Friday, August 12, 2011

Chapter 50

Of all people ng nasa bahay, bakit ako pa? Bakit ako pa ang dapat parusahan ng ganito?! Christmas eve na Christmas Eve pero feeling ko end of the world na. Sobrang bata ko pa para magkaroon ng arranged marriage.

"Ma, joke ba yan?" nagbabakasakali ako na hindi seryoso yung mga sinabi nila pero umiling sila. At mukha pa silang masaya, ha! Ano ba ang kasaya-saya dun?! Hindi ba nila iniisip na may soon-to-be-groom na ako at si Levi yun. Wala ng iba.

"We are not joking, Ingrid. Pasensya talaga pero this will be best for you. Sigurado naman ako na magugustuhan mo siya kasi--" ayaw ko ng marinig ang mga kasunod na sasabihin ni mama.

"Wala akong pakielam, ma. Bakit ako pa? Bakit hindi si ate Ivette?!" napaurong naman nun si ate Ivette. Mukhang ayaw niyang saluhin ang gulo na binibigay sakin nila mama at papa. Bakit sila ganito? Magulang ko ba talaga sila?! "O ikaw na lang mama ang magpakasal sa lalaking yun kasi ako, ayaw ko talaga. Tsaka hindi na uso ang fixed marriage, diba?!"


"Pero nakausap na namin ang parents ng lalaking yun at ikaw ang napili ng parents niya. Tsaka Ingrid, wag kang magsalita ng ganyan sa mama mo. Alam namin ng mama mo kung ano ang best para sayo"

"At ito ang tinatawag niyong best para sakin? Hindi 'to the best. Nakakainis lang." naghahalo-halo yung mga emotions ko. Paano na kasi kami ni Levi kung mapupunta rin naman ako sa iba?

"Siguro mama. Suggestion ko lang na hintayin niyo munang maging ready si Ingrid para sa mga bagay na ganyan" sabi naman ni Ate Ivette. "4th year high school pa lang si Ingrid and wala pa siyang kaalam-alam tungkol sa fixed marriage. Alam kong mahirap yan pero pwede naman siguro na mag-invest muna tayo ng time. Time para makapagpasya si Ingrid"


"Hindi ko kailangan ng time para magisip at magpasya dahil iisa lang naman ang sagot ko. Ayaw ko ng fixed marriage. Kayo na lang ang magpakasal basta ako, ayaw ko" mabilis akong tumayo at padabog akong pumunta sa kwarto ko.

Hindi ko naman na narinig ang boses ni mama at ni papa. Nakakainis naman kasi talaga eh. Sobrang bata ko pa para sa bagay na yun at hindi na talaga uso ang fixed marriage! Hindi naman ako magiging masaya sa lalaking ipapakasal nila sakin eh. Kay Levi lang naman ako magiging masaya.

Itutulog ko na nga lang 'to. Hindi ko tuloy ma-enjoy ng tuluyan ang Christmas na 'to dahil kina mama. Humiga ako sa kama ko at hindi ko na naisipang palitan man lang yung damit ko. Dyahe lang kasi kung magpapalit lang. Napatingin ako dun sa kisame at mukha lang ni Levi yung nakikita ko. Hindi naman sa mukhang kisame si Levi, ok?! Sadyang naiisip ko lang talaga siya.

Naiisip ko yung reaksyon niya kapag sasabihin ko na may iba na akong mapapangasawa. Siguro magagalit siya sakin at isusumpa niya ako. Siguro iiwan niya na nga ako. Bakit ba ang daming hadlang samin? Bakit ba parang hindi talaga kami meant to be sa sa isa't-isa? Yung tipong may pumipigil sakin at may pumipigil din sa kanya na sumaya.

***

December 28

Tapos na ang Christmas. Hindi ko nga na-feel eh. Ayun, hanggang ngayon hindi ko pa rin kinikibo sina mama at papa pero mukhang pinapalipas lang nila. Patiisan ba ang gusto nila?! Ibibigay ko yun, basta ayaw ko talagang magpakasal sa iba.

Lumabas muna ako ng bahay namin. Ewan ko ba. Ang daming bad vibes sa bahay eh. Anong mangyayari sakin kung magpakasal ako sa iba? Anong sasabihin sakin ng mga schoolmates, batch mates at classmates ko?! Masisira na ang magandang reputsayon ko sa kanila.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang tahimik na park. Huminga ako ng malalim at mukhang ngayon lang ako nakasinghot ng fresh air. Wala masyadong tao. Medyo maaga pa rin naman kasi eh. Puro mga couples na nagjo-jogging ang nakikita ko. Meron din namang mga tao na pinapasyal ang mga alaga nilang hayop.

Maraming aso ang nagkakadevelopan katulad ng bulldog at poodle na pinapasyal ng isang babae at isang lalaki na mukhang nagkaka-in love-an na din. Meron ding dalawang matanda na nagpi-picnic malapit  sa may lake. Ang sweet nga nila eh. Aabot kaya kami ni Levi sa puntong 'yan? Napatingin ako sa mga puno tila tinitingnan ako. Sana maging puno na lang ako para hindi ako nasasaktan. Sana naging manhid na lang ako.

Umuwi na rin naman ako ng bahay namin. Wala naman akong mapapala sa mga puno. Hindi ko naman sila makakausap tungkol sa problema ko. Pero ok na din. Kahit na wala akong nakausap sa park, medyo gumaan pa din yung pakiramdam ko.

Mukhang nawala na rin sina mama at papa (which is good). Kami lang ulit ni ate Ivette ang nasa bahay. Busy naman siya nun habang nanunuod ng tv pero dahil gusto ko ng kausap, guguluhin ko muna siya.

"Ate"

"Hm? Mamaya ka na. Busy pa ako" humiga naman ako sa lap ni ate nun.

"Ate, paano ko sasabihin kay Levi na hindi kami pwede?" mukhang hindi talaga ako matitiis ni ate pagdating sa mga bagay na ganito.

Umupo ako ng maayos at tumingin ako ng diretso kay Ate Ivette. Kailangan ko talaga ang advice niya.

"Mahirap kasi yan eh. Pero matagal pa naman eh. Nakausap ko na si mama tungkol sa fixed marriage na yan. Ok lang na wag mo munang i-meet ngayon yung lalaki. Siguro kung nasa 20s ka na. Malay mo... Baka magbago ang ihip ng hangin sa inyo ni Le-- Hindi ko sinasabi na iiwan ka niya pero-- Ang hirap naman... Nagbabago kasi ang rotation ng mundo natin eh... Minsan maganda ang nangyayari. Minsan pangit naman. Hindi natin alam ang mga sunod na mangyayari" napatango na lang ako kay Ate Ivette. Tama ang decision ko na sa kanya ako kumuha ng advice.

"Kailangan ko lang maging ready kung hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Ang hirap naman oh" pero lumuwag naman yung damdamin ko. mukhang hindi ko muna proproblemahin yung fixed marriage (sa ngayon lang). Ie-enjoy ko na lang muna ang buhay ko nang kasama si Levi. kailangan ko lang na magtiwala sa kanya. Kailangan ko lang na maging loyal sa kanya. Yun lang.

***

New Year

Napagkasunduan ng barkada na sa bahay nila Fuchsia mag-new year ang lahat. Ok naman sa mga parents namin dahil kilala naman nila ang makakasama namin. Ang saya nga eh. Kasama kong mag-new year sina Levi, Fuchsia, Rose, Yohan, Vyra at Ate Ivette. 

"Yohan!!! Ano ba?! Hindi ka ba marunong?!" joined forces naman si Yohan at Fuchsia sa pagse-setup ng mga fireworks. Ano ba yan?! Pinagsama kasi ang bakla at isang taong bano sa bagay-bagay (except badminton and academics. top 1 ata namin yan!)

"Fake naman kasi ata 'yang binili mo eh!" sabi naman ni Yohan.

"Jojombagin kita dyan eh. Hindi ako ang bumili, ano?! Si Vyra your loves kaya ang bumili!" hirit naman ni Fuchsia.

"Ay, original pala 'to. Ayos nga eh" sabay bawi ng mga sinabi niya kanina. Ang nagagawa nga naman talaga ng pag-ibig oh! WAHAHA.

"Fuchsia, gusto niyo ba ng salad?" tumango naman ako kay Rose at pumunta siya sa kitchen. Nakita ko naman si Vyra na nag-aayos ng mga kakainin namin mamaya sa dining area.


"Hoy" 

"Anak ng mushroom! Ano ba?! Nanggugulat 'to eh" sabi ko naman sa kanya.

"Sosyal ka, ha? Mushroom talaga" tumawa naman ako nun. Oo nga eh. Bakit ba mushroom ang nasabi ko?! WAHAHA.

Linagay ko bigla yung ulo ko sa shoulders niya. Ang sarap nga sa pakiramdam eh pati sobrang kinikilig ako. Naramdaman ko rin naman na inakbayan niya ako. ok na 'to sakin. Sapat na ganito na lang. Tatanggapin ko na ang kung ano mang meron saming dalawa. Hindi na ako maghahangad ng higit pa.

"Ang sweet niyo dyan ah. Baka langgamin kayo" nagulat naman kami ni Levi dun kaya mabilis kami na naghiwalay. Panira talaga 'to ng moment oh.

"Panira ka talaga, Vyra"

"Meron naman kasing private place para maglandian, diba? Kulit. Do it somewhere privately!" sabi naman ni Vyra tapos umalis na siya para magbigay ng salad kay Yohan.

"Bakit si Yohan lang?!! Daya ah!!" ang lakas talaga ng boses ni Fuchsia oh.

"At bakit kita bibigyan?! Hmf!" Kulit talaga ng bangayan ng dalawang yun! Total opposites pero nagkakasundo pa rin eh.

"Ang ingay dito. Tara, sa kwarto tayo ni Fuchsia" hindi naman na ako nakasagot nun.

Hinila ako ni Levi papasok sa kwarto ni Fuchsia. Nakaramdam pa nga ako ng awkwardness kasi ang tagal ng pagkakahawak niya ng kamay sakin. Ewan ko ba. Kahit na may "Mutual understanding" na kami. Nahihiya pa rin ako. Umupo naman ako sa kama ni Fuchsia na may mukha pa ni Justin Bieber. Umupo rin si Levi sa kama pero malayo ang distansya namin.

"Bakit ang layo mo sakin?"mukhang nataranta naman si Levi nun. Ang cute lang eh.

"H-ha? Akala ko kasi-- ano.. Wala" lumapit naman siya sakin. Hayyy, si Levi talaga. Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinalikan niya ito. Mabilis 'kong inalis yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Levi talaga" nakita ko naman siyang ngumiti.

"Pasensya" sabay kaming nagsigh at sabay din naming tinawanan ang isa't-isa.

"Bakit tayo natawa?!" sabi ko habang walang tigil akong humahalakhak.

"Kasi kinikilig tayo" napatigil ako sa sinabi niya at tumingin ako sa kanya ng diretso. "Tayo lang naman yung andito, diba? Pwede na ba?" nanlaki naman yung mata ko. Hala, wag niyang sabihin na-- "Pwede na ba na--ano... Ewan ko"

Napangiti naman ako sa kanya. Saan ba pupunta ang usapan na 'to kung nagkakahiyaan naman kami? Ako na ang unang lumapit sa kanya pero syempre, ayaw kong gumawa ng first move. Hinawakan ni Levi yung waist ko gamit yung kanan niyang kamay at unti-unti siyang lumapit sakin.

Kinakabahan ako. Baka kasi kung saan kami mapunta at hindi ko mapigilan ang sunod na mangyayari. Mas lumapit siya sakin then hinalikan niya ako. Nakakahilo yung pagkakahalik niya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Ang bilis mag-evolve ng halik niya samantalang ako ay hindi maka-cope up sa paggalaw ng bibig niya. Feeling ko pinapasok niya na yung kaluluwa at katawan ko. Ngayon ko lang na-realize na unti-unti na kaming napapahiga sa kama ni Fuchsia. Gusto ko nang tumigil pero at the same time ay nagugustuhan ko rin. Nararamdaman ko yung force ng labi ni Levi na unti-unting umuubos sa laway ko. Pinulupot ko yung arms ko sa leeg ni Levi at dahil dun, mas na-double yung force ng paggalaw ng labi niya. Unti-unti at dahan-dahan na akong nakakasabay sa bawat halik niya. Napapapikit na ako. Ang awkward na kasi kung hanggang ngayon ay nakamulat pa rin ako. Pakiramdam ko tinataas niya na yung shirt na suot ko pero nagawa ko naman siyang pigilan gamit yung kaliwa kong kamay.

"sorry" nagawa niya pang ibulong sakin pero tinuloy pa rin naman niya ang paghalik sa labi ko.

Ayaw ko nang matapos 'to. Pakiramdam ko ay end of the world na ang bukas kaya mas gusto kong lubus-lubusin 'to.

"NEW YEAR NA, MGA LOKAAAAA!"

Mabilis 'kong tinulak si Levi at mukhang napasobra nga eh. Sakto naman nun ang pagbukas ni Fuchsia ng pintuan. Ay jusko, buti hindi kami nahuli in action!

"Aba, mukhang busy ah" sabi naman niya samin. Napakamot naman ako nun sa ulo ko. Takte, ang gulo ng buhok ko!













"Hmmm... Anong ginawa niyo at nasa kama ko pa kayo at sobrang gulo pa ng buhok mo?" Tepok na.

No comments:

Post a Comment