"Ang hirap naman. Badtrip!"
Hanggang ngayon, nababadtrip pa rin ako sa subject na Organic Chemistry! Biruin mo 'yun, ano bang pakielam 'ko sa arrangement ng cyclohexane at mga hexadiene!!??
"Hey you"
"So, what's up?"
"I heard na magkasama kayo ni Levi nung weekend. And natulog kayo sa isang inn. So what happened? Tell me"
"Teka, bakit mo naman gusto malaman? Tsaka paano mo nalaman, ha?"
"So, umamin ka na ba ulit sa kanya?"
"I bet no. Ang hina mo talagang pumick-up ng mga obvious na bagay no?"
"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Alam mo, ayaw 'kong pagusapan si Levi ngayon no? Kita mong nag-rereview ako dito e. Ang hirap hirap kaya no?!"
"Asus. Piece of cake. Turuan na nga kita. Nakakaawa ka naman e"
'ko e. Iba rin pala 'tong si Vyra e. Hindi rin pala siya ganoon kasungit at kamaldita. Unpredictable din ang ugali niya.
***
Inabot kami ng 6 PM nun. And napagpasyahan na rin namin na sabay na kaming lumabas ng campus namin. Ang taray no? Friends na daw kami?! Close na e! WAHAHAHA.
"Alam mo kasi... Si Levi... Siya ang pinakaobvious na tao sa buong mundo! Hindi ba obvious na may gusto din siya sayo? Kaya kung ako sayo umami--"
Naririnig 'ko nun ang pag-iyak ni Rose sa mismong harapan ni Levi. And nakita 'ko din na hawak ni Levi ang shoulders ni Rose. Sobrang bigat ng feeling 'ko at sobrang nagseselos ako. Pero bakit umiiyak si Rose?
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Kaya pala, ganoon."
"Wag mo na lang sabihin sa iba lalo na kay Ingrid"
Hindi ako makapaniwala.
Ang bestfriend 'ko. Bakit siya ganito?
Gusto 'kong pumasok sa room na 'yun pero napigilan ako ng mga kamay ni Vyra then nilayo niya ako kaagad dun. Hinila niya ako papalayo ng room na yun. Sa room na 'yun kung saan, sobrang nasaktan ako. May tinatago silang dalawa sakin. Meron e. Meron talaga.
Lumabas kami ng school building na yun. Medyo nahihirapan akong huminga. Nagpapalpitate na talaga yung puso 'ko sa sobrang inis, galit at selos. Tumingin sakin ng diretso si Vyra. Gusto 'kong pigilan ang pag-iyak 'ko pero kahit na anong gawin 'ko para manatiling malakas, tila walang nagbabago sa tibay ng loob 'ko. The next thing I knew, walang tigil akong umiyak sa harapan ni Vyra.
But I never expected what happened next.
Vyra embraced me.
Tightly.
***
Dumaan ang ilang days. Wala akong kibo at nakikiride na lang ako sa flow ng mga nangyayari sa buhay 'ko. So far, nginingitian pa rin ako ni Rose pero hindi na rin naman ako pinapansin ni Levi. Ang labo talaga ng mga buhay namin no? Dumating din ang araw ng examination namin. Maraming excited at maraming kabado.
Mabilis 'kong nasagutan ang mga exams. Nasubsob kasi talaga ako sa pag-aaral. During kasi yung mga times na hindi 'ko feel na sumama kay Rose at Fuchsia, mag-isa na lang akong pupunta sa library. Sa totoo lang, mas gusto 'ko pang kasama si Vyra. Kasi feeling 'ko, siya na lang yung tao na nagpa-feel sakin na hindi ako mag-isa. Alam niyo, yun?
Pinapabilis 'ko na kasi tinatamad na rin akong magkwento ng magkwento. Natapos na din ang three days of exams at ina-nnounce lang samin na in the next two weeks, field trip na namin. And syempre, nakapagpasa na rin kami ng Botany Project namin kanina. Ang galing kasi talaga ng partner 'ko e.
Napagpasyahan 'ko na umuwing mag-isa. Hindi 'ko alam kung sino ang plastic samin ni Rose e. Ako o siya? Siguro both no? Palabas na ako ng school gate nun nang matanaw 'ko si Levi na kausap si Cyrus. TSK. Nagbabalik na naman siya?!
"Ingrid!"
"Sorry kung hindi kita nadadalaw dito. Naging busy kasi ako sa school. Pero anyway, excited na ako sa field trip. Syempre, merge ang St.Claire at St.John ngayong year e"
"Really?"
"Gusto sana kitang ihatid ngayon pero busy ako e. Sige, babye. Osige, Levi hatid mo siya ha?"
"Sige"
"Ihahatid mo ba talaga ako?"
"Bakit? Gusto mo ba?"
"Ah. Ok"
Aakma na siyang aalis pero hindi 'ko na rin napigilang hawakan yung kamay niya para pigilan siya.
"Ano ba?!"
"Yan ang hirap sayo e! Hindi ka straight to the point. Kung gusto mo talaga, ayaw mong aminin na gusto mo?! Aminin mo nga--"
"Sino bang magpapaka-straight to the point sayo ha?! Sino bang magpapakaprangka?! Kung ikaw yung tipo ng tao na hindi ako maa-appreciate?!! Sabihin mo nga--"
"Sabihin mo in my face kung sino ang iisang taong nagpapakatanga sayo?!! Ako lang, diba? Ako lang kasi ang nagpapakatanga sayo?! Kasi kahit ipamukha mo sakin na hindi mo 'ko gusto, gustong-gusto pa rin kita!!"
"Ngayon, gusto mo 'kong magpakaprangka? Eto ako! Nagpapakaprangka na ako sayo! Umaamin na ako sayo--"
"Mahal kita"
Hindi 'ko alam kung anong isasagot niya.
It's a matter of life and death.
Pero in the end...
"Sorry, I don't" Death.
No comments:
Post a Comment