Thursday, June 2, 2011

Chapter 18

Lumipas ang ilang days at minamamdali 'ko na rin kasi wala namang nangyayari e. Nag-check lang kami ng mga test papers and nagsimula ulit ng mga topics. Eto naman ako na lumilipad pa rin ang isip. Pinakamagulong tao talaga sa buong lupalop si Levi. As in. Hindi mo alam kung dapat mo siyang pagkatiwalaan. Feeling 'ko kasi meron siya palaging pinagtatakpan. Katulad na lang nag pagsasabi niya sakin na bakla nga siya.

"Class, next week ay magce-celebrate na tayo ng Buwan ng Wika. So merong tagisan ng talino? By partner 'to. Sinong gustong mag-volunteer? Mr.Valarao and Ms.Nepomuceno, dahil nasa top kayo ng class, do you want to represent our class?"


Haaaay. Isa pa 'tong buwan ng wika. Mapag-iiwanan na naman ako ng mga kaibigan 'ko. Bakit kasi hanggang top 11 lang ang nakukuha 'ko e.

"No problem miss! Wala kaming reklamo dun"

Tumingin naman sakin si miss nun na parang may balak sakin. Naku po. Palagi pa naman akong napagtri-tripan netong adviser namin. Then, binalin niya yung tingin niya kay Levi. Uh oh. Ano namang bagong pautot yan?

"Mr.Rextor and Ms.Alitagatag."

Susko po. Pagtri-tripan na naman ako neto.

"Dahil new student si Mr.Rextor, sasamahan siya ni Ms.Alitagatag sa trabahong 'to. Kayong dalawa ang in-charge para sa preparations ng play natin. Ok? Ibibigay 'ko sa inyo ang script sa isang part ng El Filibusterismo. Tandaan niyo, grade niyo sa Filipino ang nakasalalay dito. Ok lang ba yun?"

"Sakin ok lang. Ewan 'ko lang sa kanya"

Hmf! Tama bang sabihin yun? Nagbulungan tuloy yung mga classmates 'ko. Kesyo nagkaroon daw kami ng LQ o ano? Nakakairita lang e. Hindi naman ako nagsalita nun.

"Kung ano man ang problema niyong dalawa, better na ayusin niyo yan kaagad. it's for your section. Hindi lang para sa inyo"

Nakakainis. Pati adviser namin nakikisali na din ha. Binigay niya sakin yung script then nag-discuss siya tungkol sa iba pang events ng celebration sa klase.

***

"Good luck na lang sayo bakla. Here he comes"

Mabilis kaming natapos na mag-lunch nun kaya umakyat kami sa classroom nun. Hindi 'ko naman alam na kanina pa pala ako hinahanap ni Levi para makipag-discuss siya sakin tungkol dun sa play.

"Maiwan niyo muna kami"

Umalis din naman kaagad si Rose at si Fuchsia. Ang tinutukoy niya palang `kami` ay kaming dalawa. Then, sinarado ni Rose yung door.

"Ganyan ka na lang ba araw-araw? Ano bang plano mo?"

Tumingin ako sa kanya ng diretso tapos inirapan 'ko siya. Inis na inis lang ako sa kanya. What a gay user!

"Hindi naman 'yan ang pag-uusapan natin diba?"

"Sinabi ni miss na ayusin muna natin yung problema natin. Ano ba ang problema satin?"

Lumapit siya sakin tapos umupo siya sa upuan ni Rose sa unahan 'ko then tumitig siya ng sobrang lalim sa mga mata 'ko. Bumibilis pa rin ang pagtibok ng puso 'ko kahit na inis na inis na ako sa kanya.

"Wala akong problema. Ikaw ang may problema"

"Bakit? Dahil hindi kita gusto at gusto mo ako"

Nakakainis. Pinamukha pa talaga niya sakin.

"Pasensya ha. Kasi nga bakla ako diba?"

Napasigh naman ako nun.

"Nagdududa kasi ako sayo e. Hindi 'ko alam kung may isang bagay na pwede 'kong paniwalaan sayo."

Umayos naman ng upo nun si Levi tapos tumayo siya at umupo dun sa dati niyang upuan. Habang tinititigan 'ko yung mga kilos niya, wala akong makitang kabaklaan sa kanya. Ewan 'ko ba. I still see him as a guy.

"Bakla ako. Wag ka na sakin. Kay Cyrus ka na lang"

Nagulat naman ako dun sa sinabi niya.

"Hindi 'ko magugustuhan si Cyrus"

Bakit niya kailangang ipilit si Cyrus para sakin? Hay nako.

"Kailangan mo siyang gustuhin"

"At kelan mo pa ako naging utusan?"

Napa-iling naman siya nun. A sign na parang ayaw niya na akong kausap. Bakit kasi nagkaguston pa ako sa kanya e?! Pag nakikita 'ko siya, andun pa rin yung heartache.

"Wala ka naman kasing alam e"

Tama, wala naman siyang alam sa nararamdaman 'ko e.

"Ikaw ang walang alam"

Nagulat ako dun sa sinabi niya then mabilis siyang tumayo. At padabog siyang lumabas ng classroom. Ako pa talaga ang walang alam?! Nakakainis talaga siya! Ano ba kasi ang mga bagay na dapat 'kong malaman? Ako ba ang may kasalanan sa mga nangyayari?

***

As usual, wala akong pinagsabihan. Gusto 'ko munang dibdibin ang lahat. Lumipas ulit ang ibang days. Puspusan naman ang pagpra-practice para sa play at sobra ding mag-aral nun si Fuchsia at si Rose. 

"Hoy Simon, ayusin mo naman! Ikaw Maria Clara, wag ka masyadong magalaw.Ulitin ang part na 'to!"

Kina-career 'ko naman ang pagiging director 'ko nun pero nasulyap pa rin ako kay Levi na nakikipagusap sa mga Props Men. Hindi na kami nag-uusap pagkatapos nung nangyari kamakailan. Kumbaga, nagkailangan na ulit.

"Pagod na kami! Break muna?"

Hindi ako nakasagot kaagad nun kasi nakatitig lang ako kay Levi nun. Naging animo back-to-reality ang lahat ng biglang tumingin sakin si Levi.

"S-sige. Break muna"

Tumayo muna ako nun tapos lumabas ako ng classroom namin. Napayuko ako nun. Hay nako, Levi!

Tumingin ako sa right side 'ko and nakita 'ko si Vyra na sumisilip sa isang bintana dun sa kabilang door ng classroom namin. Mukhang na-realize niya na nakatingin ako sa kanya.

"And what are you looking at?"

Napakagat lang ako ng labi 'ko nun. Wala lang talaga ako sa mood nun. Siguro problema niya rin nun si Levi.

"Yung nangyari nga pala nung exams. It's not what you think. He doesn't like me."

Nanlaki naman yung mata nun ni Vyra. Siguro nga mahal niya talaga si Levi.

"Fine. Grab a lunch with me. Let's talk"

Medyo nagulat ako dun kasi nga isang sikat ang nagyaya sakin. Kaya nga hindi ako kaagad nakapaglakad at medyo natulala pa ako.

"Hey you. Follow me. Now"

Ugh. Nakakahiya naman ako oh. Sumunod naman ako sa kanya nun. Kami lang yung tao sa canteen. Mukhang busy kasi ata yung mga tao sa pagpre-prepare e. Binigay kasi yung buong araw for the General Rehearsal para bukas, ready na talaga ang lahat. Um-order nun si Vyra at linibre pa nga niya ako e then umupo kami dun sa table ng mga sikat. First time 'ko ngang umupo dito e.

"Now, ano nga ba yung sinasabi mo kanina?"

Nahihiya pa akong kumaen nun pero bigla niyang nilapit yung plate sakin then I started eating.

"Hindi talaga ako gusto ni Levi. And I don't think na may gusto siya na iba"

Napatango naman siya nun.

"Talaga? May nasasabi ba siya tungkol sakin?"

Umiling naman ako. Feeling 'ko rinig na rinig yung boses namin sa buong cafeteria. Sobrang tahimik kasi e.

"Really? So hindi mo alam na ex 'ko siya?"

Hindi 'ko alam kung makakasagot pa ako pero umiling na lang ako. Tama ang hinala 'ko. Mag-ex nga sila.

"And do you know how, when or why did we broke up?"

Umiling na lang ako. Parang pinapamukha niya sakin nun na marami akong hindi nalalaman. Pinapamukha niya sakin na wala akong alam. Wala akong alam.

"Then, let me tell you"

Napatitig ako sa kanya nun.

"1 year na sana kami nung June 8 which is the first day of school. Pero alam mo kung anung ginawa niya sakin nung umaga? Nakipag-break siya sakin"

Bawat word ay in-absorb 'ko talaga. Kaya pala mukhang bad mood si Levi nung first day at kung bakit sobrang maka-react nun si Vyra. Dahil pala, from the start may problema na silang dalawa.

"It was a very bad start for me. Dahil mahal na mahal 'ko siya. And alam mo ba na nanligaw lang siya sakin dahil sinabi lang ng pinsan niya. Si Cyrus. You know him, right?"

Napatango naman ako nun. Halos lahat ata ng taga-St.John ay inaakala na manliligaw 'ko na talaga si Cyrus.

"Si Cyrus na makasarili. Si Cyrus na never inisip ang feelings ng pinsan niya. Si Cyrus na akala mo mabait pero pinaparusahan niya lang si Levi. Siya yung Cyrus na 'yun"

Ang hirap ma-gets nung mga sinabi niya. What's wrong with Cyrus diba?

"W-wala 'kong maintindihan"

"Dahil wala ka pang alam"

Napasigh ako nun. Hindi 'ko na talaga maintindihan yung mga nangyayari. Paanong pinaparusahan ni Cyrus si Levi? At kung totoo 'yun, bakit napayag si Levi?

"The truth is. Iba talaga ang mahal ni Levi kaso--"

Napatigil siya nun.













"Kelan ka pa nagkaroon ng karapatang magkwento ng buhay 'ko tungkol sa iba?" Andun pala siya.

No comments:

Post a Comment