Sunday, June 19, 2011

Chapter 29

"Burahin mo nga 'yan!"


Pilit 'kong kinukuha sa kanya yung cellphone niya. Nakakainis naman kasi e. Feeling 'ko sobrang dugyot ng itsura 'ko sa picture na 'yon. Bakit kasi pinanganak siyang matangkad at hindi 'ko maabot yung cellphone niya kahit na natalon na ako. Nagtitinginan na sakin yung mga classmates 'ko tapos tumatawa pa nga sila e. Napatingin ako kay Rose pero lalo lang siyang nalungkot. Bakit siya nalulungkot? Kasi hindi siya napicturan?! Kung ganon, sorry ha!

"Ang panget 'ko dyan e!"

"Ayoko nga. Sino bang nagsabi sayo na panget ka?"

Napailing naman ako nun. Alam 'kong talo ako dito. Lumayo na lang naman ako sa kanya kaagad. At umupo na lang ako sa isang bench. Buti nga hindi na niya ulit ako kinulit e. Nagsawa na siguro siya sakin. Hay nako naman.

Siguro dapat 'ko ng baguhin ang objective ng OPLAN 'ko. Siguro dapat ang aim na nito ay matanggap 'ko na si Rose at Levi nga talaga ang para sa isa't-isa. Bakit 'ko pa ba kasi dapat i-uncover ang pagiging gay niya kung halata naman na hindi talaga siya bakla? Bakit 'ko pa kailangan siyang kilalanin kung mismo siya ay halatang gagawin ang lahat para maitago ang isang bagay na gusto niyang itago?

"Ingrid, may gusto sana akong isang flowering specie na ilagay dun sa project natin kaso wala ng stock dito sa garden nila pero meron pang stock nun sa branch nila sa Manila. Pwede kaya tayong kumuha nun?"

Lumapit sakin nun yung ka-partner 'ko at nakilapit din naman sila Fuchsia.

"Oo nga. Maraming magandang flowers dun sa branch nila e. Too bad, busy kaming dalawa ng partner 'ko. Gusto 'ko sana kumuha rin ng flowers dun e"

"Ingrid, pwede ka bang pumunta dun? Promise ako na gagawa ng design. Please?"

Mukhang mapapasubo pa ata ako sa mga 'to at uutusan pa nila akong bumili ng mga flowering species nila! Pero wala naman akong magagawa. Wala naman akong maitutulong pagdating sa Design at kung anu-ano e.

"Sige. Sa Saturday. Bigay niyo sakin yung listahan pati syempre, yung bayad no?"

Nagusap-usap sila nung partner niya while yung partner 'ko naman ay naglilista ng mga bibilhin 'ko.

"Fuchsia, pakilista naman dyan yung flower na 'to oh"

Narinig 'ko nun si Rose na nagsasalita. Mukhang nahihiya pa talaga siya saking magbigay ng sarili niyang listahan. Medyo nababagabag na ako ng konsensiya 'ko. Hindi naman kasi tama 'to eh. Ang sama 'ko talaga.

"Sasama na lang ako sa pagpunta dun"

Nagtinginan kaming lahat kay Levi. Hindi 'ko alam kung joke ba 'tong sinasabi niya o sadyang malakas ang trip niya ngayon.

"Ay, wag na lang. Kaya 'ko na--"

"Levi, samahan mo na siya. Baka kung ano pang mangyari sa kanya"

Napatingin naman ako nun kay Rose. Hindi 'ko alam kung ano ng sasabihin 'ko basta sobrang lakas ng pagtibok ng puso 'ko.

"Narinig mo naman. Sasamahan kita"

Wala naman akong nasabi sa kanya. Basta binigay na lang sakin nung partner 'ko at ni Fuchsia yung listahan ng mga flowers then umuwi na rin kami. Masyado akong tahimik nun. Mukhang pasan 'ko na ang buong daigdig sa sobrang bigat ng damdamin 'ko.

Linakad 'ko lang mula terminal ng tricycle papunta ng bahay namin. Gusto 'ko lang kasing pumatay muna ng oras kahit saglit lang. Gusto 'ko rin muna makapagisip. Habang naglalakad ako, biglang tumunog yung cellphone 'ko.

From: Levi
sunduin kta s sat

Napasigh naman ako nun. Sa lahat ng ayaw 'ko sa panahong 'to ay siya lang yung kasama 'ko. Naiinis kasi ako sa kanya e.

Hindi 'ko naman siya nireplyan nun at mabilis 'kong binulsa 'yung cellphone 'ko ng makita 'ko na agad ang gate ng bahay namin.

"Andito na 'ko"

***

Saturday na ngayon. Usapan namin ni Levi ay susunduin niya ako sa bahay ng 9 AM pero ayaw 'kong sumabay sa kanya kaya 8:30 AM pa lang lumabas na ako ng bahay para tumakas sa kanya. Pero mukhang wala akong magagawa kasi andun na siya kaagad sa labas ng bahay namin.

"Oi"

Nakakabanas 'tong lalaking 'to. Bakit sobrang aga?!

"Alam 'kong may posibilidad na tumakas ka sakin kaya inagahan 'ko na din"

"Kung umasta 'to parang kilalang kilala mo na ako ah"

"Kilalang-kilala na kita"

Napailing na lang naman ako nun. Wala akong magagawa. Dapat 'ko siyang sabayan ngayon. Sumakay kami ng tricycle nun para ihatid kami sa terminal ng bus then yun syempre, sumakay kami ng bus.

Inaantok nga ako nun kaya medyo pumipikit pa yung mga mata 'ko.

"Mukhang maaga ka talagang gumising ah"

Hindi 'ko naman na siya sinagot at nakakasira siya sa mood 'ko.

"Hindi ka pa ba makikipagbati kay Rose"

Inirapan 'ko lang siya nun. Ayaw 'ko kaya ng topic na ganito. Nakakainis e!

"Wag mo 'kong kausapin. Matutulog muna ako"

Bigla niya akong inakbayan nun tapos gamit yung isa niyang kamay, nilagay niya yung ulo 'ko sa shoulders niya then pinatong niya din yung ulo niya sa ulo 'ko.

"Tara tulog"

Sobrang lakas ng pagtibok ng puso 'ko. Mukhang nawala yung antok 'ko nung ginawa niya yun. Badtrip. Bakit siya ganito?! Bakit nagbibigay ka na naman ng motibo?!

Sa hindi nalalamang dahilan, mulat na mulat pa rin ako nun. Napatingin ako kay Levi na mulat na mulat din naman.

"Hindi naman tayo natutulog e. Layo ka na"

Mas humigpit nun yung hawak niya sakin.

"Saglit lang. 5 seconds lang."

Medyo kinakabahan ako nun. Iba kasi talaga yung nararamdaman 'ko e. Sobrang hirap i-explain.

"5...4...3..."

Tumigil siya nun ng sobrang haba. Yung tipong tapos na talaga ang 5 seconds pero hindi pa rin siya nabitaw sakin.

"5...4...3..."

Nanlaki yung mata 'ko nun. Inulit niya lang e?!

"5...4...3..."

"Levi"

Nag-pause siya nun sa pagbibilang pero hindi pa rin siya nabitaw sakin. Napasigh ako nun. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, gusto 'ko pa rin yung feeling na 'to.



Kahit na alam 'kong mali.



Pero bakit nga ba mali?



Ewan.













"5...4...3..."

No comments:

Post a Comment