Thursday, June 2, 2011

Chapter 20

"Ang taray! Sinabi mo talaga yun?!"


As usual, dumaan na naman ang isang araw at tuloy pa rin ang chismisan namin tuwing Lunch Break. Kwinento 'ko naman sa kanya yung mga sinabi 'ko kay Levi. Feeling 'ko nga naging makapal na ang mukha 'ko kay Levi pero sa ngayon, 'to na lang ang naiisip 'ko para mas lalo 'ko siyang makilala. Ewan 'ko ba. Kahit na sabihin niya na bakla siya, parang ang hirap paniwalaan.

"Oo, kaya tulungan niyo ako. Ok?"

"Sure Ingrid! Hindi rin naman ako naniniwala na bakla yung Levi na 'yan e! For sure, may reason yan. Ano nga lang yun diba?"

Napasigh kami ng sabay-sabay nun. Kung hindi siya bakla, bakit niya pa sinabi yun? Isang sign na ba yun na ayaw niya talaga sakin?

"Tsaka kung kalahi 'ko talaga siya, mararamdaman 'ko yun no!"

Tama si Fuchsia dun. Napatingin naman ako nun kay Levi na as usual, ay nasa table ng mga sikat. Then, binalin 'ko yung tingin 'ko kay Yohan na katabi lang niya. Natawa ako nun kasi nakatingin din pala sakin si Yohan tapos tinuturo niya si Levi. Hay nako, pang-asar lang e!

"Ano yun? Bakit mo ako tinuturo?"

Rinig na rinig 'ko naman yung serious na boses ni Levi tapos bigla siyang napatingin sakin. Mabilis naman akong nag-focus nun sa pagkain 'ko.

"Teka Ingrid, may plano ka na ba?"

Nag-thumbs up ako nun kay Rose.

"Meron na!"

***

So ayun, lumipas ang ilang days. Minsan lang kami mag-usap ni Levi pero alam 'kong nagpapa-miss lang 'yan! WAHAHAHA. Puro lessons lang naman kasi kami e. Alangang ikwento 'ko pa yun dito no? Minsan nadalaw si Cyrus pero madalas naman ay tinataguan 'ko na lang siya. Ugh. Ayaw 'ko na kasi ng vibes niya magmula nang magkwento si Vyra sakin.

First day na ng September ngayon. Nahihintay nga hanggang ngayon si Fuchsia at si Rose sa kung ano mang plano 'ko but I think this is the day!

Minark 'ko nun sa Calendar 'ko ang start ng aking mga plano. September 1 ngayon. 70 days 'kong ipapatupad ang plano na 'to. Kung bakit 70 days, e dahil trip 'ko lang. WAHAHAHA. Mage-end ang pagpapatupad ng plano sa November 10. Ayos. Wala naman akong gagawin kundi magpapansin at hulihin ang nakatagong pagkalalaki ni Levi. WAHAHAHA.

At para sa aking first day, pumasok ako sa classroom namin ng may ngite sa aking magandang fesluk na binagayan 'ko pa ng isang pink na clip sa buhok 'ko. Ang cute 'ko nga e. WAHAHAHA. Nagtinginan sakin kaagad yung mga classmates 'ko.

"Mukhang blooming ka ngayon ah"

Ngumiti lang naman ako dun sa classmate 'ko na yun. Nagpaka-blooming talaga ako no!

Hawak 'ko naman nun ang isang box of chocolates. Sa totoo lang, curly tops lang yun. Binalutan 'ko lang ng violet and pink na Japanese Paper. Tapos syempre may ribbon pa yun na girly talaga. At kung kanino ko 'to ibibigay... Kanino pa ba?! WAHAHA.

Lumapit ako nun sa Arm Chair ni Levi tapos linagay 'ko dun yung box of chocolates na may kasama pang note.


WAHAHAHAHA. Ewan 'ko lang kung anong gawin mo Levi!

"Wow. Ang sweet naman! Akala namin tuloy pa rin yung LQ niyo!"

"Huli na kayo sa balita."

"Bakit? Kayo na?"

Ngumiti lang naman ako nun. Wala akong sinabi na oo! WAHAHA. Then, bumalik na ako dun sa upuan 'ko

"So yun pala ang plano mo. Ang landiin ng bonggang-bongga si Levi?"

Tumawa lang naman ako nun. Hindi 'ko naman siya nilalandi e. Nagpapakita lang talaga ako ng motibo sa kanya tulad ng ginagawa niya sakin noon.

"Kailangan nating tingnan ng maigi yung facial expression niya. Ok? Here he comes"

So yun, tama nga si Rose. Andun na siya pintuan ng classroom namin at lahat ng classmates 'ko ay nakatingin sa kanya na parang ready na silang mang-asar.

"Levi, ang sweet nung isa dyan oh! Tingnan mo yung desk mo"

Ako agad yung tiningnan ni Levi. Ayyy, ganon? So ako agad pinagbintangan pero nginitian 'ko lang naman siya. Lumapit siya dun sa desk niya then kinuha niya yung chocolates.

Tumigin ulit siya sakin tapos nag-smirk siya sakin then umupo na siya habang nakatitig lang dun sa box of chocolates.

"See that? Iba yung ngiti niya!"

"Yun yung ngiti na parang sinasabi niya na `Chocolates from you? I like it`. Ganon yung ngiti na yun e!"

It's not really kasi ngiti e. It's more of na yung left side lang ng lips niya ang ngumiti. But ok na din yun. At least diba?

Nakatingin lang naman ako sa kanya habang binubuksan niya yung box. Nagulat nga ako kasi crinumple niya lang yung pambalot e. Kung jokla ka, sana tinago mo na lang diba? Ginawa 'kong pink at violet yun para girly na girly e! Nakita 'ko na ngumiti ulit siya ng makita niya na Curly Tops yung laman. But that was a smile. Isang buong smile na talaga yun. Huli ka talaga!

"That was a full smile!"

Kumain siya ng isang curly top nun. Bakit ganun? Kahit pagkaen niya naglalabas pa rin siya ng vibes na sobrang hot at gwapo niya. WAHAHAHA.

"Levi, penge naman ako niyan!"

Sabi naman ng isa 'ko pang classmate. Hmf! Sabi 'ko wag niyang ibigay e!

"Asa"

Kung bakla ka, dapat binigyan mo siya. Una, kasi wala ka naman dapat pakielam sa nararamdaman 'ko e. At pangalawa, lalaki yung nanghingi sa kanya! Panahong magnilande ngayon!

"He is definitely not gay."

Napatango naman ako nun. Sa upo at kilos niya pa lang, wala kong makita na gay-ish. Tumingin ulit siya sakin tapos napa-iling na lang siya. Asus, if I know kinikilig na rin yan. WAHAHA.

***

So yun, dumating din yung adviser namin at nagturo na naman. I-fast forward na natin sa Lunch break kasi ang purpose ng kwentong 'to ay sabihin sa inyo ang 70 days OPLAN 'ko.

As usual, chismax ulit ang habol namin and nakaupo lang naman dun si Levi sa table ng mga sikat. Kanina 'ko pa nga napapansin na kanina pa nagtitinginan sakin yung mga sikat. Lalo naman si Vyra na may pahabol pang irap.

"Kanina pa sila nagtitinginan ah. Naintriga siguro dun sa chocolates mo"

Napatango naman ako nun.

"Look. Wala man lang binibigyan si Levi nung chocolates. Anong ibig sabihin nun?"

"Walang meaning yun. Sadyang masunurin lang siya"

Nagtawanan lang kami tapos yun tuloy lang sa kwentuhan.

***

Dumating din ang favorite subject 'ko na inaabangan ng lahat. Ang dismissal! Yey! So yun, pumunta ako sa locker room kasi I heard na kakapunta lang dun ni Levi. K. Fine, ako na malandi. WAHAHA.

And tama naman yung mga classmates 'ko kasi andun nga siya at nag-aayos siya ng gamit niya. Mukhang na-sense niya yung presence 'ko kasi bigla siyang tumingin sakin then he smiled at me. Pero as usual, yung left side lang ang nag-smile. 

"Iba ang ngiti mo ngayon ha"

Then, lumapit naman ako sa kanya. Ine-emphasize 'ko naman yung clip 'ko kasi minsan lang ako mag-clip no!

"Ang cute ng clip 'ko no? Gusto mo?"

Napatingin naman siya sakin nun.

"Hindi."

Hmf! Ang sungit naman neto! Aalis na sana siya ng locker room kaso hinarangan 'ko siya. Alam niyo namang forte 'ko 'to, walang makakalusot sakin!

"Hindi mo ba ako ihahatid?"

"Aayusin 'ko muna gamit 'ko. Tabi"

Pasensya, hindi ako masunurin e. Tumingin naman ako sa kanya ng diretso. Hay nako. Gay ka ba talaga?

"Nagustuhan mo ba yung chocolates?"

Mukhang nahiya pa siyang sumagot nun kasi tumango lang siya. AYYY, ANG CUTE! Ngumiti lang naman ako nun tapos nagpakawala ng cute vibes.

"Bakit ka nagpapa-cute? Hindi ako sanay"

"Bakit? Natatakot ka na mas cute na ako sayo?"

Emotionless pa rin yung mukha niya nun.

"Hindi"

Hinawakan niya nun yung ulo 'ko. Nagtaasan nga lahat ng buhok 'ko sa katawan e. Tapos bumilis yung pagtibok ng puso 'ko. The next thing I knew, tinanggal niya yung clip sa buhok 'ko then kinuha niya yung right hand 'ko tapos linagay niya sa ibabaw ng palad 'ko.

"Sadyang mas gusto 'ko na simple ka lang"

Parang tumigil nun yung mundo 'ko. And hindi ako nakapagsalita. Ang hirap kalimutan yung mga sinabi niya sakin. Feeling 'ko mababaliw na ako at sasabog na 'tong puso 'ko. Hindi ako nun makagalaw at hindi ako makasagot sa kanya. Pero ayaw 'kong magpatalo. Andyan pa din kasi siya para bigyan ako ng motibo. Akala 'ko ba ako na ang taga-bigay ng motibo kaso bakit ngayon, siya pa din yung nagbibigay?! Ang daya naman ng buhay oh.

Linagpasan niya naman ako nun. Badtrip, nakalusot siya sakin at nawala pa ako sa sarili 'ko. Hindi naman niya talaga ako iniwan nun. Tumigil lang siya malapit sa door nung locker room.













"Lika na. Ihahatid na kita" motibo. Anak ng motibo. Nakakaimbyerna.

No comments:

Post a Comment