Wednesday, June 1, 2011

Chapter 17

"Nagjo-joke ka ba?!"


Ayun, back to normal ulit ang buhay 'ko. Pero normal nga ba ang buhay 'ko? Nagkagusto ako sa isang gay. Hindi 'ko alam kung ano yung mararamdaman 'ko e. Sadyang nagulat lang talaga ako. Never 'ko naman kasing inisip na bakla pala 'tong si Levi e. Natapos din yung Sports Fest namin. Syempre, champion ang Seniors. So yun, isang typical na lunch break sa isang boring na araw ang tinatahak namin.

"Hindi ako nagjo-joke. Sinabi niya talaga"

"Grabe. Hindi 'ko akalain na gay siya. First time 'kong nagkamali sa mga instincts 'ko. Hindi ako naniniwala dyan!"

Hay nako. Si Rose talaga e. Ayaw pa ding sumuko sa love life naming dalawa ni Levi.

"Tsaka kung kalahi 'ko siya, dapat ramdam 'ko na agad ang good vibes sa kanya no! Nararamdaman 'ko kaya kung tagilid ang isang lalake!"

Pero sinabi niya na e. Big deal kayang umamin na bakla!

"Basta sinabi niya talaga e. Impusible namang joke lang yun diba? Asa naman. Sobrang taas kaya ng pride ng tao na 'yun. Impusible na hindi siya nagsasabi ng totoo"

Napa-sigh na lang kaming lahat. Pero para saan yung mga sweet things na ginagawa niya para sakin? Ganun lang ba kadali para kalimutan yun at isipin na walang nangyari? Hay nako.

***

Natapos na din yung lunch break namin at nagpatuloy ang classes namin. First week of August yung Long Test namin. Kailangan 'kong mag-aral ng bonggang-bongga at maghahanda na din ako sa College University na papasukan 'ko.

Nakakadugo yung mga topics namin pero syempre, hindi 'ko na ikwekwento yun. And lumipat ng seat nun si Levi. Linalayuan niya na ako. That's it. It's finished for the both of us. Siya na mismo ang tumapos. Wala akong karapatan para ituloy ang developing feelings 'ko para sa kanya.

Mabilis ang oras. And dumating rin ang favorite subject 'ko na Dismissal. Pumunta muna ako sa locker room namin para kunin yung mga books na gagamitin 'ko para mag-review sa Long test next week. Maaga akong magre-review dahil gusto 'ko ng magseryoso.

Papasok na sana ako sa locker room kaso may mga boses akong narinig. Eto na naman ako. Eavesdropping! Sumilip ako and nakita 'ko si Vyra at si Levi na magkausap. Gusto 'kong umalis kaso may nagtutulak sakin na ituloy ang eavsedropping na 'to.

"Levi, let's start over"

Napalunok ako nun. Anong ibig sabihin neto?!

"I still love you"

Lalong nanlaki yung mata 'ko. Anong ibig sabihin ni Vyra? I knew na may something fishy talaga sa kanilang dalawa e! Hindi kaya mag-ex sila at nag-break sila dahil sa gender ni Levi?

"Ilang beses 'ko ba sasabihin sayo na tapos na tayo?"

Ugh. Mukhang hindi alam ni Vyra na gay 'tong ex niya ha.

"Kahit ilang beses mo sabihin, hindi ako maniniwala na tapos na tayo. Bakit ka ba nakipag-break sakin?! Ha? Levi? Dahil ba may gusto ka na sa Ingrid na 'yun?!"

Tamang isama ako sa usapan?! Si Vyra din pala ay nakakahalata. Aish. So, ano yung sinasabi niya na hindi ako yung tipo ni Levi. Bitter pala siya e.

Tiningnan 'ko yung mukha ni Levi na sobrang emotionless tapos na-speechless siya dun. Why don't he say no na lang diba? Para mas madali. Alam 'ko namang hindi kami pwede dahil bakla nga siya diba?

"So ganon?! Hindi ka nagsasalita?! So you do like her?! Bakit siya pa, Levi?! Bakit hindi na lang ako.... bakit hindi na lang ako ulit?"

Gosh. Mag-ex nga sila.

"I have my own reasons and yes, I do like her"

Bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?!

Hindi 'ko alam kung ano yung pumasok sa utak 'ko kasi bigla akong pumasok dun sa locker room. Sobrang nagulat nga si Levi sa pagpasok 'ko e. Now what? Ginagamit niya lang ba ako para lubayan siya ni Vyra? Napatingin din sakin si Vyra nun at galit na galit siya sakin.

"I just can't believe this. I hate the both of you"

Binulong niya lang yun pero narinig 'ko naman ng buong-buo then bigla siyang umalis nung locker room at umiiyak siya.

"Ano ba talaga? Hindi na kasi kita maintindihan e"

Promise. Gulong-gulo na ako sa taong 'to.

"Wala kang dapat ikabahala. Hindi kita gusto. Alam mo naman kung bakit."

Parang kumirot yung puso 'ko nun. Pagkatapos niyang sabihin na gusto niya ako, babawiin niya kaagad?!

"Pero bakit mo ginawa yun?"

Ang tagal niya nun bago sumagot. Hindi 'ko tuloy malaman kung nag-iisip siya ng palusot o nahihirapan lang siyang sabihin ang katotohanan.

"Dahil gusto 'kong lumayo sakin si Vyra. Naiirita na kasi talaga ako sa kanya e"

I knew it. Yun lang naman pala ako sa buhay niya e. Kaya siguro sobrang sweet niya sakin dahil dun lang.

"So that's it? Kaya sobra kang makalapit sakin?"

"Yes, that's it"

Parang nababasag yung puso 'ko nun. Asa kasi ako ng asa e. Hindi 'ko nun mapigilan yung pagluha 'ko. Nakakainis lang e. Mas nasasaktan ako ngayon kasi feeling 'ko ginamit lang ako.

"Sana hindi na lang ako. Umasa pa kasi ako e."

Then, mabilis akong lumabas ng locker room.

***

Lumipas ang ilang days at hindi kami nagpapansinan ni Levi nun. Hindi 'ko na rin naman kwinento yung nangyari kay Fuchsia at Rose. Ewan 'ko ba. Gusto 'ko lang kasi na hanggang sakin na lang yung mga nararamdaman 'ko.

Last day na ng Exams namin ngayon. Buti nga sinagad 'ko yung pagre-review e, kahit papano nakalimutan 'ko si Levi habang nag-eexam ako at nagre-review ako. Half-day lang naman kami nun kaya 12 p.m. pinauwi na kami.

"Sa wakas, tapos na ang exam!"

Paalis na sana kami nun ni Fuchsia at ni Rose kaso bigla 'kong nakita si Cyrus na nasa harapan ng gate ng school namin. Ako ba ang hinihintay niya?

"Hi Ingrid!"

Napasimangot naman nun si Rose. Halatang ayaw niya kay Cyrus e. Medyo nadismaya naman ako nun. Kasi naman 'tong si Cyrus e, sana kay Ate Ivette na lang siya nagkagusto.

Lumapit naman samin si Cyrus nun.

"Hi Ingrid. Sila ba mga friends mo dito?"

Tumango lang naman ako nun. Then, nagpakilala nun si Cyrus kay Baby Rose at Fuchsia. Kilig na kilig nga si Fuchsia e, kinamayan ba naman! Landi talaga e. WAHAHAHA.

"Wow. Ingrid, ang friendly ng mga friends mo"

"Oo nga e"

Naawa ako kay Cyrus e. Kasi naman. Parang sobra siyang mag-effort. Hindi naman ako deserving sa mga efforts niya.

"Hatid na kita?"

Napatingin lang naman ako sa kanya nun. Bigla 'ko kasing naalala si Levi e. Dati, madalas niya akong hinahatid pero ngayon, hindi na. Nakakamiss lang e.

"Ha?"

Speaking of Levi, nakita 'ko siya sa kalapitan lang. Nakatingin siya saming lahat. Tapos parang.... parang ang lungkot niya.

"Levi"

Nagulat nun si Levi nung tinawag 'ko siya. Napalingon nga rin si Cyrus sa likod niya e. Then, lumapit si Levi samin with his same emotionless face.

"Hindi mo ba ihahatid si Ingrid?"

Alam ni Rose ang plano 'ko. Ayaw 'ko kasing magpahatid kay Cyrus e.

"Bro!"

Teka...


Bro?


Ano daw?

"Tol, napadalaw ka ah"

Gulat na gulat kaming tatlo nun. Paano? Ano--? Naguguluhan na talaga ako.

"Magkakilala kayo?"

"Yep. Siya yung sinasabi 'ko sayo na pinsan 'ko dito sa St.John? Remember?"

WHAT?! Hindi 'ko akalain. WAAAAA. Nababaliw na ako. Pinsan 'to ni Levi?!

"Oh Levi, inaalagaan mo ba 'tong future cousin-in-law mo? Diba sabi 'ko sayo aalagaan mo siya?"

Bigla niya akong inakbayan nun. Gulat na gulat nga si Rose at Fuchsia nun e. Tiningnan 'ko naman si Levi nun na no reaction lang.

"Oo, inaalagan 'ko siya"

So yun pala yun? Kaya pala nag-promise siya sakin? Badtrip. Dahil kay Cyrus pala yun?!

"Hinahatid mo ba siya madalas?"

"Dati lang. Andyan naman yung kaibigan niya para ihatid siya e"

Nakatingin si Levi sakin nun na parang ako yung kinakausap niya. Naiinis na ako. Yun pala ang dahilan. Dahil kay Cyrus pala?! Umaasa nga ako sa wala.

"Aaahh. Ayaw 'ko ng may lumalapit sa kanyang ibang lalaki ha. Ikaw lang ang lalaki na pwedeng maiwan kasama niya"

Kaya din pala sinabi niya yun nung kausap ako ni Yohan. ARAY.

"Oo, alam 'ko yun"

Nakatingin lang siya sakin nun. Gusto 'kong umiyak nun sa harapan niya. Kasi nakakainis lang e. He's gay, he's been using me and lahat pala ng ginagawa niya ay favor lang sa kanya ng pinsan niya.

"Nice one 'tol. Wag kang mai-in love sa kanya ha?"

Lumayo ako bigla kay Cyrus nun at tinanggal yung kamay niya mula sa pagkaka-akbay niya sakin. Ano naman ang susunod na sasabihin ni Levi ngayon? Pare-parehas kami nina Fuchsia at ni Rose na naghihintay ng sagot niya.

Tumigin sakin si Levi nun.

"Hindi talaga ako mai-in love sa kanya"

Nakatingin pa rin siya sakin nun. Gusto 'ko siyang hampasin nun pero wala naman akong magagawa e. Ganyan talaga siya kamanhid para maramdaman yung feelings 'ko













"Aalis na ako. Wag niyo na akong ihatid" then, I walked out.

No comments:

Post a Comment