Tuesday, May 31, 2011

Chapter 13

"Oh? Talaga? Sinabi niya 'yon?"


Tumango naman ako sa kanilang dalawa. Syempre, si Fuchsia at Rose yun. Kwinento 'ko lang naman sa kanila yung nangyare kahapon sa amin ni Levi. Umaga na ngayon at hindi pa nadating yung adviser namin kaya as usual, e chikahan to the max muna.

"Grabe Nakakaloka! Bumigay na nga kaya si Levi sayo?"

Buti na lang e may kausap na iba si Levi nun. Ayaw 'ko rin kasing malaman niya na siya ang topic namin. Pero ano nga ba ang nangyari kagabi?

"Please... Layuan mo na 'ko" kailangan 'kong sabihin yun kasi nabisto na nga ako e. Nakakahiya talaga oh.

"Ayoko at bawal" Nagulat ako dun sa sinabi niya. Ano ba talagang gusto niyang iparating? Nakakainis lang e. Napatingin ako sa kanya ng diretso nun.

"Hindi kita lalayuan" Speechless na ako nun sa mga sinabi niya at sobrang bumilis yung pagtibok ng puso 'ko.

Hinawakan niya nun yung kamay 'ko tapos hinila niya ako papalabas ng school namin. Then, the next thing I knew hinihila niya na ako papunta sa bahay namin. Kung ano man ang nakain niya, hindi 'ko alam. Basta nung mga oras na yun e, feeling 'ko mas nahuhulog ako sa kanya. Yan na naman siya at nagbibigay sakin ng motibo.

"HAAAAY! Naguguluhan na talaga ako sa kanya" pagkasabi 'ko naman nun e saktong dumating ang adviser namin kaya nabitin din kami sa chikahan namin.

***

"Binigay satin yung whole day para maghanda ng cheer at mag-practice sa mga games para sa Sports Fest natin. So, sana gamitin natin 'to sa tamang paraan! Wala akong makikita na walang ginagawa mamaya. Understand?"

After recess, yan yung sinabi samin ni Miss. Hay nako. Lord, kayo na po ang bahala sakin. Mukhang hindi kakayanin ng buong justice league na bantayan ako.

Sabay-sabay naman kaming nagsabi ng 'Yes' nun tapos nag-ready na yung iba. Pumunta ako nun ng Shower Room sa Gym para dun magbihis ng jogging pants at t-shirt. Sasali nga kasi ako sa basketball girls diba? Hay nako. Nakakahiya naman talaga oh.

Syempre, sumali si Rose sa Darts. For sure, e tanggap na siya dun. Champion for straight 3 years kaya 'yan! As usual, cheerdance ang sasalihan ng baklang si Fuchsia. Flexible naman siya at sobrang taray niyang mag-split. WAHAHAHAHA.

Mag-isa naman ako nung lumabas ng shower room at pumunta sa room ng Star Section kung saan may meeting ang kasali sa Basketball Girls and Boys. Kumatok ako ng dahan-dahan nun. KAYA 'KO TO! AJA!

Then, binuksan 'ko yung pintuan. Napalunok ako nun kasi lahat sila ay nakatitig lang sakin. Nagulat ako kasi sa Basketball Boys sasali si Levi. Kung swineswerte ka nga naman oh! HAHAHA. Kaso nga lang andun si Vyra na sobrang bad ng tingin sakin. Siguro ganyan sila makatingin dahil wala pang teacher. Mukhang gusto nila akong bugbugin ng mga tingin nila e.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa isang vacant seat sa dulo kaso napatigil ako ng bigla akong kinausap ni Vyra.

"Anong ginagawa mo dito? Mali ba 'yung room na pinasukan mo? Kasi sa structure pa lang ng katawan mo e, sigurado akong hindi ka deserving na maglaro ng Basketball para sa Batch natin"

Ang taray ng pagsasalita niya nun. Kumbaga, nakakainsulto na talaga e.

"And mukhang natatakot ka na masira 'yang precious nails mo? Siguro, dapat ka ng umalis dito"

Tumingin ako sa paligid 'ko nun. Walang tao na gustong magtanggol sakin. Walang tao na may pakielam. Mukhang natatakot din sila. Sa totoo lang, hindi ako takot. Feeling 'ko lang kasi mag-isa ako. Feeling 'ko wala akong kakam--

"May problema ba kung sumali siya dito? Meron bang batas na nagsasabi na bawal sumali si Ms.Alitagtag dito?"

Pero meron pala.


Except for the part na ginamit niya ang surname 'ko. Ok na sana e! Panira lang yung pangalan e! Nagulat dun lahat ng mga studyante at nagbulungan na naman sila.

"And what are you trying to say?"

Nagulat ako dun. Kasi mukhang nalungkot nun si Vyra. Eto na naman ako at nagtataka sa pinagdadaanan ng dalawang 'to.

"Gusto 'ko lang sabihin sayo na wala kang karapatan para i-bully si Ingrid"

Nanlaki yung mata 'ko nun. Siguro, handa ng magpakamatay si Levi ngayon! Sobrang tapang magsalit e.

Babanat pa sana si Vyra nun kaso biglang pumasok yung teacher namin then napatahimik din naman siya. Duwag din naman pala e. Takot din kahit papaano sa teacher.

Sinabi lang naman samin yung mga rules at kung ano man. Pati yung schedule ng mga practices namin. Pati yung schedules din ng una naming mga laban. Medyo kinakabahan na nga ako sa practice namin mamaya e. Sigurado akong palpak na talaga ako nito.

***

"ANO BA NAMAN 'YAN MS.ALITAGTAG?!"

Huhuhu. Napagalitan na naman ako. Bakit ba kasi ayaw makisama nung bola sakin?! Maayos naman akong pakisamahan ah! Paulit-ulit na lang tinatawag yung surname 'ko. Nakakainis lang eh.

"I-dribble mo naman ng maayos yung bola! Pwede ba?"

"Sorry sir"

WAAAA. Nakakahiya naman talaga oh. Nag-dribbling exercises naman kami nun. Kahit na mukhang wala naman akong napala. Umupo muna ako sa elevated seats dun sa Gym kung saan kami nagpra-practice. Ayos nga e. Kitang-kita 'ko si Yohan kasama ang mga Badminton Players na nagpra-practice. At si Levi na pinapakita ang mga shooting skills niya. Haaay nako Ingrid. Bakit napaka-two timer mo talaga?

"Ms.Alitagtag, tama na ang pahinga! Shooting na tayo!"

HAY NAKO PO Ingrid Alitagtag. Kayanin mo 'yan. Parang awa mo na.

***

"Ms. Alitagtag, disappointed ako sa performance mo. Kailangan mo ng mas maigi na practice. Ok? Kaya naman as a consequence for you, ikaw yung magligpit ng mga sports equipment and be sure to lock the Gym. Understand?"

Kawawa ka naman Ingrid. Huhuhu.

Tumango lang naman ako nun. Wala naman akong magagawa e. Hay nako. Kasalanan 'ko ba na boplaks ako pagdating sa Basketball?! HA!? KASALANAN KO BA YON?!

Umalis na din naman lahat ng tao pwera kay Vyra na mukhang inaabangan muna na masolo niya ako. TSK. Nakakainis naman 'tong babaeng 'to oh. Ayaw akong tantanan. Nung nakasiguro na siya na wala ng tao sa loob ng gym, bigla niya akong nilapitan.

"Hey you"

Tumingin ako sa kanya nun. Sobrang yabang niya, grabe.

"Gusto 'ko lang sabihin sayo na wag kang mag-assume sa mga ginagawa sayo ni Levi"

Nagulat ako dun. Mag-assume? Yun na kasi ata yung ginagawa 'ko ngayon e.

"I know na flattered ka naman talaga kasi pinagtanggol ka niya. Pero ganun talaga siya. Kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Gwapo siya at mayaman. Parang perfect nga e. Sigurado ako na kapag inisip mong may gusto siya sayo, iisipin mo na sobrang swerte ka. Pero I pity you kung 'yun ang iniisip mo. Kasi malinaw naman siguro sayo na hindi ikaw ang tipo ni Levi"

Natusok ng isang libong karayom yung puso 'ko. Parang natodas ba ng isang bala lang. Grabe. Bakit niya sinasabi 'to? Nagseselos ba siya? E paano kung tama siya? Assuming lang ako.

"Alam 'ko 'yun. And in the first place, wala akong iniisip na may gusto siya sakin"

Liar. Nagsisisi ka lang kasi umasa ka pa.

"And in fact, ako pa nga ang lumalayo sa kanya. Pero hindi 'ko alam kung bakit may times na siya ang lumalapit sakin. Wala ka namang alam sa nangyayari e. But I'm sure na parehas na rin tayong naguguluhan"

Napatahimik siya nun. As if, may sikreto akong nalaman sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay nun.

"Wala akong pakielam sa mga sinabi mo. Ok? Basta binabalaan lang kita. Wag ka na lang umasa"

Then, umalis na siya sa harapan 'ko. Parang ang hirap huminga nun. I can't just believe this. Ano ba 'tong pumasok sa Vyra na 'yan at nagpaka-war freak siya sakin dahil kay Levi?

Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko nun. May tama din naman si Vyra dun e. Dapat akong hindi umasa. Wala naman kasi akong aasahan e.

"Lumalayo ka pala sakin. Diba sabi 'ko sayo bawal mo akong layuan?"

Nagulat ako nun kasi nakikinig pala siya kanina pa. Kinakabahan ako nun. Wala naman kasi sa plano 'to e! Sobrang nakakahiya na talaga e.

Lumapit siya sakin nun tapos nagulat ako kasi siya na mismo yung mga nagliligpit ng mga Sports Equipment na ginamit kanina.

"Ako na dyan"

"Hindi. Umupo ka na lang dyan. Ako na ang gagawa. Gusto 'ko lang na--"

Napatigil siya nun tapos tumingin siya sakin ng diretso.

"Na alagaan ka"

Tumigil nun yung buong mundo 'ko sa sinabi niya. But nung nakita 'ko yung mga mata niya, feeling 'ko may pagkukulang siya sa sinabi niya. Feeling 'ko he wanted to give more. Hindi lang pag-aalaga ang gusto niyang ibigay sakin. Yun ang mga nabasa 'ko sa diretsong tingin niya sakin na binalin niya rin naman sa mga sports equipment.

Mabilis niyang natapos yung pagliligpit. Ang galing nga e. Sanay na kaya 'to? WAHAHA.

"Tapos na. Ihahatid na kita"

Nagulat ako dun. Ang sarap talagang sapakin ng Levi na 'to e! Bakit ba siya ganito?!

"Hindi. Mauna ka na. Hindi muna ako uuwi hangga't hindi pa ako nakaka-shoot ng isang bola"

Nakakahiya man pero inamin 'ko na din sa kanya. Ngumiti siya tapos kumuha siya ng isang bola ng basketball then bigla niyang pinasa sakin. Medyo hindi nga ako ready e kaya tumama pa sa tiyan 'ko.

Tumayo ako nun tapos pwumesto ako sa Free Throw Line. Tinabi niya nun yung bag niya tapos nakatingin lang siya sakin. Triny 'kong i-shoot yung bola kaso kapos at hindi man lang umabot dun sa Ring.

"Uhh. Kulang ng force"

WAHAHAHA. Walang kwenta yung palusot 'ko. Tumawa naman nun si Levi sakin. Kinuha niya yung bola tapos pinasa niya ulit sakin. Ok. Try 'ko ulit, baka tsumamba ako! Shinoot 'ko ulit kaso biglang pumunta sa likod nung mismong backboard! Aish!

"Uhh. Napasobra lang ng force! Yung momentum change kasi e! Bwiset no?"

Tinawanan niya lang ulit ako then pinasa niya sakin yung bola. Nag-try ulit akong mag-shoot kaso biglang pumunta yung bola sa left side. May kiti-kiti ata 'tong bola na 'to e!

"Masyadong mahangin e! Pakipatay naman yung electric fan"

Lalo naman siyang tumawa nun then pinasa niya ulit sakin yung bola. Please Mr.Ball, wag mo na akong ipahiya sa harapan ni Levi. Triny 'kong i-shoot kasi tumama lang naman dun sa backboard. Ugh. Naubusan na ako ng palusot.

"Wala ka ng maisip na palusot no?"

Nakangite siya nun. Ang gwapo nga e. WAHAHAHA.

"Ha?"

"Ilang beses ka na bang nakapag-basketball?"

Ilang beses nga ba?

"Hmmm, actually this was my 3rd time. Yesterday was my first time. And kanina yung second time 'ko. So in total, it's my 3rd time today"

Napangiti naman siya nun. Nakakaloka nga naman kasi talaga yung sinabi 'ko diba?

"May tanong ako sayo"

Ako din may tanong. Bakit ang gwapo mo? WAHAHAHAHAHA.

"Ano?"

"Gusto mong turuan kitang mag-shoot ngayon?"

Hindi pa naman ako napayag nun pero bigla na siyang lumapit sakin. Hawak niya nun yung bola then pinahawak niya rin naman sakin. Na-speechless kasi ako sa sinabi niya e. Kumbaga, hindi 'ko in-expect yun.

"Madali lang naman e. Be sure lang na may tight grip ka sa bola kapag bwebwelo ka. Tapos kapag ishoo-shoot mo na e, papadulasin mo lang sa kamay mo. And dapat yung pwersa mo ay manggaling sa lower torso mo para maayos ang pagkakashoot mo."

Hinawakan niya nun yung kamay 'ko tapos dine-demo niya. Sobrang awkward nga e kasi sobrang lapit niya sakin. Tsaka nataas yung buhok 'ko sa katawan dahil sa closeness namin ngayon.

"Ang asintahin mo lang yung ring. Dapat dun ang focus mo. Just follow my lead, ok?"

Siya yung nagposisyon sakin habang nasa likod 'ko siya. Nakadikit na yung katawan niya sa likod 'ko tapos yung ulo niya e kulang na lang ay papatong na sa balikat 'ko. Hawak niya nun yung kamay 'ko.

"Ishoo-shoot 'ko na ba?"

"Wait lang. Basta wag mo ng labanan yung actions 'ko"

Pinush niya yung legs 'ko gamit yung knee niya para mapababa ako ng kaunti para sa bwelo. Then dahan-dahan niya akong tinaas and siya yung nagpakawala nung bola na hawak ng kamay 'ko. Sabay naming pinanood yung pagpasok ng bola dun sa ring. Saktong-sakto at walang sablay. Kumbaga solid.

"Oh ayan. Naka-shoot ka na"

Ngumiti siya then humiwalay na rin siya sakin. Speechless ako nun kasi mas gusto 'ko pang nakahawak siya sakin ng ganon. Ingrid, may tanong ako sayo. Bakit ang landi mo? WAHAHAHA.

"Thanks"

Ako na yung naglagay nung bola sa lalagyanan. Kukunin 'ko na sana yung bag 'ko kaso biglang nagsalita si Levi.

"Narinig 'ko pala yung sinabi sayo ni Vyra. Don't worry, ako na ang kakausap sa kanya"

"Ha? Wag na"

Nahihiya naman ako nun kasi siya naman yung pinag-uusapan namin kanina.

"Mali naman kasi siya e"

Ano? Mali siya? Anong ibig sabihin nun?

"Hindi ka dapat ginaganon e. You deserve bigger things than that"

Na-touch na naman ako! HAY NAKO, mga reasons na naman ang mga binibigay niya sakin gamit yung mga pananalita na 'yan.

"Ano ka ba. Wala lang naman yun. Hindi naman yun Big Deal. Kaya wag na"

"Hindi. I don't break promises"

"Ha? Wala ka namang promise sakin ha"

Nagiimbento na naman 'tong lalaking 'to. WAHAHA.

"Then, ngayon 'ko ipro-promise sayo"

"Teka ha. In the first place, ano ba yang promise mo sakin?"














"I'll take care of you. I promise"

No comments:

Post a Comment