Sunday, June 19, 2011

Chapter 31

I knew it. Alam 'ko naman talaga e. Sino ba ang niloloko mo, Ingrid? Syempre, hindi talaga siya gay. May gusto siya kay Rose e. Siguro sinabi niya lang sakin na gay siya para lumayo ako sa kanya. Pero siguro na-realize niya na kahit anong gawin niya, hindi pa rin ako nalayo sa kanya. Pinagdidiinan 'ko pa kasi yung sarili  'ko sa kanya. Bakit makikisiksik ako sa elevator kung may stairs naman?

"Ah"


Wala akong masabi. Gusto 'kong magalit sa kanya pero wag na lang. Nakakapagod na rin kung palagi akong maiinis at magagalit sa kanya.

Medyo nawala ako sa mood at pumasok na din ako dun sa mismong kwarto. Magtutuloy-tuloy na sana ako kaso bigla naman siyang nagsalita.

"Hindi mo pa ba babatiin si Rose?"

Napatingin ako sa kanya ng diretso. All this time, si Rose ang iniisip niya. All this time, si Rose talaga ang gusto niya. Yun din kaya ang dahilan kung bakit palaging pinagdidiinan sakin ni Rose si Levi? Na-feel kaya niya talaga na may gusto sa kanya si Levi at kailangan na siyang gumawa ng move para layuan siya ni Levi? At siguro ginamit niya lang ako noon. Napa-sigh ako nun.

"Bahala na. Sa ngayon, naguguluhan pa ako kung anong nararamdaman 'ko."

Wala akong kabuhay-buhay nung nagsalita ako. Wala na kasing malinaw sakin e. Nakakainis. Parang bawat tao na nakapalibot sakin, merong mga kanya-kanyang sikreto.

"Alam mong gusto kita pero sana..."

Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko. Parang nawawala na nga ako sa sarili e. Masyado akong nadadala ng emosyon 'ko. Nagkaipon-ipon na kasi lahat ng feelings 'ko sa puso 'ko e. Feeling 'ko sa larong 'to, ako ang kulelat.

"..sana wag mong ipamukha sakin na may gusto kang iba. Ang sakit kasi e"

Pigil na pigil nun yung luha 'ko. Tinalikuran 'ko siya kaagad tapos humiga ako dun sa kama. Humarap ako dun sa pader kasi ayaw 'kong makita niya ang mukha 'ko. Baka lalo lang siyang maawa sakin at gumawa pa siya ng kasinungalingan. Baka mamaya bawiin pa niya yung pag-amin niya sakin na hindi siya bading.

Hindi na siya nagsalita nun. Hindi 'ko alam kung ilang oras tumagal ang katahimikan. Basta walang nagsasalita saming dalawa. Hindi 'ko naman alam kung asan na ba siya o kung humiga na ba siya sa extra na mattress sa sahig. Gusto 'kong ipikit ang mga mata 'ko kaso mukhang may pumipilit sakin na imulat na lang ito.

"Gising ka pa ba?"

Hindi ako kumibo nun. Naramdaman 'ko na biglang gumalaw yung kama na hinhigaan 'ko. Medyo sumilip ako at nakita 'ko na nakaupo siya sa dulo nung kama.

"Sorry"

Rinig na rinig 'ko yung pagbuntong-hininga niya. Medyo nalulungkot din ako dahil sa pagso-sorry niya. Akala 'ko may sasabihin pa siya pero wala na rin pala. The next thing I knew, humiga na ulit siya dun sa mattress pero hindi 'ko naman alam kung tulog na talaga siya.

Napa-sigh na lang naman ako. Hay Ingrid, kawawa ka naman.

***

Syempre, kinaumagahan. Parang nakalimutan na rin namin yung mga nangyari kagabi. Kumbaga, erase all the memories na lang e no? Para saan pa ba 'tong 70-days OPLAN 'ko kung umamin na siya sakin na bading nga siya? Wala na. Kailangan na bang ibasura 'to o kailangan 'ko na lang ibahin yung objective? Dapat ang aim na ng OPLAN 'ko ay kalimutan na ang feelings 'ko kay Levi. Tama, diba?

"Umalis na kaya tayo. Maaga ang alis ng bus"

Mukhang dinapuan na naman ng mood swings 'tong si Levi kaya yun mabilis akong sumunod sa kanya sa paglalakad papalabas nung inn.

"Ang bilis mo namang maglakad"

Tumigil siya nun then, hinintay niya pa ako. Medyo matagal din bago 'ko siya ma-reach. Ang layo-layo niya na niya kasi, diba?!

"Grabe ka! Nakakaloka ka!"

Hindi naman niya ako pinansin nun at sabay na rin kaming pumasok dun sa bus. Sobrang lamig nga e. To think na hindi kami nagpalit ng damit at wala ng liguan 'to no! It's so kadiri! WAHAHAHA.

Magkatabi kami nun sa bus, syempre. Nakita 'ko agad yung dala niyang rose. Nakakainggit naman ang babae na bibigyan niya niyan. Syempre, si Rose yun diba?

Ang tahimik niya buong byahe. At dahil dun, tahimik na din naman ako. Walang nagsasalita samin. Swerte kami kasi wala na namang traffic at nakarating na kami kaagad sa subdivision namin. Hinatid niya ako nun sa bahay nang hindi pa rin siya nagsasalita. Tuyong-tuyo na nga yung laway 'ko e.

"Sige, salamat"

Akala 'ko magsasalita pa siya pero tumango lang siya. Then, tumalikod na rin siya para maglakad papalayo sakin. Ngayon 'ko lang naramdaman na mukhang lumalayo na nga siya sakin. Ito ba talaga ang move mo, Levi? Sige, salamat na lang sa kanya at tinutulungan niya akong makalimutan siya.

***

Pasukan na naman at tinakot na naman kami ng mga teachers sa parating na exam namin. Next week na yun at pagkatapos naman ng mga exams na 'yun ay October na. Grabe, nabibilisan na talaga ako sa oras. Binigay lang naman samin ng teacher namin sa Botany yung time niya para designan yung mga project namin. Natuwa yung partner 'ko kasi kumpletong-kumpleto yung mga flowering species namin. Napapaisip din naman ako kung naibigay na ba talaga ni Levi yung rose kay Rose. Napatingin ako sa kanilang dalawa at mukhang enjoy na enjoy talaga sila ha. Bagay nga sila.

Siguro dapat 'ko na lang silang tulungang dalaw na maging malago ang pagsasama nila. Sa paraan na 'yun, matatanggap 'ko at makakalimutan 'ko ang nararamdaman 'ko para kay Levi. Tama ako! ang galing 'ko diba? At uunahan 'ko yan sa pakikipagbati kay Rose. Whew. Isang toneladang pride ang dapat lunukin 'ko dito!

"Kanina ka pa nakatitig ha"

Medyo nagulat naman ako kay Fuchsia pero kinompose 'ko din yung sarili 'ko. Sa seat kasi ni Levi gumagawa nun si Rose ng project nila kaya medyo malayo rin kami sa isa't-isa.

"Alam mo bakla, na-realize 'ko na sobrang mali yung nagawa 'ko"

Nakita 'kong tumango nun si Fuchsia tapos hinawakan niya yung kamay 'ko.

"Masyado lang siguro akong nadala. At na-realize 'ko na kailangan 'ko na talagang mag-sorry kay Rose"

"Tama ka sa mga realization mo! Sa wakas! At last, oh my gosh! Alam mo bang miss na miss ka na namin ni Rose?!! Alam mo ba yun?! Nahirapan siya kasi may mga times na gusto ka na niyang pansinin pero pinipigilan niya para lang ma-realize mo ang mga nagawa mo!"

Napatingin ulit ako kay Rose nun at nagpatuloy na rin sa pagka-cut ng maliliit na bilog para sa design.

"Pero bakla, may isang bagay ka pa na hindi nare-realize"

"Ang ano?"

Tumingin sakin ng diretso si Fuchsia then ngumiti siya sakin.

"Na-realize mo na ba kung sino talaga ang gusto ni Levi?"

Tumango ulit siya nun with matching ngiti pa. Hindi 'ko alam kung masaya siya o ano pero alam 'ko sa sarili 'ko na nalulungkot ako.

"Oo"

Parang nag-burst yung kasiyahan ni Fuchsia nun tapos bigla niya akong niyakap. Muntik na nga akong hindi makahinga e! Grabe 'tong baklang 'to?! Siya lang naman ang nagsasaya e.

"Sa wakas, namulat ka rin sa katotohanan! Sa katotohanan na ang gusto ni Levi ay--"

"--ay si Rose. Yun ang totoo. Matagal 'ko nang alam"

Napatigil nun si Fuchsia na parang nagtataka pa siya dun sa sinabi 'ko. Yung tipong hindi pangalan ni Rose ang ine-expect niya. Anong ine-expect niya? Si Vyra?!

Bigla siyang humawak dun sa noo niya tapos nag-gesture siya na parang namromroblema na siya sakin.

"Nakakaloka ka talaga! Wala ka talagang alam sa word na `obvious` at `halata`, ano? GRABE!"

"Bakit? Obvious naman yun ah? Ikaw ang nakakaloka dyan! Tumulong ka na sa partner mo. Naggugupit pa ako!"

Sari-sarili naman kaming balik sa mga ginagawa namin. Hay nako. Marami kaya akong alam sa word na `obvious`. Obvious naman na may gusto talaga si Levi kay Rose, diba?

***

Lunch break na nun. Nakita 'ko agad nun si Rose at si Fuchsia na nakaupo sa table namin palagi. Napasigh ako nun. Kailangan 'kong ipunin lahat ng pride 'ko at uupo na talaga ako sa table na yun. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila dala yung tray 'ko. Halatang nagulat nga si Rose nung nilapag 'ko yung tray 'ko e.

"Ingrid?"

Ngayon 'ko lang ulit narinig yung boses niya. Nakaka-miss rin pala. Tumabi ako sa kanya nun then bigla 'ko siyang niyakap. Niyakap 'ko siya nang sobrang higpit. The next thing I knew, unti-unti nang tumutulo yung luha 'ko.

"Ingrid, wag ka nang umiyak"

Feeling 'ko nagtitinginan samin yung mga tao. Yung tipong lahat sila ready na sumagap ng kakaibang chismis.

"Sorry talaga. Sorry talaga. Sorry talaga"

Pinat niya ng dahan-dahan yung likod 'ko. Kasi ikaw Ingrid e, nakakahiya tuloy. Ang daming nanunuod ng pagdradrama mo ngayon.

"Ang drama niyong dalawa, nakakaloka"

Napatingin kami nun ni Fuchsia na pinipigilan lang naman yung luha niya. Ang baklang 'tong talaga?!

"Makikisali ka pa e!!"

Parang kaming mga babies nun na nag-iiyakan. Tapos mukhang nababaliw na din kami kasi sinasamahan pa namin ng tawanan. Kung makapagpatawa kasi si Fuchsia e, wagas na wagas!

Parang nawala nun yung bagay na nakabara at nakakapagpabigat sa damdamin 'ko. As of now, I'm really feeling ok.

***

Ganun lang kabilis ang lahat. Ewan 'ko ba, basta sobrang sumaya ako ngayong araw. Binalik 'ko lang yung tray 'ko dun sa may cafeteria. Then medyo late 'ko nang na-realize na katabi 'ko lang pala si Yohan nun at naglalagay rin siya ng tray niya.

"Yo."

Expected 'ko na 'yan kay Yohan e.

"Hey you"

"You're back"

Grabe ha. Parang ang tagal 'kong atang nawala!

"Matagal ba 'kong nawala?"

Ngumiti siya sakin then tumingin siya sakin ng diretso.

"Matagal kang nawala sa sarili mo but I'm glad to say na you're back..."














"I miss you Miss Ingrid Alitagtag"

No comments:

Post a Comment