Saturday, June 25, 2011

Chapter 34

Napakahirap ng mga sumunod na araw. Lumilipad ang isip 'ko at feeling 'ko naprapraning na rin ako samga pangyayari. Pasasalamat 'ko na lang kay Cyrus at nandito lang siya para sakin. Ngayon 'ko lang na-appreciate ang paghatid-sundo niya sakin. Ngayon 'ko lang na-appreciate ang pagte-text niya sakin tuwing umaga.

From: Cyrus
good morning sunshine =)


Sa umagang 'to, na-realize 'ko na may iba pang tao na pwedeng magpangiti sakin. Sayang at wala akong load kasi may balak pa naman akong makipag-text sa kanya buong araw.

Mabilis naman ang panahon. Bukas na rin kasi ang field trip namin. Wala naman talaga akong balak na pumunta sa field trip na 'yun e. Sadyang pinilit lang talaga ako ni Ate Ivette. Ewan 'ko nga kung bakit e. Wala naman ako sa mood na magsaya.

Wala kaming ginawa ngayong araw. Busy kasi ang mga teachers namin na gawin ang ibang mga preparations para dun sa field trip namin. Sinabi na rin samin na sa Shoe Museum, Rizal Park, Eco Park ang destinations namin at magkakaroon rin kami ng Studio tour sa ABS-CBN. Hindi naman ako masyado excited. Nagpapaka-bitter talaga ako, ano?

***

Sobrang lamig at feel na feel 'ko ang excitement ng iba 'kong mga classmates. Magkatabi kami ni Fuchsia sa bus at walang tigil lang naman kaming nagtawanan at nagkwentuhan. Improving nga ako e. Nakikiride na rin ako sa buhay 'ko kahit na ang buhay 'ko ay hindi nakikiride sakin.

Magkatabi nun si Rose at si Levi. Tagos talaga e. Nabutas ulit 'tong puso 'ko. Hindi pa nga naghihilom ang sugat, susugatan pa ulit nila. Gusto 'kong sabihin na `Tama na`.

Meron kaming tour guide na bakla nun. Tawa kami ng tawa kasi medyo kamukha ni Fuchsia. Sayang e. Yung tipong mga gwapo pa ang mga bumigay. WAHAHAHA.

"Ohmigash. Magkaparehas talaga kami ng beauty, ano?"

"Meron ka ba nun?!"

Isang hampas ang sinukli naman niya sakin. Well, ganyan talaga ang mga bestfriends. Hindi mawawala ang hampas at kung anu-ano pang chechebureche. Nakikipagusap ako dun sa ibang classmates 'ko at nakikipagtawanan sa kanila. Siguro by this way, hindi 'ko na maiisip ang kalandian ng dalawang yun.

Napalingon ako kay Rose na nakatitig lang naman sakin. Nginitian 'ko siya nun at nagpatuloy ako sa pang-aasar kay Fuchsia na hindi naman talaga siya maganda. Mistulang nagkaroon ng party sa loob ng bus pero nawala rin yun nang pinababa na kami para sa next destination namin.

Tunay nga na nag-merge ngayon ang St.Claire at St.John. Nakita 'ko kasi si Ate Ivette na kasama ang mga friends niya at pati na rin si Cyrus na automatic naman na lumapit sakin.

"Ingrid, pwede bang sumama ka muna sakin ngayon?"

"Kasama 'ko kasi si Fu--"

"Hindi! Ok lang ako. Andun lang naman si Yohan at si Vyra e. Sumama ka muna sa kanya"

Nag-ngitian muna kami ni Fuchsia. Parang bumaligtad nga ang mundo e. Sa tingin 'ko, mas boto na sila ngayon kay Cyrus kesa kay Levi. Iniwan kami ni Fuchsia nun. Natawa pa nga ako kasi biglang namula si Cyrus. Ang cute lang eh! WAHAHA.

"Hala, parang kamatis ka na dyan ah!"

"Ha? Ano? Asus. Dun nga tayo"

Hinawakan niya yung kamay 'ko tapos hinila niya ako sa mga shoes. Grabe nga e, yung iba sobrang mahal. Tapos ang maganda pa doon ay merong isang pair of shoes na sobrang laki. Nakaka-amaze nga e.

"Size mo ata yung shoes na yan e"

Hinampas 'ko naman siya nun. Hindi naman malaki ang paa 'ko no?!!

"Loko talaga 'to oh"

Nagtawanan kami at nagkwentuhan. It turns out na masaya naman talaga siyang kasama e. Parang yung first time lang na nagkausap kami. Feeling 'ko nagiging bata ako kapag siya ang kasama 'ko.

Napalingon ako kay Levi at Rose. Tama, magkasama nga sila. Pero sa amin nakatingin si Levi. Ang hirap ipaliwanag ng mga titig na 'yun. Hindi 'ko maintindihan kung malungkot ba siya o gusto niya lang talagang pagmasdan kami.

"Punta tayo dun!"

Hindi na ako nakapagsalita at hinila ulit ako ni Cyrus.

***

Next na destination namin ay ang pumunta sa Rizal Park. Pagkababa namin dun sa park ay kasama 'ko pa rin si Fuchsia. Lumapit na rin kami kay Yohan at Vyra para sama-sama na rin kaming maglakad-lakad. Pero teka, ehem. Magkasama si Yohan at Vyra! ABA, mukhang gumagawa na ng mga `Da moves` si Yohan kay Vyra ha!

"Nakakaloka! Sobrang haba nito, ano?!! Mababaliw na ako?! Nakakapagod?!"

"Hoy bakla! Hindi pa nga tayo nangangalahati, nagrereklamo ka na! Aish! Get a life, please?!"

Kung akala niyo nag-aaway talaga sila, sad to say, it's a no. Ganyan nga silang magmahalan. Mas close nga si Vyra at si Fuchsia e. Nakakatawa lang lalo na kapag nagtatalo na sila.

"Magpicture-picture na nga lang tayo!"

"Dalian niyo!! Aba, baka magalit sa inyo si Jose Rizal kung ganyan pa kayo kabagal mag-pose"

Official photographer namin si Yohan nun. Sobrang saya nga e. Nagkaroon kami ng wacky shots, jump shots at kung anu-ano pang shots. Parang kaming naka-shot! WAHAHA.

Dahil medyo pagod na rin kami, umupo muna kami sa isang bench at nagpatuloy lang sa pakikipagkwentuhan. Doon na rin kami kumain ng lunch namin.

"Hay nako Ingrid. Hayaan mo na yung dalawang 'yun, ok? Just be happy. Andito lang naman kami para sayo"

"Oo nga. TSK. Hindi 'ko talaga akalain na magiging sila ni Rose. I mean. This is not part of the plan! All this time, ang alam 'ko tinutulungan ka niya pero tinutulungan niya lang pala ang sarili niya"

"Sus. Ayoko nang maging affected"

"Tama 'yan. Hindi mo rin naman alam kung masaya ba talaga sila sa isa't-isa e"

Saktong dumaan nun si Levi at si Rose. As usual, hindi sakin lumingon si Rose. Siya talaga ang unang naiwas, ano? Pero si Levi naman yung tipo na hindi mapakali ang tingin kasi kahit anong mangyari, susulyap at susulyap pa rin siya sakin.

***

Next Destination namin ang Eco Park. Sobrang ganda nga doon e. As in. Yung nature sobrang natural. Malamang, nature nga e! WAHAHA.

Kasama 'ko lang naman si Fuchsia nun gawa nang nagde-date na ata si Vyra at si Yohan?! Sayang, may plano pa naman akong ihulog si Yohan doon sa pool?! Gusto ngang mag-swimming ng mga classmates 'ko pero bawal daw at wala daw sa agenda yun. Kainis, ano?!

Kumain kami ni Fuchsia ng snacks nun at syempre, hindi mawawala ang chismisan naming dalawa. Maya-maya naman ay dumating na si Vyra at si Yohan, mukhang tapos ng mag-date e! 

"Mag-biking tayo. Tara, libre 'ko"

"Ohmigosh! Ang bait talaga ni papa Yohan e!"

"Hoy bakla! Back off, please?!"

Tawa lang naman ako ng tawa nun. Alam 'ko naman na inaasar lang ni Fuchsia si Vyra e. Pumunta kami dun sa bike rentals at syempre, nag-bike na rin. Ang mahal nga e. 70 pesos ang isang bike para sa isang hour lang!! Kamusta naman ang bulsa ni Yohan, no?!!

Nag-racing silang tatlo nun. Kaya naman medyo naiwanan lang ako doon. Ayoko namang makipagunahan sa kanila e. Ang ganda doon kasi ang daming puno. Parang nasa ibang bansa nga ako e!

"Oi"

Napalingon ako sa likod 'ko nun. Naka-bike rin si Levi. Hinanap 'ko naman kung andun si Rose pero buti na lang at wala siya.

"Hm?"

Umiling naman siya tapos bumaba siya dun sa bike niya at lumapit siya sakin. Hindi 'ko nga alam kung anung balak niya e. Pero nagulat na lang ako sa mga sumunod pangyayari.

Bigla niya akong niyakap.

Hindi ako makagalaw at tumigil na ata sa pag-processed 'tong utak 'ko.

"Five seconds lang"

"5...4...3"

"5...4...3"













"5...4...3" Hindi 'ko alam kung kelan matatapos ang five seconds na 'to pero sana hindi na nga matapos 'to.

No comments:

Post a Comment