Friday, July 29, 2011

Chapter 42

Speechless ako sa lahat ng sinabi sakin ni Rose. Kumbaga, hindi ako nakapalag. Feeling 'ko sobrang natalo ako sa huling pangungusap na binitawan niya sa mismong harapan 'ko. Na-fill ng silence yung buong gabi namin. Mabilis niya akong linagpasan at bumalik siya sa may sala kung saan nanunuod ang mga kasama namin ng isang movie.

Ang bilis ng pagtibok ng puso 'ko at medyo lumalabas na din ang luha mula sa aking mga mata. Hindi 'ko alam kung ano ang dahilan ng pakiramdam 'ko ngayon. Ang laki ng pinagbago ni Rose at hindi 'ko akalain na magagawa niya 'to sakin. Sa totoo lang, wala na akong maintindihan.

Napaupo ako sa isang bench kasi medyo nanghihina na din ako dahil sa mga nangyari. Linapitan 'ko si Rose para makipagbati na sa kanya pero ano ang nangyari? Mas lalo lang lumala. Mas lalo lang kaming nagkalayo. Kasalanan 'ko pa ba 'to?

Ang lamig ng simoy ng hangin pero hangga't ganito pa ang itsura 'ko, ayaw 'ko munang pumasok sa loob. Pilit 'kong pinipigilan yung rush of emotions 'ko at na-realize 'ko na sobrang hirap nga naman talaga. Ano pa ba kasi ang hindi 'ko alam kay Levi? Nakakainis naman talaga.

Kiniskis 'ko yung dalawa 'kong kamay, hoping na magbibigay 'to sakin ng init sa katawan. Pero mukhang hindi naman effective. Kahit anong gawin 'ko sa friction, wala namang nangyayari. Maninigas na nga ata talaga ako dito sa labas e.

Napapikit naman ako nun. At nakaramdam ako ng isang warm na jacket na pumulupot sakin. Imagination 'ko lang ba 'to? Ugh. Tongaks ko talaga, syempre nasa realidad ako! Pero sino--

Binuksan 'ko ang mga mata 'ko at nakita 'ko na si Cyrus pala ang nagpatong ng jacket sakin. Mabilis naman akong ngumiti sa kanya at tumabi naman siya sakin.

"Gusto mo bang samahan na lang kita sa freezer kung ang balak mo naman ay magyelo dito sa labas?"


Medyo natawa naman ako nun. Sinuot 'ko nun yung jacket na binigay niya sakin. Medyo na-touch naman ako sa ginawa niya. Siguro nga si Cyrus ang nagpupuna ng mga bagay na gusto 'kong matanggap galing kay.... Levi

"Bakit ka ba andito sa labas? Ayaw mo bang manuod?"

"Wala lang. Gusto 'ko lang... magpalamig..."

Wala talaga ako sa mood na magpalusot e.

"Nagkausap ba kayo ni Rose?"
Hindi naman ako nakasagot sa kanya. Siguro nakita niya rin si Rose na galing dito sa terrace. Hay nako naman...

"Alam mo... ok lang na si Levi pa rin ang gusto mo... alam ko naman e... pero wag mong kakalimutan na mahal rin kita... at wala si Levi ngayon sa tabi mo... ako ang nasa tabi mo ngayon"

Hinawakan niya ang kamay 'ko pero pinigilan 'ko ang sarili na humiwalay sa kanya. Half of me was enjoying it.

"at hindi talaga kita iiwan"

"Ano ka ba..."

Yun na lang yung nasabi 'ko sa kanya. Nalalandian naman na ako dun sa sarili 'ko. May posible kaya na nahuhulog na din ang loob ko kay Cyrus o sadyang nakukulangan lang ako kay Levi at sa kanya ako nasosobrahan? Ang hirap naman mag-classify ng feelings oh!

Inakbayan naman ako nun ni Cyrus at sinandal 'ko yung ulo 'ko sa shoulders niya. Honestly, nagugustuhan 'ko yung mga pangyayari. Badtrip. Ang flirt mo, Ingrid! Grrrr! Naramdaman 'ko naman na may dumikit sa ulo 'ko pero hindi 'ko naman alam kung ano yun. Pero hula 'ko, hinalikan niya ako nun. Hindi nga lang halata.

"Shocks! Levi, ok ka lang ba?!"

Sabay kaming napatayo ni Cyrus nun. Mabilis akong humiwalay kay Cyrus at pumasok ako dun sa loob. Kakadating lang pala ni Levi sa bahay at mukhang sobrang hina na niya. Inalalayan siya ni Yohan nun at ni Cyrus at sa itsura niya pa lang, mukhang wala na siyang lakas pa para makapagsalita.

Sobrang kinakabahan naman ako nun. Gusto 'kong lumapit din kay Levi kaso mas naunahan naman ako ni Rose na makalapit sa kanya.

"Wait. Paupuin niyo muna siya sa sofa!"

Sumunod naman si Yohan at si Cyrus na mukhang tarantang-taranta naman. Kinuha ni Rose yung inhaler ni Levi mula sa bulsa ng maong pants na suot nito. Yung tipong, alam niya talaga kung saan kukunin yung inhaler.

"Hey, use this. Go..."

Dinikit ni Levi yung bibig niya dun sa inhaler and then he took huge breaths. Tila sa inhaler na yun nakasalalay yung buhay niya. Parang tumigil yung mundo namin sa sandaling yun dahil sa sobrang kaba. Then fortunately, umayos naman na ang paghinga niya at nakaupo din siya ng maayos sa sofa. Pero kahit na ganoon, mukha pa rin siyang nanghihina.

"Uminom ka na ng gamot. Kukunin 'ko. Asan ba?"

Hindi sumagot nun si Levi at dahil dun, bigla 'kong naalala na sinabi ng mommy niya na sa bag niya linagay yung gamot. Dahil feeling 'ko nagiging wala na akong kwenta, umakyat ako sa kwarto ni Levi at mabilis na binuksan yung bag niya.

Gamot... gamot... gamot...

Asan ka na ba? Vitamins lang ba talaga yun?

Binuksan 'ko ang isang maliit na pocket at nakita 'ko ang isang bottle na may nakasulat na `Ventolin`. Teka lang... hindi naman 'to vitamins ah. Kinabahan ako nun pero mabilis na rin akong bumaba at nagulat ako kasi mukhang pinapagalitan ni Rose si Levi.

"Ano ka ba! Bakit ka ba ganyan?! Kami dito nag-aalala sayo pero wala kang ginagawa para sa sarili mo!"

Hawak 'ko nun yung gamot ni Levi at nagtinginan sakin lahat sila.

"Ito yung gamot ni Levi"

Tumingin rin sakin si Levi ng diretso. Alam 'ko na pang-asthma 'tong gamot na 'to. Sobrang malala na ba talaga yun? Lumapit naman ako kay Levi nun at inabot sa kanya yung bottle. Kinuha niya naman ito at tinabi niya lamang dun sa center table.

"Ayaw kong uminom"

Mukhang naiinis na si Rose dahil sa matigas na ulo ni Levi.

"Uminom ka na..."

Yun lang yung sinabi 'ko pero parang nagbago yung expression ng mukha ni Levi. Inirapan ako ni Levi at tumayo naman siya kahit na mukhang nahihirapan siya. Kinuha niya yung gamot niya at mabilis siyang sumiretso sa kitchen.

"Mukhang napasunod mo ah" bulong naman sakin ni Yohan.

***

Nagpatuloy naman ang lahat sa panunuod ng movie pagkatapos ng kaguluhan namin dahil kay Levi. Mukhang ok naman na siya at nakikinuod na rin siya. Buti naman at nakikita 'ko siyang ok lang. Dahil sa pagtingin 'ko sa kanya, hindi 'ko na namalayan na tapos na pala naming panuorin yung movie.

"Huy 12:01 A.M na oh"
"Oo nga no! HAPPY BIRTHDAY CYRUS!"

Unang bumati si ate Ivette nun kay Cyrus at niyakap niya ito. Medyo nagulat si Cyrus pero hinayaan niya na lang naman. Binati rin siya nila Rose, Fuchsia, Yohan at ni Vyra.

"Tol, happy birthday"

Halata na sobrang close ni Levi at ni Cyrus nun kasi mukhang may secret handshake pa talaga silang nalalaman. Nung natapos na yung handshake nila, ako naman yung bumati sa kanya.

"Cyrus, happy birthday"

Lumapit ako sa kanya at niyakap 'ko rin naman siya. Hihiwalay na sana ako kaso na-realize 'ko na hawak niya pala yung likod 'ko kaya nanatili akong nakayakap sa kanya. Akala 'ko sobrang tagal na nun pero sandali pa lang pala. Unti-unti rin naman siyang humiwalay sakin pero hinawakan niya yung kamay 'ko para umupo lamang ako sa tabi niya.

"Alam niyo naman kung ano talaga yung gusto 'ko para sa birthday 'ko, diba?"

Nakita 'kong umirap nun si ate Ivette

"Yun ay maging kami lang ni Ingrid, masaya na ako"

Tumingin siya ng diretso sakin na may halong ngiti. Wala naman akong masabi sa kanya. Ano ba 'tong nararamdaman 'ko? Hindi 'ko siya mahal pero parang gusto 'ko siyang sagutin. Speechless na naman ako sa kanya at lalong lumipad yung isip 'ko nang halikan niya ako mismo sa cheeks 'ko.

"I love you. Meeting you was the best thing that ever happened to me"

Lalo akong na-speechless. Nalahian ng pagiging sweet at makata talaga 'tong lalaking 'to e. May linabas naman siya sa bulsa niya.

Isang singsing

...na sobrang familiar...

Nanlaki yung mata ko. Yan yung ring na pinili 'ko nung nagkita kami ni Levi sa isang store. Imbis na mapatingin ako kay Cyrus, bumalin ang tingin 'ko kay Levi...

Kaya pala tinanong niya ako kung ano ang gusto 'ko... Nagpapabili pa lang pala sa kanya si Cyrus... Grabe... Yun pala yun!

Nagulat naman ako ng isuot ni Cyrus yung singsing sa daliri 'ko.

"Please, can you be mine?"

Halatang nakikinig samin ang lahat pwera kay Levi na busy sa kakatingin sa kitchen. Hindi 'ko alam kung may something ba na importante dun o inaalis niya lang ang isip niya sa mga nangyayari ngayon. Huminga ako ng malalim at sinagot 'ko ang tanong niya...













"Yes..."

No comments:

Post a Comment