Friday, July 22, 2011

Chapter 40

Sumunod ang mga araw na hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip ng kung anu-anong bagay katulad na lang ni Cyrus at ni Levi. Kasi naman si Cyrus eh, panggulo talaga e. Gusto 'ko siyang mawala sa buhay 'ko pero kapag nawala naman siya, feeling 'ko may kulang pa rin. Ang gulo 'ko talaga. Ever since nang sinabihan niya ako ng `i love you`, kung anu-ano na 'tong nararamdaman at naiisip 'ko. Siguro nabigla lang ako. First time 'ko kasi masabihan ng mga salitang 'yun eh. Kahit si Levi,hindi pa niya ako nun nasasabihan. Hindi ako masaya na sinabihan ako ni Cyrus. I-consider natin ang pakiramdam na 'to as not happiness, siguro flattered lang talaga ako. Pero Ugh. Ang gulo. Feeling 'ko ang saya 'ko rin nung narinig 'ko yung tatlong salita na 'yun.

Nagkahalo-halo na yung mga thoughts sa ulo 'ko at nakalimutan 'ko na ding banggitin na Tuesday na ngayon at kakadating lang ni Fuchsia sa bahay namin. Sinabi samin ni Cyrus na susunduin niya kami dito sa bahay. Sino kayang isasama niya? Si Levi kaya? Ano kayang nangyari sa kanilang dalawa ni Levi? Nagkabati kaya sila o tuluyan na silang nag-away? Sigurado ako na hindi isasama ni Cyrus si Levi dahil sa mga nangyari nung fieldtrip.

"Effort ang bihis mo, ate Ivette ha!"


Napansin 'ko rin naman kanina na bongga nga ang suot ni Ate Ivette. Ay sus, alam 'ko na kung kanino siya nagpapaganda!

"Halata ba?" nahihiyang pagkakasabi ni Ate Ivette.

Hihirit pa sana ako kaso may narinig na rin kaming isang busina ng isang kotse. Malamang, yun na nga yung sundo namin. Huminga ako ng sobrang lalim. Kinakabahan na din kasi ako e. Nagpaalam na kami kay mama at papa at nagsabi lang naman sila ng mga huling bilin nila at mga paulit-ulit na paalala. Well, ganyan talaga ang mga magulang.

Sabay-sabay kaming pumasok dun sa van. Bumaba nun si Cyrus mula sa front seat para buksan yung pintuan para samin.

"Hi Ingrid"

Ngumiti lang naman ako sa kanya. Biglang nanlamig yung katawan 'ko nang makita 'ko si Levi sa loob. Naka-ear phones siya at ang cool niyang tingnan. Saktong pagkatingin niya sakin, nakaramdam ako ng kakaibang feeling. Pakiramdam 'ko, kaming dalawa lang yung andun sa scene na yun. Pero nag-back to reality rin naman ako kasi feeling 'ko, medyo halata na din ako.

Sumilip ako sa bandang likod at nakita 'ko doon si Rose. Hay nako naman. Pero napangiti naman ako nang magpop-out mula sa isang set ng upuan ang mga ulo ni Yohan at ni Vyra. Kasama rin pala sila. Kumaway sila sakin at kumaway na din naman ako. as usual, nagirapan lang si Vyra at Fuchsia. Ganoon talaga ang hello nila sa isa't-isa.

"Levi, dun ka na sa unahan. Ako na dyan"

Nagulat naman ako dun. Supposedly, tatabi ako kay Levi kaso mabilis namang umalis si Levi sa kinauupuan niya. Nagkatinginan pa kami nun pero hindi namin magawa na mag-usap na parang normal lang. hindi 'ko rin alam e.

"Lika na"

Pumasok kami dun sa van. Si Fuchsia ay tumabi kay Vyra. Habang si Ate Ivette naman ay kay Rose. May pinagsamahan din sila pero awkward din si ate kay Rose. Alam naman kasi niya ang buong kwento. Ako naman ay katabi si Cyrus. Pumasok si Levi dun sa front seat, sumakto pa yung rear view mirror at kitang-kita 'ko yung mga mata niya. 

May driver nun na hindi 'ko naman kilala at nagsimula na rin naman ang byahe namin. Ilang minuto pa lang ang tumatagal at hinawakan bigla ni Cyrus yung kamay 'ko. Hindi 'ko nga alam kung ano yung gagawin at mararamdaman 'ko e.

"Cyrus?"

"Alam ko. Pero please? Tayo lang naman ang nakakakita e"

Pinabayaan 'ko rin naman. tumingin ako dun sa mirror at nakita 'ko na nakatingin saming dalawa si Levi. May halong selos at inis yung tingin niya. Nakakatakot. Gusto 'kong bitawan si Cyrus pero hindi 'ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Tumagal ulit ang byahe namin. Kailangan 'ko nang gumawa ng aksyon. Namamawis na din yung kamay 'ko at kawawa naman ang kamay ni Cyrus, ano?!

"Cyrus, inaantok na 'ko. Bitawan mo muna kamay 'ko. Matutulog na ako"

Bigla naman niya akong inakbayan nun tapos linagay niya yung ulo 'ko sa balikat niya. Ang warm at sobrang cozy. Masarap sandalan pero wait! Bakit ba ganito yung iniisip 'ko?!

"Sige, matulog ka na"

Hindi 'ko magawang ipikit yung mata 'ko pero nararamdaman 'ko ang paghaplos ni Cyrus ng mukha 'ko. Ang sarap sa pakiramdam pero hindi sapat e. Bumababaw na ata ang kaligayahan 'ko e.

Tumagal ulit ang byahe at tumigil din naman ito. Akala 'ko nandun na kami sa mismong tutuluyan namin pero hindi pa pala yun. Tumigil lang kami para enjoyin yung view. Sobrang ganda kasi ng dagat at ng Taal Volcano. Nakaka-uplift ng feelings.

Lumabas kami ng van nun at nakaalalay pa talaga sakin si Cyrus. hindi naman ako disabled pero grabe siyang mag-care ha! Ang OA na rin, ano?

Nagsimula naman na yung picturan nila Ate Ivette, Fuchsia, Yohan at ni Vyra. Si Rose naman ay nasa loob ng van at siya lang ang mag-isa na kumakain. Gusto 'ko na tuloy siyang kausapin pero nakakahiya lang e. Si Cyrus naman ay may binili lang na pagkain malapit sa tindahan. Sa wakas, a minute without him.

Napatingin ako sa bubong ng van at nakita 'ko na nakaupo si Levi dun habang pinipicturan niya yung scenery. Ang ganda nga ng camera niya. Kakapalan 'ko na talaga yung mukha 'ko. Triny 'ko namang umakyat dun sa bubong. Nag-iingat pa nga ako kasi naka-skirt ako nun. Baka makitaan pa talaga ako. Napatingin sakin ng diretso nun si Levi. Akala niya ba madaling umakyat?!

"Patulong"

Wala naman siyang extra comments. Hinawakan niya yung kamay 'ko tapos tinulungan niya akong umakyat sa bubong nung van hanggang makamit 'ko ang success!

"Grabe, ang bongga ng effort 'ko. Ang tahimik mo ah"

"At ang ingay mo"

Ngumiti lang naman ako nun. Sumusungit na naman siya which is a good thing! HAHAHA. Tumabi ako sa kanya at syempre, inalalayan 'ko yung skirt 'ko. medyo mahangin din kasi, baka mamaya makitaan ako! Mahirap na!

"Anong ginagawa mo?"

"Pinipicturan 'ko ang mga magagandang bagay na hindi 'ko makakalimutan"

Parang nalaliman ako sa mga sinabi niya pero wala na rin akong balak na hukayin pa ang mga ibig sabihin nun. tumingin ako sa kanya ng diretso at nakita 'kong inangat niya yung camera niya at tinapat niya sakin.


CLICK!

Hindi ako prepared!

"Katulad mo..."

Napatigil naman ako nun. Sa mga panahon na 'to, nararamdaman 'ko na may mutual feelings kami sa isa't-isa, sadyang wala lang kaming tyempo na maging kami. Paano ba magiging kami?

Magsasalita pa sana ako kaso biglang umepal si Cyrus.

"Uy, anong ginagawa niyo?"

Napatingin kami ng sabay kay Cyrus at nginitian na lang namin siya. Umakyat din siya sa bubong nung van at nagpapicture lang siya kay Levi na kasama ako.

Sa buong oras ng stop-over na yun, ang tanging nasa isip 'ko lang ay kung gaano ako tinamaan kay Levi na kahit na may mga taong nakapaligid samin, pakiramdam 'ko siya lang yung nandoon

No comments:

Post a Comment