano? HAHAHA)

Buti naman at pinayagan ako. Naka-jacket pa talaga ako. Brr. Lamig talaga eh. Kahit wala talaga akong pambili, nag-window shopping na lang ako. Ang gaganda nga ng mga damit eh. May isang sapatos naman akong napansin talaga. Sayang talaga, wala akong pera. Ang ganda pa naman nung sapatos. Lumapit ako dun sa stand kung saan nakapatong yung gold na sapatos kaso mukhang may nakabili na. Isang saleslady ang kumuha ng sapatos at linagay doon sa counter. Badtrip talaga, sasabihin ko pa naman sa sarili ko na pag-iipunan ko yun pero kahit yung presyo ay hindi ko na nakita!

Napatingin ako dun sa customer na nasa counter at nakita ko doon si Rose... Mukhang nahuli ako ng peripheral vision ni Rose at lumapit siya sakin pagkatapos niyang bayaran yung sapatos... hmmm, hindi naman siya mahilig sa mga gold na sapatos ah. Para kanino naman yan?

"Pwede ba tayong mag-usap?"tumango na lang ako sa kanya tapos sinundan ko siya palabas ng stall.

"Nakita ko yung regalo mo sakin. Anyways, thanks"nakita kong suot niya yung necklace na may butterfly na design. Bati na kaya kami? Gusto ko rin kasi na magkabati na rin kami. Miss na miss ko na rin yung dating Rose na palagi kong kasama.

"Bagay sayo. Ang galing ko talagang pumili, ano?"nakita ko siyang ngumiti at hinawakan niya yung necklace na binigay ko sa kanya.

"I have been a complete idiot. Alam ko yun. Naiinis ako sa sarili ko."hinawakan ko yung kamay niya tapos mabilis ko siyang yinakap.

"I miss you"naramdaman ko yung paghikbi niya tapos iba nga yung iyak niya eh. Naalala ko yung unang beses na nagkakilala kami. Nadapa siya noon at tinulungan ko siyang makatayo at walang tigil rin yung pag-iyak niya nung mga oras na yun.

"Sorry"nahihirapan pa siyang huminga nun. Humiwalay ako sa kanya at tiningnan ko siya sa mga mata niya. Mukhang sincere siya at may pinagsisisihan talaga siya. 

Inabot niya sakin yung plastic bag ng sapatos na binili niya kanina. Ano daw? Para sakin ba 'to?

"Para sayo talaga yan, alam ko namang gusto mo yung mga sapatos na ganyan eh" tumango ako sa kanya. Kilalang-kilala na niya talaga ako. Yinakap ko ulit siya.

"Thank you. Masaya na ako naging bestfriend ulit kita. Masaya na ako sa regalo na 'to."


***

"Uhm, pwede mo bang sabihin sakin kung anong meron kay Levi?"kumain muna kami sa mcdo nun para makapagkwentuhan na rin.

"Siguro naman alam mo kung bakit siya pumunta sa America,diba?"

"Dahil may sakit siya, diba? Pero ok naman na siya, diba?"tumango naman siya sakin.

"Yes, and you uncovered one secret. Meron pang isa pero siguro sasabihin niya din yun sayo. Ayaw ko munang magsalita tungkol sa bagay na yan"tumango na lang naman ako nun. Hay naku, ano naman kaya yung isang yun. Wala akong idea.

Na-realize ko naman na malapit nang maubos yung pagkain namin. Ay, gusto ko pa namang makakwentuhan at makasama si Rose ng mas matagal lalo na at nagbati na rin kami sa wakas!

"Pumunta ka muna sa bahay namin. Magmovie marathon tayo dun nila Fuchsia"

"Ok lang ba talaga? Baka jombagin ako ni Fuchsia neto eh!"natawa naman ako nun. Bumabalik na nga ang pagka-Rose niya.

"Ako ang bahala sayo. Lika na"

Tinapos namin yung pagkain namin tapos sumakay kami ng tricycle papunta ng bahay ko.

***

"ANO BANG MAGAGAWA MO KUNG GUSTO KO SIYANG MAKITA?!"

"WALA KANG KARAPATANG MAKITA SIYA DAHIL SA GINAWA MO!"
 
Mabilis kaming napalabas ni Rose dun sa tricycle nang mamataan namin sina Cyrus at Levi na nagbubugbugan sa isang lote malapit sa bahay namin. 

"Levi!" hindi naman kami nakapagsalita ni Rose. Ano na naman bang nangyayari?!













"Ingrid naman, maintindihan mo sana yung nararamdaman ko. Mahal na mahal kita tapos pinsan ko pa yung pinalit mo sakin. Sobrang mahal kita. Mas gusto ko na lang mamatay kung hindi mo rin naman ako mamahalin" 




No comments:

Post a Comment