Sunday, May 29, 2011

Chapter 10

"Ms.Ingrid Alitagtag, SOBRANG HABA NA TALAGA NG HAIR MO!"


Oo, yan yung sinabi sakin ni Fuchsia nung dumating si Cyrus sa mismong school namin ng dismissal, 2 days after sinabi sakin ni Ate Ivette na in love nga daw 'to sakin. Hindi naman ako gaano makapaniwala kasi isang beses pa lang naman kami nagkakasama e tsaka si Ate Ivette talaga dapat ang magustuhan niya. Wala ng iba.

Naka-uniform pa siya nun ng St.Clair at maraming kababaihan ang nakatitig lamang sa kanya habang nilalapitan niya ako. Medyo naiinis nga ako e. Nagkaroon na nga kami ng issue ni Levi tapos magkakaroon pa ba ako ng Issue kay Cyrus.

"Hi Ingrid! I missed you"

Nakakaloka. In-english pa ako! Nagbubulungan na yung mga tao sa paligid. Badtrip, ayaw pang magsi-uwi e!

"Nakakaloka naman yun bakla! He misses you daw!"

Hay nako Fuchsia. Nakakahiya lang e. As usual, tahimik nun si Baby Rose. Panigurado ako e babanat na naman 'yan mamaya sakin na si Levi na lang magustuhan 'ko at wag na si Cyrus.

"Ay gumaganon. Nakakaloka. Bakit ka pala nagpunta dito?"

"Ano ka ba, bakla?! Wala ka bang common sense?! Syempre, pumunta siya dito kasi miss ka na nga niya"

Napatawa naman nun si Cyrus. Ayy, si Fuchsia ata e may crush sa lalaking 'to e. Ang bakla talaga. Hmf! Pero oops, off limits yan no. Para sa ate 'ko na talaga 'yan. Ang problema 'ko na nga lang e kung paano 'ko sila paglalapitin.

"Tama siya. By the way, what's your name?"

Tanong nito kay Fuchsia na mukhang kinikilig ang pwet! Landi talaga ng joklang 'to e.

"I'm Fuchsia Valarao. *beautiful eyes*. And eto yung friend namin, si Rose"

Ngumite naman si Rose nun pero mukhang hindi nga niya ka-vibes si Cyrus. Mabait naman si Cyrus e. At magiging isang mabuti siyang kaibigan panigurado. Pero hanggang dun na nga lang.

Hindi 'ko naman na naintindihan yung mga pinagsasabi ni Fuchsia at ni Cyrus. Parang tumigil kasi yung mundo 'ko nung nakita 'ko si Levi e. Nakatigil siya at nakatitig lang samin 5 meters away mula sa likod ni Cyrus. Nakatitig nga siya sakin e and as usual, emotionless pa rin yung face niya.

Gusto 'ko siyang tawagin nun. Kung bakit e, ewan 'ko. Trip 'ko lang siguro. Kaso bigla na lang siya tumalikod at mabilis siyang lumabas ng school gate namin. Now what's with that? Bakit may kakaiba akong nararamdaman sa mga kilos niya.

This past few days e hindi niya ako masyado kinakausap. Minsan naman e huling-huli 'ko siya na palaging nakatingin sakin. Nakakaloka lang e. Tapos iba yung aura niya e. Basta parang nag-iba siya. Pero syempre, yung emotionless face niya e andun pa rin. Yun lang ata ang hindi nagbago.

"Oh ano, Ingrid? Lika na?"

Nagulat naman ako dun. Sandali kasing lumipad yung isip 'ko e.

"Ha?"

Napasimangot naman nun si Fuchsia. At napangite naman si Rose nun. Sigurado ako e kampi si Fuchsia kay Cyrus samantalang si Rose naman e kampi kay Levi.

"Sabi 'ko kasi ihahatid kita e"

Medyo nagulat ako dun pero tumango na rin lang ako. Nakakaawa naman e. So yun, nagba-bye na din naman ako kay Fuchsia at Rose. Tapos yun sabay na kaming naglakad ni Cyrus. Ang daldal nga niya e, pero hindi na rin naman ako nakikinig. Lumilipad kasi talaga yung isip 'ko. Ano bang ibig sabihin ng mga kinikilos ni Levi? Medyo nakakailang na kasi e. Kahit na 2nd week pa lang ngayon e, nasanay na ako sa kayabangan niya.

"Tapos eto pa ha, ang kulit kasi talaga ng pinsan 'ko na--. Andito na pala tayo"

Nagulat din ako dun ah. Andito na pala kami sa tapat ng bahay 'ko. Haaayy, mukhang lalampas pa nga ata ako sa bahay 'ko kakaisip sa Levi na yun e. Bothered na talaga ako!

"Oo nga no. Hindi 'ko napansin. Sige, salamat"

"Pasensya hindi mo napansin dahil sa mga kwento 'ko. Sige, babye"

Nginitian 'ko lang siya. Haaayyy, sana alam niya na hindi talaga ako nakinig sa mga kwento niya. At sana alam niya na all along e, hindi 'ko man lang naramdaman yung presensiya niya.

***

Dumating din naman yung Acquaintance Party namin. Humiram lang naman ako ng isang white na dress kay ate na merong design lang sa taas. Simple but elegant yung design. Bagay na bagay sa character 'ko. (Click here)

So yun, pumunta din ako sa school namin. Hinatid pa ako ni papa kasi protective siya sakin. 4 pm kasi magsta-start yung party e. Feeling daw niya e merong mga taong ulol na biglang lumapit sakin. Ang wild lang ng imagination e. Hahaha.

Then pumasok ako sa Gym. Dun kasi gagawin yung boring na acquaintance party pero ok na din. At least, wala kaming pasok kanina. Pabonggahan ng suot yung iba, akala mo e prom na. Tapos yung iba ata e pina-ayos pa yung buhok sa parlor. Samantalang ako e, nakalugay lang. Nakita 'ko naman si Rose nun na naka-yellow na dress. Sobrang cute nga niya e.

"Ang ganda mo naman, Ingrid! Sigurado akong mai-in love sayo si Levi niyan"

"Baby Rose ha!"

Hay nako. Si Rose talaga e. Tama bang ipagpilitan sakin si Levi? Speaking of Levi, nahanap agad siya ng mga mata 'ko. Kausap niya yung mga sikat tapos kasama niya si Vyra at Yohan. Ewan 'ko ha. Hindi 'ko maintindihan kung anong meron sa kanila ni Vyra.

Nakatitig lang naman ako kay Levi nun. Ewan 'ko ba sa sarili 'ko. Siguro pwede mo na ring sabihing crush 'ko siya. May itsura din naman kahit papaano e. Pero siguro hanggang dun na lang. Andyan si Yohan na ideal guy 'ko naman talaga.

Nailang ako bigla kasi bigla rin saking tumingin si Levi. Nanlaki yung mata niya tapos naging back to his serious face ulit siya. Kung ano man ang ibig sabihin nun e hindi 'ko alam. Bahala na ang buong Justice League sa kanya.

Nagsimula na din naman yung program. Merong mga games tulad ng Bingo na maghahanap daw yung mga freshman ng mga seniors na ang name e nagsta-start sa kahit anong letter example ng L at I. Sa katunayan e, isa ako dun. At isa na din si Levi dun. Kaya naman dinumog kami ng mga first years. Sumakit nga yung kamay 'ko kakaprima sa mga Bingo cards nila e. Ang dami tapos nagkakatulakan pa. Feeling 'ko masisira na yung dress na suot 'ko e. Lagot ako kay ate nito. WAHAHA.

Nagpatuloy yung iba pang games. Hindi naman ako sumasali kasi boring yun. After mga two hours e, merong mga nag-perform na elementary na hindi 'ko naman maintindihan kung nakanta o natula o nasayaw. Magulo e. HAHAHA. Then, nag-proceed din sa awarding. Awarding such as yung 'Best Dress' o 'Best hair'. At ang pinakahihintay ng lahat e yung Ms. & Mr.Congeniality. Kumbaga, yung may pinakamarami daw nakausap na ibang taga-year level.

For three consecutive years e, si Yohan palagi ang Mr.Congeniality. No doubt na siya ulit ngayong year no! Ang swerte nga e, kasi yung miss and mr. Congeniality e nagsasayaw. Bale kung sa prom e, sila yung prom queen and king.

"So the Miss Congeniality award goes to <*pekeng drumroll>"

May mga ibang babae na nagdadasal pa. May mga iba naman e over confident na sila na nga yung mabibigyan ng award. At may mga babae na katulad 'ko na wala namang pakielam kung sino magkakamit nung award.

"To Miss Ingrid Alitagtag"

Uhhh. Who cares? Sino ba yo-- WHAT?!

"Baklaaaa!! Hindi ako makapaniwala?!"

TALAGA? AKO NGA?! Tumayo naman ako nun tapos pumunta ako dun sa gitna. Nakakahiya nga e. Kung makatingin sakin yung mga tao e parang may talking zit ulit sa ulo 'ko. Natutuwa naman ako kasi sigurado akong si Yohan na yan. Tapos... Tapos.. TAPOS MAKAKASAYAW 'KO SIYA! I'm so happy :"> Nakatingin naman ako kay Rose at Fuchsia nun na nag-"aja" gesture sakin. Ngumite lang naman ako.

"And the mister congeniality award goes to <*pekeng drumroll>"

Yohan Neil Lazaro
Yohan Neil Lazaro
Yohan Neil Lazaro
Yohan Neil Lazaro *crossed fingers*

"To Bryan Levi Rextor"

Yohan Neil Lazaro.
Yohan Neil-- YES!!


Teka, ano daw? Bryan Levi Rextor?

Nagpalakpakan yung mga tao tapos naghiyawan yung mga classmates 'ko na nang-aasar saming dalawa. Kung minamalas ka nga naman oh. Lumapit naman nun si Levi sakin pero hindi niya ako pinapansin.

"You may now start the dance"

Nakita 'kong lumunok nun si Levi. Rineach out niya yung kamay niya tapos dahan-dahan 'ko namang kinuha yun. And unti-unti na ding nag-start yung music.

You, by the light
Is the greatest find
In a world full of wrong
You're the thing that's right

Nahihiya nga ako nun e. Hindi naman kasi talaga ako mahilig magsayaw. Nagkatamaan nun yung mga tingin namin. Gusto 'ko siyang tanungin ng mga sandali na yon kung ano bang meron sa kanya pero hindi 'ko magawa. Feeling 'ko nawawalan kasi ako ng breath kapag ganito siya kalapit sakin.

Finally made it through the lonely
To the other side

"Ingrid"

"Hm?"

You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark

May mga couples na sumunod samin sa pagsasayaw. Lumunok naman ako nun. Nakakailang talaga e. Pero sa wakas, e kinausap niya na din ako.

And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life

"Wala"

"Bakit pakiramdam 'ko nalayo ka sa'kin?"

And this could be good
It's already better than that
And nothing's worse
Than knowing you're holding back

Hindi 'ko na kasi talaga ma-take yung fact na linalayuan niya ako e. Ewan 'ko ba.

"Linalayuan ba kita?"

Tumango naman ako sa kanya. Totoo naman e, tapos yung mga glances niya e sobrang weird talaga. Pakiramdam 'ko tuloy naasa ako sa kanya. Naasa ako na kahit papaano e may something. Alam mo yun. Yung spark. Kahit na kasing lakas lang ng ground sa kuryente.

"I have my own reasons"

I could be all that you need
If you let me try

Undefined pa din yung sagot niya. Ang labo talaga e. Haaayyy.

"Ano naman yun?"

"Wala ka na 'dun"

Undefined na nga, masungit pa! Haaayyy buhay nga naman oh! Parang life!

You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark

"But you look incredibly pretty today"

Napatigil naman ako nun. Tapos sobrang lakas ng pagtibok ng puso 'ko. Yung tipong, may fireworks na namumuo sa left chest 'ko. Basta. Ang hirap i-explain.

And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only

Tumigil siya nun sa pagsasayaw then ngumite siya sakin. And umalis na din siya sa harapan 'ko. Hanggang ngayon e nagsa-suffer pa din sa palpitation 'tong puso 'ko. Ang hirap i-explain. Tapos sobrang gulo pa ng utak 'ko. Natulala nga ako dun sa gitna e. 

Ok lang kahit na hindi namin natapos yung kanta kasi feeling 'ko e sasabog na 'ko kapag nagtagal kami. So yun, napagpasyahan 'ko na umupo muna.

Napahawak ako nun sa ulo 'ko. What's wrong with me? What's wrong with Levi? Bakit ganun siya? Binibigyan niya ako ng sakit sa ulo. Binibigyan niya ako ng dahilan para magustuhan 'ko siya... Binibigyan niya ako ng motibo na may tsansa ako kahit maliit sa kanya... Bakit siya ganon?

"May I have this dance?"

Rinig na rinig 'ko nun ang pagyaya niya kay Vyra. Agad 'tong tinanggap ni Vyra at nagsayaw sila dun sa gitna.

Hayyy, bakit siya ganon?













Binibigyan niya ako ng dahilan para umasa at masaktan...

No comments:

Post a Comment