Saturday, August 13, 2011

Chapter 51

Nag-celebrate kami ng new year ng sama-sama. Buti na lang at hindi na kami kinulit ni Fuchsia sa kung ano mang ginawa namin sa kwarto niya. Grabe. Naiisip ko pa lang ang nangyari kanina, kinikilabutan ako. Feeling ko masyado pa akong bata para gawin ang mga bagay na yun. Hindi na rin kami nagka-ilangan ni Levi. Sabay kaming nagsindi ng mga fireworks. Sobrang saya ko ng mga minutong yun. As in, wala nga talagang makakatalo kay Levi.

"Happy New Year" sabi niya sakin sabay akbay sakin ng sobrang higpit.

***

Isang araw ng pasukan na naman. Ilang buwan na lang ay gra-graduate na ako. Mamimiss ko na rin ang batch na 'to, ano? Ayun, nabitin naman ako sa vacation ko. Feeling ko kasi masyadong mabigat ang mga pangyayari. Ayoko munang banggitin sa iba yung tungkol sa hinayupak na fixed marriage na yun (pagdating ko ng early 20s) lalo na kay Levi. Iniiwasan ko talaga ang topic na marriage o kung ano mang related dun kapag magkausap kami ni Levi. Nagu-guilty kasi ako eh.

Unang pasok ko pa lang sa classroom ay nakita ko na agad si Levi. Mas masigla at masaya siya ngayon. Kumaway ako sa kanya at ngumiti naman siya pabalik. Sayang, lumipat pa kasi siya ng upuan eh. Napagpasyahan ko naman nang umupo sa sarili kong upuan. Sakto ang dating ko dahil sakto ding dumating ang adviser namin.

"Class, welcome back. Gusto ko naman ngayon sabihin sa inyo na in the next two weeks ay magkakaroon na kayo ng retreat kaya magdi-discuss lang ako tungkol sa activities, venue at fees" lahat ng estudyante ay napa "awww". Ang retreat kasi ay isangb senyales na malapit na nga talaga kaming grumaduate.

"Gra-graduate na tayo. Oh my gosh!" tumingin pa talaga sa likod niya si Fuchsia para lang masabi sakin yan.

"Oo nga eh. Good luck sa college life natin" bulong ko naman. Baka kasi mamaya marinig pa ng adviser namin na nagdadaldalan kami nitong si Fuchsia. Mahirap na, ano?!

"So syempre, sa tagaytay ang venue at gaganapin ito sa January... <hindi ko na naintindihan>" hindi na rin ako gaanong nakinig. May ibibigay naman kasi saming letter para basahin na lang ng magulang namin pero syempre, mas ok na rin siguro 'to. At least, hindi nakakapagklase samin yung adviser namin. Pamatay oras rin lang 'to eh.

"Miss! Miss!" isang lalaki ang atat na atat na matawag habang nakataas ang kamay. Grabe ha, akala mo may recitation. Pero asa namang magrecite 'tong classmate ko na 'to, eh expert ata 'to sa pagtulog sa klase.

"Any questions, Mr. Malig?" tumayo naman yung classmate ko at mukhang nahihiya pa siyang magsalita. Ay naku po, mukhang engot lang eh. WAHAHA.

"Miss, gusto ko lang pong magpaalam sa inyo na gusto ko pong maging prom date yung anak niyo" lahat kami ay automatic na naging wild. Nakakakilig kaya! Oo nga, malapit na nga ang prom. Si Levi agad ang tiningnan ko. Hoping na nakatingin rin siya sakin pero hindi pala. Busy rin kasi siya sa pang-aasar dun sa classmate ko.

"Aba, ako ba dapat ang tanungin mo tungkol dyan? Kung ang anak ko kaya ang tanungin mo" lahat kami ay napatingin sa isa ko pang babae na classmate at mukhang nahihiya rin siya.

"Eh, nakakahiya po eh" nagtawanan kaming lahat kabilang ang adviser namin.

"So, sa anak ko nahihiya ka? At sakin hindi?" lalo kaming nagtawanan. Iba talagang mambara 'tong adviser namin eh. Tumayo rin naman yung anak ng adviser namin. Sus, feel ko na talaga (1st quarter) pa lang na may possibility na maging sila eh!!

"Ano kasi... Ano ba? Lex, ok lang ba na maging prom date kita?" naging wild ulit kita. At halata namang kinikilig itong si Lex (anak ng adviser).

"Ok lang" sabi niya with matching kamote face. Lahat ulit kami nagtawanan with matching kilig hiyawan pa. Napatingin ulit ako kay Levi kaso hindi siya nakatingin sakin. Hmf!! Kainis.

Kelan kaya ako yayayain ni Levi sa prom? At paano niya kaya ako yayayain? Ganito rin kaya ka-sweet? Medyo nae-excite ako kasi unang beses 'ko 'tong mag-prom na siya ang posibleng kasama.

***

Lunch break na namin at hindi na matitinag ang buong barkada. Magkakasama kami nila Yohan, Vyra, Fuchsia, Rose at Levi sa iisang place sa canteen. Pinagtitinginan nga kaming lahat eh. Hindi naman kasi alam ng lahat na tight ang friendship bonds namin.

"Ayaw ko pang mag-retreat. For sure, hindi sapat ang dalawang araw sa lahat pa lang ng mga insecure sakin at naiingit sakin" the usual Vyra. Vain, maldita, masungit pero ok din naman.

"ay sus, masyadong nagmamaganda ang lokang 'to!" the usual Fuchsia. Gay at kontra kay Vyra pero vibes pa rin sila.

"Oh. Itigil niyo na 'yan" the usual Yohan. Mabait, kalmado, matalino at referee ng nagbabagang magkalaban (namely Vyra and Fuchsia).

"Ang kulit niyo. Medyo excited na ako sa retreat dahil sa activities kaso nakakalungkot kasi gra-graduate na tayo" the usual Rose. Taga palit ng topic, taga-isip ng topic, cute at nakakagigil.

"Oo nga eh" the usual Levi. Tipid ang salita, mukhang moody palagi, mukhang galit sa mundo, mukhang hindi unli ang pagsasalita niya at taga-basag ng topic.

"Mamimiss ko kayo. Promise! Enjoy natin 'to, ok?" the usual `me`. Ang dakilang observer at taga-repair ng nabasag na topic ni Levi.

***

Sabay kaming pumunta ni Levi sa classroom namin. Mukhang napagtripan nga ata kamin eh. Si Yohan at Vyra kasi biglang umalis tapos sina Fuchsia at Rose naman ay pumunta pa ng CR. Kaya ayun, kami ang partner ngayon ni Levi.

"Ang lapit na ng prom, ano?" kailangan kong i-open ang topic na 'to. Kaya mo 'to, Ingrid. Kasi naman eh. Atat na akong yayain niya ako.

"Ah. Oo nga eh" Tsssss. yun lang ba talaga ang pwede niyang sabihin?! Nakakainis talaga 'to eh! Sarap pasahan ng load yung bibig nito eh! Para naman hindi niya tipirin yung mga reply niya sakin.

"Uhm, gusto ko na ngang bumili ng damit eh" kahit hindi. Pero ok lang, kailangan manatili ang topic na 'to! Aja!

"Ganito kaaga? Bilis naman" ay sus! Hindi ito ang ine-expect ko na sagot niya! Kaini talaga 'to oh.

"Eh pake mo ba? Excited yung tao eh!" sabi ko naman sa kanya. Hay nako, lahat na lang ng sinabi ko ay kinontra eh!

"Ganun ba? Sige, bumili ka na" tssssssssss. Inirapan ko lang naman siya tapos linagpasan ko siya at mabilis akong pumasok sa classroom namin.

"Huy" hindi na ako lumingon sa kanya. Kasi naman eh! Nakakatampo!

Mabilis akong nakapasok sa classroom namin at buong araw ko siyang hindi pinansin. Magtiis siya hangga't hindi niya pa nage-gets ang intention ko. Hay naku talaga, bakit kasi siya pinanganak na slow at manhid?!! Siya na ang pinakamanhid na tao sa buong mundo!

***

Bilang parusa kay Levi, hindi ako magpapahatid sa kanya. Mabilis 'kong inayos yung mga gamit ko. Naloka pa nga ata sa kabilisan ko sina Fuchsia at Rose. Iniiwasan ko talaga si Levi ngayon para magtanda siya! Huhuhu, kawawa naman kasi ako eh. Mukhang hindi siya excited sa prom eh pag nagkataon, first prom namin 'to na magkasama.

Lumabas naman na ako ng building namin. Napapatingin naman ako sa likod 'ko. Just in case na sinusundan din pala ako ni Levi. Pero hmf! Hindi rin naman siya sumunod sakin. Malamang at nakikipagkwentuhan pa 'yun sa iba naming classmates. Si Levi talaga eh!

Bigla naman akong napatigil na namataan ko si Cyrus sa tapat ng gate namin. Gusto ko ngang umatras eh. Mas gusto ko pang magpunta muna kay Levi pero mukhang nakita na rin ako ni Cyrus. Wala na akong takas. Kailangan ko na lang siyang harapin.

Nung una ay mukhang nagaalinlangan pa siya kung lalapit siya sakin pero nagawa pa rin naman niyang pumunta sakin.

"Ingrid" hindi muna ako nagsalita. Ano naman kaya ang pinunta niya sakin dito? "Gusto ko lang na magusap tayo. Promise, hindi ako manggugulo"


"Huwag dito" mahirap na. Baka machismis na naman kami. Sabay kaming lumabas ng school at umupo muna kami sa waiting shed.

"Anong paguusapan natin?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang na mag-sorry sa lahat ng ginawa ko sayo. Hindi ko alam kung sobrang nasaktan ba kita in a way na nasasakal ka na sa mgba ginagawa 'ko. Basta, sorry" sincere siya at alam ko yun. "Na-realize ko ang mga naging kamalian ko. Sobrang gago at tigas ng ulo ko. Alam ko yun. At gusto kitang pasalamatan dahil natiis mo ang pangit na ugali ko na yun" speechless ako sa mga sinabi niya. Wala akong magawa kundi huminga ng malalim. "Pasensya kung nagkaroon pa ako ng eskandalo sa iba. Pasensya at nadamay ka pa sa kawalanghiyaan ko. Pero hindi na talaga ako manggugulo. Gusto ko lang sabihin sayo na pagka-graduate ko ay pupunta na ako ng Manila para doon magaral"


"Ganun ba?"


"Mamimiss kita. Yung tawa mo. Yung mga yakap mo. Yung kamay mo na masarap hawakan. Yung mga tingin mo. Mamimiss ko ang lahat ng yun. Mahal kita at hinding-hindi kita maloloko. Pero pasensya kung all this time ay nahihirapan ka na sakin" tumayo siya nun. Isang senyales na paalis na rin siya kaya tumayo na rin ako. "Pero ngayong magkakalayo na tayo, sana walang kalimutan. Dahil hindi ko magagawang kalimutan ka. Hahanapin kita kapag may mukha na akong ipapakita sayo. Kung magkikita man ulit tayo, sisiguraduhin ko na mapagmamalaki mo na rin ako" tumango na lang ako sa kanya as a sign na na-appreciate ko lahat ng mga ginawa niya para sakin.












"Salamat din. Hindi ko man nasabi sayo pero napasaya mo rin ako. Thanks. Good Luck" sabi ko naman sa kanya.

No comments:

Post a Comment