Friday, June 3, 2011

Chapter 22

"Grabe! Isang interschool event na naman!"


Maraming nagbago sa St.Claire. Mukhang mas lumawak yung grounds nila. Hay nako, siguro gusto lang nila na talbugan kaming mga taga-St.John. So yun, kasama 'ko pa naman nun si Rose at si Fuchsia na nag-aayos para dun sa Blind Dating Booth. Mukhang marami na nga yung nae-excite sa pagbubukas ng booth namin e.

"Sige. Ingrid, alis na kami ni Fuchsia. Ire-review lang kami ni Miss"

"Sige. Good luck"

Forever alone na naman ako nun. So yun, tumulong lang ako sa pagse-setup nung booth namin. Medyo kinakabahan nga ako e. Kasi baka mamaya makita ako dito ni Cyrus. Natatakot na din ako sa presensiya niya.

"Yo Ingrid!"

Medyo nakakahalata na ako sa Yohan na 'to ah. Lapit ng lapit sakin. WAHAHA. Mukhang may kailangan!

"Hi Yohan"

Nakita 'ko naman nun si Levi na biglang napatingin saming dalawa. Napatitig pa nga siya sakin e. Medyo kinabahan ako sa tingin niya kasi hindi mo malaman kung galit siya o nalulungkot. Mahirap talaga siyang intindihin.

"Wow. Nice. Blind Dating Booth."

"Dalhin mo dito yung crush mo. Hindi niya malalaman kasi nakapiring naman siya e"

"Talaga?"

Aba, mukhang may planong dalhin si Vyra dito ah! Tumawa naman siya nun.

"Sige. Mamaya, mag-ready ka na. Dadalhin kita dyan"

Nagulat naman ako dun. Ano daw? Ako daw? HAAA--?

Hindi naman ako kaagad nakapagsalita nun basta kumaway siya sakin then umalis na rin siya sa harapan 'ko. Hindi naman ako kinilig or whatever. Sadyang nagulat lang talaga. Pero erase erase. Asa naman yun. Si Yohan pa. Syempre, joke lang yun.

***

Pormal na din na binuksan yung mismong event. Nagkaroon muna ng program. Tapos inannounce lang yung schedule ng mga events. Hindi naman ako makakapanuod ng mga quiz bees kasi nga magiging busy ako dun sa Dating Booth. Sayang nga e. One Day na lang ngayon yung event pero ok pa rin. Hanggang 12 midnight naman ng gabi. May party kasi hanggang mamayang midnight e. Astig no?

"Pakisulat na lang po sa form yung gusto niyong maka-date pati yung kind of date na gusto niyo. Meron tayong Executive, Sweet, Romantic, Cute at Grand Slam."

Kina-career 'ko naman na nun yung trabaho 'ko. Ang dami ngang lalaki na nakapila sa tatlong cashiers sa booth namin e. Yung iba mga babae na gustong maka-date yung mga sikat. May isa ngang taga-St.Claire na gustong maka-date si Yohan eh! WAHAHAHA.

Magla-lunch break na sana ako nun kaso biglang may humawak ng kamay 'ko nun ng sobrang higpit. TEKAAAA, wag niyong sabihin na--

"Huy, ano--"

Potek. Ano 'to? Biglang may nagpiring sakin nun. May kumikidnap sakin! WAAAAA.

Pero teka, sa Blind Dating Booth nga pala 'to no. TSK! Si Yohan ba 'to?! So tinotoo niya talaga yung sinabi niya sakin kanina?!

Then yun, dinala nila ako somewhere. Hindi 'ko alam kung saan pero malamang dun sa room na inayos nila. Ano ba yan?! Hindi pa ako nakain eh. Kawawa naman ako. Huhuhu.

So yun, pinaupo nila ako.

"Ok. Miss, enjoy your Grand Slam Date"

Napalunok naman ako nun then narinig 'ko na biglang sumarado yung pintuan. Kung sino man yung lalaking 'to, naku po! Feeling 'ko si Yohan 'to e. Tatanggalin 'ko na sana yung piring 'ko kaso biglang nagsalita yung ka-date 'ko.

"Bawal mong tanggalin. Diba?"

Nagulat naman ako nun. Familiar yung boses pero hindi 'ko maisip kung sino.

"Yohan? Ikaw ba 'yan?"

Narinig 'ko naman siyang tumawa nun. GRRRR. Yohan talaga?!

"Yohan ha! Ang kulit mo talaga!"

"May sinabi ba ako na ako si Yohan? Wala naman diba?"

Napahiya naman ako nun. Oo nga. Sabi 'ko nga na wala kang sinasabi. Sino ba kasi 'to?!

"Sino ka ba?"

Hindi naman niya ako sinagot nun. So wala talaga siyang balak magpakilala sakin ha! TSK. Tatanungin 'ko na lang sa mga classmates 'ko kung sino 'to! Kaso--

OO NGA PALA! Confidential lahat ng files na yun. Kawawa talaga ako.

"So dinedeadma mo ako ha?"

"Magaling ka ba sa Math?"

Nagulat naman ako dun kaya hindi ako nakapagsalita.

"Subtract 357 from 500"

UGHH. So papahirapan pa talaga ako ha. So yun, maigi 'ko namang pinagisipan yung sagot. TSK. Kasi naman e, hatest subject 'ko kaya ang Math! So ayun, medyo piniga 'ko rin yung utak 'ko at nakuha 'ko rin yung sagot.

"143"

Ang tagal niya bagong magsalita nun.

"I love you too Ingrid Alitagtag"

Nagulat talaga ako dun. Sino ba talaga 'to?!

"Sino ka ba?"

Si Yohan ba talaga 'to? Pero impusible? Pero paano kung si Cyrus 'to? WAAAA. Ilabas niyo ako dito kung andito si Cyrus.

Hindi 'ko na rin napigilan yung sarili 'ko kaya bigla 'kong tinanggal yung piring sa mata 'ko. Kaso nadismaya ako kasi wala akong nakita. Asan yung ka-date 'ko? Ang bilis naman niyang nawala...

***

Back to work naman ulit ako nun. Ang hirap pa ring kalimutan yung taong yun. Sino ba yun ha?! Mamatay na ata ako sa sobrang kakaisip e. Pagkatapos niya akong pahirapan na mag-subtract, bigla siyang mawawala?!

"Sino ba kasi yun?"

Kanina pa ako tanong ng tanong sa classmates 'ko pero ayaw naman nila akong sagutin. Nakakainis lang e. Bakit kasi confidential pa lahat ng files diba? Nakakainis lang e.

So yun, bumilis din yung oras. Inannounce yung mga nanalo sa quiz bees at sa kung anu-ano pang games. As usual, panalo na naman sa buong Interschool event ang St.Claire. Magaling kasi talaga sila e. Hay nako. Kawawa na naman ang faculty namin. Pero ok lang. Nanalo naman ang klase namin sa Most Favorite Booth. Ayos na yun para sakin.

Then, inopen na din yung Last Minute party namin nung bandang 9 pm na. Nagkaroon muna ng mga speech yung mga may-ari ng school and pinakain din naman kami. Eto ang gusto 'ko e, palaging may pagkain.

"Grabe. Sayang talaga. Panalo na sana kami e! Sayang"

"Kaya nga e! Ugh. Pero ok lang. Enjoy naman"

Kwento lang naman ng kwento yung dalawa tungkol dun sa Quiz bees. Pero ayaw 'ko na ding ikwento sa kanila yung nangyari kanina. Hanggang ngayon, bothered pa din ako! Sino kaya yun no?

"Ok. So this is the last request for our booth"

As usual, yung dedication booth yung pinakahuling magsasarado kasi inuulan sila ng mga requests. Buti nga ngayon na yung last e.

"So this is for a girl from St.John International School. Section B. 4th year high school. Ms.Ingrid Alitagtag"

Nagulat kaming tatlo nun. Hindi kaya kung sino man yung nag-dedicate niyan ay yung lalaki na naka-date 'ko kanina?

"And sinabi niya sa note na... Listen to this guys... `Mahal kita. Hindi 'ko lang masabi sayo. Kasi siguro pangarap lang kita`"

Nagbulungan nun yung mga tao. DA WHO ang taong 'to?

"Sino siya?"

Grabe kinakabahan ako nun. Then, biglang nag-play yung song na "Pangarap Lang kita" ng Parokya ni Edgar.

Mabuti pa sa lotto... 
May pag-asang manalo... 
Di tulad sayo... impossible... 
Prinsesa ka... ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita... wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta... 
Pangrap lang kita...

"But wait! There's more! Merong note sa likod!"

Napatigil ako nun and pinakinggan 'ko yung sasabihin nung emcee.













"Hindi mo ako makikilala. Kaya wag ka ng magtanong" Sino ka ba talaga?

No comments:

Post a Comment