Saturday, June 4, 2011

Chapter 28

"Sis, nakakaloka talaga. Alam mo yung tipong mamatay na ako sa sobrang sakit ng mga sinasabi niya. As in, alam mo yung pinapamukha niya talaga sakin na hindi ako kapansin-pansin. Hay nako, may chance pa kaya na magustuhan ako ni Cyrus?"


Kakauwi lang namin ni ate nun sa bahay. Wala ako sa mood nun magsalita. Simula nung sabihin ni Levi na gusto niyang maging sila ni Rose, nawalan na ako ng ganang mabuhay. OA? Pasensya naman.

"Tapos grabe! Gusto 'kong mainis at magalit sa kanya pero wala naman akong magagawa e. Nagsisisi na talaga ako na hindi na lang ako yung nakipagkita sa kanya. Basta sis, wag kang ma-in love kay Cyrus. Ok?"

Tumango naman ako nun. Hay nako, asa namang magkagusto ako sa Cyrus na yun e.

"Sis, bakit ba sobrang tahimik mo dyan?"

Napasigh naman ako nun. Sabay kaming pumasok ng kwarto then nagpalit na din kami ng damit. Magkasabay pa nga kami e.

"Ewan 'ko. Naiinis na kasi ako e"

Maya-maya naman ay tumulo na yung luha 'ko. Feeling 'ko kanina 'ko pa gusto 'tong ilabas e. Ang hirap magpigil ng iyak nun no. Lumapit naman sakin si ate nun. Halata sa mukha niya na nag-aalala siya para sakin.

"Hey, bakit ka naiyak? Tama na"

Tapos niyakap niya ako nun pero waepek pa rin naman e. Nakakainis talaga 'tong luhang mga 'to.

"In love ka na ba kay Cyrus? Hayyy, alam 'ko namang dadating sa panahong 'to pero sis, ok lang. Sige, ma-in love ka sa kanya kung ikasasaya mo ya--"

"Hindi sa kanya ate"

Nagkatinginan kami nun ni ate Ivette, pinahid 'ko yung mga luha 'ko nun. Ang swerte talaga ni Levi oh, akalain mo yun iniyakan 'ko siya!

"Ate, si Levi ang gusto 'ko. Kaso una, bawal kami dahil kay Cyrus. Tsaka siguro kahit ano namang mangyari, hindi niya ako magugustuhan kasi si Rose nga yung type niya. Yung maganda, mayaman, matalino, talented at sporty. Tapos wala pa rin ako masyadong alam sa kanya. Tsaka mukhang nagawa niya pang magsinungaling para lang ipagtabuyan ako"

Sigurado ako na hindi talaga siya gay. He was bound to be in love with a girl. Pero hindi ako yung girl na yun.

"Sorry if I have been making things harder for you"

Yinakap niya ulit ako nun tapos tinap niya yung shoulders 'ko. Hindi 'ko naman talaga sinisisi si Ate Ivette e. Ok lang na nakipagswitch ako sa kanya. Tsaka kasalanan 'ko rin 'to, hindi dapat ako na-in love sa isang lalaki na walang binibigay kundi puro motibo para paasahin ka.

"Siguro magiging ok kayo ni Levi kung hindi kita inutusan na i-meet si Cyrus"

"Hindi rin sis. Hindi naman niya ako magugustuhan e"

Humiwalay ako nun kay Ate Ivette then humiga ako dun sa kama 'ko. Pwumesto talaga ako ng nakatapat dun sa ding-ding para walang makakita sakin. Iyak ako ng iyak nun. Sa lahat ng pwedeng magustuhan ni Levi, bakit si Rose pa?? Bakit yung bestfriend 'ko pa? Pwede namang si Vyra para hindi na big deal sakin? O pwede namang ako? Bakit hindi na lang ako?

***

Back to classes na rin namin. As usual, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Rose. Ang taas talaga ng pride namin no? TSK.

"Bakla, magbati na kasi kayo"

Botany Class lang namin. Nakakainis lang e. Napagkasunduan kasi nilang lahat na sabay-sabay na kaming tatlong pair na mangolekta ng mga Flowering Plants mamayang dismissal namin. Makakasama pa namin sila Levi. Hindi 'ko naman na muna pinansin si Fuchsia nun kasi gusto 'ko lang iwasan muna yung topic na yun.

Umabot din kami sa Lunch Break. Hindi naman matigas ang mukha 'ko para sumabay kay Fuchsia at Rose. Uulitin 'ko, ok lang sakin ulit na sila ang magkasama. Mas kailangan ni Rose si Fuchsia e.

So mag-isa akong kumain nun sa pinakadulo nung cafeteria. Yung tipong puro outcasts lang yung katabi 'ko. Wala nga akong kilala sa kanila e.

"Yo. Kawawa ka naman. Wala kang kasama. Sasamahan na nga kita"

Nagulat naman ako nun kasi biglang umupo si Yohan sa chair sa tapat 'ko. Ang kulit lang e. Nagtitinginan tuloy samin yung mga tao.

"Ngek. Ang adik mo ha"

"Kasi naman no, kung makipagbati ka na lang kay Rose ng magkaliwanagan na kayo diba?"

"Hayaan muna natin yun. Wag na natin pagusapan 'to"

"Hay nako. Mahirap na kalaban talaga ang pagseselos"

Pftttt! Parehong-pareho talaga 'tong si Yohan at Vyra e! Iba nga lang yung approach nilang dalawa sakin. Pero feeling 'ko, isa lang yung pinaparating nila sakin.

"Nagseselos ka kay Levi at Rose diba?"

Umiling naman ako nun. TSK. Nagseselos ba ako? Oo, Ingrid. Sobrang nagseselos ka nga e.

"Liar"

"Ok. Fine. Ano ngayon kung nagseselos ako?"

"Tinatanong mo sakin yan? Sure kang gusto mong sagutin 'ko yan?"

Napapailing naman nun si Yohan. Ok, alam 'kong pointless kung conversation na 'to. Pero I hate the fact na nabibisto ako sa mga bagay na ayaw 'ko namang sabihin.

"Dahil sa pagseselos mong 'yan, you lost Rose. Bestfriend mo siya since first year high school. And now, you're losing Fuchsia. Why? Kasi pinapasama mo siya palagi kay Rose. And now, you're completely losing yourself. Parang hindi na ikaw yung Ingrid na happy-go-lucky. Yung palaging nakangiti. Yung Ingrid na masaya"

Natahimik naman ako nun. Tama si Yohan and I hate the fact (again) na tama siya.

"Bakit kasi sobrang labo niyo ni Levi e? Dahil ba sa Cyrus na yun?"

"Ano bang sinasabi mo dyan? Hindi naman ako gusto ni Levi e"

"And sinong nagsabi na hindi ka gusto ni Levi? Sinabi niya ba sayo ng diretso?"

Kung iisipin 'ko, hindi naman niya talaga sinabi pero halata naman yun e! Diba?

"Hindi pero sinabi niya na si Rose yung gusto niya talaga"

"Sige, anong exact words?"


"Sabi niya `i hope so`"


Tumango naman nun si Yohan tapos nag-smirk pa siya. Aba, napapagaya na din 'to kay Levi ha.

"Pero hindi ibig sabihin nun gusto niya. Parang sinasabi niya dun na SANA magustuhan niya"

TSK. Si Yohan talaga e, obvious naman kasi na gusto talaga ni Levi si Rose. Hindi na lang ako nagsalia nun dahil pagdating sa mga debate, sure win na si Yohan dun no.

"Bahala na"

***

So yun, after dismissal nagpunta kami nun sa isang Flower Shop para tumingin ng mga Flowering Plants. Sari-sariling pili naman kami. 

"Kung maglagay kaya tayo dun ng Sampaguita? Para naman may essence ng Nationality natin"

"Sige. Ok din yun"

Ang ingay nga ni Fuchsia dun sa flower shop e. Pinagtatalunan pa kasi niya at nung partner niya kung anu-ano yung mga flowers na ilalagay. Mukhang naiirita na nga yung tindera e. Napatingin naman ako nun kay Levi at Rose. Nagtatawanan sila tapos naglagay pa nga si Rose ng isang gumamela flower sa tenga niya e. TSK. Ge, sila na cute. SILA NA BAGAY!

"Guys, punta kaya tayo sa Garden nung tita 'ko. Maraming flowering plants dun"

"Sige. Let's Go"

So ayun, sumakay pa kami ng jeep para makapunta kami nun sa garden nung tita ni Rose. Sobrang tahimik 'ko nga e. Nawala na naman ako sa mood.

Then after ilang minutes, bumaba din kami sa isang subdivision tapos naglakad lang ng kaunti. Ayus nga e, isang malaking lote puro plants lang. Sobrang ganda kasi may pond pa sa tabi tapos may duyan pa.

"Ingrid, ako na lang mamimili ng mga flowers. Ok? Mas trip 'ko 'to e"

"Sige. Kung yan ang trip mo e"

Ok lang naman sakin yun e. Medyo tinatamad din naman akong tumayo. Umupo ako sa may duyan nun at fineel 'ko lang sa mukha 'ko ang pagdampi ng malamig ng hangin.

Sa right side 'ko naman ay may napansin akong isang pink na gumamela flower. Kawawa nga e, wala kasi siyang kausap. Parang ako lang.

"Kawawa ka naman. Siguro malungkot ka no"

Tamang kausapin ang halaman no?! WAHAHAHA.

"Siguro may crush ka tapos nalaman mo rin na yung crush mo na yun e crush pala yung bestfriend mo. Sakit no? Tapos sobrang bagay nila pati pwede rin sila. Siguro nagseselos ka rin sa kanilang dalawa"

Napatingin ako nun kay Levi at Rose na ayun nga, busy sa pamimili ng mga flowering plants nila. Haaaayyy, buti pa sila masaya no?

"Lika nga dito"

Pumitas ako ng isang flower tapos nilagay 'ko din sa tenga 'ko katulad nung ginawa ni Rose kanina. Gamit yung cellphone 'ko, tiningnan 'ko dun yung reflection 'ko. Nag-try akong magkagat labi nun. Alam niyo na para pa-cute lang. Tapos nagpi-peace sign ako pero waepek. Hindi talaga ako napaliguan ni Lord ng cute vibes.

"Hindi bagay"

*CLICK!*


*FLASH!*













"Bagay naman e" nagawa pang picturan ako at bolahin ako kahit na hindi naman totoo.

No comments:

Post a Comment